webnovel

Kabanata 416

Sa isang spot doon sa resort andun naman sila Kim at Leny na tahimik lang at di nag uusap.

Sa isip- isip ni Leny "ano bang problema nya? Bakit gang ngayon andito pa rin kami? Kung matutulog lang sya edi sana di nalang sya sumama. Mas mag eenjoy pa ko kung di sya kasama asar!"

Tumayo na si Leny at dahan-dahang nag lakad dahil balak na nyang iwanan dun si Kim.

"Boring?"

Nagulat naman si Leny kaya napatigil sya sa pag lalakad nya at ng pag lingon nya kay Kim ngumiti lang sya at sinabing "hindi naman nauuhaw kasi ako kaya babalik na sana ako dun kila Kelly. Gigisingin sana kita kaso..."

Bumangon na si Kim at pinagpag ang damit nya lumapit namang agad si Leny at tinulungan sa pag pag-pag ng damit itong si Kim. Dahil may kaunting alikabok na dumikit.

"Alam kong alam mo na di ako tulog. Tama?"

Inayos ni Leny ang collar ng damit ni Kim "um..."

"Bakit di mo ko iniwan?"

"Ahm... Di ko alam. Siguro, dahil andito ka? Yan.. Okay na"

Umaarteng normal lang si Leny sa harap ni Kim kahit masakit na sa kalooban nya.

"Okay lang sayo? Na nagkita kami ni Yannah?"

"Hmm?"

"BAKIT GANYAN KA?!!!"

Nagulat si Leny sa pag sigaw na iyon sa kaniya ni Kim kaya naman naging emosyonal syang agad at nangingilid na ang mga luha nya ng mga oras na iyon pero tumungo lang sya at sinabing "mauna na ko sumunod ka na lang baka hinahanap na nila tayo."

"SANDALE!!!"

At pumatak na nga ang nga luha ni Ricai at nag madali naman syang punasan ito para hindi makita ni Kim at gaya ng dati kapag nakikipag usap sya kay Kim laging may mga ngiti sa kaniyang mukha kahiy deep inside sobrang lungkot nya.

Leny smiled "do you need something? Don't worry wala akong ikinukwento sa kanila at wag kang mag alala hindi ako galit sayo. Contracted wife mo lang naman ako at hanggang doon lang yon... Dahil noon pa man ang gusto mo na talaga ay si Yannah and I understand your situation. Kung wala kang kailangan mauna na ko. Sige..."

Tumalikod at umalis si Leny habang naiyak.

"LENY!!!"

Huminto si Leny sa pag lalakad nya pero hindi na sya lumingon at pinakinggan nalang ang mga sasabihin sa kaniya ni Kim.

"Hindi totoong nakipagkita ako kay Yannah!!!"

Nagulat si Leny sa sinabing iyon ni Kim.

"Sorry kung hindi ako umuwi nung isang gabi! Pero maniwala ka wala akong ginagawang masama. Kay Jules ako nakitulog at walang babae don! Promise!!!"

Leny smiled at tinaas ang kamay niya na naka thumbs up then she continued to walk.

At ng makita yon ni Kim napangiti sya dahil pakiramdam nya nabunutan na sya ng tinik.

"Kahit kailan talaga di niya ko matitiis. Leny! Wait for me!!! Honey!!!"

Nag tatakbo namang papalayo si Leny lalo ng marinig nyang tinawag sya ni Kim na "honey".

"Baliw na ba sya? Marupok ako! Baka lalo lang ako ma fall sa kaniya kapag parati nya kong tatawaging ganon! Ayokong mag assume! Kainis!"

Samantala,

Nakita ni Kelly ang kuya Kim nya na hinahabol ang ate Leny nya.

"Hmm? Ms. Leny ba yon? Bakit sya hinahabol ni Mr. Kim?" Sabi ni Patrick.

"Anong sabi mo? Mr. Kim?"

"A-- Ano kasi... Nakakahiya naman kasing tawaging kuya ang mga kuya mo kung pa naman nila ako tanggap."

Kinurot naman ni Kelly yung braso ni Patrick na nabalian "ahhhhh!!! Aray!!!"

"Oh edi na gising ka."

"Sino bang may sabi kasi sayo na tulog ako? Sakit nun ha!"

