webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · 歴史
レビュー数が足りません
41 Chs

Chapter 35

Ilang linggo na lang natitira at aalis na si Ignis papunta sa boundary ng emperyo para pangunahan ang gera. Hindi maiwasang hindi kabahan si Alois sa tuwing naaalala ang tungkol sa gera. She's worried about the empire and for Ignis.

Mas lalo siyang kinabahan nang ipatawag si Ignis ng kanyang ama— ang hari at tatlong oras ang lumipas ngunit hindi pa rin ito bumabalik.

Kahit na anong pagpapakalma sa sarili ang gawin niya, kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na magiging okay ang lahat ay nandoon pa rin ang takot. Takot na baka hindi maki-ayon sa kanila ang tadhana— na mapahamak si Ignis.

Nang makita ni Alois ang takot sa mga mata ni Ignis, unti-unti na siyang nilalamon ng takot nang mga oras na 'yon. She just hid it in order to make him calm, but the truth is, she was eaten by fear.

Bakit? Bakit kung kailan nagsisimula na ulit sila ng panibagong buhay atsaka pa ilalayong muli sa kaniya— sa kanila si Ignis?

She stared out the window. Kitang-kita pa rin ni Alois ang palasyo mula sa bintana ng kanilang silid. It's still the same. The castle's kinda far from their home but she can still see the entire castle where she was born.

She was on her fourth month now, but the bump on her stomach is now visible. Kahit na may kakapalan ang suot niyang dress ay halatang halata na ang umbok nito sa tiyan. Hinahaplos ni Alois ang kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang tanawin. She didn't expect that there will be a war between her father's empire and another empire.

She hate it but she'll admit that her father was a good king. At the very young age, his father ruled a kingdom and did all his best to be a good King who'll protect his nation. Of course, war between another Kingdom is normal, it's normal to have enemies pero hindi niya talaga inaasahan na mahahantong oa sa gera ang inggit ng iba sa kaniyang ama— sa Hari.

He is indeed a good King, but not a good father to her and a husband to her mother.

Nagkulang ito sa kanila ng kanyang ina because he gave it all to the empire. He loves his empire more than his own family.

Nabahiran ng sakit at lungkot ang mukha ni Alois. She can't forgive his father, mukhang hindi niya kakayanin na patawarin ito. Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alois. Eventhough she wanted a complete and happy family— she can never had the things she have back then.

Hindi na muling mabubuo ang kanilang pamilya. Ang kaniyang ama, ina, at siya. Kahit na pilitin niyang ibalik ang dati ay hindi na niya magagawang muli because her mother's gone and her father ruined her life.

Alois let out a heavy sigh.

"Ano ba ang pinag-iisip ko? Bakit hinahayaan kong lamunin ng kalungkutan at pait ang puso't isip ko?" Inis niyang ani sa sarili. Inis na umalis si Alois sa pagkakaupo sa upuan nasa tapat lang mismo ng bintana.

Bumalik siya sa higaan nila ni Ignis atsaka muling nahiga.

"Alois, you're not that kind of woman who'll let herself fill her thoughts with negativity." She said to herself.

Nagiging paranoid siya, at alam niya na isa rin sa side effects ng kaniyang pagbubuntis ang pagiging paranoid.

Alois is arguing with herself when someone knocked on the door. Nang una ay excited pa siyang umalis sa kinahihigaan, inaasahan niya kasi na si Ignis ang kumatok, but Ignis never knocked on their door because it's their room. Dismayadong bumalik sa pagkakaupo si Alois sa malambot na higaan.

"Come in." Matamlay niyang ani.

Iniluwa ng pinto si Lithana. Yumuko ito upang magbigay galang na kaniya naman tinanguan. Nakasuot pa rin ng uniporme ng Knight si Lithana. Ganoon pa rin ang itsura nito, walang emosyon ang mukha, malamig ang tingin, tanging ang suot lang nito ang nagbago.

"Anong kailangan mo?"

"Do you need anything, Princess?"

Napangiwi si Alois sa narinig. She really hates hearing that word. She's not a princess, matagal na niyang iniwan ang titulo na 'yon. Isa pa, hindi siya sanay na marinig ang salitang iyon mula kay Lithana— sa kaibigan niya— dati.

"I told you, huwag niyo akong tatawaging prinsesa." Inis niyang ani atsaka padabog na hinubad ang tsinelas pambahay.

Humakbang papunta sa bintana si Lithana atsaka inilugay ang kurtina na siyang naging dahilan para matakpan ng kaunti ang sinag ng araw at hangin na pumapasok sa bintana.

"Malamig masyado ang hangin, hindi 'yon makakabuti sa 'yo, your majesty." Lithana said before she walked towards her— Alois.

Huminto ito sa gilid ng higaan kung nasaan si Alois. Hindi naman naiwasan ni Alois na pakatitigan si Lithana at doon napansin ni Alois ang kakaiba sa mukha nito.

"Thana."

Ang kaninang malamig at walang emosyo na mukha ni Lithana ay napalitan ng gulat, lungkot, at saya. Nanlaki rin ang mga mata niya sa sinabi ni Alois.

Huli naman na nang mapagtanto ni Alois ang kaniyang sinabi. She called her Thana, ang tawag niya sa kaibigan— sa dating kaibigan. Mariing ikinagat ni Alois ang ibabang labi, nag-iwas din siya ng tingin.

