webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Not enough ratings
129 Chs

JUST FOR TODAY

Malinaw ang pagkakarinig ni Yen sa sinabi nito. At naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin noon. Pero bakit may ganon? Anong pakulo yon?

" kahit just for today lang. " sabi nito.

Kahit naguguluhan ay tumango naman siya. Act lang naman daw kaya lulubos lubusin niya na. Isa pa, minsan niya lang ito makita at makasama. JUST FOR TODAY. Hindi niya alam kung si Jason ba ay magtatagal sa buhay niya o dadaan din lang. Hindi din siya sigurado kung ang nakikita ba niya ay totoo o palabas lang. Hindi niya din masabi dahil minsan na din siyang nagkamali. Saka kakakilala palang naman niya dito. Hindi niya alam baka bukas ay bigla nalang din ito mawala at hindi magparamdam. Baka bukas ay OK na ito at masaya na ulit. Baka bukas ay magka ayos sila nung ex. Bukas ay balewala na siya dito. Bahala na. Sabi niya nga, saka na ang bukas. Yung ngayon muna.

Pero kung isa din itong manloloko ay ngayon palang papalakpakan niya na ito. Napakagaling nito magpaikot ng tao. At aminado siya sa sarili niya na konting push nalang bibigay na siya? Marupok ba siya? O sadyang tanga siya talaga. Pwede ding pareho. Pero kung anuman ang nasa dulo nito, ngayon palang, ay inaaral niya nang tanggapin. Expect the unexpected ika nga.

Ganun pala ang takot masaktan. Nagmo-move on na, kahit wala pang nag uumpisa.

Totoong natatakot si Yen.

Pero yung saya niya ngayon ay ayaw niya nang bitawan. Masaya siya na may nag ki-care sa kanya. Masaya siya na bukod sa best friend niya ay may iba pang tao na makakaunawa sa kanya. May pagkakataon na din siyang maranasang magmahal at mahalin. Mararanasan niya din mag maganda at magpabebe. Kahit di naman siya ganon. Mae-experience niya na din ang feeling ng visible na boyfriend. Yung totoong boyfriend.

Sumakay sila ng jeep at hindi pa rin binibitawan ni Jason ang kanyang kamay na kanina pa nito hawak. Kahit na nga nakaupo na sila ay magkaholding hands pa rin. Dahil masyado na silang malapit sa isa't isa ay naamoy niya ang pabango nito. Ang bango bango at nasusubsob si Yen sa balikat nitong solid. Matigas ang mga braso nito. Naisip ni Yen anu kaya ung sa may dibdib nito? Sa may tiyan? May abs din kaya? Siguro ay masarap makulong sa mga bisig nito. Ano kaya yong pakiramdam pag niyayakap niya? Inday garutay!! Anu ba naman itong pumapasok sa kukote niya?

Natawa si Yen sa sarili nung narealize niya na kung anu-ano na ang kanyang iniisip. Sobra na yata siya.

Natigil ang pagmumuni muni ni Yen nung kinalabit siya ni Jason dahil lilipat daw ito sa kabila niya. Pinausog siya nito sa pinakadulo. Sa likod ng driver. Tila ayaw nito na may tumabi sa kanyang iba kaya doon siya nito pinapwesto sa sulok. Ganoon kaya yon? Ang tamis tamis naman! Kumikislap kislap ang mga mata Yen at di niya napipigil ang ngumiti. Pero di pwede magpahalatang kilig te. Kalma lang.

Nanahimik nalang si Yen habang umaandar ang jeep. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman tuwinang magdidikit ang kanilang balat. Yung spark ba yon? Yung parang may kuryenteng dumadaloy ganun? Ngayon na na halos nakaharap ito sa kanya ay parang gusto niyang yakapin ito at ikulong ang sarili niya sa mga bisig nito. Anu kayang pakiramdam?

Sinaway nanaman ni Yen ang kanyang sarili. Maya maya ay muli nanaman nitong hinawakan ang kanyang kamay at napalingon siya dito.

Ngumiti ito sa kanya at nagtanong pero hindi niya yon narinig nang mabuti.Hindi niya naintindihan kaya naman inilapit nito ang kanyang bibig sa kanyang tenga at ibinulong kung ok lang daw ba siya. Marahan siyang tumango at nalunod nanaman sa kakaibang damdamin na hindi niya kilala. Bago itong lahat sa kanya. Naninindig ang balahibo niya.

