CHAPTER 7
--ALEX:
"Uy pren kilala mo ba yung nagtali ng sintas ni Jacob?" Tanong agad ni Aira sa'kin nang makabalik siya.
"Ako." Simpleng sagot ko.
"Weh? 'Di nga? Mamatay ka man?" 'Di makapaniwalang sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
" 'Di kita pinipilit maniwala." Cold na sabi ko.
"Naniniwala ako syempre, grabe pren anlupet mo, for the first time in the Philippine history, may pinahamak ka kaya 'di kapani-paniwala"
"Ok, tara na, punta na tayo ng cafeteria gutom na ako." Sabi ko sabay labas ng classroom namin.
So naglakad na kami papuntang café dahil gutom na yung mga alaga ko sa tiyan haha.
Pagdating namin ng cafeteria, si Aira na ang umorder ng foods namin at nagtingin naman ako ng sits then pagkatapos niya bumili, umupo siya at tinanong agad ako. tsk
"Pero teka, ba't mo tinali sintas niya? Kilala kita kaya I know 'di mo yun gagawin lang nang walang dahilan at wala s'yang ginawa sa'yo."
"Sinira niya upuan ko."
"Ah so kaya pala pinapalitan mo yung upuan mo kanina." Tumango nalang siya then sumubo ng pagkain.
"Bakit da--" Magsasalita pa sana si Aira nang biglang bumukas yung pintuan ng café.
"BOOOGGSSHHH!" (Sound effects ng pintuan haha). napalingon yung mga estudyante sa lakas ng pagbukas ng pintuan. At dahil wala akong paki alam kung sino mang pontio pilato ang pumasok, tinuloy ko lang ang pagkain.
" Uy pren." Sabi ni Aira habang kinakalabit ako.
"Hmm?" Sabi ko lang habang kumakain pa rin at 'di siya tinitignan.
Isusubo ko ko na sana ang last na pagkain ko nang biglang may nagtabig ng kamay ko then bigla na lang tumilapon yung kutsara ko na may lamang food.
Bigla nalang nagslow motion yung paligid, kitang kita ko kung pano tumilapon ang isang kutsarang kanin na may ulam hanggang sa nagkalat na ito sa sahig.
At dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung naaaksaya ang pagkain, bigla kong kinuwelyuhan yung tao este hayop na tumabig ng kamay ko, at hindi na ako nagulat kung sino 'yon. And guess what?
Si unggoy tsss.
Wala rin akong naririnig na ingay sa buong café nang biglang may nagsalita slash sigaw pala.
"ALAM KONG ALAM MO KUNG SINONG NAGTALI NG SINTAS KO!" Sabi ko na nga ba, tatanungin niya ako niyan.
Binitawan ko yung kwelyo niya at ningisian ko lang siya.
Nakita ko si Aira na pinagpatuloy ang pagkain niya kasi naman, 'di pa niya ito nababawasan kakadada niya kaya wala na siyang paki sa nangyayari sa paligid.
"At alam kong alam mo rin kung sino nagtanggal ng turnilyo ng upuan ko." Sabi ko habang nakangisi pa rin. Napansin kong may mga napa 'whhhoaawww' sa sinabi ko.
Nakita ko rin si unggoy na lumunok kasi gumalaw yung adams apple niya.
Nakaramdam ako ng mga bulong-bulongan kaya bumalik ako sa cold eyes ko at alam kong napansin nila 'yon kaya bigla naman silang tumahimik.
"Teka nga bebs, ano ba'ng pinag-uusapan niyo? 'Di ko gets. -_-" Singit ni Anthony na katabi ni unggoy.
"May bf na ba si Alex?"
"Bat niya tinawag na bebs si A.M?"
"Bagay sila."
"Nakakakilig naman."
Tsk. Grabe ganyan na ba ang bulong ngayon? Rinig sa malayo? 'Di ako nainform na ganyan na pala ang way ng pagbulong tsk.
"Ah wala yun bebs, simpleng KATUWAAN lang naman. ^_^" Talagang diniinan ko yung word katuwaan para damang dama ni unggoy. Ningitian ko si bebs pero poker face naman kay unggoy. Yeah serves him right.
Hinablot ko ang kamay ni Aira. Oo hinablot ko as in hablot.
"O-oy teka lang pren, makahablot ka naman ng kamay wagas, kita mo na ngang kumakain pa ako eh." Then hinablot niya din pabalik yung kamay niya then sinubo ang last na kutsara ng food niya.
