Makalipas ang isang oras,
Nagmamadali sila Kim at Kian "Excuse me, saan yung room ni Kelly Ann Marie Dela Cruz?" Anila pero natulala naman yung nurse sa kanila.
Kim: Miss? Hello? Miss?
Kian: Sigh...sandali nga tatawagan ko nalang si Kevin.
"Kuy's!!" Ang bungad ni Kevin.
Kian: Oh, buti andito ka na asan si Kelly?
Kevin: Nasa room na siya.
Kim: Ano, anong lagay niya?
Kevin: Mukhang may dengue si Kelly.
"Ano? Asan yung room niya?" Anila.
Kevin: Dito sumunod kayo sakin.
"Wow...ang gwapo naman nila." Sabi nung isang nurse na babae.
"Oo nga kapatid pala sila ni nurse Kevin kaya pala ang pogi din...Ahhhh...may mga gf na kaya sila?"
"Sana wala pa para naman may pag asa pa tayo."
"Kapatid siguro nila yung Kelly ano?"
"Oo nga siguro bunsong kapatid kasama ako kanina nung na admit dito yun eh at nakita ko ang ganda niya kahit simple lang."
"Anong ginagawa niyo?"
"Ma---Ma'am May sorry po." Anila.
May: Breaktime niyo ba bakit nag kukwentuhan kayo dito?
"So---sorry po Ma'am."
May: Sigh...anyways, narinig ko yung Kelly anong surname niya?
"Dela Cruz po."
May: Ano? Kelly Ann Marie Dela Cruz ba?
"O---Opo Ma'am."
May: Tsk...anong room number niya?
"Room#20 po."
May: Wait, anong room yon? Private?
"Opo pero wala pong aircon yun."
May: Sigh...sige ipaayos niyo yung VIP room at asikasuhin niyo agad ilipat agad si Kelly doon okay?
"Si---sige po Ma'am."
May: Teka, anong sakit ni Kelly?
"May dengue raw po siya sabi ni Dr. Leo."
May: Sige pakisabi kay Dr. Leo na i-update ako sa mga kailangan ni Kelly okay?
"O—Opo."
May: Sige asikasuhin niyo na agad ang room ni Kelly dito naiintindihan niyo?
"Sige po Ma'am."
May: And one more thing sabihin niyo sa pamilya ni Kelly na bayad na ang bills nila at wag nyong sasabhin na ako ang nag utos nun sabihin nyo pang number 100 patience si Kelly kaya libre na ang bills nila. Naiintindihan niyo?"
Nagkatinginan ang mga nurse at nagtataka "Naiintindihan niyo ba?"
"O---opo Ma'am."
May: Okay sige yung room ni Patrick wag nyo na munang puntahan bukas nalang ng umaga.
"Pero...kailangan po naming i-check oras-oras si Sir Patrick."
May: Ayos lang yon bukas naman eh makakauwi na siya hayaan niyo lang na magpahinga.
"Si---sige po."
May: Okay, uuwi na muna ako bukas na ako babalik para sunduin si Patrick kayo na munang bahala dito.
"Yes Ma'am."
Pagkaalis ni May "Ibang klase! Libre lang yung room ng VIP?"
"Oo nga eh ang mahal ng room na yun eh tapos libre?
"Kaya nga sino kaya yung si Kelly?"
"Baka malapit sa pamilya nila kaya kailangan nating asikasuhin ng mabuti dahil kung hindi lagot tayo."
"Oo nga ayoko pang mawalan ng trabaho."
"Oo ako rin."
"Pero bakit hindi natin pwede puntahan yung room ni Sir Patrick?"
"Hindi ko rin alam baka kailangan talagang mag pahinga balita ko si Sir Patrick na daw ang bagong Chairman sa SM eh."
"Oh? Ang swerte ng mapapanagsawa niya."
"Sayang nga lang at student pa siya ang layo ng agwat namin."
"Sira! Balita ko may gf na rin yun si Sir."
"Oh? Kakainggit naman yung girl."
"Pero nagtataka lang ako bakit kaya gusto ilihim ni Ma'am May na sila yung magbabayad ng bills ni Ms. Kelly noh?"
"Oo nga eh tapos ano raw yung sasabhin natin patience #100 daw kaya libre?"
