webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
463 Chs

Kabanata 101

"Ahhhhh....KUYAAAA!!!!"

"Si Kelly?"

"Knock....knock..."

"Bunso? Anong nangyayare?"

"Buksan mo ang pinto."

"Babysis!!! Ano bakit di ka mag salita?"

"Ah...eh...kasi mga kuy's..."

"Ano nga?!"

"May...may ipis!"

"ANO?"

"Jusmiyo! Kala ko naman kung ano na!"

Isang linggo na ang nakararaan nung gumaling si Kelly sa dengue at simula noon naging parang maging matatakutin na siya sa hindi niya malamang dahilan.

Lumabas si Kelly sa kwarto niya "Kuya, may ipis sa c.r ko!"

Kim: Ano Madagascar ba? Baka may nakawala sa mga laga ko.

Kelly: Tsss...nakakainis naman sabi ko naman kasing wag na lang ganon ang alagaan mo nakakadiri!

Kevin: Sigh...pero jusmiyo naman Kelly wag kang mananakot ng ganun bigla bigla ka nalang sumisigaw diyan hindi na tuloy kami magkanda ugaga sa pag akyat dine eh.

Kelly: Hehe...sorry naman si kuya Kim kasi.

Bineltukan siya ni Kian "Tama na yan bakit ba parang lately nagiging duwag ka na!"

Kelly: Hindi ko nga rin alam kuya yung mga horror movie ko di ko pinapanood.

"Hmmm...hindi kaya...." Anila.

Kelly: Anong meron?

"Wala..."

Kian: Tara bumaba na tayo at mag agahan.

"Okay..."

Habang nababa sa hagdan "Papasok ka na ba sa school bunso?" Ang sabi ni Kevin.

Kelly: Oo kuya bagot na bagot na ko dine eh isang linggo na ata akong absent.

Kian: Malamang kailangan mong maka recover nagka sakit ka!

Kim: Nga pala, nag video call na ba kayo ni Mama? Alam mo naman yun oa ang reaction.

Kelly: Yeah...kanina sya na nga gumising sakin tunog ng tunog ang cp ko may wifi na ba ulit tayo?"

"Hindi naman na wala." Anila.

Kelly: What? Bakit nung mga nakaraaan hindi ako maka connect?

Kevin: Syempre hindi namin sinabi sayo na pinalitan namin ng name at password para makapag pahinga ka.

Kelly: Tsss...sorry nalang dahil isa akong I.T student na hacked ko parin yun nga lang kahapon ko lang na gawa tinatamad rin kasi ako. Bleeeh...

Kian: Maupo na kayo at kumain tama na yan.

Kim: Babysis, turuan mo nga ako mang hack ang bagal kasi ng wifi sa school may nasasagap ako eh mataas yung signal baka mas okay yun.

Kelly: Ayoko.

Kim: Ha? Bakit naman? Ang damot mong lintek ka!

Kelly: Hindi sa madamot ako kuya wala ka namang pasensya pag dating sa ganyan sigurado akong pag tinuruan kita maitatapon mo na naman ang cp mo sa uma ending ako sisihin mo dahil bibili ka na naman ng bago! Kaya A>>>>YO>>>>>KO!!!

Kim: Sigh...you have a point baby.

Kevin: Tsss...mag tiis ka nalang muna kuy's.

Kelly: Yeah...

""HINDI BA KAYO TITIGIL!!!" Ang sigaw ni Kian.

"So---sorry bro." Anila.

Kian: Hindi ba't ang sabi nila mama at daddy kapag nasa hapagkainan tanggapin ang grasya at hindi pinag aantay!

"So---sorry kuya."

Kian: Sigh...hala sige kumain na kayo! At Kelly ang kuya Keith mo ba nireplyan mo na? Nag chat raw siya sayo.

Kelly: Um...kanina ko lang din na replyan.

Kian: Mabuti kung ganon sige kumain ka na.

Kelly: Okay.

Makalipas ang isang oras,

Sa DLRU,

"Morning guys!"

"Morning Mims."

Mimay: Oh? Wala parin si baby girl? Di pa rin ba papasok si Kelly?

Vince: Sabi ni kuya Kevin papasok na raw ngayon si Kelly kaya makikita na ulit natin ang luka.

