webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · 若者
レビュー数が足りません
35 Chs

Chapter 30

Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko?Ako ?Ex-girlfriend niya?Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya.T*ng*n* naman!Ang lupet mo Ken. Sobra!

Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. P*t*!Ang sakit.Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. T*ng*n*! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero p*t* ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko. Para ano? Para kompermahin na break na kami? G*g* siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .

Ilang taon na naman ba ang hintayin ko para bumalik siya akin? Lagi na lang bang ganito? Lagi nalang ba akong maghihintay sa kanya?P*st*ng puso naman to o, sinaktan na nga pero siya parin ang tinitibok at inaasam. Kailan ka ba mapapagod, kapag durog na durog kana?

"Ate Ri ang ulan sunog na."

"Ay! Pusang gala. Santisima. Jusko po."

Taranta na usal ko at pinatay ang kalan.Santisima hotdog na nga lang ang niluto sunog pa. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip.

Haist! Ang sakit sa damdamim. Kailan pa ba ito mawala.

________

2 years passed.

Im lying in bed.Scrolling my cellphone .And reminiscing the past. Dalawang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa parin sa aking isipan noong panahon na umalis siya para magtrabaho.Noong panahon na namiss ko siya.Noong panahon na para na akong tanga sa kakahintay kung kailan siya muling magparamdam sakin.Well, hanggang ngayon parin naman. Hanggang ngayon umaasa parin ako.

"Sh*t! Baka may facebook siya. Wait. Try ko nga i search ang pangalan niya."

'Bakit ngayon ko lang to na isip? '

Nanginginig ang kamay ko habang tinitipa ang pangalan niya. Bakit kinakabahan ako?Napabangon ako ng makita ko ang pangalan niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Muntik na akong tumili ng malaman kong online siya.I open his facebook.

"Sana all private ang account."

Imbes na i-stalk ko ang account niya nag message nalang ako sa kanya.

"Bawal mag cellphone habang may klase." mensahe ko.

Ka ka-send ko palang tapos typing na agad siya. Sana all mabilis mag reply.

"Hehe. Wala kaming pasok."

Ah ok. Napahiya ako.

Hindi na ako nag reply. Umurong ang kamay ko na mag tipa ng mensahe. Bakit gugulohin ko pa ang isang taong nananahimik. Bumuntong-hininga ako at patalon na bumaba sa kama mabuti pa at kumain na lang . Lalabas na sana ako ng kwarto ng muling tumunog ang cellphone ko.

"Miss na kita bhe."

Nag unahang pumatak ang mga luha ko sa mensahe niya.

"Miss na miss din kita. Subra." bulong ko at tahimik na umiiyak dahil sa tuwa.

Kahit ilang beses niya akong sinaktan, lukohin at paasahin, mahal ko parin siya hindi parin nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero isa ito sa mga rason kung bakit lalo akong nahulog sa kanya nasa tuwing saktan at iwan niya ako ay mas lalo ko lang siyang minamahal at ninanais na mapasaakin ulit siya. I hate myself for being this. Kulang nalang manlimos ako ng pagmamahal at atensyon sa kanya.

"Ay! Palakang may lawit!Sino na naman itong tumawag?" hiyaw ko sa gulat ng tumunog ang cellphone ko .

"Hello? Sino to?" singhal ko dito. "Kung makipag textmate ka lang p*t*ng *na wala akong panahon para sa bagay na yan. "

Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko." Parang lalo kang naging maldita a. " natatawang saad niya. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang boses niya.

" Ano naman sayo! Bahala ka sa buhay mo! "

Patayin ko na sana ang tawag ng matigilan ako sa sinabi niya.

" I love you. I miss you bhe."

"Ken?" mahinang usal ko sa pangalan niya.

Ang sakit na dinulot niya sa damdamin ko ay biglang naglaho at napalitan ng tuwa. Ganon lang ka dali, sa simpleng I love you na bura lahat ng sakit. Ganon ako ka rupok pagdating sa kanya .

