webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · 都市
レビュー数が足りません
129 Chs

Magpagaling ka, Mamahalin pa kita

Alas otso ng gabi nang muli ngang tumawag si Jason

" hello"

" kumusta ang pakiramdam mo? "

" ok na ako. " sagot ni Yen dito.

" kinain mo na ba ang pagkain na dinala ko? " tanong nito.

" uminom ka na ulit ng gamot. Para hindi ka na lagnatin ulit. " dagdag nito.

" akala ko ikaw ang gamot ko. " halos pabulong na wika ni Yen na hindi naman naintindihan ni Jason.

"ha? "

" kako kumain na ako at nainom ko ang gamot ko. " mabuti nalang hindi narinig. 😂 natatawa si Yen sa sinabi.

Konting konti nalang talaga ay maipagkakanulo na niya ang sarili. Lunod na lunod na siya sa mga nangyayari. Hindi naman siya ipokrita para di aminin na unti unti ay nahuhulog na ang loob niya kay Jason. Yung mga pinapakita nito sa kanya ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang tuwa.

Nagkaroon din naman siya ng boyfriend noon pero di naman niya naranasan ang gayon.

" siya sige. Magpahinga ka na at wag munang magpuyat para makabawi ka kaagad ng lakas. "

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito. May kaunting lungkot na naramdaman si Yen nang magpaalam si Jason. Gayunpaman ay kalabisan na siguro na magtelebabad pa sila. Baka kase magkasawaan sila ng maaga.

Nakadama na siya ng antok kaya minabuti na niyang matulog. At nakatulog naman siya kaagad.

Kinabukasan....

Nagising si Yen ng maaga. Naulinigan niya sina Margie at Thalia na naghuhuntahan. Nang nakita nito na gising na siya ay tumabi ito sa kanya at pilit siyang sinisiksik nito sa maliit niyang higaan.

" anu bang nangyayari sa inyo? " salubong ang kilay ni Yen nang magtanong.

" may message ka kaya open mo na. " ani Thalia na humahagikhik.

Kinapa ni Yen ang kanyang cellphone pero bago pa man siya umakmang abutin ito ay ibinigay na ito sa kanya ni Thalia. Nakuha na pala nito ang phone niya.

Kinuha naman niya ito at tiningnan.

4 messages received

11:00pm

[ tulog ka na ba? ]

11:30

[sleep na din ako baby]

[goodnight. magpagaling ka, mamahalin pa kita ♥ ]

Nangiti si Yen nang mabasa ito. Mga lalaki talaga ang gagaling mang uto. Pilit niya kinukumbinsi ang sarili niya na huwag magpapadala sa ganito. Pero kahit anong pigil niya ay hindi niya maitanggi na gusto niya din ang ganitong pakiramdam.

Impit na nagtitili at nagsisipadyak ang dalawa. Inirapan niya ito at dagli naman itong nagsialis at bumalik sa dati nitong pwesto.

"mabuti pa si Yen. " nakangusong sabi ni Margie

Nagpatuloy ang dalawa sa huntahan. Si Yen naman ay nagpatuloy magbasa ng message ni Jason.

4:00am

[ goodmorning baby]

5:am

[ pasok na po ako. get well soon. ]

Maiikling messages na nakakapagpataba ng puso.

" anu pa hinihintay mo? reply na daliiiii! " si Thalia na nakadungaw din pala sa celphone niya.

Kunwaring hinabol niya ito at ito naman ay kumaripas ng takbo. Tawa naman ng tawa si Margie na sumunod dito pababa. Si Yen naman ay inayos ang higaan at sumunod na din sa mga ito.

Sabay sabay silang kumain ng agahan pagkatapos ay gumayak ang dalawa para daw mag shopping. Inaya nito si Yen ngunit tumanggi siya. Kagabi lang umayos ang pakiramdam niya at ayaw niya abusuhin ang sarili niya. Ayaw niya nang umabsent ulit kaya sasamantalahin niya talaga ang pagkakataon para magpahinga.

Mag isa nga siyang naiwan sa kwarto. At inubos niya ang oras niya sa tulog. Alas kwatro na ng hapon ng siya ay bumangon para maligo. Kakatapos niya lamang magbihis ay may kumatok.

Katulong ni Madam Lucille.

" Ate, may bisita ka po sa baba. " abiso nito.

" Sino? " tanong ni Yen.

" Jason daw po. " sagot nito.

