webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
463 Chs

Kabanata 417

Kinaumagahan,

Maagang nagising si Kevin para mag jogging at di nya inaasahan na gaya nya ganoon din ang mga kuya nya.

"Oh? Mag jo-jogging ka rin?" Sabi ni Kim na nag sisintas ng sapatos nya.

Habang nainom naman ng tubig si Keith at si Kian naman ay nag lalagay ng wrist watch.

"Um. Hindi ako nakatulog. Kayo ba? Sa pakiwari ku'y hindi ren."

"Yeah." Reaction nila.

"Bilisan nyo na sa labas nalang tayo mag usap-usap baka magising pa ang iba." Sabi ni Kianz

"Oo." Anila.

At habang nag jo-jogging nga ang Dela Cruz brothers napag usapan nila si Kelly.

"Sa ngayon, obserbahan na muna natin si Kelly. Ano sa tingin mo kuya?" Sambit ni Kim.

"Oo ganun na nga lang. Hindi natin pwedeng pangunahan ang mga bagay-bagay." Sagot naman ni Kian.

"Pero kilala nyo si Kellang hindi yan titigil sa kakatanong nya." Sabi naman ni Keith.

"Oo, masyadong curious ang taong yon. Kevin..." Sambit ni Kim.

"Ano yon tol?"

"Ano bang sinabi ni Ma?"

"Ah, eh... Sabi ko nga sa inyo kagabi out na si Mommy nung naka balik ako sa room nila Kelly. Tapos nabanggit nya lang sakin na may tumawag nga na isang lalaki na "mom" kay mommy kaya itong si Kelly eh nagulat. Kung makikita nyo lang ang reaction nga mga tol para syang nakakita ng kung anong na aksidente."

"Tsk! Tinawagan mo na ba si Mom kuya?" Tanong ni Kim kay Kian.

"Hindi pa baka mamaya pero nag chat ako sa kaniya."

"Ano na ng gagawin natin mga kuy's? Paano pag nalaman ni Kelly na may ibang pamilya sa Canada si Mommy?"

"Wala ng choice kung hindi ang umamin." Sagot naman ni Keith kay Kevin.

"Pero, masasaktan si Kelly dahil ang alam nya tayo lang ang pamilya ni Ma."

"What do you think kuya?" Tanong ni Keith kay Kian.

"Hindi ko na rin alam ang gagawin baka panahon na para malaman ni Kelly ang lahat."

"Ang tanong eh paano natin sasabihin sa kaniya? Sure akong hindi lang kay Mom magagalit yun lalo na satin dahil tayo ang nakasama nya habang nag dadalaga sya." Sambit ni Kim.

Tumigil silang lahat sa pag takbo at napa buntong hininga nalang sa sinabing iyon ni Kim.

"What if, kausapin natin yung kapatid natin kay Mommy?" Sabi ni Kevin.

Kian bonked him "paano kakausapin ang mga yon kung ayaw nila satin. Tayo ang secons family tol! Baka nakakalimutan mo."

"Pero kuya, matagal ng panahon ang nakakalipas tama lang naman siguro si Kevin na kausapin natin sila." Sabi ni Keith.

"Actually, ano kasi... May contact na ko dun sa kambal." Sabi ni Kevinz

"Ano? Kinakausap mo sila?" Sabay-sabay sambit nung tatlo.

"Um. Naalala nyo nung kinailangan ni Kelly ng dugo?"

"Nung nagka dengue sya?" Sabi ni Keith.

"Oo, nag chat ako sa kanila kung anong type ng dugo nila."

Kim and Kian bonked him "sira ulo ka na!" Anila kay Kevin.

"Eh... Sorry na mga kuy's nag papanic na ko nun eh syempre ai Kelly yun at alam naman natin sa sarili natin na pag dating sa kaniya gagawin natin ang lahat kahit buhay pa natin ang maging kapalit."

"Teka, anong sabi nila? Well, alam kong di naman talaga sila magiging kadugo ni Kelly dahil kami lang ni daddy ang ka match ng blood type nya." Sabi ni Keith.

"Mali ka kuya, isa sa kambal ang ka blood type nyo rin ni Kelly."

"Ano?!" Sabay-sabay ulit sambit nung tatlo.

"Oo si kuya Flin kapareho nyo sya ni Kelly ng blood type sakto nga sya ang unang nag reply sakin ng mga oras na yon."

"Kuya Flin? Close na kayo?" Sabi ni Keith.

"Bakit naman hindi? Kahit kapatid lang natin sila sa ina they're still our siblings."

"Yeah. Pero, anong sabi about sa blood transfusion? May balak ba syang pumunta ng Pilipinas ng mga oras na yon?"

