webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Teen
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 29

Akala ko hindi na niya ako ulit iiwan na manatili na siya rito at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral pero sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang desisyon ngunit hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang may sakit na kapatid. Lokong Rose muntik na akong maniwala sa sinabi niyang magtatanan si Kenneth. Maki balita nalang mali pa.May mag tanan bang magpaalam sa jowa niya? Loko.

May kapatid si Kenneth na babae, she's a months old now.Bunso nila at may sakit ito sa puso, butas ito nang ipinanganak siya.Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid to the point na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral para lang maka ipon ng pera pang pagamot dito.

Isang linggo na mula noong umalis siya. I miss him. Kahit madalas kaming magka text at call iba parin noong nandito siya na nagkikita kami kahit isang beses na isang linggo ngayon wala na kontento nalang sa text at tawag.

"Fahrhiya may naghahanap sayo."

"Ha? Sino?"

"Basta. Sumunod ka na lang. Nandoon siya sa purok ng Mabini kanina ka pa niya hinahanap. "

Sumunod nalang ako kay Cristy. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin?Wala naman akong kaaway.Baka isa ito sa mga girlfriend ni Kenneth. Sh*t! Ang lamig ng kamay ko sa kaba.

"Sino naghahanap sa akin Cristy?"

"Basta. Bilisan mo na lang."

Sh*t parang himatayin na ako sa kaba.

" Si ante yong naghahanap sayo, " saad ni Cristy at tinuro ang matandang babae. " Sige, ante dito lang kami sa kabila."

"Salamat Cristy."

Nahihiya na tumingin ako sa matanda. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.

" Ikaw ba si Fahrhiya? " tumango ako bilang sagot at ngumiti sa kanya. " Ikaw ang girlfriend ni Kenneth?"

"Ah-,"

"Ako ang mama ni Kenneth."

I'm speechless.

Hindi ko alam kong ano ang i react ko. Sa huli ay umupo ako sa kanyang tabi at nag mano.

"Pasensya na kung na abala kita."

"Hindi po. Ayos lang wala naman po akong ginagawa."

Walang busy pagdating sayo mother-in-law.Hehe.

"Sinadya talaga kitang puntahan dito."

"Bakit po ante?"

"Itatanong ko lang kung palagi ba kayong nag-uusap ni Kenneth."

"Isang linggo ko na ho siyang hindi ma contact. Ang huling sinabi niya sa akin nasira daw ang cellphone niya. Bakit ho may problema ho ba? "

" Hindi kasi kami nag-usap bago siya umalis papuntang Cotabato. Pinagsabihan ko siya na ayosin ang pag-aaral niya pero nagbulakbol at huminto ng pag-aaral. Nag-away ba kayong dalawa? "

" Ho? Hindi po. Wala naman kaming problema."

" Kung ganun ano ang dahilan niya?" napahilot siya sa kanyang sintido." Sus maryusep na bata sumasakit ang ulo ko sa kanya. "

" Ah- kasi ang sabi niya sa akin noong bago siya umalis kailangan niya daw huminto ng pag-aaral at mag trabaho para daw po sa kapatid niya. "

" Kita mo nagsinungaling pa sayo. Kaya yon huminto ng pag-aaral dahil hindi naman siya pumapasok sa paaralan. Doon siya sa labas kasama ng mga tambay niyang barkada at nag do-droga. "

Nagulat ako sa narinig ko mula sa kanyang ina. Paano? Pero sabi niya. My god. Paano niya na gawa ang bagay na yon? Hindi lang siya sa akin nagsinungaling pati rin sa ina niya.

"Totoo na pumunta siyang Cotabato para mag trabaho pero hindi ako pumayag dahil ang gusto ko ayosin niya ang pag-aaral niya pero hindi siya na kinig sa akin at sinunod ang kagustuhan niya. Ang pinoproblema ko ngayon ay hindi namin siya ma contact kaya sinadya kitang puntahan dito baka sakali na nag-usap kayong dalawa. "

" Hindi ho e. "

" Na binat na ako sa batang yan, akala ko ikaw ang makapagbago sa kanya pero mukhang wala kang alam tungkol sa nangyari sa kanya. "

" Pasensya na po ante. Akala ko po kasi okay na , wala talaga akong alam sa nangyari sa kanya kasi kapag tinatanong ko ang lagi niyang sagot okay lang. About naman po sa pag-aaral niya hindi ko alam na hindi siya pumapasok kasi kahit yong kaibigan niya kapag tinanong ko sila nag-aaral naman daw ng maayos si Kenneth pumapasok naman daw ho sa klase. "

" Isa pa iyang kaibigan niya mga konsentidor. Kung hindi pa ako pumunta sa paaralan niya hindi ko malaman. "

Nahiya ako. Girlfriend niya ako pero wala akong alam kung ano ang nagyayari sa buhay niya. Kampante lang ako palagi sa sagot niyang okay siya, walang problema.

I know Kenneth use mariwana. Sabi niya ito raw ang silbing vitamins niya para tumaba. Akala ko biro niya lang yon pero nang ma rinig ko ang sinabi ng mama niya gusto ko siyang maka-usap at kumprontahin sa mga maling bagay na ginawa niya. Nang mag ring ang bell ay nagpa-alam na rin si ante na uuwi na siya. At nakalimutan kong itanong kung kamusta na ang kalagayan ng bunso nila.

Pinoproseso ko parin sa isip ko ang sinabi sa akin ng mama niya. I can't believe it. Nang gagalaiti ang kamay ko na tawagan siya. Sinungaling! Pumunta lang siya ng paaralan para mag droga?My god! Talagang nag sinungaling pa siya sa akin.Walang pinagbago.

_______

Limang buwan na ang lumipas graduate na ako ng high school pero walang Kenneth na muling nagparamdam. Ginost ako amp*ut*.Pero ayos lang. Willing naman ako mag hintay kahit gaano ka tagal.

Pero umabot na ng isang taon ang paghihintay ko ay wala parin siyang paramdam kahit ligaw na text mula sa kanya ay wala.Na miss ko na siya. Subra. Suko na ba ako o maghintay pa kahit ilang taon? Kahit walang kasiguraduhan na babalikan niya ako?

"Ay! Susmaryosep! Anak ka ng tinapa! P*st*ng ringtone to nakakagulat."

"Hello? Sino to?"

"Hello? Si Fahrhiya ba ito?"

Boses babae. Sino na naman kaya to.

"Oo. Bakit?"

"Ikaw yung ex-girlfriend ni Kenneth?Si Ivy pala to girlfriend ako ni Kenneth."

"F*ck you. Wala akong pakialam," singhal ko at pinatay ang tawag.

"Ulol .Ex-girlfriend niya mukha niya," himutok ko at pinahid ang luhang tumulo sa aking mga mata.