"After this, you need to see a doctor para maka sigurado tayo."

"Ha? Pero di ka sasama?"

"Gusto mong madagdagan ang sakit ng katawan mo? Hindi ka pwedeng makita nila kuya. Bukas nalang tayo mag kita."

"Really? Ahhh!!! Aray!!!"

"Tsk! Ang kulit kasi di mo pwedeng galawin masyado yang braso mo! Wag ka kaong excited!"

"Eh masaya lang ako kasi magkikita tayo bukas."

"Humph! Gagawin ko yon kasi nakukunsensya ako sa ginawa ko sa braso mo."

Nalungkot naman si Patrick at natahimik.

"Oh! Anyare sayo?"

"Eh kasi... Makikipagkita kalang sakin dahil sa braso ko."

Kelly bonked him "napaka sensitive mo ngayon ha? Syempre dahil sayo! Sino bang may ari ng braso mo? Ibang tao na? Baliw!"

"Hehe... I'm happy na."

"Hayssss... parang bata. Sige na baka hinahanap na ko nila kuya."

"Ha? Pero..."

Kelly kiss him sa cheek "bukas nalang okay? Bye!" The she runway.

"Ke-- Kelly!!!"

"Boss, bukas na nga lang daw."

"Kanina ka pa diyan?"

"Ayos po ah, change mood agad?"

"Tsk! Halika na ang sakit ng braso ko feeling ko kumalas na sa balikat ko."

"Ho? Ayos lang po ba kayo? Pero kanina... Ah... Gets ko na nag pepretend kayo na okay pero hindi naman pala talaga."

"Syempre! Putek ang sakit! Kunin mo na nga lang ang kotse di ko ata kayang mag lakad din."

"O-- Opo Young Master kukunin ko na po relax lang po kayo."

"Bilisan mo na lang!"

"Opo!"

Mga ilang segundo pa ang nakalilipas ng umalis si Mr. Johnsen syang dating naman ni Lervin.

"Huh! Wag kang mag alala hindi pa na dislocate ang mga buto mo. Kilala ko si Kelly kahit magaling sya sa martial arts wala pa syang nababalian ng buto kahit gusto nga pa!"

"Anong ginagawa mo dito?" Sagot ni Patrick na napatayo dahil kay Lervin.

"Huh! Ako pa talaga ang tinanong mo ng bagay na yan? Hindi ba ikaw ang hindi invited sa birthday ni Kelly?"

"Wala akong panahon makipag usap sa hambog na gaya mo."

"Oh really? Then move your ass and go away from Kelly!" He pushed Patrick gang sa nawalan nga ito ng balanse dahil sa braso nya.

"Young Master!!!" Sambit ni Mr. Johnsen na dali-daling bumaba ng kotse at nilapitan si Patrick. "Ayos lang po ba kayo?" Ang sama ng tingin nya kay Lervin.

"Ohhh... Andito na pala ang sidekick dapat na ba akong matakot?"

Tumayo si Johnsen para sana gantihan si Lervin sa ginawa nito sa boss nya pero "wag mo ng patulan."

"Pero Young Master!"

Tumayo si Patrick at inalalayan naman sya ni Johnsen "hindi pinapatulan ang gaya nyang insecure."

"Anong sabi mo?!!!"

"Oh, bakit Mr. Feng? Guilty ka? Alam mo hindi kita ka lebel. Kaya kahit anong gawin mo hindi ka mananalo sakin."

"Anong sabi mo?!"

Sinalag ni Johnsen ang pag gannti ni Lervin "subukan nyong saktan si Young Master hindi lang mukha mo ang mapapasama."

"Huh! Ano?!!!"

"Kung iisipin wala kayo sa kalingkingan ng Boss ko. Sa yaman? Mas mayaman ang pamilya nya kesa sa inyo. Isa pa sya ang pinili ni Miss Kelly at hindi kayo!"

"A-- Anong sabi mo?!"

"Young Master tara na po."

"O-- Oo."

Mr. Johnsen smirked at Lervin habang inaalalayan nya si Patrick.

At nang maka pasok na sa kotse si Patrick may pahabol pang sinabi si Johnsen "and one more thing Mr. Feng, my young master is the best!"

"Huh! Hoy!!!"

