webnovel

High School Zero

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

AlesanaMarie · 若者
レビュー数が足りません
56 Chs

Chapter Nine

Timmy entered the kitchen and stopped dead in his tracks. There, he saw his older sister, holding a kitchen knife with blood splattered everywhere. It was an ugly sight.

"Ate," tawag niya sa nakatalikod niyang kapatid. Nagulat pa siya nang masagi ang pusa na dinidilaan ang mga dugo na nasa sahig.

Lumingon si Tammy sa kanya at nakita ni Timmy ang pulang likido na nasa pisngi nito.

"Good morning, Timmy," bati ni Tammy nang makita siya. Her small smile looks almost sinister to him.

"Ano'ng ginagawa mo, Ate?" marahan niyang tanong.

"Breakfast," ang tipid na sagot nito na nagpatuloy sa paghiwa ng bagay na hindi makita ni Timmy. "Upo ka na, Timmy. Malapit na akong matapos."

Hindi alam ni Timmy kung ano ang ginagawa ng kanyang Ate. Hindi niya makita ang nasa harapan nito. Hati ang kanyang desisyon kung uupo ba siya o tatakbo sa kwarto ng kanilang Mama para gisingin ito. Pero Sabado at Linggo lang nakakapahinga nang lubusan ang kanilang Mama. Hindi niya ito gustong istorbohin lalo na at mukhang pagod ito sa trabaho.

Pinili ni Timmy na linisin ang crime scene bago pa makita ng iba. Hindi niya gustong makita kung ano ang magiging reaksyon ng kanilang Mama kung bigla itong pumasok sa kusina at makita ang mga dugo.

"Timmy, umupo ka na. Tapos na ako," sabi ni Tammy sa kanya.

Walang imik na umupo si Timmy sa pwesto niya sa mesa. Inihanda niya ang sarili sa kung anuman ang ibibigay sa kanya ng kapatid. Natapos ito sa ginagawa at sa wakas ay nakita na niya ang produkto na ginawa nito.

Clubhouse sandwich at red juice.

Tinignang mabuti ni Timmy ang nasa tall glass na ipinatong ng ate niya sa mesa. Kulay pulang juice at amoy strawberry ito. But knowing his older sister ay sigurado siyang hindi lang strawberry ang sangkap ng juice. Magka-ganonman ay nakahinga siya nang maluwag dahil walang krimen na naganap sa kanilang kusina. Hindi niya kailangan gumawa ng alibi para sa kapatid.

Pero hindi parin niya maipaliwanag kung bakit mukhang crime scene ang kusina nila kanina.

"Inumin mo Timmy, masarap 'yan," sabi ni Tammy sa kanya saka naghintay na galawin niya ang baso. Pinanood siya nito habang kumakain ito ng sandwich.

"Ate, ano'ng nangyari kanina?" tanong niya.

"Hm. Nakalimutan kong takpan yung blender kaya sumabog yung laman."

"Ahh."

"Inumin mo Timmy. Healthy 'yan," sabi ni Tammy sa kanya.

Pinag-pawisan si Timmy. "Ano'ng laman nito, Ate?"

"Tomato, carrots, strawberry, milk at honey," sabi nito na inisa-isa sa daliri ang mga sangkap na ginamit.

"Ah." Mukhang may mahalagang gagawin ang ate niya ngayong araw.

***

Pumasok si Tammy sa school nang nakasuot ng jersey uniform ng Pendleton High. Nagtipon ang mga estudyante sa soccer field ng eskwelahan. At katulad ng inaasahan niya, siya lang ang nagiisang babae roon.

Ngayong araw ang endurance test para sa mga sumali sa tournament ng school.

Kaagad niyang naramdaman ang tingin sa kanya ng mga lalaking kasali pero hindi niya iyon pinansin. Hindi naman niya maiwasan marinig ang mga sinasabi ng mga ito.

"Hah? Ano ba ang iniisip niya at sumali siya rito?"

"Pendleton nga siya pero nakakalimutan ba niyang babae parin siya?"

"Hindi siya tatagal dito."

"Kung may milagro man na mangyari at pumasa siya, kawawa lang siya sa tournament."

"Mas mabuti pa kung sumuko na siya ngayon palang."

"Tama. Ito na ang pagkakataon niyang sumuko."

Blanko man ang mukha ni Tammy, sa loob niya ay nakaramdam siya ng kaunting iritasyon. Mas madaldal pa kaysa kay Pillow ang mga lalaki sa paligid niya.

Susuko? Siya? Isa siyang Pendleton. At ito na ang oras para patunayan niya iyon.

Nakita nilang dumating ang dalawang PE instructors nila, Sina Mr Reyes at Ms Garcia.

