webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 34

Mataman namang nakagapos ang lalaking kriminal na sugatan matapos nilang makarating sa mismong bukana ng papasok sa lugar kung saan mismo matatagpuan ang nasabing Thunder Type Dragon Vein.

"Pakawalan niyo ako rito. Hindi ko aakalaing gagawin niyo ito sa akin matapos ko kayong tulungan." Seryosong wika ng nasabing lalaking kriminal habang magpupumiglas pa ito sa kaniyang kinaroroonan lalo na sa mismong matibay na baging na nakapulupot sa katawan nito.

"Heh! Manahimik ka kung ayaw mong patahimikin ka namin. Do you really think na may puwang ang sugatang katulad mo para sa pagkuha namin ng dragon vein?! Magiging pabigat ka lang sa plano namin!" Sambit ng payat na lalaking kriminal habang kitang-kita na hindi talaga ito nagkaroon ni katiting na awa sa mismong kasama nitong kapwa kriminal nito.

"Tama, you better behave or else we will kill you right away if manlaban ka pa. Plano nating pumunta rito at ang isang katulad mo ay magiging pabigat lamang sa gagawin naming pagkuha ng Thunder Type Dragon Vein. Sugatan ka na at maraming pasa. Alam mo ba iyon?!" Pagpapaliwanag ng black robe man habang makikitang tila wala itong pakialam sa kapwa nito kriminal na kasangga niya noon pa man.

"How could you all do this to me. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko all this years tapos ay gaganituhin niyo lamang ako?!" Puno ng hinanakit na sambit ng nasabing lalaking kriminal na sugatan. Although he is somewhat called criminal pero hindi naman siya ganoon kasama. He just only rob someone at never pa siyang pumatay. Talagang napakamalas niya lamang at ang itinuring niyang mga kaibigan ay ngayon ay tinatalikuran na siya.

"Exactly, kaya nga hindi ka namin papatayin at hahayaan ka namin ditong nakagapos. Ano sa palagay mo ang silbi mo ngayon eh wala na. Do you really think na pahahalagahan namin ang sarili mo kaysa sa sarili namin?!" Inis na wika ng tumatayong lider ng grupo ng kriminal na ito habang masusi nitong tinatanaw ang papasok sa loob ng lugar kung saan ay malapit na lamang nilang marating kung saan misko ang nasabing Thunder Type Dragon Vein.

"Nakakairita ka talaga kahit kailan. Napakahina mo na nga makipaglaban at tanging ang utak mo lang ang may silbi sa amin. Hindi ka sana namin sinama rito if that's what you are thinking." Puno ng pagkairitang sambit ng payat na kriminal. Talagang wala siyang pakialam rito at naiinis na siya sa pagiging bida-bida nito palagi sa lider nila. Ngayong may pinsala na ito sa katawan ay alam nilang walang mga manggagamit dito na maaaring tumulong sa kanila. Kung meron mang nanggagamot ay siguradong mahal din ang singil ng mga ito. They are criminals, walang lugar ang may sakit o napinsala sa mga grupo nilang takas na preso.

"Talagang ganon na ba talaga ang papel ko sa inyo? Ang silbi lamang ng utak ko ang gusto niyo? Akala ko ba ay parang kapatid na ang turing niyo sa akin? You all are really evil!" Puno ng emosyong sambit ng lalaking kriminal na sugatan. Talagang hindi niya aakalaing dito niya pa malalaman ang totoong pag-uugali ng mga ito. He is really hopeless to whatever he do lalo na sa kalagayan niya. Even escaping could really be a wishful thinking na lamang. Ang totoo niyan ay marami silang mga kriminal na nakalaya na piniling sumama na lamang sa mga kriminal kasi dito din sila inihanay ng lipunan, wala din silang ibang mapupuntahan. Isa pa ay binata siya tsaka pumanaw na ang mga magulang niya. All he could do is completely different from others. Kriminal na rin ang turing sa kaniya ng mga nasa lugar nila, ano pa ba ang babalikan niyang dating buhay?!

"Eh tanga ka pala talaga eh noh. Kriminal tayo dito, ano'ng mahahagilap mo sa kapwa kriminal mo? Nag-iisip ka ba talaga na parang kapatid ka namin?!" Prangkang sambit ng black robe man. He is really somewhat shock lalo na at mukhang may pagkatanga itong kasama nilang sugatan.

"Kriminal ka at kriminal din kami. Ano'ng palagay mo sa pagpunta natin dito sa Swamp Dungeon ay para patuloy na mabuhay at magtago sa mga awtoridad." Puno ng pagkairitang sambit ng payat na kriminal. Konti nalang talaga at mapupuno na siya sa kasama nilang utak lamang ang silbi nito sa kanila.

"Magpatuloy na tayo sa paglalakbay natin. Mukhang papalapit na rin sa gawi natin ang pesteng nakalaban natin. Napakatinik pa naman nito kalabanin. Make sure na makukuha natin ang Thunder Type Dragon Vein." Pagpapaalala ng lider ng grupo ng kriminal na ito. They are somewhat needs to stick to their goal here not some kind of dramatic scene na wala sa bokabularyo nila. With the Thunder Type Dragon Vein in their hands, baka isang taon silang tiba-tiba sa laki ng salaping makukuha nila.

"Mabuti pa nga bossing, talagang hindi ko na matagalan ang pagiging dramatic ng pesteng kutong-lupang ito. Naiisip ko palang, nag-iinit na ang ulo ko!" Inis na sambit ng payat na lalaking kriminal habang mabilis nitong inilapiy ang kaniyang sarili sa gawi ng lider nila dahil inis na siyang harapin ang madaldal na sugatang kasamahan nila. Sa totoo lang ay mas masaya siya ngayon, he could really rise up his own self sa paningin ng boss nila. Malay niya ba na siya ang magiging right hand nito sa hinaharap.

"Tama, mas mabuti pa nga iyon nang hindi na natin marinig ang kadaldalan ng pesteng to!" Iritang turan ng black robe man habang mabilis din itong naglakad sa gawi ng lider nila.

Nag-umpisa na ring naglakad ang lider ng grupo ng mga kriminal na ito habang nakasunod naman ang black robe man tsaka ang payat na kriminal sa likod nito.

"Wag niyo kong iwan dito, ano ba? Kalagan niyo ko rito pakiusap!" Pagsusumamo ng sugatang kriminal habang kitang-kita nito ang papalayong pigura ng mga kasamahan niya. Talagang parang bingi ang mga itong lumalayo sa pwesto niya na parang hindi siya narinig ng mga ito eh ang lakas na ng pagkakasambit niya ng mga salitang ito.

Nag-umpisa naman siyang magpumiglas pero hindi talaga niya inaasahang napakahigpit ng mga taling nakapulupot sa katawan niya lalo na sa bandang kamay nito. Hindi naman kasi lahat ng kriminal ay magaling sa pagtakas kagaya niya sa ganitong klaseng sitwasyon.