Mimay: Ayos!!! Miss na miss ko na yung babygirl ko na yun.

Harvey: Isang linggo rin siyang absent eh.

Dave: Buti nga sya isang linggo lang yung isa dito hindi na pumapasok.

"Yeah..." Anila.

Mimay: Anyways, hindi na ba papasok si Patrick?

"Who told you that?"

Nagulat ang lahat dahil dumating si "Patrick!"

Patrick: Yep, I'm back folks!

Niyakap naman siya ka agad ni Dave "Dude!!!!"

Patrick: LAYO!!!

Dave: Tsss...kahit kailan ka talaga...pero bakit ka nandito?

"Oo nga." Anila Vince.

Vince: Babalik ka na ba ulit?

Patrick: Yep! So you better watch your grades guys because the genius is back!

"Really nigga?"

"Kelly!!!!" Ang bungad naman ni Mimay at niyakap niya rin ito agad.

Vince: Pis!!! Ayos ka na ba?

Kelly: Aha! I'm doing great nababagot na nga ako sa bahay kaya pumasok na ko.

Samantala "Pre, ayos ka lang? Bakit parang nakatulala ka diyan? Sobrang ganda ba ng nakita mo?" Ang sabi Harvey.

Patrick: Oo...ha? Hinde!

Dave: Tsss...kunwari ka pa alam mo sigurong papasok sya ngayon ano? Kaya pumasok ka rin?

Patrick: Sira! Nagkataon lang talaga wag nga kayong issue.

Nagkatinginan yung dalawa at tinukso si Patrick "Asus...sige na lumapit ka na!" Anila.

Itinulak nila si Patrick papalapit kay Kelly "He---Hey!!!!" pero umiwas naman ka agad si Kelly at lumapagi na si Patrick sa sahig "DAVE!!! HARVEY!!!!" nagulat siyang may kamay na nag offer sa kaniya "Are you okay?"

Patrick: A---Ahm...fine thankyou.

Tinulungan siya ni Kelly na tumayo "Ayieee..." ang reaksyon nung apat.

Patrick: HEH! Tumigil nga kayo!!!

Dave: Sus...namumula ang mga mukha nyo.

Mimay: Hahaha...bakit parang...

Vince: Kelly? Ayos ka lang ba?

Kelly: Wow...

Nilapitan ka agad ni Kelly yung bag na nakita niya "Whoa....sinong may ari ng bag na ito?"

"Ako?" Ang sabi ni Axel na isa sa mga kaklase nila Kelly at isa sa mga honor student rin sa klase nila.

Kelly: Wow...san mo na bili ang bag mo si Naruto at si Kurama yan di ba? Ang astig!!!

Axel: Ah...eh...binili ko lang yan sa Komik Alley.

Kelly: Oh? Meron na don? May fairytail din kaya?

Axel: Me---meron rin ata? Last time I checked may bag rin silang labas at hoodie na may design na ganyan sila naruto at kurama kasama rin si hinata meron din sila Natsu at Lucy rin kasama naman si happy.

Kelly: Talaga?

Axel: O---oo gusto mo ba? May kaibigan ako doon kung gusto mo ipapa reserve na kita.

"Salamat." Niyakap siya ni Kelly at nagulat siya at syempre yung apat "A---anong nangyayare?" Ang sabi nung apat at bigla naman nang galaiti sa galit si Patrick "Guys, pigilan niyo ko!"

"Ayaw namen."

Patrick: Ha?

"Sige lang sugudin mo sila."

Patrick: Ano?

Vince: Sige sumugod ka, kilala ko si Kelly kapag anime ang usapan talagang baliw na baliw siya kaya kung gusto mong sumugod sige bahala ka pero hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan.

"Yeah..." Anila Harvey at Mimay.

Dave: Oh? Anime addict pala si Master?

Mimay: Oo sobra.

Harvey: Naruto at Fairytail ang pinaka paborito niya kaya ganyan nalang siya kung mag react.

Patrick: Pero...that guy is taking advantage on my Kelly.

"Your Kelly?" Anila.

Patrick: A----ang akin lang naman...

Vince: Tsss...ako ng bahala.

At lumapit nga si Vince kay Kelly at hinila "Hey!!! Let me go!"

Vince: Tumigil ka na! Umandar na naman yang kabaliwan mo.