"Oh tara na." Sabi ko at nung papaalis na kami, dinaanan ko yung unggoy, huminto ako sa tabi niya dahilan para mapahinto rin si Aira kasi hawak ko ang kamay niya at bumulong ako kay unggoy, "Sinimulan mo ang laro pero ako ang tatapos nito." Sabay pat ng balikat niya.
"We'll see" Sabi niya din then pumila na rin sila sa cashier na parang walang nangyari. Nagsibalikan na rin ang mga estudyante na kanya-kanyang ginagawa nila.
May 40 minutes remaining pa bago matapos ang lunch kaya umupo muna kami sa isang bench sa campus para matunawan kami sa kinain namin.
Nagsalpak ako ng headset sa tainga ko then pinatugtog ko yung favorite song ko.
Kahit nakaheadset ako, naririnig ko pa rin yung mga sinasabi ni Aira.
"Pero pren, ang 'di ko maintindihan ay yung ba't mo siya binawian? 'Di naman ikaw yung tipo ng tao na papansinin yung mga bagay kagay 'non." Tanong ni Aira.
" 'Di ko alam" Simpleng sagot ko.
"Nakakagulat lang kasi first time mo yun na ginawa."
Oo tama siya, first time kong ginawa yun. Sa lahat ng sumabutahe sa'kin. Oo tama, may mga sumasabutahe rin sa'kin, mga haters kumbaga, pero sa lahat ng 'yon, siya lang ang binawian ko.
'Di ko alam kung bat ko siya binawian, siguro dahil naiinis lang talaga ako sa kanya.
Pinapabayaan ko lang yung mga sumasabotahe sa'kin kasi tinatamad akong bumawi, malufet noh.
Kahit ano'ng bait kasi ng isang tao, mayro'n at mayro'n parin itong haters. An'labo nga nila minsan eh, basta-basta na lang sila maiinis sa'yo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila.
Pero sabi ni Aira, insecure daw yung tawag dun. Wala silang magawa sa buhay. Kulang sa pansin kumbaga. Kaya instead na pagka-abalahan nila ang buhay nila, they keep on seeking attention from others.
Kaya kung ako sa inyo, pabayaan niyo nalang 'yang mga haters niyo diyan sa paligid kasi kapag binawian mo, magmumukha ka lang na kawawa at defensive. Pagtatawanan ka nalang nila. At para mo na rin silang pinantayan. Tandaan natin, hindi natin sila ka-label.
When people are trying to let you down, it simply means that you are above them.
Kill them with kindness sabi nga nila, pero sa'kin? Kill them with my cold eyes harhar.
"Pren, tara na nga time na oh tsaka kanina pa ako dakdak ng dakdak dito tapos 'di kaman lang nakikinig hmpft." Sabi ni Aira sabay tayo.
"Tsk." 'Yan lang ang nasabi ko at tumayo na rin ako.
Nakakatuwa lang isipin na natitiis ni Aira yung ugali ko, 'yon bang kahit 'di ako masyado nagsasalita, 'di parin siya nabobored, kaya ang swerte ko na magkaroon ng kaibigan like her.
Ok na sa'kin yung magkaroon ng kaibigan na isa o dalawa atleast tunay kaysa naman sa an'dami pero 'di mo alam, kapag nakatalikod ka, hindi mo alam ang ginagawa nila. Baka mamaya, pinapatay ka na pala nila sa isip nila. Aanhin moang madaming kaibigan kung fake naman.
Ba't ba an'daming plastik sa panahon ngayon? Plastik na nagkalat sa paligid. Totoo talaga yung sinasabi nila na nagkalat na ang plastik sa lipunan. Mga plastik na buhay at nakakapagsalita.
Ang tao kasi parang plastik din lang, kung titignan mo sa panlabas na anyo, maganda ito pero once na sinunog mo ito, dito na lalabas ang totoong kulay at baho niya.
Pagdating namin sa classroom, eksaktong kasunod namin ang prof namin kaya umupo na kami ni Aira sa upuan. Alangan namang tatayo lang kami tsk. Hehe tawa na kayo harhar.
Bago ako umupo sa upuan ko, napansin ko ang matatalim na tingin sakin nung unggoy, I saw anger to the way he looks at me then bigla na lang napalitan ng smirk kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay. Wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay.
Buong klase, halos 'di ako makapag concentrate sa discussion kasi feel na feel ko na may nakatingin sa'kin yun bang tagos to the bones tsk.
'Diba minsan ramdam natin na may nakatingin sa'tin kahit 'di natin nakikita kasi sabi nila para daw tayongmay instincs, basta yun hindi ko alam ang explanation kasi nabasa ko lang yun sa news feed ko sa facebook, facts kuno. Haybuhay, may mga bagay talaga na kahit alam mo ang meaning pero hirap iexplain.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.