Patuloy lang ako sa paglayo at hindi ko alintana kung sino man yung tumatawag sa akin.Ayokong makita ninuman ang pagluha ko.
Nagulat na lang ako ng may humila sa akin bago ako makarating ng CR.Huminto ako ng hindi lumilingon.
" Huy ano ba, bakit bigla ka na lang nagmadaling umalis? Iniwan mo pa ako pati na rin yung pagkain mo."
Ano nga ba ang sasabihin ko?
" Ah eh, sige na Vaughn bumalik ka na dun, sobrang sakit kasi ng tiyan ko, oo grabe na at naje-jebs na nga ako kaya ako nagmamadali." sana lang umepek sa kanya.
" Ah ganon ba, sige dalian mo na baka dito ka pa magkalat.hehe."
haay salamat at naniwala naman sya.
Tuloy-tuloy na ako sa CR at ng makapasok ako sa isa sa mga cubicle dun ay tahimik akong umiyak hanggang sa kusa na lang akong huminto.
Bakit ka nga ba umiiyak Aubrey?
Bakit nga ba?
Masakit kasi ang umasa.
Oo simula nung magkakilala kami ni Icko ay umasa ako na magkakaroon ng katuparan yung mga panaginip ko.
Umasa ako na sya na nga yung nakatakda para sa akin.Baka nga nung araw pa lang na malaman ko na nag-eexist pala sya ay umasa na agad ako na sya na nga ang the one ko.
Pero gumuho na ang lahat ng pag-asa ko na yon.Sabi na nga ba, sa weather lang may pag-asa.Kaya ano ka ngayon Aubrey? Hopia ng taon.Don't cry for me Argentina ka pa.
Umayos ka ha! Maganda ka. Pang-beauty queen ka nga eh at matalino.Hindi kawalan yang Icko na yan.Huwag mong ipakitang Luz Valdes ka.Deadmahin mo sya pag nakita mo. Hindi yung lagi ka na lang natutulala pag nakakaharap mo sya.Hayaan mong siya ang matulala sayo pag nakita ka nya.
Tama! Tama lahat ng sinasabi ng munting boses na bumubulong sa akin.Kaya from now on humanda ka sa akin Inigo Christopher Hidalgo Fernando...wheew ang haba ah.
Babangon ako at dudurugin kita...weh hindi pala....at aagawin kita.hehe.yun oh!
Lumabas na ako ng cubicle ng matiyak kong ok na ok na ako.Naghilamos ako at inayos ko ang sarili ko.
Oh di ba? Ganda mo neng, hindi na halatang umiyak ka ng isang tabo.
Lumabas na ako ng CR at laking gulat ko ng madatnan ko si Vaughn na naghihintay kasama ang talipandas na si Icko.
Kalma Aubrey.Pigilan mo ang puso mo sa pagwawala.Yung mga paru-paro sa tyan mo na nagra-rally, i-ceasefire mo na muna.Hindi ka apektado sa presensya ng gwapong damuho na yan.Inhale-exhale.
" Akala ko na flush ka na sa toilet.Sumama nga itong si Icko kasi akala nya napaano kana.Sabi ko masakit ang tiyan mo at naje-jebs ka lang."si Vaughn na kakamot- kamot pa.
Putek! Ano raw? Grabe hindi pa ako nakakabangon, major turn off na.
Ngumiti lang ako.Grabe sana wag mahalata na ngiting awkward yun.
" Ok na ako, salamat." o di ba pang famas acting ko.
" Good! Sige hatid kana namin sa room mo Aubrey." sabi ni Icko.
Ano raw? Ihahatid? Oh shete naman, umaayon ba ang tadhana sa sinabi ko kanina na humanda itong kumag na to? Ok fine! Let the battle begins.
" O sige Icko pero baka ma late kayo sa class nyo." arte ko yata ah.
" Hindi maaga pa naman malapit lang naman ang department nyo sa building namin." sabi nya.
O siya ang nag-insist ha? Pero hindi ako hopia, wala lang to.
" Ok sige.Thanks anyway." pabebe ka pa Aubrey.
Pagdating sa tapat ng room namin marami akong naririnig na nagbubulungan.Wala pang prof kaya malaya silang gawin yon.
" Oh my God! Is that Icko baby?"
" Why he's here kaya? looking for me?"
" He's really super duper hot!"
" Oh marry me Icko!"
O sige lang magbulungan kayo dyan.Maglaway pa kayo hanggang gusto nyo.Pero talo ko kayo, naka one point ako ng hindi sinasadya.
" O sige dito na lang, salamat sa inyo." paalam ko sa dalawa.
" Sige next time na lang ulit." sabi ni Vaughn.
" Sige nice meeting you again Aubrey...in real." makahulugang sabi ni Icko at kumaway pa.
Naiwan akong nag-iisip sa sinabi nya.
Hayan na naman sya sa in-real nya na yan.
Ah ewan! Basta from now on babangon ako at aagawin ko sya pero less hopia na ha.
Pagpasok ko ng room, ang daming nagtatanong kung bakit kasama ko si Icko, kung ano ko raw ba si Icko at kung ano-ano pa.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila.Hah!bahala silang mag conclude.Wala bang karapatan ang isang dyosang katulad ko na ihatid ng campus heartthrob na si Icko?
Pero pagdating ko sa upuan ko ay hindi ako nakaligtas sa dalawang kaibigan ko.
" Hoy babae! Ano yon ha? Nagpunta lang kami sa library naka-dagit kana ng gwapo, at take note dalawa pa." asar ni Gwen.
" Oo nga, at hindi lang basta gwapo, si mr.dreamboy pa yung isa.Haba ng hair mo ateng, itali mo nga naaapakan ko na oh." segunda ni Angel.
" Girls naniniwala ba kayo dun sa salitang be careful what you wish for it might come true.Yun yon!" makahulugang sabi ko.
" Ang gulo mo ha? Sige mamaya ka sa amin sa bahay hindi ka namin tatantanan." sabi ni Gwen.
" Oo na Mike Enriquez." natatawang sagot ko.
Pagdating ko sa bahay ay hindi nga ako tinantanan ng mga bruha kong kaibigan.Sinabi ko ang lahat mula dun sa nangyari sa canteen hanggang sa paghatid nila Icko sa akin sa room.
" Uy bongga ka ateng, kapalit ng pag-iyak mo ng isang tabo eh isang drum na kilig naman ang kapalit.San ka pa." sabi ni Cheska.
" Ano, itutuloy mo ba yung operation maglaway ka ngayon sa akin.Kailangan mo ba ng resbak ha? Sabihin mo lang at andito lang kami." sabi naman ni Angel.
" Hindi na, steady lang kayo dyan kaya ko na yon." sagot ko.
" Pero girl siguraduhin mo lang na sure win ka dyan at hindi ka uuwing luhaan ha?" paalala ni Gwen.
" Ok lang ako..andyan naman kayo kung sakali man di ba? sabi ko.
" Ok girl we got your back!" chorus nilang sabi.
Haay sana nga mag win ako dito ng hindi masasaktan.Ayoko ng umasa,mahirap yon.
This time sisiguraduhin kong magiging totoo at matutuloy na yung panaginip ko.Mas mabuti na yung lumaban ako kahit mag-isa, matalo man atleast lumaban ako kesa naman matalo ako ng hindi man lang lumalaban.Gets nyo? Naguluhan ba kayo? Ako man eh naguluhan din..chos!