webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 73

"Gi-Ginoong Huang Chen? Anong gi-ginagawa niyo rito?!" Gulat na gulat na saad ni Prinsipe Lei habang mabilis itong lumingon sa dalawang batang nakasuot lamang ng kupasing mga roba na sina Li Xiaolong at Li Zhilan. Dinuro niya pa ang mga ito at muling napatawa at nagwika."Hahaha... Napabisita ka ba sa mga hampaslupang lupaing ito at hindi ako naniniwalang gusto mo silang protektahan haha."

Tila napangisi pa ng malademonyo si Prinsipe Lei habang makikitang tila parehas sila ng iniisip ni Ginoong Huang Chen na siyang kasalukuyang pinuno ng Peacock Tribe. Alam niyang hindi tutulungan ng Peacock Tribe ang hampaslupang lupaing ito ng Green Valley dahil sa pananamit pa lamang ng mga taong naririto at kung gaano kadugyot ang uri ng kasuotan ng mga ito ay mahahalatang salat ito sa materyal na bagay lalo na sa kayamanan o salapi.

Kahit nga silang mga nasa royal bloodline ng Sky Ice Kingdom ay hindi makahingi ng tulong sa mga ito ay nagpapatunay lamang na nagsisinungaling ang mga paslit na mga batang martial artists na ito. Mga batang uhugin at salat sa karangyaan ay hindi niya tipong hamakin ngunit sumusobra na din ang mga ito.

Tiningnan naman siya ni Peacock Tribe Chief Huang Chen habang seryoso itong nakatingin sa gawi ni Prinsipe Lei. Mabilis na nangunot ang noo nito na animo'y hindi nito inaasahan ang kaniyang kasalukuyang senaryong nadatnan niya.

"Tinagurian kang Prinsipe, Lei ngunit ano itong ginawa mo sa lugar ni Elder Lee." Tila disappointed na sambit ni Peacock Tribe Chief Huang Chen habang nakatingin sa pwesto ni Prinsipe Lei. He really don't know what gotten to Prince Lei lalo na at hindi niya inaasahan o  aakalaing may sisira sa bahay ni Elder Lee na mahirap pakiusapan ang matandang manggagamot na iyon na kahit siya o sila ay sasakit ang ulo sa kakaisip sa matandang manggagamot na ito na wala talagang makakabali ng mga adhikain nito sa loob ng Green Valley. Only this fool Prince Lei just bold trying to ruin this place where Elder Lee lives and making some healing operations.

Kung mainitin ang ulo ng Sky Flame Kingdom ay mas lalong hindi magpapatalo ang Sky Ice Kingdom. Kahit  sino talaga ay maririndi sa dalawang panig na ito lalo na sa hanay ng mga prinsipe na kung gumalaw o kumilos ay parang mga sanggano na hindi mo alam kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga ito.

Tila nagulat naman si Prinsipe Lei sa narinig niya. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Peacock Tribe Chief Huang Chen sa mga sinasabi nito.

"Elder Lee? Sino iyon? Heh! Hindi ko aakalaing lalambot ang puso mo sa mga mahihinang nilalang na sa maliit na lugar na ito Ginoong Huang Chen ngunit sa ginagawa mo ay bumaba ang tingin ko sa iyo at sa Peacock Tribe. How could you agree to this poor place like this at kaming mga nasa royal bloodline at mga noble families ay tinanggihan mo hmmp!" Puno ng inis na sambit ni Prinsipe Lei. Makikitang hindi na talaga ito natutuwa sa mga nalaman niya. Hindi siya tanga upang paikutin pa ang impormasyong nalalaman niya. Given na mas maraming oportunidad ang ibinigay at inalok ng Sky Ice Kingdom sa tanyag na tribong but they just refuse instantly.

Ganon na ba kababa ang tingin ng Peacock Tribe sa kanilang nasa Royal Families para insultuhin ng ganito. Isa itong kahihiyan para sa kanila. They are more capable than this trash place. Parang ginagago lamang sila ng Peacock Tribe kung ganon ang sistema ng pagpili nila.

Mababakas ang inis sa mukha ni Peacock Tribe Chief habang nakakuyom ang kamao nito. Lumabas na rin ang litid sa noo nito na halatang hindi ito natutuwa sa sinasabi ni Prinsipe Lei.

BANG!

Wala sa oras na tumilapon sa malayo si Prinsipe Lei nang direkta siyang pinatamaan ng malakas na aura ni Peacock Tribe Chief Huang Chen.

Nanlaki naman ang pares ng mga mata ng tatlong nilalang na siyang alalay ni Ginoong Huang maging ang mga batang sina Li Zhilan at Li Xiaolong ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Tila ilang segundo lamang ang nakakalipas ay unti-unting nagkaroon ng maraming mga taong nakapalibot sa lugar na ito na halos kalahati ng lugar ay tuluyan ng nasira.

Maya-maya pa ay mabilis na naging balisa si Peacock Tribe Chief Huang Chen nang makita ang mga pigura ng papalapit na mga nilalang.

Talagang alam na niya kung sino ang mga ito at hindi nga siya nagkakamali dahil isa na rito ang ama nitong si Huang Lim.

"Huang Chen anong ginawa mo? Sino na naman ang napagdiskitahan mo!" Tila galit na pagkakasambit ni Ginoong Huang Lim nang maramdaman nito kani-kanina lamang ang malakas at pamilyar na aura ng sarili lang naman nitong anak. To think that his son could actually be strongest in this place ay hindi naman nangangahulugan na basta-basta na lamang itong magpapalabas ng malakas na enerhiya sa loob ng katawan nito dahil nuto gawain ang bagay na iyon unless someone just trigger his son's anger.

Tila hindi naman nakapagsalita si Peacock Tribe Chief Huang Chen nang mapansin nitong hindi natutuwa ang ama nitong si Huang Lim sa ginagawa nito.

Ngunit nagulat na lamang sila nang may pumalakpak sa hindi kalayuan habang unti-unting nawala ang makapal na usok kani-kanina lamang.

*Clap! *clap! *clap!

"Andito na pala ang mag-amang nasa pamilya Huang. hindi ko aakalaing andito si Tandang Lim. Hahahaha...! Sa oras na malaman ito ng amang hari ay siguradong tapos na ang maliligayang araw niyo Peacock Tribe!" Nakangiting sambit ni Prinsipe Lei habang naglalakad pa ito patungo sa direksyon kung saan naroroon si Peacock Tribe Chief Huang Chen. Palipat-lipat ang tingin niya rito at kay Ginoong Huang Lim at unti-unting sumilay ang ngisi nitong malademonyo. Talagang natutuwa siya sa pangyayaring ito. Talaga nga namang sunod-sunod na surpresa at rebelasyon ang nalaman at sumambulat sa kaniyang muling paggising.

Mukhang hindi lamang siya galit na galit sa Crowned Prince na muntikan na siyang mapaslang nito kundi maging sa mag-amang sina Ginoong Huang Lim at Peacock Tribe Chief Huang Chen. Lalo na ngayon na nalaman niyang mas pinili ng mga itong kumampi sa mahihinang nilalang sa pesteng lugar na ito na salat sa yaman kaysa sa kanilang mga mararangyang pamilya na siyang nasa hanay ng Royal Families ng Sky Ice Kingdom ay nakakakulo ng dugo ito.

Para kay Prinsipe Lei ay talagang nangangahulugan lamang para sa kaniya na gusto lamang ng Peacock Tribe na magkaproblema sa pagitan nila. Mas pinili nito ang ikasasama nito kaysa sa ikabubuti ng tribong ito.