"Um. Sabi nya oo daw kung kailangan na kailangan daw."

"Talaga?" Anila.

"Oo, eh kaso need na talaga ng dugo ni Kelly ng araw na yon syempre ang layo ng Canada sa Pilipinas ano ng manngyayare nun kay Kelly kung iintayin pa sya di ba?"

Kian and Kim bonked him pero nakaiwas si Kevin "aba't!"

"Kuya naman eh! Ginawa ko lang yon para na rin matest ko sila. Gusto ko kang din malaman kung may pakialam ba sila satin."

Naupo sa isang bench si Kian at sinabing "di mo na dapat ginawa yon dahil para sa kanila tayo ang mas pinili ni Mommy. Tapos hihingi ka ng tulong?"

"Pero kuya, mababait sila they even read and buy gifts for Kelly's novel."

"What? What do you mean? Gifts?"

"Sa app kasi kung saan nag pa published si Kelly ng novel pwede syang bigyan ng readers nya ng virtual gifts. Sila yung nag bibigay ng gifts kay Kelly ng sobrang mahal? Wow!" Sabi ni Keith.

"Oo tol sila nga updated din sila parati sa mga novels ni Kelly gusto nga nilang makita ng personal ang idol nila. Magaling daw kasi mag sulat si Kelly ng novel."

"Pero puro tagalog ang novel ni Kelly naiintindihan nila?" Sabi ni Kim.

"Um. Tinuruan sila ni Mom ng tagalog."

"Oh... I see. So, ganun nalang yon? Nag tiwala ka namang agad?"

" Pero mababait talaga sila."

"Taman si Kim hindi tayo pwedeng mag tiwala basta-basta sa mga yon lalo't di pa naman natin sila personal na nakikilala."

"Correct! Kuya Kian is right kaya tigilan mo na yang kakachat mo sa mga yon. Sure naman akong di talaga nila tayo gusto na maging kapatid dahil ang tingin nila satin ay home wrecker." Sabi ni Keith.

"Pero hindi naman natin kasalanan na naging second family tayo ni Mama. Isa pa, for the time being na namamalagi si Ma sa Canada sila parati ang kasama nya kaya di pa ba yun sapat? Tapos lumalaki si Kelly na di nya nakakasama si Mama. Kaya sa tingin nyo di pa ba sila nakukunsensya? Anak rin naman tayo ni Ma kaya may karapatan tayo."

"Pero tandaan mo sa paningin nila tayo parin ang may kasalanan kung bakit nawala ang daddy nila." Sabi ni Kian at nag patuloy na sa pag jogging.

Nanahimik namang bigla si Kevin then Keith pat him "hayaan mo na basta wag mo lang kakalimutan ang past. Tara na malapit ng sumikat ang araw." He said at sumunod na rin kay Kian.

"Ano tutunganga ka nalang? Jogging na!" Sabi ni Kim at hinila na nya si Kevin.

"Sandali lang kuya."

"Wag mo ng masyadong isipin yon lets just go with the flow."

"Pero kuya, mabait talaga sila."

"Itigil mo na yan. Hindi mo pa nga sila nakikita ng personal. Paano mo naman masasabing mababait ang mga yon? Kung gusto talaga nila tayo noon pa man nag punta na sila dito sa Pilipinas kasama ni Mom. Pero ano? Wala di ba? Si Mom lang parati ang nauwi kaya nga gang ngayon 27 na si Kelly wala pa ring alam ang bunso nating kapatid na second family lang tayo ni Mom."

"Pero kuya..."

"Tama na yan kung ayaw mong magalit kami sayo nila kuya."

"Oo na."

At matapos nga ang pag jo-jogging nila Kian naisipan naman nilang mag swimming.

"Oh... Morning po."Sambit ni Jacob na isa sa maagang nagising.

"Morning bebe boy." Sabi ni Keith.

"Ang aga nyo po atang mag swimming. Wait, daddy..."

"Hmm? Ano yon? Mag breakfast ka na muna don sa mommy mo."

"Ang daya! Bakit di nyo po ko sinama mag jogging?"

"Tulog mantika ka kasi kaya di ka na sinama ng daddy mo." Sabi ni Keith.

"Teka, kayo pong lahat nag jogging?"

"Yeah." Anila.

"Woah! Ano pong nakain nyo? Si tita Kelly di po kasama?"

"Eh malamang hinde nalimutan mo na bang mag katabi kayong natulog?" Sabi ni Kim.

"Ay, opo nga pala... Andun tulog pa po sya."

"Maaga pa naman lakad umakyat ka na muna." Sabi ni Kian.

"Di na po sanay na kasi ako maaga ang gising gawa ng pasok sa school po eh. Si tita Kelly po kasi late naman na talaga po yun magising kaya di ko na po muna ginising."