Tumikhim si Alois na siyang naging dahilan para mapabalik sa sarili si Lithana. Nagbaba ito ng tingin, ilang segundo rin na nasa ganoong posisyon si Lithana bago nito iangat ulit ang ulo. Muli, nawala ang pinaghalo-halong emosyon sa mukha nito, naging nalamig na ulit ito.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang ibang ginawa si Alois kundi ang palihim na tingnan si Lithana.

She badly wants to talk to her, she wants to see the Lithana she knew. Ang kaibigan niya noon. Oo, hindi ganoon kadali na mapatawad ni Alois ang dalawa. She's doing all her best to forget what they did and forgive the both of them for betraying her.

Hindi man ipahalata ni Alois, hindi man niya sabihin pero sa puso at isip niya, gusto na niyang makasama ulit ang dalawa, 'yong pagsasama at pagkakaibigan na meron sila noon. Hirap na hirap na rin kasi siya sitwasyon nila. They're at her side, guarding her, obeying hee orders, and making sure that she's comfortable.

Napahilot si Alois sa kaniyang noo nang bigla itong kumirot. Masyadong inokupa ng maraming katanungan ang isip niya.

"Are you oka—"

Inangat ni Alois ang kamay, dahilan para hindi matuloy ni Lithana ang sinasabi.

"I'm fine."

Nag-aalangan naman na tumango si Lithana.

"Kukuha lamang ako ng 'yong makakain." She said. Yumuko pa ito bago magbigay galang.

Muli, mariing kinagat ni Alois ang ibabang labi. Tumigil siya sa paghilot sa kaniyang sentido atsaka pinanuod si Lithana na ngayon ay tinatahak ang daan palabas sa kaniyang silid.

Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa buksan na nito ang pinto. She wants to reach her, she wants to call her, but she can't. Nag-iwas na lang siya ng tingin.

"I just want to know the reason why you betrayed me. Itinuring niyo ba talaga akong kaibigan?" Bulong ni Alois. Nanatili ang tingin niya sa bintana. Nanatiling nakatuon doon ang malungkot niyang mga mata.

"I actually didn't want to follow his highness' orders, It's just that you've become one of the most important person in my life kaya't itinuloy ko ang iniatas sa akin— sa amin na bantayan ka."

Napasinghap si Alois sa narinig. Hindi makapaniwala niyang ibinalik ang tingin sa nagmamay-ari ng boses na 'yon— si Lithana na nakatayo sa bukana ng pinto. Nakatalikod ito kaya't hindi makita ni Alois ang mukha nito.

Akala niya'y nakalabas na ito, hindi pala.

"I know you'll never forgive us, but always remember that you... you're still our friend. We will protect you forever." Lithana said before she finally left the room.

Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagtulo ng luha ni Alois.

They actually didn't want to follow Ignis' orders pero sumunod sila at itinuloy ang inatas nito sa kadahilanang naging mahalaga na siya sa dalawa. Ginawa nila ang inutos ni Ignis not because they wanted to, they did that in order to protect her— because she's important to Lithana and Rilen.

Nagmamadaling umalis si Alois sa higaan atsaka lumabas sa kanilang silid. Ni hindi na nga niya nagawang suotin ang tsinelas pambahay. She chased Lithana.

Maingat ngunit nagmamadaling tinahak ni Alois ang daan pababa sa hagdan. Iginala niya ang tingin at nang hindi makita si Lithana ay agad na siyang nagtungo si kusina. Doon ay nakita niya si Lithana na nakadantay ang dalawang kamay sa lamesa, nangingilid ang luha sa mga mata nito.

Habol hininga si Alois.

"Thana." Tawag niya rito.

Gulat naman na naiangat ni Lithana ang tingin. Doon nakumpirma ni Alois na paiyak na ito. Kitang-kita na niya ang emosyon sa mukha nito. Pain's written all over her face.

Malalaking hakbang ang ginawa ni Alois palapit rito at habang papalapit siya ng papalapit ay ang siyang pagbagsak ulit ng mga luha sa kaniyang mga mata. Ganoon din si Lithana.

"I freakin' hate you for hurting me!" Alois said between her sobs.

Mapait na ngumiti si Lithana. "I know and I'm sorry."

"I hate you for not telling the truth." Itinaas ni Alois ang dalawang kamay and Lithana knew that Alois will hurt her.

Mariin na lang na ipinikit ni Lithana ang mata, waiting for Alois to hurt her, but she's wrong. Mainit at mahigpit na yakap ang natanggap niya mula kay Alois. Napadilat siya at ganun na lamang ang gulat niya sa nangyari.

"Y-your M-majesty?"

Humahagulgol pa rin si Alois. Mas humigpit rin ang pagkakayakap nito kay Lithana.

Lithana was still shock. Napaluha na rin ito.

"My little bean will be proud if he or she'll have an awesome Aunt like you. Pinapatawad ko na kayo, Thana."

I'm so sorry for the late update— again. I've undergone a minor surgery at Tagaytay hospital. Me and my dad stayed their after the surgery and where we stayed at was one of the city that's affected by the Taal's eruption. I wasn't able to update since there's no signal, electricity, and water supply. I hope you'll understand.

I hope you'll enjoy reading! Don't forget to leave a comment!

imsinaaacreators' thoughts