webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
463 Chs

Kabanata 255

Makalipas ang isang oras,

Sa bahay ng mga Dela Cruz...

"Ano? Lockdown?"

"Oo mga tols yun ang sabi sakin ni Ma'am May." Kausap ni Kevin via video call ang mga kapatid niya habang nasa DLRH sya at on duty.

"Bakit naman kasi nandun si Kelly? Ano bang ginagawa niya sa condo ng lintek na Patrick na yon?" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Ah... eh kasi kuya may meeting daw kanina eh parang si Patrick ang naatasan nilang mag hatid kay Kellang."

"No! Ang point ko bakit kasama nga ni Kelly si Patrick? Ano bang meron?!"

"A— Ano kasi kuya..."

Nakita ni May si Kevin sa isang bakanteng upuan sa hospital at narinig niya na ang pinag uusapan ay ang kapatid niya kaya hinablot niya dito yung phone at sya ang nag take over "Hi! Ako si May remember me?"

Nagulat naman sila Kian sa biglang labas ni May sa video call nila "Ms. May?" Ang tugon nung tatlo.

"Pasensya na kayo inagaw ko muna kay Kevin ang spotlight para lang linawin na malinis ang intensyon ng kapatid ko sa kapatid niyo kaya wag kayong mag alala kung anu man ang mangyayari sa dalawa magiging responsable kami sa pamilya niyo."

Nagkatinginan naman yung tatlo nila Kian at dali-dali ring kinuha ni Kevin yung phone niya kay May "Ha... Ha... ha... mga tols mamaya nalang ako tatawag uli ha?"

Nag pupumiglas naman si May at gusto pang kausapin ang mga kapatid ni Kelly pero sinara agad ni Kevin ang phone niya "Ma'am naman! Bakit naman sinabi nyo yung ganoong bagay?"

Napaupo nalang si May at nag sorry kay Kevin "sorry I just want to clear my brother's name to your siblings ayoko lang na lalong lumaki ang kasalanan ng kapatid ko sa mga kuya mo."

Kevin sighed and he sit apart to May "don't be sorry I understand what you're trying to say. Sorry rin po kung nasigawan ko kayo."

Bigla namang umiyak si May "Ma— Ma'am? Umiiyak ba kayo?"

"Boohoo..."

Nagpalinga linga naman si Kevin at nung nakita niyang wala ng tao sa lugar nila kinomfort niya si May "Ah... Ahm... wag na po kayong umiyak Ma'am ako na pong bahala mag paliwanag sa mga kapatid ko."

"Really?"

Sa pagsagot namang iyon ni May napatitig si Kevin sa kaniya "Ahem... O— Opo."

May hugs him and Kevin can't move a bit his heartbeat is like insanely beating fast "Thankyou so much buti nalang andiyan ka hindi talaga ako nagkamali na sayo ko una sinabi ang about dun sa dalawa."

Kevin gulped "Ye— Yes I... I really..."

"Nurse Kevin?" Ang sambit ng isang co-nurse niya na si Jacque ang nurse na bestfriend niyang babae sa DLRH.

Sa gulat ni Kevin naitulak niya si May at nakalimutan niyang boss niya ito "May... May kailangan ka?"

"I... I... I just wanna..." nakilala niya kung sino yung kayakap ni Kevin at nagulat syang si May pala ito "Madam?" Aniya.

Nahulog sa kaniyang kinauupuan si May dahil sa lakas ng tulak sa kaniya ni Kevin "He— Hello?" ang nahihirapang sagot nito habang hawak ang kaniyang butt.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Ha? Ye— Yes... sige mauna na ko sa inyo. Have a great day."

Bago umalis napatingin pa si May kay Kevin na umiiwas ng tingin sa kaniya siniko naman sya ni Jacque na parang gustong sumagap ng tsismis "Yow, anong ibigsabihin nun ha?"

"Heh! Alam mo kakaiba ka rin talaga eh noh? Nakamask na yung tao nakilala mo parin? ibang klase rin talaga yang talas ng mata mo wala akong masabi."

"Duh! Alangan naman si Ma'am May lang naman lagi ang may pa fur ang clothes dine kahit summer, kaya paano ko naman hindi sya makikilala?"

"Ewan! Bahala ka na nga diyan."

Iniwanan ni Kevin si Jacque sa inis nito "Hoy!!! Sandali lang."

