260 Instant Mother

Di ko akalaing makikita ko siya dun. Grabe yung tibok ng puso ko, akala ko sa two years na di naman pagkikita at di pag-uusap kahit papano ay di na ganun ang effect niya sakin pero mali pala ako. Umiwas ako ng tingin kasi di ko kinayang makipagtitigan sa kanya kasi natatakot ako na baka bigla akong tumakbo papalapit sa kanya.

Kahit medyo nawala ako sa kanta dahil nga sa pagkakita ko kay Martin, natapos ko naman ito ng maayos.

"Bonus... bonus... bonus!" Sigawan ng lahat ng empleyado.

"Oo na oo na!" Pagsang ayon ni Boss Helen habang natatawa. Ngumiti lang ako bago bumaba ng stage pero di ko kinalimutang muling tingnan si Martin na naglalakad na papalapit sa unahan.

"I want more!" Sabi sakin ng apo ni Boss Helen ng tumakbo papalapit sakin kaya napilitan akong yumuko para maka-usap ko ito ng maayos.

"You want more?" Tanong ko.

"Yes, I want another song which is Ice Cream!" Sagot niya sakin na halatang naglalambing.

"Nicole!" Tawag ng isang lalaki at kung di ako nagkakamali anak ni Boss Helen na si Eric.

"Daddy!" Sagot ni Nicole sa tatay niya pero parang naiiyak na ito. Paano ba naman parang galit yung boses ng ama niya.

"Okay lang Sir!" Sagot ko naman habang hinaplos ko yung ulo ni Nicole.

"Hindi nakakahiya." Sagot nito sakin.

"Come here!" Tawag nito sa bata pero sa halip na lumapit ay lalong sumiksik sakin at kumapit sa suot kong gown.

"It's okay Sir!" Naka ngiti kong sagot kay Eric sabay karga ko kay Nicole.

"You want me to sing you another song?" Malambing kong tanong dito habang karga-karga ko siya.

"Yes!" Mabilis nitong sagot sakin habang kumapit sa leeg ko.

"Sige kantahan kita ng ice cream, balik muna tayo dun sa table ni Lola mo ha!"

"Sige po!" Magalang na sagot ni Nicole sakin. Tiningnan ko si Eric at nginitian na para bang sinasabi ko na hayaan muna yung bata sakin. Tumango lang ito at nauna na saming naglakad pabalik sa table at dahil nga may karga ako at naka takong medyo nahuli kami.

"Bakit ka late?" Tanong ni Boss Helen kay Martin na sinalubong niya.

"May tinapos lang!" Sagot naman nito sabay abot ng maliit na box bilang regaro. Gaya ng dati lalaking-lalaki parin yung boses ni Martin at di ko maiwasang bumungtunghininga kasi nagsisimula nanamang tumibok ng mabilis yung puso ko kasi nga papalapit kami sa dereksiyon nila.

"Tita what is your name?" Tanong ni Nicole sakin habang hinahaplos yung pisngi ko.

"Michelle and you are Nicole right?"

"I'm Princess Nicole Cruz, I'm three years old and I was born on September 16, 20xx. My father is Eric Cruz and my Mom is Sherly Vinze but she is already in heaven so I don't have mom right now. Are you willing?" Dirediretsong sabi ng bata sakin.

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Nicole at lahat ng tao na nakarinig nun kasama dun si Martin at Boss Helen na agad tumingin sa direksiyon namin.

"Patay ka Eric si Nicole na naghahanap ng asawa para sayo!" Sabi ni Mr. Emerelda na isa rin sa mga client ni Boss Helen. Nung marinig iyon ng lahat di nila mapigilang matawanan.

Samantalang ako di ko maiwasang yumuko paano kasi di ko talaga akalain na sasabihin iyon ng bata. Feeling ko nag-init yung tenga ko.

"Is that bad?" Tanong ni Nicole na parang naguguluhan sa naging reaction ng mga matatanda sa paligid niya.

