CHAPTER 8
--JACOB:
Ay nice nagka p.o.v din ako sa wakas ang pogi ko talaga at 'di ako matiis ni author haha.
Ehem ehem, pakilala muna ang hot na katulad ko.
Im Vince Jacob Mendez you can can call me Vince or Jacob or pwede rin namang Mr. *ehem* HOT.
Oh ayan capslock ang hot para damang-dama.
'Di ako mayabang sa lagay na 'yan noh. Facts lang.
Oo inaamin ko, mahangin ako pero don't worry, mainit naman ang nilalabas kong hangin kasi nga diba hot ako.
Magaling akong magmayabang kasi may maipagmamayabang naman ako eh haha.
An'dami kong pinoproblema these past few days #POGIPROBLEMS nga naman oh.
Pero seryoso, ang problema ko lang naman ngayon besides sa pagiging *ehem* pogi at hot, eh kung pano makakaganti dun kay Ms. Coldy na walang iba kundi si Alexa.
Oo Alexa kasi naman parang panlalaki yung Alex, A.m, o Mau kasi naman ang ganda ng pangalan niya parang siya pero pinagmumukha niyang panlala—
Teka?! Sinabi ko bang maganda name niya kagaya niya?
Well, 'di ko na itatanggi since nasabi ko na pero 'di ko sasabihin sa kanya yun noh baka lumaki pa ulo tss.
Kahit maganda siya, babawian ko parin siya noh, ano siya? Sinuswerte?
Matapos kong mapahiya kanina sa classroom.
Takte lang ang walang ganti.
Matapos ba naman niyang itali ang sintas ko sa upuan ko, syempre babawi ako.
May lahi atang ninja yung babaeng yun, kung maka-ninja moves eh daig pa ang Ninja Turtle.
Kasi alam kong marami pang plano yung babaeng yun.
Tumaas nga balahibo ko nung binulungan niya ako sa tainga, remember, yung paalis na sila sa café.
"Sinimulan mo ang laro pero ako ang tatapos nito." Grabe talaga yun, nakakakilabot na nga ang tingin niya, pati ba naman ang way ng pagsasalita niya nakakakilabot din.
Pinaglihi siguro yung sa kilabot o 'di kaya sa sama ng loob o 'di kaya sa yelo sa sobrang lamig niya.
Magsalita ba naman daw gamit yung sexy voice niya. Shet lang. -_-
Pero bilib lang ako sa kanya, hindi man lang siya tinablan ng charms ko. :3
At heto pa, ang pagiging matapang niya kaya nagmumukha syang lalaki.
Oo lalaking maganda.
Idagdag pa kapag ginagamit niya yung cold eyes niya, mapapatulala ka.
Kung sa iba, napapatulala sila sa takot, eh ako naman, napapatulala sa pagka-amaze.
Those cold eyes na kapag tinignan mo nang mabuti, makikita mo na kulay blue ang left side na mata niya at kulay green naman sa kanan at nagiging black naman kapag ngumingiti sya. Ewan ko ba kung it's just me o ewan.
Kung nagtataka kayo kung pano ko nalaman 'yon, pwes hindi ko siya iniistalk noh.
Nagkataon lang na natitigan ko ng mabuti yung mata niya nung nasa library kami. Remember? Nung sinundan ko siya sa library na kung saan, binaon niya sa braso ehem sa muscle ko yung kuko niya tsk, simpleng tsansing yun huehue.
Humohokage din pala yung babaeng yun.
Kaya gustong-gusto ko kapag nakikita ko siyang ginagamit niya ang cold eyes niya kasi I remember something kapag nakikita ko yun, para bang nakita ko na yun dati pero 'di ako sure. Ang dami kong problema these past few days kaya kung anu-ano naiimagine ko.
And sobrang nakaka-amaze ang mata niya lalo na yung kulay, grabe lang. Napakarare kaya ng mga ga'non na klase ng kulay ng mata.
And alam ko namang hindi siya nagcocontact lens kasi alam kong i-identify kung naka contacts ang isang tao o hindi.
Isang oras na akong nakahilata dito sa kwarto ko kasi nag-iisip ako ng plano ko.
Plano saan? Malamang, sa kung paano ko siya magagantihan bukas.
As far as I know, may plano na siya para sa'kin bukas.
So kailangan kong maging prepared bukas.
