webnovel

Immortal Destroyer [Volume 9]

Sa mundong ginagalawan ni Wong Ming sa kasalukuyan, ano ang maaari niyang gawin upang maisalba at maisaayos ang mga bagay na maaaring ikapahamak ng sarili niya, ng Wong Family at ng buong Golden Crane City sa hinaharap. Paano na lamang kung ang pagtulong niya sa ama niya sa loob ng Ashfall Forest ay maghahatid sa kaniya ng matinding panganib na ngayon niya lamang mararanasan. Makakaya niya kayang lampasan at maunawaan ang kakaiba ngunit nakakapangilabot na mga pangyayaring babago at huhubog sa sarili niyang pag-unawa?

Jilib480_Jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
34 Chs

Chapter 4.2

Imbes na sumagot si Wong Ming ay mabilis nitong sinuntok sa ere ang imahe ng sinasabi ni Qiáo Jian na Dark Demon God na pinalabas nito gamit ang pambihirang skill daw nito.

Crack! Crack! Crack!

Ang inaakalang malakas na kaanyuan na Dark Demon God ni Qiáo Jian ay bigla na lamang nagkaroon ng bitak-bitak ang kaanyuan nito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang bigla na lamang nangyari sa ere na siyang ikinabigla at ikinapanghina ni Qiáo Jian. Hindi niya matanggap ang ganitong klaseng senaryo at kaganapang tila inaasahan nitong siya ang mananalo hanggang bandang huli ngunit walang kahirap-hirap siyang tinalo ni Wong Ming sa espesyalidad niyang ito.

"Paano mong nagawa ito Wong Ming? Hindi ko maintindihan. Ako dapat ang mananalo sa ganito labanang ito!" malakas na sambit ni Qiáo Jian habang halo-halong emosyon ang nararamdaman nito sa kasalukuyan. Hindi siya inaasahan na malayo ang agwat ng lakas nila ni Wong Ming mula ng nagkasagupa sila noong nakaraang buwan at sa kasalukuyan nilang laban.

Ipinalasap at ipinamukha nito na mahina at inferior na siya rito. Ang pag-unlad nito ay hindi niya aakalaing ganito kabilis at masasabi niyang isang monstrous speed ito kung aakalain.

He really knows na higit na malakas siya noong nakaraang buwan ngunit ngayon ay tila nagsasabi ang binatang taga-labas na ampon ng ama-amahan niya ng katotohanan na higit itong malakas kumpara sa nasagupa niya ito. Akala niya ay nagyayabang ito kanina ng sabihin niya ito ngunit hindi.

"Hindi na importante iyon Qiáo Jian. Mahalaga ka sa ama kong si Head Chief Bengwin kaya hindi ko maaatim na saktan ang tunay na anak niya. Hindi mo kailangang ipamukha na masama akong nilalang dahil lamang sa kinupkop nito ako noong panahong wala akong alam sa paligid ko at ako na ang magsasabi sa'yo na wala akong memorya o alaala ng kahapon. Maswerte mo este napakaswerte mo, andiyan ang tunay na ama at ina mo pero ako?  Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngunit sa kalagayan mo ay binalewala mo ang kagustuhan ng amain ko na ayusin ang pamilya niyo. Kaya ang hiling ko ay umayos-ayos ka dahil kung hindi ay ako mismo ang magtuturo ng leksyon sa'yo hmmp!" Mahabang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na pinipigilan niya lamang ang sarili niyang kutusan ang ma-pride na si Qiáo Jian. Alam niyang may kabutihan pa rin sa puso nito kahit hindi halata.

Dahil sa mga mata nitong mapanghamak ay tinuruan siya ng nilalang na ito na mas lumakas pa, na mas marami pang nilalang na maaaring masagupa niya na mas malakas pa sa kaniya ngunit itinanim niya sa loob ng isipan niya na pagsisikapan niyang ungusan ang sinumang malalakas na mga ekspertong maaaring gumawa sa kaniya ng masama.

Dahil sa magkapatid na sina Qiáo Jian at Qiáo Guiren ay mas naiintindihan niya na mahina siya at malalakas o talentado ang mga ito pero ngayon ay alam niyang naungusan niya na ang mga ito. Hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus ay gamitin ang kahinaang ito upang palakasin ang loob niya na pagbutihan pa ang pagpapaunlad ng sarili niya upang maging malakas at makapangyarihan. Hindi niya dapat pairalin ang mga negatibong emosyon kagaya ng poot at inggit na nararamdaman niya bagkus ay alam niyang mayroong pag-asang lumakas siya at lamangan ang sinumang nilalang na malakas sa henerasyon niya.

Sa loob ng Ashfall Forest ay alam niyang nasa pinakamataas ng chain of power sina Qiáo Jian at Qiáo Guiren. Ang isa'y napakahusay sa propesyon nito habang ang isa ay biniyayaan ng napakataas na talento.

Ngunit dahil sa pagsusumikap niya ay nagkaroon ng nagawa niyang magtagumpay sa mga ito. Nstuto siyang tumayo sa paa niya at harapin ang hamon ng problemang nagdala sa kaniya sa mas malawak na pag-unawa niya sa mundong ginagalawan niya ngayon.