At sumakay na nga sinMr. Johnsen ng kotse at kumaripas na ng pagpapatakbo ng kotse.

"Hoy!!! Bumalik kayo dito!!! Bwiset!!!!"

Habang nasa kotse naman tawa ng tawa si Mr. Johnsen.

"Nakita nyo yung mukha nya?Hahahaha... Kung makikita lang yun ni Young Miss matatawa din sya. Nakakahiya sya, pinagpipilitan nya ang sarili nya kay Ms. Kelly eh kaibigan lang naman pala ang turing sa kaniya."

"Pero salamat."

"Po?"

"Basta salamat! Mag drive ka na nga lang!"

"Sus! Young Master talaga. Wala po yun maliit na bagay. Hehe."

"Heh!"

"So pwede po ba kong mag off bukas? Tutal magkikita naman kayo ni Young Miss."

"Tsss! Bahala ka baka sa condo nalang ako sabihin ko kay Kelly na sa ibang araw nalang kami magkita."

"Po? Bakit naman?"

"Ulyanin ka na ba ngayon? Nakikita mo ba kung paano ako ngayon? Wag mo sasabihin kila ate at mommy ang nangyare ngayon. Okay?"

"Opo Young Master. Mukhang mag overnight po tayo ngayon sa hospital ah. Tingin nyo?"

"Yeah..."

Kinagabihan,

Doon mag oovernight ang pamilya ni Kelly sa resort and for some reason hindi na nila nakita si Lervin matapos yung meeting.

"Opo Ma andine po kanina si Lervin kaso parang may ganap pa sya kaya di na dito mag overnight kasama namin." Sabi ni Kevin habang kausap via video call ang kanilang nanay.

"Ah, kamusta naman ayos naman ang pagkain nyo? Si Kelly di pa ba tapos maligo?"

"Sino yan si tita?" Pag sulpot na sambit ni Vince.

"Vince! Buti andiyan kayo."

"Opo tita kamusta po kayo?"

"Eto okay naman."

"Ma pupunta ko sa labas nag iihaw ihaw sila dun para makita mo din sila tito at tita."

"Opo nag iihaw ihaw po dun sila mama eh."

"Salamat sa inyo mukhang masaya ang birthday naman ng bunsuan."

"Opo naman si Kelly pa ba? Ma?"

"Nga po tita sure akong masaya yun may nakita eh."

"May nakita?"

"Ho? Ahm... kami po nila ate. Hehe..."

"Ah... Oo naman minsan nalang kasi kayo mag bonding."

"Guys, hello kayo kay Mama. Kuy's, si Ma."

At pinakita nga ni Kevin ang mga kasama nila doon sa resort at nagka kamustahan.

Matapos naman ng kamustahan pumasok na uli si Kevin sa loob para tignan si Kelly.

"Baka po yun eh tapos na teka po katokin ko muna."

"Sige nga di ko na nakikita ang kapatid mo eh. Miss ko na kayo."

"Miss ka na rin po namin. Umuwi na po kasi kayo."

"Alam nyo namang di pa pwede."

Click!

"Bakit kuya?"

"Oh, Ma eto na si Kelly."

"Si Mommy?"

"Um. Eto oh kanina ka pa nga inaantay."

"Mommy!"

"Happiest birthday bunsuan. Sorry di nako nakauwi."

"Okay lang po basta uwi na kayo sa pasko ah."

"Titignan ko okay?"

"Pero malalaki na po kami at may kani-kaniya ng work pwede naman na kayong di mag trabaho."

"Pero bunso, ayoko namang maging pabigat sa inyo."

Kinuha ni Kevin ang phone kay Kelly "Ma, baba na po muna ako mag usap na muna kayo ni Bunsuan."

"Oo sige. Enjoy kayo."

"Opo, ingat kayo diyan palagi. Love you."

"Um. Kayo din love you."

"Okie po."

At binigay na uli ni Kevin kay Kelly yung phone "sige na mag usap na muna kayo ni Mommy tulungan ko lang doon mag ihaw sila kuya."

"Sige kuya baba din ako maya pag na full charge na phone ko. Balik ko nalang maya phone mo."

"Okay. Bye Mom."

"Um. Enjoy ingat mapaso ang kamay sa pag iihaw."

