webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 254

Kumalma lang si Kelly nung sinita sila ng guard dahil parehas sila ni Patrick na walang suot na mask "Ganyan ka ba talaga? Puro sarili nalang ang iniisip? Alam mo na ngang delikado ang panahon ngayon tatakbo ka ng walang suot na mask? Are you insane? Or something?" Ang pagalit na sambit ni Patrick habang nasa loob na sila ni Kelly ng kotse niya.

"Huh! Ako pa daw ngayon, bakit kaya tayo na sitang dalawa nung guard? Dahil nga wala ka ring mask makapag salita ka naman diyan kala mo naman perpekto ka."

"So, anong gusto mong palabasin kasalan ko? Kayong mga babae ang hirap niyo talagang intindihin!"

Pumalakpak ng dahan-dahan si Kelly na para bang nang iinis "Oo nga naman dahil perpekto nga pala ang isang Mr. Santos ang galing talaga the best!"

Bababa na naman sana ng kotse si Kelly pero nilocked ni Patrick ang pintuan "open the door!!!"

"Why should I? Pwede ba for once manahimik ka, dahil naririndi na ko sa boses mo."

Badtrip na talaga si Kelly at bigla siyang lumapit kay Patrick "A— Anong ginagawa mo?"

Ang bilis ng tibok ng puso ni Patrick dahil ang buong akala niya ay hahalikan sya ni Kelly pero nagkamali siya dahil sumigaw lang ito sa tenga niya "OPEN THE DOOR!!! Lalabas ako!!!"

Sa inis ni Patrick naitulak niya si Kelly at napalakas ito "So— Sorry I... I..." tinangka niyang hawakan si Kelly na nasaktan ang kanang braso dahil sa lakas ng pagkatulak niya dito.

"Stay away from me!!!"

"I... I'm really sorry ikaw naman kasi sinigawan mo ko syempre magagalit ako ang lakas kaya ng boses mo."

Hindi naman na kumibo si Kelly sa kanya at hindi na rin sya pinansin nito.

Sa isip-isip ni Patrick "Did I really hurt her? Should I take her to the hospital? But it's dangerous to go there."

"Take me to the nearest store here I will buy mask so I can go home."

Nagulat naman si Patrick ng biglang nagsalita si Kelly at diretso lang ang tingin na halatang naiwas sa kanya then he saw na nangingilid ang luha nito "Ah... Ahm... are you okay?"

Hindi na naman sya sinagot ni Kelly kaya nag desisyon na lang sya na mag drive at maghanap ng malapit na tindahan para makabili ng mask kahit na may isang box na mask naman sya sa loob ng kotse pero hindi niya iyon sinabi kay Kelly for some reason.

At nang makarating na sila sa tindahan bumaba ng tahimik si Kelly at hindi na nakinig sa mga sinasabi ni Patrick "I will wait you here." Pahabol na sambit ni Patrick na sumungaw pa sa bintana ng kotse niya pero di naman lumingon sa kaniya si Kelly na nakatakip ang panyo ang bibig.

"Ang sungit di man lang talaga niya ako pinansin. Humph!"

Hindi pa man nakaka lipas ang isang minuto ay biglang umulan ng pagka lakas "What? It's raining? Dang! Kung alam ko lang di na ito ang ginamit kong kotse."

Lumabas naman na ng store si Kelly na may suot ng mask at hindi nya alintana ang ulan "Ke— Kelly!!!" Ang pahabol na sambit ni Patrick pero hindi siya pinansin ni Kelly na nag dirediretso na sa paglalakad kahit na naulan.

"Haysss!!! Ang sungit talaga niya!!! Nakakainis na!!!" Pandalas naman niyang pinaandar ang sasakyan at hinabol agad si Kelly.

***

Naglalaro naman ng chess ang mag utol na si Kim at Keith sa kanilang terrace "Wala pa ba si Kelly?" Ang sabi ni Kian na kararating lang galing sa labas at bumili ng dalawang 1.5 litres na softdrinks.

At dahil nga busy yung dalawa sa pag lalaro ng chess at sobrang dikit ang laban hindi nila pinansin si Kian "MGA KUPAL!!!"

Sa gulat nung dalawa natabig nila ang chess board "anak nang!"

"Anak nang ano ha?"

"Ku— Kuya..." Ang kinakabahang sambit nila Kim at Keith.

"Kuya, Kuya kayo diyan ang sabi ko kung dumating na ba si Kelly! Laro kayo diyan ng laro di niyo man lang inintindi kung nasan na ang kapatid niyo!"

"Ah... Eh... sabi ni Vince nauna daw umalis sa kaniya si Kelly kaya baka pauwi na daw yun may meeting lang with her new business partner." Ang sagot ni Kim.