Yung plano ko ba naman kasi, palpak.
Di ko lubos maisip na mapapansin niya yun.
Ganun ba siya katalino at ganun kalakas ang pakiramdam niya para mabisto ako tsk.
Naantok na ako, kaya naman pinipikit ko na ang mata ko.
Then something good popped up into my mind.
Alam kong nakangiti akong pumikit at natulog ngayon.
At bukas, humanda ka sa'kin Alexa.
With that, nakatulog na ako.
*Yawn* Good morning Philippines, good morning word!!!! ^_^
Ang ganda ng gising ko ngayon whahaha.
Timecheck 5:00 am
Alam kong maaga ako haha. Syempre, kailangan kong pumasok ng maaga para maisagawa ko nang tama ang plano ko.
By 6:00 am, umalis na ako ng bahay then dumiretso sa school.
Pagdating ko ng school, binati ako ni manong guard.
Syempre, ako ang naunang estudyanteng pumasok eh, malamang magtataka sila.
Dumiretso agad ako sa locker ni Alexa at syempre, binuksan ko 'yon. Alangan namang titigan ko 'diba. Dito sa locker niya isasagawa ko ang plano ko whahaha.
Pagkatapos kong gawin ang plano ko, umalis muna ako sa school at dumiretso sa isang resto malapit sa school kasi 'di pa ako nag-aalmusal.
Timecheck 7:20
Bumalik na ako papuntang school dahil mamayang 8 na ang klase namin ayoko malate ngayon sa klase lalo na at alam kong may magandang mangyayari.
Saktong papunta ako ng locker room nang dumating din sila Anthony kasama si Alexa at yung bestfriend niya na babae.
Nang nakita ako ni Anthony, nagfist bump kaming dalawa at humiwalay na dun sa dalawang babae.
Hanggang pagdating ko ng classroom, hindi pa rin matanggal yung ngisi ko mas lalo na nung dumating na si Alexa at si Aira.
Kahit yung mga kumakausap sa'kin na mga babae, 'di ko na pinapansin kasi kay Alexa lang nakapokus ang tingin ko.
Umupo na sila sa upuan nila at 'di man lang niya ako pinansin, samantalang si Aira kumaway sa'kin tsk.
Lunch na, at yesss, ang pinakahihintay ko!!
"Oh pre, ano nasinghot mo?" Tanong ni Anthony sa'kin habang patungo kami ng café.
"Ah wala naman, bakit ba?" Napakunot naman siya ng noo.
"Eh kanina ka pa pa-sway sway dito sa daan oh, an'dami nang nakatingin sa'yo." Nagpipigil na tawa niya.
"Paki ko, basta masaya ako haha." At nagpatuloy na kami sa cafeteria
Habang kumakain kami, biglang tumahimik ang café nang may pumasok, nakita ko si Anthony na kaharap ko na bagsak ang panga.
Kaya tinignan ko kung ano tinitignan niya at literal na napanganga din ako.
0_0 -Ekspresyon ng lahat ng nasa café pwera lang sa dumating na si Alexa na nakangisi at nasa gilid niya na si Aira na ang lapad din ng ngiti.
Pa'no ba naman, ang hot niya sa suot niyang damit.
Bigla na lang ako napasampal sa noo ko nang narealize ko na palpak ako.
Yung damit kasi na suot ni Alexa ngayon ay yung damit na ginupit ko sa locker niya kaninang umaga. Long sleeve siya at ang ginawa ko, ginupit ko ang sleeve ng damit na hanggang balikat at ginupit ko din ang laylayan ng damit nya.
Kaya ang naging resulta, para siyang naging crop top pero walang sleeve at nakapantalon siya ng high-waisted ripped jeans, kumbaga naging perfect match.
Shet ang hot niya do'n, kitang kita ang pusod niya pati na rin ang magandang shape ng katawan niya.
Napansin kong may hinahanap hanap siya sa paligid niya. At nang magtama ang paningin namin dalawa, nag smirk siya saken pero cold parin ang mga mata niya kaya naaninag ko ang magandang mata niya mula dito na kulay blue at green. Di ko alam kung ako lang baang nakakapansin sa mga kulay ng mata niya. Sabagay, 'di mo talaga mapapansin kapag 'di mo tinignan ng mabuti.
Putek, ang lame talaga ng plano ko tsk.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.