Tinawag nila Kian si Jacob ng para bang may sikreto silang sasabihin.

"Bakit po?"

"Shhh... Wag kang maingay wag mong sasabihin ito sa tita Kelly mo okay?"

"Opo daddy."

"May ginawa pa ba ang tita Kelly mo kagabi bago sya matulog?"

"Po? Nag cellphone lang naman po sya pagtapos namin mag movie marathon."

"Nakita mo ba kung anong ginagawa nya sa phone nya? O kung may ka text o chat sya?" Tanong ni Keith.

"Po?"

"May kausap ba sya? O ka video call?" Tanong ni Kim.

"Po?"

"Hayssss... Para tayong nga engot dito eh. Nililito nyo yung bata. Sige na pumasok ka na at mag breakfast wag mo ng pansinin ang mga tanong ng mga ito." Sabi ni Kevin.

"O-- Okay po."

At pumasok na nga si Jacob sa loob at sa isip-isip nya "ano bang problema nila? Naka radar kaya sila na nag usap sila tita Kelly at tito Patrick kahapon? Tsk! Kailangan kong sabihin ito kay tito Vince baka mapagalitan na naman si tita Kelly."

"Oh, gising ka na pala san ka galing?" Sabi ni Rica.

"Ah, hello mommy good morning po. Galing po ko sa labas nakita ko po kasi sil daddy."

"Ah... Halika na mag breakfast ka na mga tulog pa naman mga kasama natin tulog pa rin si baby."

"Opo."

Habang nag aalmusalan naman yung mag ina sunod-sunod ng nagising ang iba.

"Mommy punta lang po ako kila daddy."

"Sige watch your steps okay?"

"Opo mommy."

Lumabas muli si Jacob at nilapitan nya si Vince at sumenyas para lumayo kila Kian.

"Bakit? Did something happen?"

"Nothing po. Pero kanina po kasi maaga kong na gising pero mas maaga sola daddy po."

" Mukha nga ang aga nila dito sa swimming pool eh. Anong meron?"

"Dami po nila kasing tanong sakin about kay tita Kelly."

"Ha? Bakit raw? At anong tanong?"

"Ewan ko po ang weird po nila daddy eh di naman po sila pangkaraniwan nag e-exercise maliban kay tito Keith."

"Hmm?"

"Sabi po kasi nila nag jogging sila daya nga po di ako sinama."

"Wait, silang apat?! Nag jogging? Pati si kuya Kevin? Eh sa kanilang apat yun ang ayaw na ayaw gagalaw."

"Kaya nga po eh. Tapos kanina nga po tanong sila ng tanong kung ano daw ginagawa ni tita Kelly sa phone nya."

"Ha?"

"Kung sino daw po ka text o ka chat? O kaya naman may ka video call daw po ba?"

"Ano? Eh anong sabi mo?"

"Ah... Eh... Wala po si tito Kevin po kasi pinapasok na ko pero parang may kakaiba po talaga sa kanila eh. Di po kaya naka radar sil na kinausap ni tita Kelly si tito Patrick?"

"Hmm... Sa pagkaka kilala ko kasi sa daddy at mga tito mo given na yung tanungin nila kung anong ginagawa ni Kelly sa phone nya kung may ka text o tawag pero yung hinayaan ka lang na pumasok ng walang sagot sa kanila yun ang kakaiba."

"Po?"

"I think there's something fishy to them."

"I agree po. Para po kasing nag papanic sila at di mapakali."

"Yeah. Napansin ko yan kagabi."

"Talaga po?"

"Um. Nakita ko kasi ang daddy mo pati ang mga tito mo sa kusina may pinag uusapan tas nung lumapit ako gulat na gulat sila. Tapos parang iniba nila yung topic."

"Hala!"

"Bakit? Anong meron?"

"Di po kaya wala kaming pambayad sa resort na ito?"

Vince bonked him a little bit "sira! Wala sa bokabularyo ng mga Dela Cruz ang mag plano ng walang solusyon. Syempre bayad na nila itong resort."

"Eh bakit po kaya mukha sila weird?"

"Di ko alam pero hayaan nalang natin sila."

"Huy!" Bungad ni Kelly.

Nagulat naman yung dalawa sa biglang pag sulpot ni Kelly "oh... Anong meron? Bakit parang nakakita naman kayo diyan ng multong dalawa?"

"Ba-- Bakit kasi bigla ka nalang sumusulpot? Ano ka ba kabute?"

"Opo nga nakakagulat naman kayo eh."

"Sorry naman. Ano ba kasing kinaseseryoso nyo diyan? Hoy Vince! Baka kung ano-ano na ang tinuturo mo sa pamangkin ko. Malilintikan ka sakin!"

