webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · History
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 36

Kanina pa nakarating sa kaharian si Ignis, but until now, he's still waiting for the King to arrive. Umalis pala ito ng kaharian at nagtungo sa bayan para makipagkita sa isang importanteng tao. Inutusan lang ng hari ang isa sa mga Knights para ipaalam sa personal Knight ni Ignis na si Rilen na pinapatawag siya ng hari.

He's starting to get annoyed. Gustong gusto na niyang bumalik sa kaniyang bahay— kay Alois. Sumandal si Ignis sa kinauupuan. He closed his eyes and let out a heavy sigh. Kahit na gustong gusto na niyang bumalik kay Alois ay hindi niya magawa. His father— the King called him and he can't disobey his orders or else, he'll be punish— again.

Hindi niya pwedeng suwayin ang hari kung ayaw niyang malatigo ulit. Kahit na maliit na pagkakamali lang, he'll receive a punishment. The King's way of punishing him was a physical punishment. Palagi siya nitong nilalatigo at ang mga latigo na 'yon ay nagmamarka sa kaniyang balat, a punishment that'll leave a mark. Palatandaan na sa bawat pagkakamali na ginawa niya ay ang pag-iwan naman ng mark sa kaniyang likuran. Kung tutuusin, hindi na mabilang sa daliri kung ilan na ang peklat na nasa iba't-ibang bahagi ng katawan niya, and he hid those scars from Alois.

"Did father told you what was the reason why he called me?" Tanong ni Ignis kay Rilen na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng pinto.

"No, your majesty."

Napabuntong hininga ulit si Ignis. Dapat ay nasa tabi siya ni Alois ngayon, sinusulit ang mga araw na natitira bago siya ipadala sa boundary ng Aeternam at pamunuan ang gera.

Kasalukuyang napapahilot sa sentido si Ignis nang may kumatok sa pinto.

"Ipinapatawag na po kayo ng hari, your majesty."

Agad na tumayo si Ignis. Inayos niya muna ang sarili bago tuluyang lumabas sa lounge room ng palasyo.

Sa kabilang dako.

Hindi alam ni Ignis na nagsisimula na pala ang pagpupulong na pinangunahan ng hari. Nakaupo sa dulong upuan ang hari habang nakatayo sa gilid niya ang head Knight ng Aeternam empire na si Jasper at ang Duke ng emperyo na si Duke Grayson.

This is an emportant meeting that's why everyone is inside the meeting hall.

"The war is starting soon and I'll not be able to lead the war." The King— Alec Luis Aeternam announced.

Napasinghap ang lahat ng nasa loob ng Meeting hall ng kaharian. Nagsimula rin ang bulong bulungan at ang mukha nila ay nababahiran ng pag-aalala at pagtataka. They're expecting that their King will lead the War— again. For them, their King is the only person who's capable of leading the war, a person who'll win the war. Kaya't ganun na lang ang pagtataka at pag-aalala na nararamdaman nila ngayong nalaman na nila na hindi pala ang hari ang mamumuno.

"But, your highness! you're the only person who's capable of leading the battalions!" One of the ministers said.

Pinagsiklop ng hari ang kamay atsaka ipinatong ang baba rito.

"Everyone in this Empire is capable of defending the war. The battalion commander, The head Knights, and the Duke. But the only person who's capable of winning the war is non other than— Ignis." The King— Alec said making everyone gasped in shock.

Nabalot ng pinaghalong boses ang buong silid kung saan nagaganap ang pagpupulong, hindi na nga nila namalayan na nasa silid na pala si Ignis. Alec looked at his son. Ignis bowed to show his respect towards the King.

Hindi namalayan ng iba na nasa silid na pala si Ignis. They're too focus on their own thoughts regarding the King's decision.

"You're majesty, he's nothing but a bastard." Giit ng isa.

"A good for nothing orphan." dagdag pa ng isa.

Nanatiling kalmado si Ignis kahit na kung anu-ano na ang naririnig niya patungkol sa kaniya.

"An orphan can't lead the war, your highness! He's not even the real heir of the empire!" sigaw ng isa.

Of course, the King remained calm.

"And this orphan will comeback with a victory." Biglang sabi ni Ignis na siyang naging dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita na nasa silid na pala ang taong tinatawag nilang ampon at walang kwento.

Napangisi si Ignis. Those who called him by names are some of the ministers who told him that they'll support him no matter what. What a fake bastards.

Tumayo ang lahat pwera na lang sa hari upang magbigay galang kay Ignis. Even those who called him by names bowed their heads, wala silang magagawa. Ignis is the crowned prince, they'll respect him eventhough they didn't want to respect him.

Nanatiling nakatayo si Ignis.

"I may not be the real heir, but this man who you all called a bastard will win the war. I will be the one who'll raise our empires flag." Ignis stated as he walked towards the King. "I will show everyone that I am capable of ruling this empire." He continued.

