webnovel

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio

Chixemo · 都市
レビュー数が足りません
62 Chs

Chapter 9: I Hate It

Pareho kaming lumabas ni Jaden pagkatapos ang usapang iyon kay Kuya. May kung ano sakin ang nagsasabing si Jaden nalang sana ang magluto subalit mas gusto ko syang kasama kaysa iwan nalang sya sa may kusina. Kaya kahit medyo labag sa loob kong si kuya ang magluto ay tumango nalang ako sa kanya.

"Knoa boy! Careful baby.." suway ni Jaden sa bata. Noon ko lang napansin na pawisan na pala ito. I let out a deep sigh then grabbed the towel on top of the table. Dala ito ni kuya kanina. Ipinatong nya yata rito.

"Knoa, come here.." tawag ko dito habang nagpapaikot ikot sa sinasakyan nyang sasakyan subalit hindi nya ako pinakinggan. "Knoa?.." I once again called him but he just passed by then said, "Later mom.."

Umakyat yata sa ulo ko ang lahat ng dugo na meron ako. Kumulo ito ng kumulo hanggang sa nasigawan ko na sya ng di nalalaman. "Knoa Bautista!!.." I almost throw out the hand towel I got on my bare hands.

Nakita ko kung paano napahinto ang bata. "Sinabi ko na ngang pumunta ka rito. Bakit hindi ka na nakikinig kay mommy ha?.." marahas akong naglakad papunta sa gawi nya't hinila mismo sa kinauupuan nya.

"Hey, what are you doing babe?. You're hurting him.." bigla ay pumagitna sa amin ang asawa ko. Pareho kaming nakatayo ni Knoa. Nakapamaywang ako't sya naman ay nakayuko. Sumisinghot singhot ito na para bang napalo. He's crying now obviy. Damn! What now Bamby?.

E kasi naman. Tinawag na nga't lahat di pa rin nakikinig. Masyado nang lumalaki ulo nito sa ginagawa nina Jaden at kuya. Binibigay lahat ng gusto. Yan na nga ba sinasabi ko e. Hanggat bata pa turuan ng bata. Hindi yung ganito. Yung ganitong habang lumalaki na sya ay kasabay na rin ng paglaki ng kanyang ulo. Naiinis ako!

"No Jaden! Umalis ka dyan. Kakausapin ko lang anak natin. Hindi na nakikinig sa mommy eh.."

"Pero nasaktan naman sya kanina sa ginawa mo.. Mag-ingat naman minsan.."

"Psh.. Hindi matututo ang anak natin kung lagi mo nalang syang pinagtatanggol sa lahat Jaden. Hayaan mong bigyan ko sya ng pangangaral paminsan minsan para matuto.."

"For Pete's sake Bamby. Bata pa ang anak natin. Hindi naman sa pinagtatanggol ko sya. Ang gusto ko lang, wag mo namang sigawan. Gusto mo bang sigawan ka rin nya bukas o sa makalawa?. Kung gusto mo syang turuan. Maging malumanay ka. Wag mong hayaan na lamunin ka lagi ng init ng ulo mo."

Umawang ang labi ko sa narinig ko. For Pete's sake?! Really?.

Napapailing ako sa hindi masabi o maitodo ang galit. Wala akong ibang magawa kundi magtiim ng bagang at paikutin ang mata ng pailalim para kay Jaden.

"Stop what you are thinking." he said tapos kinarga na si Knoa na talaga nga namang umaatungal na.

Natulala ako ng talikuran nila akong dalawa. Napasinghap ako ng hangin sa nagpupuyos kong damdamin.

"Anong nangyari?.." sinalubong sila ni kuya sa may pintuan. Kinausap nito si Jaden pero nilagpasan lang sya nito. He then turned to me, asking and a bit confused.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng magtagpo ang aming mga mata. Pumasok syang muli. Sinundan ang dalawa.

Ano bang mali sa ginawa ko?. Gusto ko lang namang disiplinahin ang batas. Mali na bang ituro iyon?

Naluluha kong tinanong ang sarili saka parang tangang naghanap ng sagot sa may damuhan. Pinilit kong damputin ang nagkalat na laruan nito sa paligid subalit mas nananaig sa akin ang marinig ang sagot sa mga tanong ko. Gusto kong makarinig ng opinyon pero kanino?. Sino ang kakausap sakin kung lahat na sila ay galit na sa akin?. Lalo lamang rumagasa ang luha saking mata ng matanong pa iyon? Sino nga ba?

Hay! Ikaw kasi Bamby?. Ano bang tumatakbo sa isip mo't nagawa mo ang bagay na ganun?. May punto din naman ang asawa mo, bakit di mo sya pakinggan minsan?.