"Huh! Promo lang sa supermarket ang peg eh noh? Haha...kakaloka."
"Minsan ang hirap ding maging mayaman para na silang nababaliw ano?"
"Shhh...baka may makarinig sa inyo."
"Pero di kaya si Ms. Kelly yung gf ni Sir Patrick?"
"Oo nga! Baka nga siya."
Samantala,
Lumabas na yung magkapatid sa kwarto ni Patrick "Bro, ayos lang ba si Patrick?"
Dave: Oo hayaan na muna natin baka kailangan ng pahinga dahil nagdedeliryo na sya kagabi di ba? Ang taas kamo ng temperature niya? Baka may na dislocate na nerve sa utak niya.
Precious: Baliw ka kuya!
"Ahahahaha..."narinig pa rin nilang natawa si Patrick sa loob.
Dave: See, May na dislocate talagang nerve sa utak niya.
Precious: Buang! Tara na nga bumalik na tayo sa room ni Nanay.
Dave: Um...mabuti pa nga.
At habang naglalakad pabalik yung dalawa nakita nila yung mga kuya ni Kelly "Sis, sandali."
Precious: Ha? Bakit?
Huminto yung dalawa at nagtago sa may gilid "Kuya, bakit ba?"
Dave: Shhh...wag kang maingay baka marinig nila tayo.
Sumilip si Precious "OMG!!! Mga artista ba sila? Ang pogi naman nila."
Dave: Haist...ang kulit.
Hinila niya si Precious "Aw...kuya naman! Sino ba ang mga yun? Don't tell me may atraso ka sa mga yon?"
Dave: Syempre wala sira!
Precious: Ehh..sino ba mga yon? My gosh kuya! Isa kang wampipti?
Dave: Ano? Anong pinagsasabi mo diyan? Luka! Mga kuya yon ni Kelly!
Sumilip ulit si Preicous "Ohhh...may hawig nga kaya naman pala ang ganda rin ni Kelly nasa lahi nila ang maganda at pogi. Pwede kaya akong mag apply bilang ate niya?
Bineltukan siya ni Dave "Tumahimik ka nga! Susumbong kita kay tatay eh."
Precious: Tsss...KJ! Pero may mga gf na ba sila?
Dave: Oh eh ano naman sayo? Tumigil ka Precious kung ayaw mong makalbo ka namin ni tatay.
Precious: Whatever!
Dave: Bakit kaya sila andito?
Precious: Halika tanungin natin kuya tapos pakilala mo ko.
Dave: Sasamain ka talaga sakin pag di ka tumigil sa kakaganan mo.
Precious: Humph!
"Anong ginagawa niyo?"
Paglingon nung dalawa "Pa—Patrick?"
Patrick: Oh? Eh ano naman? Bakit naman gulat na gulat kayo diyan? At bakit kayo nandito? May pinagtataguan ba kayo?
Dave: Shhhh...
Patrick: Ha?
Hinila siya nung dalawa "Bakit ba?"
Preciuos: Si kuya kasi di ko nga rin alam bakit kami nagtatago dine.
Dave: Bilis sumulip ka.
Sumilip nga si Patrick at nakita niya ang mga kuya ni Kelly na pumasok na sa kwarto "Mga kuya ni Kelly yun di ba?"
"Oo." Anila.
Patrcik: Bakit sila nandito?
Precious: Di nga rin namin alam sabi ko nga kay kuya tanung namin eh tapos pakilala ako.
Bineltukan siya nung dalawa "Heh!" Anila.
Precious: Aray naman!
Patrick: Wala ka bang balita kay Kelly?
Dave: Kanina nung pumasok ako wala siya sa school eh.
Patrick: Ha? Bakit daw?
Dave: Ang sabi sakin ni Mimay sabi daw ni Prof. Arnie may lagnat daw si Kelly kaya absent.
Patric: Ano?
Preicous: Hala! Baka na hawa sayo bro.
Patrick: Ha? Ba---bakit ako? Wala naman akong ginagawa nakakahawa ba ang lagnat?
Dave: Um...minsan? Pag siguro nagkaroon ng contact sa taong may lagnat maaari rin mahawa yung taong nagaalaga.
Precious: Sandali lang di kaya ininuman ni Kelly ang baso mo?
Dave: Malabo yun galit sa kaniya si Master eh uminom pa kaya sa baso niya?