"Opo."

At bumaba na nga si Kevin tapos pumasok naman si Kelly sa room nya at na upo sa kama habang ka video call ang mama nila.

"Basang basa pa ang buhok mo gabi na mag blower ka."

"Yes Mom. Wait po kunin ko lang yung blower."

"Wag mo hahayaang basa ang buhok mo kapag gabi di ka pwedeng matulog na basa ang buhok masama yon."

"Opo Ma eto na nga po."

At nag start naman na mag blow dry ng buhok nya itong si Kelly habang kausap ang mama nila.

"Po?"

"Sabi ko kamusta ka naman? Masaya ka ba naman ngayong birthday mo?"

Sinara muna ni Kelly yung blower "opo okay naman bongga nila kuya nga po mayvpa resort bali bukas pa po ng hapon uwi namin."

"Oo nga daw mag lagay kayo ng sunscreen para di kayo ma sunburn, okay?"

"Opo, nako di nyo na kailangang i-remind wagas ang dami pong dala ni ate Faith."

"Hehe... Mabuti na yon para safe ang balat nyo."

"Nakausap nyo na po ba sila?"

"Oo kanina pa habang naliligo ka."

"Ah... Kanina pa po pala kayo nag vi-video call tumawag po ba kayo sakin?"

"Oo pero buti online ang kuya Kevin mo nabanggit nga na lowbat daw ang phone mo."

"Ay opo sorry Ma."

"It's okay basta enjoy ka lang."

"Opo. Ahm... Ma, may sasabihin po ako eh."

"Hmm? Ano yon? Inaway ka na naman ba ng mga kuya mo?"

"Ah, nako... hindi po mabait po sil kuya sakin lalo na't birthday ko po. Hehe..."

"Mabuti kung ganon basta intindihin mo nalang ang mga kuya mo ayaw lang ng mga yan na masaktan kaya nagiging strict sila sayo."

"Opo. Ah... Mommy... Ano kasi..."

"Mom! We're home!!!" Sabi ng isa lalaki na nag mula sa lugar kung nasan ang mommy nila.

Nagulat naman si Kelly sa narinig nyang may biglang sumingit sa usapan nila "si-- sino po yun Ma?"

Bigla namang nag panic ang mommy nila Kelly "ah, ano andito kasi ang tita Agnes mo kasama yung anak nya."

"Ohhh... Ganun po pala."

"Mom! Where are you?" Sabi nung lalaki na nadoon sa lugar ng mommy nila Kelly.

"I will call you nalang bunsuan I need to go. Bye! I love you. See you soon."

"O-- Opo. Bye... Love... You..."

Bago pa man matapos ni Kelly ang sinasabi nya na cut na yung usapan nila ng Mommy niya.

"May anak ba si tita Agnes na lalaki?" Sambit ni Kelly na para bang nag tataka dahil sa pagkakaalam nya babae ang mga anak ng tita Agnes nya at nasa Pilipinas ang mga ito.

Knock... Knock...

"Pasok."

"Oh, halika na mag dinner na daw tayo. Si Ma? Kausap mo pa?" Sabi ni Kevin.

"Hindi na."

"Oh? Wala na?"

"Um."

"Wait, are you okay? Bakit parang lutang ka?"

"Ahm... Kuya, sinong kasama ni Mommy sa bahay?"

"Ha? Bakit mo naitanong?"

"Eh kasi... Bago nag out si Mommy may tumawag sa kaniya na "mom" na boses lalaki."

"Ha?"

"Um. Tapos sabi ko kung sino yun sabi ni Mommy anak daw ni tita Agnes. May anak bang lalaki si tita Agnes?"

"Ha? O-- Oo meron di mo alam kasi bata ka pa nun nung nag punta yon sa Canada."

"Oh? Pero bakit parang yung tinawag nyang "mom" eh he is referring to our mom."

"Ha? Nako! Wag mo na nga lang isipin yon kulang ka lang sa kain. Halika na kakain na mamaya ko nalang tutuyuin yang buhok mo."

"Um. Okie."

May pakiramdam si Kelly na parang may mali talaga sa conversation na yon pero dahil birthday nya ayaw niya nalang isipin at gusto nya nalang maging masaya ang gabi nya.

Next chapter