Matapos punasan ang luha sa sariling pisngi ay naglakad ako patungong upuan na may maliit na mesa sa gitna. Uupo na sana ako duon nang biglang lumabas itong si Jaden. Seryoso ang mukha nito na para bang may sasapaking kaaway. Matunog akong lumunok dahil takot talaga ako sa tuwing ganun ang nakikita ko sa mukha nya. Wala naman akong phobia sa kanya ngunit may kung ano talaga sa akin ang di mapakali sa tuwing ganun ang ekspresyon nya. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi dahil ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako sa sariling kamalian. I hate this feeling!. Di ko naman sadya na saktan si Knoa. It's just that. Basta nalang nag-iinit ang ulo ko sa tuwing di nasusunod ang gusto ko lalo na pagdating sa anak ko.

Walang sabi sabi ay huminto si Jaden sa mismong harapan ko't pinanood ako. Ni hindi nya ako pinasadahan mula ulo hanggang paa. Sa mata lamang sya nakatingin. Nakasampay sa kaliwa nyang baywang ang isa nyang kamay habang ang isa nama'y nakalaylay lang. "I'm sorry.." nanginginig kong sambit. And without knowing. I cried hard at him. Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga palad dahil sa hiya.

I really do hate it! Yang tingin mong yang Jaden. I know. Alam ko nang, mali ako. Kahit wala ka mang sabihin sakin, ramdam kong marami dahil sa titig mong hindi matanggal tanggal. Nahihiya ako! My goodness!

Ang buong akala ko, yayakapin nya ako para pakalmahin subalit hindi nangyari iyon. "Hindi tumatahan si Knoa. Mind if you wanna try to talk to him?.."

Umiling ako. Nahihiya akong humarap ngayon sa bata. Anong klase akong Ina? Silence passed us by. Umiiyak pa rin ako pero hindi na katulad kanina. "And I'm sorry too.." bigla ay may mga bisig nang yumakap sa akin. "I'm so sorry. I didn't mean to hurt you.." lalo lamang akong napahagulgol sa dibdib nya. Ako dapat tong humingi ng patawad sa kanya, pero bat ganito sya pagdating sakin?. Damn baby! Kaya lalo kitang minamahal eh!

Matagal bago ako tumahan. Sya pa nagpunas ng huling luha saking pisngi. Then he kissed my hair and forehead. "I love you okay.. Wag ka nang umiyak. Makakasama sa baby natin yan.."

My goodness Bamby! Buntis ka girl! Tama na yang pag-iyak.

"I'm sorry Jaden. I didn't mean to hurt our little Knoa. E kasi, makulit. Ayaw makinig.." I reasoned out.

"Yes, I know. But you have to do something para matahan na sya. He keeps on crying. Natakot sa pagsigaw mo.." wala akong ibang maisip na gawin kundi ibaon ang mukha sa mismong dibdib nya. Nakakahiya!

"Wag mo nang ulitin ang ganun ha?. Tinatakot mo masyado ang inosente nyang utak. Wag mong hintayin na dumating sa punto na kamuhian ka nya.." duon nalang din ako sa dibdib nya mismong tumango. Niyakap nya ako ng mahigpit saka pinaulan ng halik sa tainga at buhok.

Matapos ang ilang minuto. Hinawakan nya ang kamay ko't sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Knoa is still crying at his tito Daddy's shoulder.

Oh boy! My heart aches when I saw how he cried. Sumisinok na ito. Kuya look at me intently nang makitang papalapit kami. Like he is saying something pero wala syang ibang ginawa kundi tignan lang ako.

I mouthed I'm sorry to him but he just pointed at Knoa with his snout. Malapit nang dumugo ang labi ko, kakakagat ko rito. I turned to Jaden then he just smiled at me while pointing also to Knoa.

"Knoa?.." I called him. Gumalaw sya. Tinignan nya lang ako patagilid ngunit hindi umaalis sa pagkakayakap sa tito.

"I'm sorry baby. Nainitan lang si Mommy kanina kaya ako nagalit sa'yo.."

"You are mad mommy. You are mad.."

"No baby. I'm not. Mommy is sorry for making you feel that way earlier.. please forgive me.. mommy will never get mad at you.. you are too precious to us.." hinawakan ko ang likod nya't hinaplos iyon ng dahan dahan. Lumingon sya sakin at kumalas ng yakap kay kuya.

"Mommy!.." gumaralgal nitong tawag sakin kasabay ng pag-abot nito sa dalawa nyang kamay. Agad ko iyong inabot saka sya buong lakas na kinaraga mula kay kuya. I kissed his whole face. Pinaulan ko iyon ng halik hanggang sa kanyang buhok. Ilang luha na naman ang tumakas sakin sa tuwing naiisip na nasaktan ko sya. I hate that feeling. Pangako kong hindi na mauulit anak.