Patrick: ANO? Gusto mo ba masapak?
Dave: Ang akin lang naman...
Precious: Hmmm...di kaya nag kiss kayo?
"Ki---Kiss???" Anila.
Dave: Kiss? Si Master at Patrick? Malabo naman ata si Master pa eh ayaw na ayaw niyang lalapit sa kaniya si Patrick kaya di yun mangyayare kahit magunaw pa ang mundo.
Precious: Pero di ba wala ka namang maalala bro? Malay mo ninakawan ka ng halik ni Kelly.
Dave: Hoy! Precious Vanessa wag mong igaya sayo si Master isang conservative na babae si Kelly.
Precious: Sandali nga! Bakit ba parang lahat ng sinasabi ko eh lagi mong kinokontra? Hindi kaya may gusto ka kay Kelly?
Dave: Ano? Ahem...dati yon pero ngayon hindi na.
Precious: Ay sus...edi lumabas din ang katotoohanan.
Dave: Dati nga yon pero ngayon iba na ang tinitibok ng puso ko si Mimay my loves na.
Precious: Iww...nakakasuka di bagay sayo ang ganyan bro.
Dave: Aba't! Gusto mong mapingot sa tenga?
Precious: Bleeh...
Nagtago naman siya sa likod ni Patrick "Hoy!!! Lumapit ka dine!!"
Precious: Ayoko nga.
Dave: Aba't!!! Nagiging pasaway ka na Precious hindi mo na ako sinusunod.
Precious: Edi meow.
Dave: At talagang!
Nag habulan yung dalawa at pinag ikutan nila si Patrick "Itigil niyo yan!
"Nahihilo ako sa mga ginawa niyo!" Hindi nakikinig yung dalawa "Sabing ITIGIL NIYO YAN!!!" Hinawakan niya sa magkabilang tenga yung dalawa "Aw...bro masakit!!!" Anila.
Patrick: Ano? Di pa ba kayo titigil?
"O—oo titigil na." Binitawan naman sila ni Patrick "Wait, sino yung mga yon?" Ang sabi ni Precious.
Sumilip sila Patrick at Dave "Si Vince tsaka...Hindi na namin kilala yung kasama niyang dalawa." Anila.
Precious: Sino naman yung Vince? May itsua infairness.
"Precious!!" Anila.
Precious: Nagtatanong lang naman OA niyo.
Patrick: Pinsan ni Kelly yon.
Precious: Ohhh...edi tawagin natin.
"Ha?" Anila at tinawag nga ni Precious si Vince "VINCE!!!"
"Precious!!!" Anila kaya no choice yung dalawa kundi mag pakita kay Vince "Pre!"
Precious: Oh, edi may matatanungan na tayo. Hehe...
"Pasaway ka!" Anila.
"Andito pala kayo?" Ang bungad ni Vince.
Patrick: Ikaw bakit andito ka?
Vince: Ahh....si Kelly kasi may dengue.
"ANO?" Anila.
Vince: Oo at kailangan niyang masalinan ng dugo bumaba kasi ang platelets count niya.
Patrick: Anong blood type niya?
Vince: O negative.
Napatingin si Dave at Precious kay Patrick "Eh paano may dugo bang makukuha?" Ang sabi ni Dave.
Vince: Yun nga wala dito sa DLRH rare kasi yun ganung blood type kaya naghahanap pa ang mga kuya niya.
"Ano?" Anila.
Vince: Ang daddy at ang kuya Keith niya lang kasi ang ka blood type niya.
Dave: Pero hindi ba at patay na ang daddy nila at ang kuya Keith naman niya ay nasa Bulacan paano?
Patrick: Ako ng bahala!
Hiyiee! (^_^)
•Nakatapos na po tayo ng 100 na kabanata at salamat sa mga masugid na taga subaybay ng book ni Ms. Hoodie.
•Hindi pa ito ang pagtatapos kaya wag kayong mag alala dahil isa pa lamang itong panimula sa buhay ni Kelly Ann Marie Dela Cruz.
•Kaya wag niyo syang kakalimutang bigyan ng review at ng vote para sa author na ipagpatuloy ang kwento ni Ms. Hoodie.
•Maraming salamat at magkita tayo sa panibagong kabanata mga kabayan.♡
Love lots,
lyniar ☆