webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 都市
レビュー数が足りません
388 Chs

What did you say?

"Ano balak niyo diyang mag-reunion?" Galit na tanong ni Boss Helen ng makalapit samin sa may pintuan.

"Happy birthday Boss!" Sigaw naming lima.

"Thank you! Pumasok na kayo at magsisimula na yung party!" Utos nito samin kaya nagsimula na kaming lumakad papunta sa table kung saan kami naka assign.

"Usap tayo mamaya Michelle ha!" Baling nito sakin bago pumunta sa unahan kasi nga kailangan niya ng magsalita.

"Sige po!" Pagsang-ayon ko.

"So sino talaga ang namilit?" Tanong ko kay Alvin at Dina na sabay kong hinawaka sa kanikanilang braso.

"Michelle naman three months palang kami ni Alvin baka pwedi wag ka munang lumapit sa kanya baka mamaya mabaliw nanaman yan sayo at bigla akong iwan." Pagmamakaawa ni Dina sakin habang inaalis yung kamay ko na nakakapit kay Alvin. Nagswitch position kami si Dina na ang nasa gitna naming dalawa ni Alvin.

"Kahit kailan napaka babaw mo talaga!" Sabi ni Alvin kay Dina.

"Mababaw na kung mababaw basta wag kag lalapit kay Michelle at wag mo siyang titingnan kasi baka marealize mo na sobrang ganda na niya!"

"Sus matagal ko ng alam na super ganda ni Michelle kaya nga di niya ko sinagot." "Ewan ko sa inyong dalawa!" Sabi ko sa kanila at kina Sir john at Sir Dariel na ko tumabi.

"Oh bakit umalis ka dun?" tanong ni Sir John sakin n ahalatang natatawa.

"Mamaya kasi magbreak yung dalawa kasalan ko pa haha...haha...!" Natatawa kong sagot.

"Michelle kasi wag kang tumawa lalo kang gumaganda!" Reklamo uli ni Dina.

"Batuhin kita mamaya ng sapatos ko, makita mo!" Pagbabanta ko sakanya. Sumimangot lang si Dina na parang bata at kumapit kay Alvin samantalang yung isa ay napa-iling na lang. Si Sir Dariel at John naman ay tawa ng tawa.

Mabilis lang yung naging speech ni Boss Helen, nagpasalamat lang siya sa lahat ng pumunta at sa pautoy daw na sumusuporta sa negosyo niya at sa mga loyal employee niya na hanadang palaguin yung negosyo na kasama siya.

"Bonus...Bonus...Bonus...!" Sigawan ng lahat ng empleyado niya.

"Sige bibigyan ko kayo ng Bonus kapag kumanta uli Michelle ng gusto kong kanta!" Sagot ni Boss Helen.

"Oh bakit ako nadamay?" Takang tanong ko.

"Hay naku Michelle pagbigyan mo na kami dalawang taon na kaming di binibigyan ng bonus ni Boss Helen kasi walang makakanta ng gusto niyang song at kung may marunong man sintonado naman!" Sagot ni Dina.

"Paano ba yan, ayaw kumanta ni Michelle? So sorry nalang sa bonus niyo!" Sabi ni Boss na handa ng bumaba sa stage.

"Kakanta daw siya Boss!" Sigaw ni Dina.

Bigla akong napatingin kay Dina na para pang gusto ko siyang suntukin.

"Sige na need namin ito ni Alvin para makapagpakasal na kami bago lumaki yung tiyan ko."

Bigla akong napatingin kay Alvin na parang di ako makapaniwala na ginawa na nila yun ni Dina.

"Sabi ko nama sayo pinilit niya lang ako eh!" Sagot nito sakin.

"What did you say?" Nanlalaking matang sigaw ni Dina kay Alvin. Kaya bago ba sila mag-away ay tumayo na ko.

"Thank you, Michelle!" Sigaw ni Dina sakin.

"Ikaw talaga yung Dyosa namin Michelle!" Sigaw ng ibang employee na nakakilala sakin.

"Sigurado ka dito Michelle?" Tanong ni Boss Helen habang naka ngiti sakin.

"Naman Boss! Alam mo naman di ako umaatras sa hamon mo!"

"Kaya nga ikaw parin yung favorite ko eh pagdating sa kantahan." Natutuwang sabi ni Boss Helen sakin.

"Parang tinatakot mo ko niyan Boss eh, matagal pa naman na ako di kumakanta!"

"Sinasabi ko sayo Michelle iba na yung mga kantang favorite ko ngayon."

"Kaya yan ni Michelle!" Sigaw nilang lahat. Paano ba naman sila di sisigaw kung di ko yun makanta wala silang bonus.

"Tingnan natin!" Naka ngiti kong sagot.

"Eh kung ganun sasabihin ko na yung gutso kong kanta!"

"Sige lang Boss!" paghahamon ko sa kanya. Alam ko naman may weird taste si Boss in terms of music pero sa tingin ko naman baka 80' lang uli yun gaya ng dati.

Nakita kong binulungan ni Boss yung DJ sa kantang gusto niya at habang hinihintay namin kung ano yung tutugtugin nun naging tahimik ang lahat.

Bigla akong natawa nung marining ko yung intro.

"Haha... Haha... mukang ayaw mamigay ng Boss niyo ng bonus!" Sabi ko. Paano ba naman Lovesick Girls yung gusto niyang kanta from Black pink. Di ko alam kung talagang gusto niya yun o sadyang ayaw niya lang magbigay kasi at the age of sixty yung ang gusto niyang kanya.

"Ang daya ni Boss!" Reklamo ng madami.

"Anong madaya yan na favorite ko? Apo sayaw mo nga!" Mabilis namang umindak yung apo ni Boss Helen na sa tingin ko ay nasa three years old na.

"Kaya pala!" Ngayon kumbinsido na ko na gusto na niya yun kasi ng a gusto ng apo niya.

"Pero sorry na lang si Boss Helen kasi favorite din yun ng inaanak ko at simula ng lumabas yung kantang iyon tuwing tatawag ako ay pinapakanta niya sakin kaya alam ko na siyang kantahin." Sabi ko sa sarili ko.

"Dapat libre niyo ko ah!" Paghahamon ko sa mga dati kong kasama.

"Naman Michelle! Kami ng bahala sayo!" Sigaw ng iba habang nagpapalakpakan ang iba.

"Paulit Mr Dj!" Mabilis naman itong sumunod sakin. Naging tahimik ang lahat at hinintay nila akong ibuka ang bibig ko para kantahin yung kanta.

"yon wonam bam chamun obnun bange uril gadun love What can we say mebon apado wechinun love

dachigo mangajodo na mol miko botinun goya ochapi tonamyon sanchotusongin chero miwohage degol kujangul bogi jon kunnel sun opso i apumul gidarin gochorom

ama da jamkan iljido mola urin muol chajaso hemenun golka

but I don't care I'll do it over and over ne sesan sogen nomani sumyon dwe We are the lovesick girls ni motero ne sarangul kunelsun opso

We are the lovesick girls iya pum opshina namu wimiga opso ..."

Mabilis kong nakanta yung kanta na walang kahirap hirap lahat sila naka tingin lang sakin pero di gaya sa black pink di ako sumayaw.

"Hello naka gown kaya ako!" Sabi ko sa sarili ko. Patapos na yung kanta ng may mahagip yung mata ko sa may sulok, medyo madili yung parte na iyon pero di ako pweding magkamali si Martin yung naka tayo dun at naka tingin sakin. Pinapanuod niya kong kumanta sa ibabaw ng stage.