webnovel

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio

Chixemo · Urban
Not enough ratings
62 Chs

Chapter 8: Sinigang

"Yah! Hi baby.." mula sa sala mula itaas ay dinig na dinig ko ang boses na iyon ni Jaden. Kaharap ko ngayon ang papel at mga gamit para sa trabaho ngunit ang buo kong atensyon ay nasa ibaba. May kung ano sa akin ang nagtutulak na pumunta doon subalit masyadong matigas ang pride ko para gawin iyon. Hindi naman ako ganito dati pagdating sa Jaden ko. Kulang na nga lang noon habulin ko sya't ikulong sa mga bisig ko para lang makuha sya. Tapos ngayon?. Hay! Iisipin ko nalang na siguro dahil ito sa pagdadalang tao ko. Yung tipong gustong gusto ko sya pero ayoko ganun.

Bumuntong hininga ako sa naisip saka piniling ipagpatuloy nalang ang ginagawa. "Hi.." dahil sa pokus ko sa mga building na kailangan nang tapusin ay hindi ko man lang namalayan ang presensya nya. "It's time to rest baby. Don't overwork yourself please.." he added while leaning on me. Staring at my eyes then down to my lips. Suddenly stopped and kissed me.

"Kailangan na itong ipasa bukas.." I insist. Napanguso ako kaya siguro napangiti sya. Pinagdikit nya ang aming mga noo bago nagsalita.

"I'm the boss baby. Kahit wag mo nang tapusin, ako nang bahala dyan.." he whispered while slowly touching my lips again through his wet lips.

Oh my goodness! Kailan kaya ako masasanay sa ginagawa nya?. Eto. Ito siguro ang dahilan bakit sa tuwing umaalis o bumabalik sya ay nabuburyo ako sa pagmumukha nya dahil ang buong nasa isip at akala ko ay baka gawin nya rin sa iba ang ginagawa nya sa akin. Di ko alam kung pagkabaliw ang tawag dito. Basta ang alam ko, ayokong may kinakausap syang iba lalo na yung sekretarya nya. Lihim ko ito ngunit di ko alam kung after days from now on baka masabi ko nalang bigla sa kanya.

"Dito raw muna matutulog kuya Lance mo. Payag ka ba?.." after that one passionate kiss ay inakbayan na nya ako. Inalis ang lapis sa kamay ko saka ako inakabyan paalis sa kinauupuan ko.

"Oo naman. Bakit daw?. Natanong mo ba dahilan nya?.." tanong ko dahil bigla biglaan nanan kung magdesisyon ang taong yun. Kanina pa sya diti ngunit di nya nasabi sakin. Tapos heto ang asawa ko't kadarating ay sa kanya nya pa nasabi. Hay kuya! Sarap mo talaga ng batukan!

Nagkibit balikat si Jaden. "Nahihiya akong magtanong e. Baka isipin nyang ayaw ko syang patirahin dito sa bahay natin. Ikaw nalang mamaya.."

"Mas ayoko ring tanungin ang taong yun. Baka mag-away lang kami or worst pagalitan ako bigla. You know him, you know.."

"Tsk.. sabagay mahal. Hayaan nalang natin sya. Tutal alam mo na. Para may kasama lagi si Knoa.."

"Jaden?.." pigil ko sa pilyong ngiti nya.

"What?. Wala naman akong sinasabi ah. Ikaw mahal ah, nagiging madumi na yang utak mo.. hahaha.."

Sinamaan ko sya ng tingin bago iniwan nalang basta. Nakakainis sya! Sya nga tong madumi kung magsalita tapos ipapasa ba naman sakin?. Bwiset!!

I almost run and if I really can, tatalon sana ako patungong ibaba subalit nisip ko palang hindi pwede. Kaya nagmadali nalang akong naglakad. "Damn! Baby, please do be careful."

"Get lost.." bulong bulong ko. Mahabang mahaba na pati ang nguso ko.

"Oh! Ano na naman yang mukha mo?. Gusto mo bang pumangit ang magiging baby mo ha?.." sinalubong ako ni kuya nang makababa na ako. Tiningala nya pa si Jaden bago muli ako kinausap.

"Wala. Gutom lang ako kuya.."

"Hmm.. gutom ba talaga?.."

"Oo nga. Anong makakain dyan?.." pumunta ako sa may dining area at naghanap talaga ng makakain.

"Hindi ka ba kumain kanina?.." Jaden interrupted us.

"Hindi eh. Ayaw nya raw nung ulam.." si kuya ang nagpaliwanag. Pritong manok kasi ang gusto ni Knoa. Kahit gusto ko ng sinigang na baboy, ayaw nya naman ito kaya bumigay nalang ako. Pinagbigyan ko ang hilig ng bata.

Lumayo ako ng bahagya sa kanila. Inayos ang mga kalat na palayok at mga plato. Hay mga lalaki nga naman! Hindi marunong makita ang sinasabi ng mga babae na malinis. Tsk!

"Ganun ba?. Kaya pala.." I heard Jaden's husky voice. Nag-uusap sila ngunit mahina lamang. Tama para sa kanilang dalawa at para syempre hindi ko siguro marinig ang pinag-usapan nila. And obviously, ako naman iyon.

"Hey Bamblebie!.." bigla ay tawag sakin ni kuya. Napahinto ako sa ginagawa.

"What!?.." medyo naiirita ako dahil nagulat talaga ako sa pagtawag nito. Tinapik nya ang balikat ni Jaden bago lumapit sa akin.

"You want some sinigang?..."

Di ko alam bat pakiramdam ko naging makulay bigla ang mundo ko sa narinig. Presko itong tumayo sa tabi ko't inakbayan pa ako. Nakatagilid kaming nakaharap kay Jaden ngayon. Leaning on the bar counter.

"Mamili ka na kung sinong gusto mong magluto.." may pagkayabang nitong saad. Tumingin ako sa asawa ko. Nakapamulsa lang itong nakangiti sa akin. I smiled back at him. Tapos kay kuya ako tumingin. "I want your expertise to do it but I want you both." sagot ko.

"Paano kung ang asawa mo lang magluto?. Okay lang sa'yo?.."

"Of course. Bakit ikaw?..." taming ko. Imbes na sabihin nya sa harapan namin ang sagot ay pinili nitong ibulong pa sakin.

"Para makita natin kung sino talagang mas magaling samin pagdating sa pagluluto. you know, para mahusgahan mo.."

"Kuya talaga.." tinulak ko sya ng bahagya dahil nakikiliti ako sa hininga.

"Tsk.. Here they're again.." parinig ni Jaden.

"What?.." halos sabay naming tanong ni kuya.

"Being so sweet and secretive huh?. I'm gonna get jealous here.."

"Oh come on dude!.." biro ni kuya sa kanya.

"Hahaha.. I know guys.. I'm just kidding.. alam ko naman na ganyan talaga kayo kahit noon pa.."

Nakagat ko ang labi ko saka hindi na nag-isip pa na lapitan sya. Agad ko syang niyakap ng mahinto ako sa harapan nya.

"I love you more.." I whispered to his body. Ang bango. Kingwa!

"Hahaha.. our not so little big baby is so clingy Lance. hahaha.."

"Sinabi mo pa bro.. hay.. sige na nga. Ako nalang magluluto. Duon na kayo kay Knoa. Baka kung ano nang ginagawa.."

Oh my gosh! I almost forgot. Knoa! Where are you?. Nakakalimutan kita this days. Masyado kang sinasapawan ng gwapo mong tatay..