Muli kaming nagkabalikan. Walang pormal na panliligaw basta nagka I love you-han lang kaming dalawa then boom! Kami na ulit.Diba,subrang rupok ko. Tinanggap ko siyang muli kahit sa puntong ito alam kong may girlfriend siyang iba. Kilala ko ang girlfriend niya inaway pa nga ako sa chat e, pero dahil mabait ako hindi ko siya pinatulan.

"Bhe,alin dito ang maganda?"

"Yong red."

Nawalan na ako ng gana sa pamimili. Simula ng pumasok kami dito sa department store ay aligaga na siya panay tingin sa cellphone at dumidistansya sakin. Nag kunwari nalang ako na busy sa pamimili para hindi niya ako mahalata.

"Bhe, sagotin ko lang ang tawag ni Diether."

Tumango ako bilang sagot. Alam ko naman na hindi si Diether ang tumawag, kasi kung si Diether yon hindi na sana siya lumayo sa akin para kausapin ang kaibigan.Masakit malaman na yong boyfriend mo ay may ka tawag na babae at isa sa mga girlfriend niya.So,it means pangalawa ako?Pangatlo?Pang-apat?Hindi ko alam kung pang-ilan ako basta ang alam ko marami kami. Pero okay lang ang mahalaga boyfriend ko siya. Naipakita at naiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal. Kung gaano siya ka halaga sa akin. Iyon ang importante sa akin ang ma iparamdam ko sa kanya na siya lang ang nag-iisang lalaking minamahal ko.

Nagpa lipas muna ako ng ilang minuto at nagpasyang lumabas nalang sa store. Nagulat pa siya ng makasalubong niya ako baba ng hagdan .Walang salita na sumunod siya sa akin palabas ng department store.

'Bakit kailangan mo pa mag sinungaling Ken? Alam ko na ang lahat. Okay lang naman sa akin, sanay na ako na laging may karibal pagdating sayo. Huwag ka lang magsinungaling dahil triple ang sakit na maramdaman ko. '

Nais ko sanang isa tinig.Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga paglingon ko sa kanya busy parin siya sa kanyang cellphone.Binilisan ko ang paglakad hindi ko alam kong saan ako pupunta,umuwi nalang kaya ako.

Noong araw na yon tinanong ko siya kung pwede ba kaming mag change ng sim card, pumayag naman siya.

Hindi naman sa nagdududa ako sa kanya kasi alam ko naman ang lahat e. Wala lang. Trip ko lang makipag-change. Sa awa ng diyos wala namang nag text na girls sa kanya.

Lumipas ang mga buwan. Away-bati kaming dalawa maunawain kasi ako, kaunting explain lang niya ay okay na ako. Yong nahuli mo siya sa kremin na ginawa niya pero hindi paman siya nagsalita at nagpaliwanag ay pinatawad mo na. At sasabihin na 'okay lang iyon huwag kang mag-alala' tapos sabay ngiti at umakto na parang walang nangyari kahit ang sakit na. Ganyan ako pagdating sa kanya. Kasi mahal ko siya, subra. Kahit masaktan ako ng paulit-ulit okay lang basta kami paring dalawa, kapiling ko pa rin siya.

________

May disco ngayon sa barangay nila so i decide na ibinalik sa kanya ang sim card niya. At sa hindi inaasahan nang ma buksan ko ang inbox may mensahe doon na nagpadurog sa aking katauhan. Sa lahat ng panloloko at pananakit na ginawa niya ito ang pinakamasakit.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nabasa. Parang pinipiraso ang puso ko. Hindi ako makahinga. Sh*t! Ilang beses kong binasa ang text, pakiramdam ko wala akong naintindihan ni isa sa mga letra.At nalaman ko na galing iyon sa isa sa mga girlfriend niya, matanggap ko naman iyon kaso ng mabasa ko ang buong mensahe umiba ang pakiramdam ko.

"At ngayon nakuha mo na ang virginity ipangako mo sa akin na huwag mo akong iiwan love ha."

Mensaheng nagpabaliw sa isipan ko.