"Mag trabaho ka na! Wag puro tsismis." Ang sambit ni Kevin habang naglalakad siya papalayo kay Jacque.

Sa kasalukuyan, hiwalay ng parehas ang dalawang partido nagkahiwalay sila Kevin at Mina simula nung hindi nag "yes" si Mina kay Kevin nung nag propose ito ng kasal pero magkaibigan parin sila to sum up almost a year and half ng single itong si Kevin. Samantala, nagkalabuan si May at ang asawang nitong si Lester dahil sa issue ng third party nakitang may ibang kasamang babae si Lester sa isang event at kinaselos ito ni May bilang asawa karapatan niyang malaman ang mga bagay-bagay pero kinalaunan nalaman ni May na babae talaga ng asawa niya yung kasama nito sa isang event at ginagamit pa ang pera niya para sa luho ng kabet ni Lester.

Kaya nag pasya si May na mag file ng annulment at mag sampa ng kaso sa asawa niyang si Lester dahil ninanakawan siya nito dahil pati ang mga alahas niya ay nawala at nakitang nasa apartment ng kabet ng asawa niya. Nalaman rin ni May na nabuntis ni Lester yung kabet nito kaya lalo itong nagalit pero naawa sya kaya ang pagpapasya nya na mag sampa ng kaso laban sa asawa ay hindi na tinuloy para na rin sa batang dala ng kataksilan.

***

Sa Condo ni Patrick,

Katatapos lang maligo ni Kelly at suot niya ay ang damit ni Patrick na kasalukuyang wala paring malay dahil sa ininum nitong gamot.

Alam na ni Kelly na lockdown sa lugar ni Patrick kaya hindi siya mapakali kung papano niya sasabihin sa mga kuya niya.

"Hayyysss... bakit kasi ngayon pa?! Kung kailan nandito kami sa condo at kami lang dalawa? Pambihira!"

Nahiga nalang sa sofa si Kelly at tinapon ang towel niya kung saan doon sa sala sa inis niya "Tsk!!! Bwiset talaga!!!" Di sya mapakali at sinisipa yung sofa habang hawak ang phone niya.

Kinakagat niya ang mga daliri niya at paulit ulit syang nag wawala sa sofa habang nakahiga minsan uupo at minsan naman ay naglalakad lakad ito sa sofa "Ano na Kelly? Paano na anong gagawin mo ngayon? Tsk! Dapat pala sinama ko nalang si Vince para nakauwi pa ako."

"Kasalan talaga ito ng kumag na si Patrick eh kung hindi niya sana ako sinundan edi nakauwi pa ako buset talaga sya. Pero... si Mr. Eugene naman kasi bakit dito sa condo pa pinili dalhin si Patrick imbes na sa hospital!"

Ang nangyare kanina,

Dumating si Eugene at binuhat si Patrick papunta sa kaniyang kotse "Miss, pakisara nalang po ng pinto at pakikuha ng susi ni Sir sa kotse niya."

"O— Okay."

Nabasa na rin ng ulan si Eugene dahil sya ang nag buhat sa basang basa at walang malay na si Patrick "Here na yung susi niya sige mauna na ko ingat nalang kayo." Ang sabi ni Kelly pero pinigilan siya ni Eugene.

"What? Bakit sasama pa ako?"

"Tignan niyo po ang sarili niyo basang basa kayo ng ulan gusto niyo bang mag alala sa inyo ang mga kuya niyo?"

Nasa labas pa ng sasakyan si Kelly at napatingin sakaniyang sarili "Maaari po muna kayong maligo sa condo ni Sir tapos bibilhan ko po kayo ng damit para may maipalit kayo. Ihahatid ko na rin po kayo sa inyo pagkatapos."

"Sandali lang bakit sa condo ni Patrick?"

"Kung iuuwi ko pa po kasi Sir sa bahay nila sa lagay niyang yan natatakot po akong lagnatin siya pag nagising. Dahil basang basa po sya."

Napatingin si Kelly sa kaawa awang si Patrick na nanginginig na sa lamig kahit na wala itong malay "Sa hospital nalang kaya? Ayos na bang gamot lang ang ibigay mo sa kaniya? He needs to see a doctor."

"Sa ngayon po kasi ayaw ni Sir mag pupunta sa ganoong lugar nagkaroon po kasi sya ng phobia at alam naman din po nating punuan ang mga hospital ngayon due to pandemic."