"Oo tol, pauwi na rin yun naulan eh." Ang pagsangayon na sagot din naman ni Keith.

"HEH!" Nagulat yung dalawa sa sigaw ni Kian "alam niyo na ngang naulan hindi man lang kayo mag ready diyan baka mamaya mag brown out na naman mga kupal talaga kayo. Pasok!"

"O— Oo kuya." Sagot nung dalawa kay Kian at pandalas na ng pasok sa loob ng kanilang bahay.

"Mga lintek na ito kung di pa sasabihan di pa magsisi galaw." Dagdag pa ni Kian at tinawagan ang kapatid na si Kelly pero hindi niya ito macontact.

Voice over: Your trying to call is busy please leave a message after a beep.

"Kelly, tawagan mo ko kapag pauwi ka na. Ingat."

Bago pa man ang voice over ring lang ng ring ang phone ni Kelly na naiwan sa kotse ni Patrick.

"Hey Miss!!! Are you insane? Naulan! Gusto mo bang magkasakit? Pumasok ka na dito!" Ang pangungumbinsing sambit ni Patrick habang sinusundan ng kotse niya si Kelly. "Ms. Kelly!!!"

Pabulong bulong naman si Kelly na basang basa na ng ulan "Miss daw. Huh! As if naman gentleman talaga sya."

"Miss!!! Naiinis na ako! Kapag di ka pa sumakay dito bababa na ako diyan at kakaladkadin ka!"

Huminto si Kelly at huminto rin si Patrick sa pag dadrive "Hihinto rin naman pala sya pabebe pa."

Lumapit si Kelly sa kotse at akala ni Patrick ay sasakay na ito yun pala sisipain nito ang side mirror ng kotse niya "Wha— What the?"

Pagsira ni Kelly sa side mirror ng kotse ni Patrick "Mind your own business bitch!"

At nag patuloy na sa paglakad si Kelly "AHHHHHHHH!!!" Ang gigil na gigil na sigaw ni Patrick kaya lumabas ito ng kotse niya at hinabol si Kelly at nung naabutan niya ito hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito.

"Where do you think you're going?!"

"Let me go!!!"

"Huh! Why should I let you go? Pagkatapos mong sirain ang side mirror ng sasakyan ko? You need to pay for my car!!!!"

Hinila ni Patrick si Kelly pero sinipa sya nito sa tuhod kaya napaluhod ito at na out of balance "Huh! Ikaw parin ang dating Patrick na weak! Weakling!"

At dahil nga na out of balance si Patrick nakakuha ng pagkakataon si Kelly para maka escape.

"Now I'm pissed off!!!!" Ang galit na galit na sambit ni Patrick at binuhat si Kelly papunta ng kaniyang kotse at marami ng tao ang nakatingin sa kanila.

"Let me go!!!"

Habang dala ni Patrick si Kelly tinapik niya ito sa butt at sinabing "You can't escape from me! Kung akala mo ako parin ang kilala mong Patrick pwes you're wrong!"

"Lemme go!!!!" Sinusuntok niya ang likuran ni Patrick pero kinurot nito ang binti niya. "Ahhhh!!! What the hell? Bakit mo ko kinurot?!"

"Kapag di ka nag behave hindi lang kurot ang gagawin ko sayo!" Tinapik niyang muli ang butt ni Kelly na para bang nag enjoy na syang tuksuhin ito.

"AHHHHH... PERVERT!!!"

"Sige sumigaw ka! Wala akong pakialam dahil naulan they ain't care about us sino ba namang mag papakabasa para iligtas ka? Huh! As if!" Ngumiti lang si Patrick sa mga nakakakita sakanila at sinabi pa niyang "wag po kayong mag alala fiancé ko po sya tinotoyo lang po."

"Ano?! No! Hindi po yan totoo manyak po talaga sya. Tulungan niyo po ako."

Nang makarating na sila sa kotse pandalas ng binuksan ni Patrick ang pinto at ipinasok agad si Kelly "Ha...Ha... Ha... ganyan po kasi talaga sya kapag sinusumpong ng toyo niya. Ha... Ha..."

Sinisipa sya ni Kelly at sa inis ni Patrick tinapon niya ang sapatos nito "Hey! That's my shoes!!!"

Patrick hold Kelly's hand at lumapit ng sobrang lapit "Kapag hindi ka tumigil sa kakatoyo mo..." nagkatinginan yung dalawa at 30seconds rin ang itinagal non bago umatake na naman ang sakit ng ulo ni Patrick.

"AHHHHHH..."

"He— Hey, a— anong nangyayare sayo?"

"I... I need my medicine."

"Na— Nasan?"

Habang hinahanap ni Kelly yung gamot ni Patrick nag riring na naman ang phone niya pero naka silent pala ito kaya hindi na niya napansin na natawag na pala ang mga kuya niya.