Alec smiled when he heard what Ignis' just said. Iginala niya ang tingin para tignan ang reaksyon ng lahat. Bakas pa rin sa mukha ng iba na hindi nila tanggap ang desisyon ng hari, ngunit karamihan sa kanila ay tumango bilang pagsang-ayon.

"The war will start soon, and I want all of you to show no mercy towards our enemy. Cut them into half, burn them and kill all of them." Huminto si Ignis sa pagsasalita. "And those who'll betray our empire will also experience those cruel things." Iginala niya ang tingin sa mga minister na hindi sumasang-ayon sa kaniya. "I will be the one who'll beheaded those who will betray the empire." Pagbabanta ni Ignis.

Nanatiling tahimik ang lahat. Wala silang ibang nararamdaman sa mga oras na ito kundi takot at kaba.

Tumikhim ang hari— si Alec na siyang bumasag sa katahimikan. Naibaling ulit ng lahat ang atensyon sa hari na ngayon ay nakangiti sa kanila. Looks like he liked what Ignis' did a while ago.

"Any objections?" He asked.

Lahat ay umiling bilang sagot.

"Good. You may now leave."

Agad na nagsitayo ang lahat at dali-daling nilisan ang meeting hall, leaving Ignis.

Tumayo ang hari at nilapitan si Ignis. Alec tapped the princes shoulder before he gave him a satisfied smile.

"I'll leave everything in your hands, Ignis."

"Yes, your Highness. Uuwi ako na dala ang ulo ng hari ng emperyo na 'yon."

"Aasahan ko 'yan. Makakaalis ka na."

Muling yumuko si Ignis, ganun din si Rilen bago nila tuluyang lisanin ang silid. Malalaking hakbang ang ginawa ni Ignis habang tinatahak ang malawak na hallway ng palasyo. Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad nang may tumawag sa kaniya.

Umigting ang panga ni Ignis nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. He knows that damn voice. Tiningnan niya ang lalaki na nakasandal sa pader. That man is wearing a knight uniform, kaparehas ng suot ni Rilen.

"Kung tatanungin mo kung paano ako nakawala. The King ordered to set me free and that was one month ago." Pagsisimula nito.

Hindi nagugustuhan ni Ignis ang nakikita at narinig niya sa oras na ito ngunit nanatiling kalmado at malamig ang tingin niya rito.

"Why do you hate me, Ignis? You shouldn't hate your older brother."

Nginisian ni Ignis si Ismael. Yes, the man in front of him is none other than Ismael. The late Queen's personal Knight. Ang lalaking nakasama ni Alois noong tumakas ito sa kaharian.

"Want me to give you a reason why I fvckin' hate a low class knight like you?" Umismid si Ignis bago lapitan si Ismael na umalis na sa pagkakasandal nito.

"I don't have a brother who's coward and selfish. A brother who abandoned his younger brother for his own sake." Ignis gave Ismael a fake smile. Tinapik niya ang balikat nito atsaka ito nilagpasan.

Ismael abandoned him when he was just a mere 5 year old kid. Ismael left him in a dark alley, alone and starving. Ismael— his only family left him alone. Nang kuhanin siya ng hari, doon niya nalaman na nasa kaharian rin pala ito at masayang namumuhay sa pangangalaga ng reyna. Eventhough he's still a boy back then, Ignis felt nothing but anger.

Idagdag pa na malapit ito kay Alois, na ito ang naging kasama ni Alois noong umalis ito ng palasyo. And now, he's free again.

Hindi pa nakakalayo ng tuluyan si Ignis nang magsalit ulit si Ismael. Hindi na 'yon pinansin ni Ignis at dire-diretso lang sa paglalakad.

"The King ordered to set me free to become Alois' personal Knight— again." Aniya Ismael bago tuluyang maglakad palayo.

Tuloy tuloy lang si Ignis sa paglalakad ngunit ang puso at isip niya ay nilalamon na ng galit at inis. Ang kaninang kalmado at malamig na ekspresyon sa kaniyang mukha ay nagdilim bigla.

Sa kaniya na si Alois kaya kahit na anong paglapit pa ang gawin ni Ismael ay hindi na nito makukuha ang loob ng babae. Siya na lang ang paniniwalaan ni Alois. Siya lang at wala ng iba.

Huminto sa paglalakad si Ignis atsaka hinarap si Rilen.

"Rilen, do me a favor."

Hi! It's been a while! I hope everyone is doin' great! I'm so sorry for not updating this awesome story for a month. I've been busy with tons of school tasks cuz i'm a part of student council in our school and other personal tasks. Plus the hectic schedule.

I hope you'll understand *Le cries*

Don't worry! I'm doing all my best to update the story eventhough I have a hectic schedule, that's how much I love you guys!

Hope you've enjoy reading this update!

imsinaaacreators' thoughts