"Oh... yes, yes okay sige tara na para makapagpalit na rin agad si Patrick."

"Yes Miss."

"."

At nang makarating sila sa Condo napansin na ni Kelly na may nagaganap na commotion sa may lobby pero dahil basa nga sya hindi nya na nagawang itanong tungkol saan yon tumaas na agad sila at nagtungo sa unit ni Patrick.

Matapos palitan ni Eugene si Patrick ng damit sinigurado rin nitong maayos na natutulog ang kaniyang boss sa kama at kinumutan niya pa ito. Nag bilin rin siya kay Kelly na noon ay naliligo pa sa kabilang cr na lalabas muna sya para bumili ng damit nito tapos ihahatid niya sya agad pag okay na.

Ngunit mga ilang minuto pa ang nakalilipas nung lumabas si Eugene nagtext ito kay Kelly "Ka Ching!"

At ang nakalagay sa message ni Eugene ay

Eugene:

Miss, sorry ngunit kayo na munang bahala kay Sir Patrick kasalukuyang naka lockdown ang buong condominium at walang pwedeng lumabas dahil may isang pamilya na may unit din dito ang nag positive sa covid kaya hindi ko po kayo mapupuntahan diyan. Sana ay maunawaan niyo po. May mga gamot sa medicine cabinet si Sir na nakaayos na at iinumin nalang po may mga time na po nakalagay paki bigay nalang po sa kaniya may pagkain rin naman po sa ref pang buong 1week po yun microwave niyo nalang. Kayo na po muna ang bahala sa boss ko Ms. Kelly. Salamat.

P.S. Wag niyo po syang iiwan kahit anong mangyari dahil may trauma parin po sya dahil sa nangyareng aksidente sa kanya. Naulan po sa labas at takot po si Sir sa kulog at kidlat kung maaari po tignan-tignan niyo sya ng madalas sa kwarto nya. Salamat po uli.

~End of Flashback~

"Bwiset talaga!!!! Takot sa kidlat huh! Ano sya bata? At anong gustong palabasin nireng si Eugene magiging nurse ako para sa boss niya? Asa sya! Oras lang na pwede na akong lumabas dine uuwi talaga ko!!!"

Makalipas ang ilang oras,

11:45pm na at hindi pa rin makatulog si Kelly nag paikot ikot na sya sa sofa pero wala di parin sya dalawin ng antok. Tinext nalang niya ang ate Faith niya about sa lockdown na naganap sa condo para mag patulong mag explain kila Kian at hindi na rin niya muna tinext ang mga kuya niya dahil katwiran niya oras na makalabas siya at matapos ang quarantine pag uwi niya magagalit at magagalit rin naman ang mga ito sa kaniya kaya pinatay niya nalang ang phone nya.

"Tulog pa kaya ang kumag na si Patrick?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Patrick at nakita nitong matiwasay na natutulog ito hinipo nya rin ang forehead nito at tiningnan kung may lagnat ba "Hayyy... salamat naman at wala syang lagnat."

Balikan ang huli niyang sinabi kanina "Bwiset talaga!!!! Takot sa kidlat huh! Ano sya bata? At anong gustong palabasin nireng si Eugene magiging nurse ako para sa boss niya? Asa sya! Oras lang na pwede na akong lumabas dine uuwi talaga ko!!!"

Hindi niya parin na tiis si Patrick kahit na sinabi niyang hindi niya aalagaan ito pero di mawala na mag alala sya sa taong minsan na niyang minahal.

Naupo sya malapit kay Patrick at pinagmasdan niya ito "Gaya pa rin ng dati ang itsura mo at walang pag babago. Almost 2years na rin pala nung huli tayong nagkita pero bwiset ka pa rin."

Nag flashback kay Kelly ang mga good and bad moments nila sa isa't isa at naalala niya rin ang unang pag punta niya sa condo ni Patrick nung kunumbulsyon ito ng lagnat at sya rin ang nag alaga sa kaniya "bakit ba sa tuwi-tuwina na mag kakasakit ka ako ang nasa tabi mo? Kahit kailan talaga pahirap ka eh! Pero alam mo na miss ko rin yang ka bwisitan mo. Wala kasing eepal sa araw ko."

Sumandal si Kelly sa upuan and she yawned "Hayyyy... nakakapagod ang araw na ito at nakakabaliw. Oo nababaliw na nga ako dahil kinakausap ko na naman ang sarili ko. Ba yan!"