"Hoy! Wala no! Tsaka pamangkin mo rin si Jacob wag ka nga! Di ba no bebe boy?"

Niyakap naman nung dalawa ang isa't isa.

"Huh! So, di na ko ang bff mo ha Jacob? Yang tito Vince mo na?"

"Syempre kayo pa rin po si tito Vince lang ang best buddy ko."

"See, parehas na tayo ng lebel kay Jacob."

"Tsss! Anyways, sabihin nyo kayo ang may pakana kung bakit di na bumalik si Lervin at kung bakit kami nag kita ni Patrick. Umamin na kayo kung ayaw nyong magalit ako."

Nagkatinginan yung mag tito at sinabing "no!"

"Huh! Talaga lang ha? Siguro yun ang pinag uusapan nyo kanina kaya nung dumating ako gulat na gulat kayo. Tama ko no?"

"No!"

"Aba't kayo dalawa!!!"

At nag tatakbo na nga yung dalawa habang hinahabol naman ni Kelly at nakita yon nila Kevin.

"Kuya, ano nakausap mo na si Mom?" Tanong ni Kevin kay Kian.

"Di pa online alam nyo namang mag ka iba ang time difference natin sa kanila."

"Hayaan nyo na mukhang okay naman si Kelly." Sabi ni Kim.

"Um. Mukhang energetic naman sya today." Sambit ni Keith.

"Sana nalang talaga malimutan nya yung narinig nya kagabi." Sabi ni Kevin at narinig naman iyon ni Ada ang nanay nila Vince.

"Anong narinig ni Kelly?"

"Aun-- Auntie..." Ang nauutal na sambit nung mga kuya ni Kelly.

"Is there something wrong? Baka makatulong ako."

Nagkatinginan naman yung apat.

"Alam nyo para ko na rin kayong mga anak sakin kayo binilin ng daddy nyo bago sya mawala. Kaya kung may problema kayo pwede kayong mag sabi sakin."

"Ahm... Kasi po Auntie..." Sabi ni Kevin na di naituloy dahil biglang dumating sila Kelly.

"Lola si tito Vince po nadapa. Pffft..."

"Hoy bata ka! Di kaya!"

"Sus totoo naman nadapa ka. Hahahaha... Kitang kita kaya namin ni Jacob. Hahahaha..."

Dahil nga tense yung mga kuya ni Kelly minabuti nalang ng tita Ada nila na mag change na ng topic dahil andun narin naman sila Kelly di na sila makaka pag usap ng masinsinan.

"."

Nang mag uuwian na sinabi ni Kelly kay Vince ang balak nyang pag bisita sa kay Patrick na nakauwi na ng mga oras na yon sa Condo.

Kaya naman tinulungan ni Vince si Kelly na mag palusot sa mga kuya nito para lang payagan ang pinsan.

Nakarating na sa may lobby ng condominium ang mag pinsan na may dalaang fruit of basket at box of egg pie "Ha? San ka pupunta? Sabi mo sasamahan mo ko sa Condo ni Patrick."

"Sorry na, nag text kasi yung staff ko may kailangan daw akong pirmahan na importanteng papeles."

"Sus! Dami mong alam. Sure naman akong si Mimay lang yang nag chat sayo."

"A-- Ano? Hindi no!"

"Wag ako brad! Kala mo di ko alam na nanliligaw ka kay Mims ngayon? Mukha mo di ako papayag na maging kayo!"

"Ano?!"

"I knew it! Nanliligaw ka nga."

"Ah... Eh... Ewan! Basta susunduin nalang kita okay? Di ka pwedeng umuwi mag isa mapapagalitan ka ng mga kuya mo kapag nalaman nilang di mo ko kasama."

"Oo na! Lumakad ka na."

"Okay lang?"

"Tsss! Alam ko namang bet na bet mo si Mims noon pa in denial ka lang na lintek ka."

"Eh alam mo namang di pwede non."

"Oo na. Sige na."

"Thankies Couz."

"Sus! Galingan mo pasagutin mo ng agad gusto ka naman nun."

"Um."

Nang maka alis naman si Vince syang dating naman sa lobby ni Mr. Johnsen para sunduin si Kelly.

"Young Miss!"

"Oh! Bakit sinundo mo pa ko?"

"Bilin po ni Young Master eh. Ako na po diyan."

"Ha? Ah... Okay lang maagan lang naman ang mga prutas na ito."

"Okay lang po ako na magagalit po sakin si Young Master pag nakita nyang di ko kinuha ang dala-dala nyo."

"Sige na nga pero ako na dito sa egg pie."

"Sige po. Tara na po?"

"Um."