"So you're here you bunch o' rats!" ang malakas na sabi ni Mr Reyes habang may tobacco sa bibig. May malaking ngisi sa mga labi nito at kumikinang ang mga mata habang pinagmamasdan ang mga estudyante. Inalis nito saglit ang tobacco para magbuga ng makapal na usok. "You lots must be thinking you're something special, eh? You ugly mugs wanna become King, eh? Well I'll let you experience hell today!" anito saka malakas na humalakhak. "Try not to die today, maggots!"

"Ehem," ang sabi ng babaeng coach na katabi nito. "Students, lumapit sa akin ang mga pangalan na babanggitin ko. Ibibigay ko sa inyo ang number ninyo na ididikit sa inyong likod."

Habang abala si Ms Garcia sa pagtawag isa-isa sa kanila, nilapitan si Tammy ng mga kaklase niya.

"Tammy, hwag kang mag-alala. Poprotektahan ka namin," ang sabi ng isa sa mga ito.

"Tama tama. Hindi namin hahayaan na masaktan ka nila."

Ah. Naalala na niya. Sila ang myembro ng Tammy Protection Squad na tinatawag, TPS for short. Malaki ang pakinabang niya sa mga ito dahil salamat sa kanila ay hindi siya nagagawang lapitan masyado ng ibang tao.

Tinignan niya isa-isa ang mga ito saka siya nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

"Salamat pero magkakalaban tayong lahat ngayon. Mas malulungkot ako kung hindi ninyo seseryosohin ang test. Good luck sa ating lahat, okay?" nakangiti niyang sabi sa mga ito.

"Ahh~ She's shining~"

"A true angel!"

"I'm so happy to be alive!"

"I'm not worthy of her smile. Kill me now!"

"Please step on me!"

Napatingin ang mga lalaki sa huling nagsalita.

"J-joke lang?" anito.

"Tammy Pendleton!" tawag kay Tammy ni Coach Garcia.

Lumapit si Tammy sa babae para kunin ang sticker. Pinatalikod siya nito. Mataas niyang itinali ang kanyang mahabang buhok. Idinikit ng coach ang sticker sa likod ng jersey niya. Number thirty-nine, ang huling numero.

Matapos mabigyan ng number ang lahat ay ipinaliwanag na sa kanila kung ano ang kanilang gagawin ngayong araw.

***

Sa school building, nakasilip sa bintana ang ilang estudyante para manood ng endurance test. Ang iba sa kanila ay abala sa pag-record para sa live feed na nakapost sa black site. Marami nang views at comments doon. May nagaganap rin na kung anu-anong pustahan.

Isa sa mga estudyanteng nanunuod ay ang King na si Nino, kasama nito ang beta na si Marko.

"There she is," sabi ni Nino habang nakatingin sa mga estudyanteng nasa field. "She's as beautiful as ever."

"Alam mo ba kung paano siya napasali sa tournament?" tanong ni Marko.

"Do tell."

"Napagkamalan niyang attendance sheet ang papel na sinulatan niya," kwento nito saka napailing.

"What?" tanong ni Nino saka napatawa nang malakas. "Elle est si mignonne que je la mangerais."

"Man, I wish I could understand what you're saying."

Hindi pinansin ni Nino ang kaibigan at nagpatuloy nalang sa panunuod. Tammy is a special girl, no doubt. At hindi palalampasin ni Nino ang pagkakataon na makita ang kakayahan nito.

***

The test was simple. Binigyan sila ng instructors ng nag-iisang test. Pero lagpas kalahati sa kanila ay halos sumuko na nang marining iyon.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" sigaw ng isang lalaki habang matulin na tumatakbo pauna.

"Tsk gago, hindi ka tatagal."

"Shit! Ang init!"

"F*ck! This is the worst!"

"Why this test, dammit!"

Sa isang tabi ay tahimik na tumatakbo si Tammy. Sinasabayan niya ang nasa gitnang grupo. Binantayan niyang mabuti ang kanyang paghinga at ang kanyang heart rate. Pinagpapawisan na siya.

It's the last week of June. Sobrang init parin ng panahon. Ngunit heto sila at tumatakbo sa track, paikot ng soccer field. Ito na ang kanilang pang-sampung ikot. At kailangan nilang tumakbo pa para makumpleto ang isang daan.

One hundred laps. Iyon ang endurance test nila.

Kada taon ay nagbabago ang test. Last year ay sa mahabang hagdan sa bundok pinaakyat-baba ang mga estudyante. Mas maswerte sila ngayong taon.

"UGH!" biglang napatigil ang isa sa kanila at tumabi sa gilid. Sumuka ito sa pagod.

Nakita ni Tammy na kumilos si Coach Garcia nang makita ang estudyante. Siguradong bumagsak na ito sa test.

Sa kanilang ika-dalawampung ikot, nabalot ng tensyon ang grupo ng mga tumatakbo nang mapansin na nalalagas na sila isa-isa.

