webnovel

College Life

Aubrey's Point of View

" What! You mean matagal mo ng napapanaginipan yung guy na yon?" gulat na tanong ng kaibigan kong si Gwen.

" Oo, more than a year na nga eh!" sagot ko.

" Eh bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?" tanong naman ni Angel.

" Kilala mo ba yung guy na yun?" tanong din ni Cheska.

" Wait lang, pwede isa-isa lang?" naaasar kong sabi.

Dito kami ngayon sa tambayan namin, as usual kwentuhan na may halong kulitan.Ganyan kaming apat simula pa nung mga bata kami, konti na nga lang magkakapalit-palit na kami ng mukha sa sobrang close namin.

Nagugulat sila ngayon sa sinasabi ko sa kanila kasi ngayon ko lang na-kwento sa kanila yung guy in my dreams.More than one year na nga naman simula nung mapanaginipan ko yung lalaking yon eh ngayon ko lang sinabi sa kanila.

I heaved a sigh...it's about time na sabihin ko na sa kanila yung panaginip ko baka may maitulong naman sila kahit paano.

" Alam nyo, hindi ko kinukwento sa inyo kasi baka sabihin nyo imbento ko lang yun pero mahigit isang taon ko na syang nakikita sa panaginip ko at hindi ko sya kilala.Basta gwapo sya, mapungay ang mata, maganda ang ilong at labi..pero sa dreams na yon, pare-pareho ang eksena at hindi sya nagsasalita.Naisip ko nga baka pipi sya eh.Pero sino nga kaya sya at ano naman kaya ang magiging kaugnayan nya sa akin?" mahabang sabi ko.

" Alam mo girl baka sya na yung soul mate mo." sabi ni Gwen.

" Oo nga malay mo sya pala yung magiging first boyps mo di ba? dagdag pa ni Cheska.

" Hay naku! Hindi ko nga alam kung taga saan yun eh." sabi ko uli.

" Alam mo girl, kung para kayo sa isat-isa kahit taga ibang planet pa sya eh magkikita pa rin kayo.Wait ka lang baka isang araw makita mo na yang man in your dreams." mahabang paliwanag ni Angel.

" Halimbawang totoo nga yang mga haka-haka nyo, baka naman pag nagkita na kami eh kulubot na ako o kaya naman committed na sya sa iba.At ang masaklap dun, pag nakita ko na sya eh baka hindi naman nya ako mapansin." himutok ko.

" Hay naku! Wag mo na nga munang isipin yan ngayon saka mo na isipin ang mga gagawin mo pag nakita mo na sya.Just cross the bridge when you get there." sabi pa ni Gwen.

" Uy, nose bleed!" natatawang sabi ni Angel.

" Hahaha.anong bridge ka dyan eh wala naman tayong tulay dito?" biro ni Cheska.

" Ewan! Mga baliw talaga kayo.Tara na nga mag-gala na lang tayo at sulitin na natin ang bakasyon habang mainit-init pa." aya ko sa kanila.

" Ok.taralets mga pangets hehehe.!

sabay-sabay pa kaming nagtawanan.

Sinulit naming apat ang bakasyon ng sama-sama.Kung saan-saan kami nakakarating.Swimming, mga fiesta, malling at kung ano-ano pang mga activities na ginagawa ng mga teen- agers na katulad namin.Gusto naming i-enjoy ang mga natitirang araw ng bakasyon dahil kapag nag-umpisa na ang klase namin sa college siguradong itutuon namin ang buong atensyon namin sa pag-aaral.May mga pangarap kami at ang pagsisikap sa pag-aaral ang stepping stone para matupad namin ang mga pangarap namin.

Nakapag-enroll na kaming apat.Pinayagan kami ng mga magulang namin na magsama-sama sa isang apartment sa Maynila kasama ang tita ni Angel, si Tita Rain.Walking distance lang ang apartment sa University na papasukan namin para daw hindi na kami mag commute.At isa pa, para na rin sa kaligtasan namin kung malapit lang ang inuuwian namin sa school.

Two days before ng school opening lumuwas na kami kasama si tita Rain para maiayos na namin ang mga gamit namin sa apartment.

Medyo malaki ang apartment na titirhan namin, 3 bedrooms ito at may CR pa sa itaas.Share kami ni Gwen sa isang room, si Cheska at Angel sa kabila at solo si Tita Rain dun sa isa.Napag-usapan na namin ang kanya-kanyang toka sa gawaing bahay at uuwi kami ng probinsya kung weekends.

Maaga kaming nagising ng first day of school dahil kukuha pa kami ng schedule ng class.Tourism ang kurso naming tatlo at si Cheska lang ang tanging Education ang degree program.

As expected, blockmates kami nila Gwen at Angel pero may ilang subjects din na kaklase namin si Cheska.

Pagkatapos naming pumasok sa ilang subjects na ang tanging ginawa lang naman ay "introduce yourself" (which I really hate most) we proceed to the cafeteria for lunch.

Sobrang dami na ng students ng makarating kami sa caf., kahit gaano kaluwag ito ay tila naging masikip sa dami ng tao na sabay-sabay kumain sa araw na ito.Siguro pag regular na ang pasok ay mababawasan na ito dahil hindi naman pare-pareho ng schedule ang mga students.At may mga fast foods din naman sa labas ng University.

Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay swerte namang may grupo ng mga students na tapos ng kumain at tumayo na kaya kami na ang sumunod.

Paupo na sana ako dala ang tray ko ng pagkain ng may bumunggo sa likuran ko dahilan para tumapon ang tubig ko na nasa may harapan ko.

Shemay! Mukha akong basang sisiw nito at ang masaklap kitang-kita ang brasierre ko na kulay black pa man din kaya mas lalong halata.

Nilingon ko kung sino ang tampalasan na naging dahilan ng pagkabasa ng wala sa oras ng uniform kong suot.Tatarayan ko ng walang humpay kung sino man ito.

Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang tampalasan.

" You?!"

Next chapter