Axel: Sabihan mo nalang ako Kelly.

Tinignan naman siya ng masama ni Vince "No! Hindi siya kukuha."

Kelly: What? Kukuha ako sabihin mo ha?!

Vince: Halika na!

Kelly: Tsk...KJ!

Kinatanghalian,

Prof. Mina: Goodbye class maaari na kayong mananghalian and Kelly?

Siniko ni Vince si Kelly "Bakit ba?"

Vince: Tawag ka ni Prof.

Kelly: Ha? Ako?

Prof. Mina: Welcome back!

Kelly: Ahh....salamat po Prof.

Prof. Mina: Sige na kumain na kayo happy lunch.

"Bye Prof." Anila.

Lumapit naman ka agad si Mimay sa dalawa "Baby girl saan ka kakain ngayon? Kasabay mo ba si nurse Kevin?"

Kelly: Ahm...hinde sabi niya kasi may duty siya sa DLRH ngayon kaya sasabay ako sa inyo.

Mimay: Ayos!

Harvey: Bakit naman sayang saya ka ata diyan?

Vince: Oo nga wag mong sabihing papalibre ka kay Kelly kababalik niya lang oy!

Pinaguntog niya yung dalawa "Sira! May baon kasi akong bento box na gawa ng mommy ko guso ko lang i-share sa kaniya. Tsss..."

Kelly: Talaga? Pero nakakahiya naman wag na.

"Kami nalang." Ang sabi nung dalawa.

Mimay: Heh! Bakit kayo na ba si Kelly my loves ko?

"Tsss..." Reaksyon nung dalawa.

"Guys, tara sumama kayo sakin." Ang bungad ni Dave.

"Saan?" Anila.

Dave: May ipinahanda si Patrick sa hardin para sa lunch natin.

Mimay: Oh? Bakit?

Vince: Mukhang alam ko na kung bakit.

Harvey: Yeah...

Dave: Tara sumama na kayo.

Kelly: Sandali lang bakit sa hardin?

"Sumama ka nalang." Anila.

At nag tungo nga silang lima sa may hardin at nakita nilang ang daming pagkain at para silang mag pi-picnic "Wow..." Ang reaksyon nung apat maliban kay Dave.

Dave: Sabi ko sa inyo eh.

Mimay: Wow....naihanda mong agad ito?

Patrick: Ipinaayos ko lang sa assistant ko.

"Iba na talaga ang mayaman may assistant." Anila Vince at Harvey.

Patrick: Sira! Gusto ko lang sana i-celebrate natin ang pag galing ni Kelly at syempre ang muling pagbalik ko sa school.

"Ahhhh...ang sweet." Anila maliban kay Kelly.

Dave: Bilis halika na kayo.

"Okay."

Lumapit si Patrick kay Kelly "Kelly, ayos ka lang ba? Ayaw mo ba nung pagkain?"

Kelly: Ha? Hindi naman pero bakit may pa ganito ka pa? Nakakahiya naman.

Patrick: Ah...eh...ayos lang yan gusto rin naman gawin ito ni kuya.

Samantala, nag bubulungan naman yung apat "Kuya? Yung kuya ni Patrick na mayabang?" Ang sabi ni Mimay.

Vince: Dave, hindi mo pa ba sinabi dine?

Mimay: Ang alin ba?

Harvey: Kahit kailan talaga wala kang alam.

Mimay: Aba't!

Dave: Hep! Tama na yan si kuya Richmond kasi ang nag donate ng dugo kay Kelly nung nangailangan siya ng dugo.

Mimay: ANO?

Dave: Shhhh...wag kang maingay.

Mimay: Bakit hindi ba alam ni Kelly?

"Anong pinag uusapan niyo? Ang bungad ni Kelly at naupo sa tabi ni Mimay.

"Ah...eh...wa—wala naman." Anila.

Kelly: Weh? Bakit parang nauutal naman kayo diyan.

Patrick: Oo nga anong pinag kukwentuhan niyo isama niyo naman kami.

Sumenyas naman yung apat sa kaniya "Ha? Ano yon?" dagdag pa ni Patrick.

"Sigh..." reaksyon naman nung apat.

Kelly: Ano bang nangyayare sa inyong apat?

"Wa---wala naman." Anila.