Maya maya pa ay huminto ang jeep.

Pinisil ni Jason ang kanyang kamay at nagpatiuna ito sa pagbaba. Pagkababa nito ay inabot ulit nito ang kamay inalalayan siya nitong bumaba.

Ngayon niya lang din yon naranasan. Isa siyang babaeng astigin at hindi kailangan pang alalayan. Pero kay Jason ay para siyang mababasaging kristal. Juice colored tunay ba ito? Masyado na siyang lunod sa pakiramdam na ito. Iniisip niya nalang siya ay tulog lang at nananaginip. At kung panaginip nga sana ay wag na muna siyang magising.

Paano nga kaya kung bigla nalang magbago si Jason? Papano nga kung isang araw ay bigla din itong maglaho katulad ni Jeff? Papano nga kung gino-good time siya nito. Papano kung malaman niya na lahat ng pinapakita nito ay hindi naman totoo?

Ilan lang naman yan sa mga katanungan ni Yen sa isip. Parang munting tinig na bumubulong at pumipigil sa kanya na magpatianod sa hindi pamilyar na damdamin na lumulunod sa kanya. Nagsasabi na kapag kumagat siya ay bitag siya. At pag nabitag siya talo siya.

Pero kung patuloy siyang matatakot at hindi niya susubukan ay pano niya mahahanap ang the one? Kung hindi siya susugal, papano niya malalaman kung panalo ba siya o talunan? Ganun ang buhay... kung mananatili ka lamang sa iyong kinatatayuan ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataong tingnan kabilang dako ng iyong kinalalagyan. Parang pangarap. Kung hindi ka gagawa ng paraan, ang pangarap mo ay hanggang pangarap lang.

" Anong gusto mong kainin? " nagbalik siya sa kanyang kamalayan nung narinig niya tanong sa kanya ni Jason. Nasa loob na sila ng mall nong mga sandaling iyon.

" Kahit ano. " sagot ni Yen.

" Alam ko paborito mo. Yung may toyomansi at maraming sili. at sinigang. " natatawa nitong sabi.

" inasal tayo. may toyomansi at maraming sili. at sabaw ng sinigang. " sabi nito na may malapad na ngiti.

" perfect! " nakatawang pagsang ayon ni Yen.

Natandaan pala nito ang kanyang kwento. Nakwento niya yon nung una silang magkita. Sabagay... Kelan lang yon, kaya papano niya yon makakalimutan. Asa naman.

Ilang oras din ang lumipas na magkasama sila.

Kumain lamang sila sa mall. Pagkatapos ay tumambay sila sa park na malapit doon. Umupo si Jason sa isang bench at tumabi naman si Yen nang may tatlong dangkal lamang ang layo dito.

" could you please move closer? " nakatawang wika ni Jason.

Lumapit naman si Yen sabay tanong

" gaano ka-close?"

Nagtawanan sila.

" tayo na? " maya-maya'y tanong ni Jason.

" saan? uwi na tayo? " balik tanong ni Yen.

" haha gusto mo na bang umuwi? " tanong din nito.

" sabi mo kase tayo na. " nakangusong tanong ni Yen.

Tanga-tangahan move. Alam niya naman ang sinasabi nito pero hindi niya lang alam kung papano sagutin.

" girlfriend na kita. " sabi ni Jason.

" oo nga diba sabi mo? " sagot ulit ni Yen.

" JUST FOR TODAY?" binigyang diin ito ni Yen.

" ayaw mo bang ituloy? natatakot ka pa rin? " tanong ni Jason.

Tahimik si Yen.

" ayaw mo ba ng may nag aalaga sayo?" sabi pa nito habang nilalaro nito at pinipisil pisil ang kamay ni Yen

" gusto ko. " sagot ni Yen.

" So tayo na nga. Mark the date. August 28." deklara ni Jason.

"Pag uwi natin at pagpasok mo sa compound niyo announce na natin." sabi pa nito.

Kumunot ang kanyang noo. Ganun kadali? Pero di naman na sila bata para magpabebe pa. Ok na din siguro ang ganon. Gusto niya si Jason. Kaya wala talaga siyang gagawin kundi umayon.

Pero di pa rin niya maiwasang mangamba.

Papano kung ginu-good time nga lang siya nito?

Papano pala kung pinagpupustahan siya nila Jonathan?