Natahimik na lamang si Qiáo Jian sa pinagsasabi ng binatang si Wong Ming na nasa harapan niya. Hindi niya aakalaing ganito ito magsalita sa kaniya ngunit hindi naman siya ganoon kasama upang hindi pakinggan ang binitawang salita ni Wong Ming. Indeed, tama ang mga sinabi nito. Medyo nainis siya ng konti sa pinagsasabi nito ngunit sinampal siya ng katotohanan sa mahabang pahayag na isinambit nito sa kaniya sa loob ng illusion domain na ito.

Maaaring ikinapinsala niya ang ginawa niyang ito ngunit pinili nitong wag siyang saktan alang-alang sa ama niyang si Head Chief Bengwin at lubos niyang naintindihan ito. Hindi naman siguro kukupkop ng masamang nilalang ang ama niya hindi ba?! At naniniwala siyang tunay ang pinagsasabi nito.

Hindi na rin siya nag-aksaya ng oras pa at nagsalita na rin siya sa ipinahayag ni Wong Ming.

"Batid kong totoo ang mga sinasabi mo at humihingi ako ng pasensya kung nasabi ko man ang mga bagay na ito. Hindi ko lang gusto na mapahamak ang ama ko dahil lamang sa mga maling desisyon niya. Batid kong alam mo rin ang nakaraan ng mga magulang ko at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Masakit isiping nagdusa ang ina ko sa mahabang panahon ngunit hindi ko maisip na mataas at malakas ang tiwala nito sa ama ko. Patungkol sa kahilingan mo ay hindi naman ako ganoon kasama upang di tuparin iyon, malakas ka pa naman sa ama ko at sa kapatid kong si Qiáo Guiren!" Malakas na sambit ni Qiáo Jian habang makikita ang sinseridad sa tono ng pananalita nito.

"Dapat lang, hindi ko gustong malungkot ang ama ko noh dahil lang sa mga suwail nitong mga kambal na anak. Para sabihin ko sa'yo, malaki din ang isinakripisyo ng ama ko noon magpahanggang ngayon. Hindi ko na iisa-isahin iyon dahil balang-araw ay malalaman mo rin ito kapag nagkapalagayan na kayo ng loob. Ikaw lang naman itong mahirap intindihin hahaha!" Malakas na sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na binara niya ang katigasan ng ulo ni Qiáo Jian.

"Oo na, masyado kang madrama ngayon Wong Ming. Parang pakiramdam ko ay parang mamamaalam ka na sa amin?!" Seryosong saad ni Qiáo Jian habang makikitang tila mayroong gustong ipahiwatig ang lahat ng sinasabing ito ni Wong Ming.

"Ayoko mang sabihin ngunit oo, unang-una ay hindi ito dahil sa sampid lamang ako sa loob ng Wong Family kundi ay hahanapin ko ang sarili ko, ang buhay na meron ako at kung saan ako nagmula. Wala man akong alaala ngayon ngunit batid kong mahahanap ko din ang mga bagay na nawaglit sa akin lalo na ang mga mahal ko sa buhay at sana lang ay may pamilya pa akong mababalikan." Mahabang turan ni Wong Ming habang mabilis na nagbago ang tono ng pananalita nito sa bandang huling pangungusap na sinabi nito.

"Tiwala lang Wong Ming. Pasensya na sinabi ko sa'yo noon maging kanina. Parang na-guilty tuloy ako na sinabihan kita ng ganong mga pananalita. Pero naniniwala akong mahahanap mo din ang mga taong mahahalaga sayo at sana bumalik na ang mga memorya mo. Kung wala ka ng babalikan eh bumalik ka nalang dito sa Golden Crane City o di kaya ay dito sa loob ng Ashfall Forest partikular na sa Black Clover Tribe. Sabihin mo lang at ako pa mismo ang magpapasundo sa'yo hehehe!" Mahabang sambit ni Qiáo Jian kay Wong Ming habang makikitang gusto niya itong damayan at pagaanin ang loob nito. Nakakaguilty yung pinapagawa niya at pinagsasabi niya noon, nagmukha tuloy siyang kontrabida ng buhay nito. Marami siyang napagtanto, na maswerte siya sa buhay niyang ito, nagmukha tuloy siyang bida-bida sa buhay ni Wong Ming ngunit kinakapalan niya lang ang mukha niya.

"Salamat este maraming Salamat Qiáo Jian. Talagang babalik ako dito dahil baka di mo tutuparin yung pinagsasabi mo ngayong kupal ka. Sa kakambal mo ay may tiwala ako pero malabo pa sa'yo. Saka nalang natin pag-usapan yan kapag nagawa mo na. Wag puro salita okay? Matuto ka sa ama natin na marami ng napatunayan." Sambit ni Wong Ming kay Qiáo Jian habang mabilis nitong sinamaan ito ng tingin.

Napakamot na lamang ng kaniyang sariling batok si Wong Ming at tumahimik na lamang. Nagmukha tuloy siyang batang pinagalitan ng kapatid nito dahil sa pagiging barumbado niya. Hindi niya aakalaing mas may lalala pa sa kakambal niya kaya naiintindihan nito na mataas ang respeto ni Qiáo Guiren sa anak-anakan ng kapatid niya. Kailangan lang pala nilang maglaban ng malala bago sila magkasundo. Naalala niya tuloy ang tradisyon ng lahi nila na kailangan nilang maglaban ng matindi bago mag-usap, masasabi niyang totoo pala ito. Atleast okay na ang lahat sa pagitan nila ni Wong Ming, resulta ng laban lang pala ang magpapakasundo sa kanila.