"Youngsters these days have no energy!" sigaw ni Mr Reyes sa kanila. Tila nang-aasar pa ito nang uminom ng malamig na mineral water nang dumaan sila. "Give up if you feel tired. No need to push yourself! It's not like you're going to become a King anyway. It's just a useless title! Not worth your damn time! Don't be stupid!"

Nakita ni Tammy kung gaano kalakas ang epekto ng mga salita ng coach. Dumami ang tumigil sa pagtakbo. The exam wasn't just for physical but for emotional as well. Parehong pinupuntirya nito ang lakas ng katawan at isip nila. Tammy cleared her head. Kailangan niyang mag-focus sa breathing at heart rate niya.

Nagpatuloy sa pangungumbisi si Mr Reyes sa kanila na tumigil na. And soon, there were only six of them left.

"Shit, the heat is killing me..." hinihingal na sabi ng isang lalaki.

"Then give up," sagot ng isa pa.

"F*ck no. Don't lump me in with those losers..."

"Pang-ilan na natin 'to?"

"Who's counting?"

"F*ck."

Tinignan ni Tammy ang mga kasabay niya sa pagtakbo. Hindi niya kilala ang mga ito. Wala ni isa sa kanyang mga kaklase ang tumagal.

"Pendleton," tawag kay Tammy ng isang lalaki. Nakuha pa nitong ngumiti sa kanya. "May ibubuga ka pala."

Tammy smirked. "Thanks."

"Okay, you can stop now! This is your final lap, you may jog now," sigaw ni Ms Garcia sa kanila.

Unti-unti silang bumagal sa pagtakbo. Nabawasan ang pagod nila sa narinig. This year, only six students passed the exam.

***

Kaagad na pinapunta sa infirmary ang mga estudyanteng sumali sa exam. May tatlong nurse at isang doktor na nakabantay doon. Nakita rin ni Tammy ang nakaparadang tatlong sasakyan ng ambulansya. Mukhang talagang pinaghandaan iyon ng school nila.

"Are you dizzy?" tanong sa kanya ng school nurse habang chine-check ang blood pressure niya. Umiling si Tammy. "Everything is okay. You just need to drink lots of water and rest."

"Thank you," sagot ni Tammy nang matapos siyang i-check nito.

"You're a strong girl," nakangiting sabi ng nurse sa kanya. "Kung ako ang tumakbo ay siguradong hanggang five laps lang ako."

"I used to run a lot," sagot ni Tammy. "With my dog. Siguro iyon ang dahilan kaya ako tumagal."

"That's good. Kids should exercise regularly to stay healthy," sabi ng lalaki. Biglang tumunog ang cellphone nito. "Ah. Excuse me for a sec."

Tumayo ito at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Napansin ni Tammy ang nalaglag na bagay mula sa bulsa ng lalaki. Kaagad siyang tumayo para pulutin iyon sa sahig dahil hindi napansin ng nurse. Nakatalikod ito sa kanya.

Nang pulutin ni Tammy ang bagay ay agad nangunot ang kanyang noo. Bigla niyang naalala si Reo at ang galit na tingin nito sa kanila ng nurse noon. Hindi siya nagkamali sa naramdaman non.

Humigpit ang hawak niya sa lipbalm na may Eiffel tower na design. Alam na niya kung bakit siya nilapitan ni Reo noong araw na 'yon.

"You dropped this," sabi ni Tammy sa nurse nang matapos ang tawag nito.

"Oh, thank you," mabilis iyong inabot ng lalaki at itinago sa bulsa.

"Sige po, uwi na ako. Thank you po," nakangiting paalam ni Tammy sa nurse bago lumabas ng infirmary.

Kaagad na nawala ang ngiti ni Tammy nang makalabas ng pintuan. Mabilis siyang pumunta sa washroom ng mga babae at ini-lock ang pinto. Huminga siya nang malalim at tinitigan ang sarili sa salamin.

It looks like Reo totally played her for a fool. Though Tammy enjoyed acting like one, hindi niya gusto ang mapaglaruan. Lalo na at nag-aksaya siya ng oras para tulungan itong pumili ng lipbalm.

The lip balm serves as a warning not to get too close to the male nurse. And Tammy's not stupid enough to not understand the reason behind Reo's action. He used it to stake his claim.

Maybe it was because of the heat, she ended up laughing. Hindi niya mapigilan ang pagtawa niya. Siguro ay dahil na rin sa pagod niya kaya umiksi bigla ang kanyang pasensya. Or maybe because of her pride kaya hindi niya magawang patawarin si Reo sa childish antics nito.

And so, Tammy decided to return the favor to Reo.

Elle est si mignonne que je la mangerais. - She's so cute, I could just eat her up.

AlesanaMariecreators' thoughts