"No Baby it is okay!" Sabi ko para mawala yung pag-aalala nito na may nagawa siyang mali.

"Yes, Nicole It is okay, Single ka pa naman di ba Michelle?" Muling tanong sakin ni Mr. Emeralda.

"Ah, Opo!" Nahihiya kong sagot habang iniiwasan kong tingnan si Martin.

"Yun naman pala eh Eric! Ligawan mo na si Michelle di ka na lugi diyan makikita mo naman napakaganda at bukod pa sa talented ay napakagaling din na engineer."

"Stop it Tito you make her uncomfortable!" Sagot ni Eric kay Mr. Emeralda.

"Hay naku Eric pag-isipan mong mabuti, best catch na yan si Michelle."

"Tumigil ka na nga diyan! Mamaya may magalit!" Sabi ni Boss Helen na kinuha na si Nicole sakin.

"Sino maggagalit eh single naman si Michelle maliban nalang kung may naghihintay?" Sabi ni Mr. Ereralda.

"Wala naman po!" Muli kong sagot.

"Di mo ba kakamustahin si Michelle, Martin?" Tanong ni Boss Helen.

"Bakit ko siya kakamustahin eh muka naman siyang okay?" Diretsong sagot ni Martin.

"Yeh, I'm okay. Congrats nga pala sa engagement mo!" Diretso ko ring sagot. Di sumagot si Martin at nanatili lang naka tingin sakin. Sinalubong ko yung tingin niya habang may ngiti sa labi ko.

"Oo nga pla engage ka na Martin! So kailan ang kasal?" Tanong ng isa pang client ni Boss Helen na si Mr. Valencia.

"Very soon!" sagot ni Martin sabay upo sa bakanteng upuan.

Muling kumirot yung puso ko dahil sa sagot niyang iyon.

"Tita please sing me a song." Request ni Nicole na nagpabalik ng ulirat ko.

"Okay!" Sagot ko.

"Upo ka muna dito!" Sabi ni Eric sakin. Hinili niya yung upuan sa tabi niya kung saan naka upo kanina si Nicole.

"Thank you!" sagot ko habang kinuha ni Eric si Nicole kay Boss Hele at kinandong ito na nakaharap sa dereksyon ko. Inumpisahan kong kumanta pero mahina lang habang naka tingin sa muka ng bata na punong-puno ng exitement.

"Galing!" Sabi ni Nicole na may kasama pang palakpak.

"Thank you!" Sagot ko naman dito.

"Uminom ka muna ng tubig." Sabi ni Eric sakin sabay abot ng baso na agad ko namang tinanggap.

"Salamat!"

"Can you be my mommy?" Biglang sabi ni Nicole. Di ko maiwasang masamid kaya bigla akong naubo. Mabilis akong inabutan ni Eric ng panyo at dahil nga wala akong dala tinanggap ko iyon para itakip sa bibig ko.

"Mukang gustong-gusto ka na talaga ni Nicole maging mommy Michelle!" Muling sabi ni Mr. Emeralda na narinig pala yung sinabi ng bata.

"You know a lot baby stop pressuring Tita Michelle to became your mom, let your daddy ask her that!" Sagot ni Eric na labis kong kinagulat na parang di ako makapaniwala na nasabi niya yun sa harap pa mismo ni Boss Helen at ni Martin.

"Haha...haha... Sir Eric wag ganun?" Natatawa kong sabi para ipaalam sa kanya na di ko sineseryoso yung sinasabi niya.

"Pwedi naman magdate tayo para makilala natin yung isat-isa." Muling sabi ni Eric kaya bigla akong napahinto sa pagtawa at tiningnan siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya or nagbibiro lang. Nung makita kong di nagbago yung muka niya na para bang sinasabi nitong seryoso talaga siya sa sinasabi niya bigla akong tumayo.

avataravatar
Next chapter