webnovel

Siya na nga ba?

*** Aubrey ***

Nagulat talaga ako ng mapagsino ko  ang salarin na naging dahilan ng pagkabasa ng uniform ko.Grrr..first day of school, ganitong kamalasan pa ang inabot ko.Gutom na ako at kailangan ko pa tuloy maglakad pauwi para makapagpalit.

At kamalas-malasan pa, itong nilalang na ito pa ang mae-encounter ko.Buset! Hanggang dito ba naman.

" You?!" gulat kong sabi.

" Sorry, Aubrey, nagmamadali kasi ako baka ma-late ako sa susunod na class ko.Pasensya na talaga." hinging paumanhin ng hudyo.

" Eh ano pa nga ba ang magagawa ko kung mukhang basang sisiw na ako dito.Tsaka, may I remind you, hindi ito field para dito ka tumakbo, cafeteria to, masikip dahil maraming kumakain.Now go, baka ma-late ka pa at ako pa sisihin mo." naaasar na sabi ko.

Dali- dali na syang lumayas palayo na hindi man lang lumilingon.Huh! The nerve of that guy.Hanggang dito ba naman magkikita kami.Bless you Vaughn Gomez, bless you!

So far, natapos naman ang lahat ng klase namin ngayong araw.I'm so tired and exhausted.Umuwi pa kasi ako ng bahay pagkatapos ng lunch para magpalit ng uniform.Kaya heto Pagoda cold wave lotion ang beauty ko.Anyway, wala na akong magagawa dun tapos na yun.Isama na lang sa listahan ko ng mga unforgettable experience ko.

Naisip ko si Vaughn, I didn't know na sa kaparehong University sya mag-aaral, hindi ko rin alam na nag-exam sya nun.Sinusundan ba nya ako?Maybe.. Assuming naman yata akong masyado.

" Aubrey, kakain na!" tawag ni tita Rain sa akin.

Bumaba na ako at medyo nahiya naman ako dahil ako na lang pala ang hinihintay nila.

" Anong ginawa mo sa taas bat ngayon ka lang bumaba?" tanong ni Angel.

" Wala lang hindi ko napansin na bumaba na pala kayo." sabi ko.

" Paano mong mapapansin eh ang lalim ng iniisip mo kanina.Niyaya kaya kita kanina." sabi naman ni Gwen.

" Siguro naisip nya yung unexpected appearance ni Vaughn kanina." asar pa ni Cheska.

" Hindi kaya.Napagod lang ako kanina noh." tanggi ko.

" Hay nako! Kayo hindi ko kayo hinihigpitan dahil mga dalaga naman na kayo.Pero alalahanin nyo kung ano ang purpose bakit kayo nandito.Mag-aral!.. Kumain na tayo at ng makapag-aral na kayo ng mga lessons nyo." pangaral ni Tita Rain.

Natapos ang hapunan at nagligpit na kami ng pinagkainan.Umakyat na kaming lahat ng matapos.

Nakahiga na ako at naisip ko ang kwarto ko sa probinsya.Na-miss ko ang kama ko pati na rin ang lahat ng gamit ko sa kwarto.Na-miss ko si tatay at nanay, I'm sure malungkot ngayon dun dahil walang maingay.Ako lang naman ang nagpapaingay sa buong bahay.Duh! Wala namang iba noh, only child ka kaya.Oo nga naman, bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid tuloy itong tatlong hitad na mga kaibigan ko ang pinagtyatyagaan ko.

Pero in fairness, masaya akong kasama sila.Sila na yung naging kapatid ko for years.

Anong oras na ba? Bakit hindi pa yata ako makatulog?

Humarap ako kay Gwen at tinignan kung gising pa sya.Hayun, nagte-text pa sya.

" Gwen, anong oras na ba?" tanong ko.

" 8:30 pm pa lang, bakit?" sagot nya.

" Paalam tayo kay tita, bili tayo ng Chippy or Boy Bawang."pagyaya ko.

" Sige, tara tayo na lang dalawa bilhan na lang natin sila." pagpayag nya.

Nagpaalam kami kay tita Rain at pumayag naman sya dahil maaga pa naman.

Lumabas na kami at naglakad papunta sa mini stop sa may kanto.Ito lang ang maganda sa tinutuluyan naming apartment, malapit sa lahat.

Bumili kami ng snacks at juice.Kasya lang na pampalipas oras.

Nang maglakad na kami pauwi ay may nakita kaming nagtitinda ng balot, bumili saglit si Gwen.

Habang hinihintay ko sya, napalingon ako sa kabilang kanto.May nakita akong pamilyar na bulto.Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko, medyo pamilyar nga.Madilim dun sa lugar na kinatatayuan nya pero hindi ako pwedeng magkamali.

Lumakad ako ng konti para makita ng malinaw pero nung medyo malapit na ako ay may dumaang jeep at sumakay sya.

Binalikan ko si Gwen at nagtataka sya nung makita nya akong parang nag-iisip ng malalim.

" Hoy girl, baka malunod kana sa lalim ng iniisip mo.Anong meron dun at ganyan ka ng bumalik?" tanong nya.

" Gwen, parang siya talaga yun eh.Siya nga yung nakita ko dun sa kabilang kanto." wala sa sariling sagot ko.

Naguguluhang nakatingin lang sa akin si Gwen.

" Sinong sya?"tanong nya.

" Siya! Yung guy in my dreams."