Marahan siyang tumango at hindi niya nanaman maipaliwanag ang kabog sa dibdib niya. Hindi niya ito inaasahan pero kase ay nakalimutan niya ang cellphone niya. Naalala niya na di pa pala siya sumasagot sa mga text nito.

" cge pakisabi pababa na ako..." sabi ni Yen sa katulong. at tumango naman ito sabay alis.

Hinanap ni Yen ang cellphone niya. At nong tingnan niya ito...6 miss calls, 9 messages received.

Pagbukas niya ay si Jason lang lahat.

[ ok ka na ba? ]

[ gising ka na? ]

[ malapit na uwian, kumusta ka na ba? ]

[ punta ako diyan mamaya after work. ]

[ T.T ]

[ uwian na, anu gawa mo? :( ]

[kung pupunta ba ako ok lang sayo??.]

[ on the way na ako.. :( ]

[ andito na ko. ]

Sari sari ang emosyon ni Yen. Ngayon lang talaga siya nakatagpo ng ganitong klaseng tao. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon. Gayunpaman, talagang masaya siya. At sabik din na muli itong makita. Juice colored!! anu ito?? Ito na kaya yon?

[ baby... ] sumunod na text nito.

Aww baby daw! Nakagat ni Yen ang kanyang ibabang labi para pigilin ang tili.

[ ok wait pababa na ko. ] sagot ni Yen dito.

Saglit na humarap si Yen sa salamin. Gaya ng nakasanayan, T-shirt at shorts lang ang kanyang suot. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok dahil basa pa ito.

Pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya si Jason. Naksuot ito pantalon na katulad ng suot nila Jonathan araw araw. Nagpalit lamang ito ng t-shirt na red?? Napatingin si Yen sa suot niyang t-shirt. Ewan niya kung bakit siya nagpula. Couple shirt?? Mataman siya nitong tiningnan. Bahagya itong nakangiti na animo ay gandang ganda sa kaharap. Sinusuyod siya nito ng tingin. Medyo namula naman si Yen.

" ganda naman. " wika nito.

Marahan niya itong tinapik sa braso.

" hoy! lakas mo mang uto ah. "

" totoo naman kaya. " sagot nito na sa kanya pa rin nakatingin.

Hindi naman alam ni Yen ang sasabihin.

" ok ka na? " tanong nito habang sinasalat ang kanyang noo.

Pasimple naman niyang hinawi ang kamay nito. Sabay inaya niya ito sa upuan malapit sa kanila. Sa labas ng bahay ni Madam Lucille ay may mahabang kahoy na upuan. Sadya yon doon para sa mga bumibisita.

" ok lang ba kung kumain tayo sa labas? " wika ni Jason

" sagot ko, wag ka mag alala marami tayong pera." sabi pa nito habang nakatawa.

" kelan?" tanong ni Yen

" ngayon. o kung gusto mo ay maya maya nalang. " sabi nito.

" magbibihis lang ako. " akmang tatayo si Yen nang pigilan siya nito.

" ok na yan. mganda naman ee " sabi nito.

Sa totoo lang ay komportable talaga si Yen sa ganong ayos. Hindi niya talaga ugaling pumustura mas simple mas maganda. Kapag naman kailangan magbihis madalas ay nakadress siya. Gusto niya ang ganon dahil bukod sa komportable ay mabilis isuot.

" hindi ka ba nag mi-make up? " tanong nito.

" hindi. " sagot ni Yen.

" contact lens? braces?? " muli ay sabi nito.

" hindi ko naman kailangan. ok na ako sa ganito. Tanggap naman ng lipunan ang itsura ko. Isa pa, sabi mo maganda ako ee. " sagot ni Yen.

" hahaha naitanong ko lang. kase marami ako nakikitang babae na may ganon. " sabi naman ni Jason.

" ayaw ko. Kung hindi ako matatanggap ng tao dahil ganito ako, malaya silang maghanap ng iba. O kung hindi mo ko kaya tanggapin bilang ako, malaya ka nang umalis. " sabi ni Yen.

" hahaha grabe ka naman, nagkukwento lang ako pero wala naman akong sinabi na may mali sa itsura mo. " wika nito.

Nanahimik sila pareho ngayon ay kasalukuyan silang naglalakad patungong sakayan. Hinawakan ni Jason ang kamay ni Yen at hindi naman nagreklamo ang huli.

" pwede ba? " tanong ni Jason.

" anu? balik tanong ni Yen.

" nikakabahan ako. " sabi naman ni Jason.

" anu nga? tanong ulit ni Yen.

" for today mag act ka as girlfriend ko? " sabi nito.