webnovel

High School Zero

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

AlesanaMarie · Teen
Not enough ratings
56 Chs

Chapter Ten

Matapos ang endurance test noong Sabado, kaagad na nai-post sa black site ang mga makakasali sa tournament. Isa sa mga nakasali ay isang babae. Simula noong naging co-ed ang Pendleton High, ngayon lang nagkaroon ng babaeng kalahok. Hindi inaasahan ng kahit na sino man na may makakapasok na babae. Ang balita ay nagdala sa mga estudyante ng pagka-gulat at kuryosidad.

"Nabasa nyo ba sa forum ang nangyari noong sabado?"

"Oo! Hindi ako makapaniwala."

"May babaeng nakasali sa tournament."

"Kung nakapasa siya sa test, malamang may ibubuga siya."

"Pero kawawa siya sa laban. Hindi na 'yon simpleng pag-takbo lang."

"Marunong kayang lumaban 'yon?"

"Siguro, isa naman siyang Pendleton diba?"

"Baka nga."

"Pero kahit saan banda mo tignan, mukha siyang mahina."

"Ang liit ng katawan niya."

"Naaawa ako sa kanya ngayon palang."

"Ano ba ang iniisip niya, bakit siya sumali?"

"Baka dahil sa tatay niya."

"Ahh. Baka nga..."

Simula nang pumasok si Nino sa school ay wala na siyang ibang narinig kundi ang tungkol sa pag-pasa ni Tammy sa exam. Nakita niya kung paano nito nagawa iyon noong Sabado. At hanggang ngayon ay nanghihinayang parin siya dahil hindi niya ito nakausap. Bigla itong nawala noong araw na 'yon.

Pumasok siya sa loob ng classroom at umupo sa kanyang pwesto. Maging sa loob ay si Tammy ang pinag-uusapan ng mga kaklase niya.

"HAHAHA! Ano bang klase ng test 'yon? May nakapasok na babae," ang malakas na tawa ni Oca. Ang pinaka-maingay sa klase ng 2-D.

"Mas mahirap parin ang exam natin last year! Ang weak nung ngayon!"

"Kaya ba nila ginawang mas madali ay para makapasok yung Pendleton?"

"Woah! That's favoritsm!"

"Pero kahit na ano pang gawin nila, kawawa lang 'yon sa mismong tournament! Bugbog 'yon sigurado."

"Walang pag-asang manalo 'yon!"

"Kawawa naman!"

"Kasalanan niya 'yan, sumali sali siya e."

"Gusto kong mapanood 'yon."

"Siguradong iiyak 'yon pauwi. HAHAHAHA!"

Napabuntong hininga si Nino sa usapan ng mga kaklase niya. Damn fools.

"Il est temps de dire halte à cette conversation," aniya sa tahimik na boses.

Tumigil ang lahat ng nagsasalita nang dahil doon. Hindi man nila narinig nang maayos ang sinabi ni Nino, naramdaman nilang kailangan nilang huminto. Napatingin silang lahat kay Marko, ang beta at palaging kasama ni Nino.

"Hwag ako ang tignan ninyo," sagot ni Marko sa mga kaklase. "Hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya."

"Kung si Tammy lang ang nakapasa sa exam, ibig bang sabihin isa na siyang Alpha?" ang tanong ni Lily sa kakambal na si Yana.

"Siya lang ang nakapasa sa class nila, ibig sabihin siya ang pinaka-malakas?" ang pabalik na tanong ni Yana.

"Iniisip ko rin 'yan," ang singit ni Marko sa dalawa. "Pero sa tingin ko hindi ganoon kadali 'yon. Isa itong special case. At kailangan din nila ng beta."

"Then... lalabanan din ba ni Tammy ang mga kaklase niyang lalaki?" tanong ni Lily.

"Kahit hindi sila pumasa sa exam?" tanong ni Yana.

"Uhh. Hindi ko sigurado pero... alam kong may gagawin sila," sagot ni Marko sa dalawa.

***

Nilagpasan ni Tammy ang mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid niya. Diretso siyang pumasok sa kanilang classroom. Kaagad na tumahimik ang mga kaklase niya nang makita siya. Naglakad siya sa kanyang mesa at umupo sa silya.

"Wow! Congrats, Tammy! Trending ka na naman sa forum!" ang unang sabi sa kanya ni Cami saka ipinakita ang cellphone nito.

"Ang akala namin hindi mo ipapasa ang test? Bakit mo ginawa 'yon?" kunot noong tanong ni Fatima.

"Thanks to that, kasali ka sa tournament. Good job!" sarcastic na sabi ni Lizel.

"Tammy, are you stupid?" tanong ni Helga.

Napa-kurap si Tammy sa apat na babae. Tumingin siya sa paligid at nakitang naghihintay ng sagot pati na rin ang mga lalaking kaklase niya. Napansin niyang iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Malamig at puno ng pagdududa.

"Bago nagsimula ang test, may sinabi sa akin ang mga kaklase natin na kasama ko ron," ang umpisa ni Tammy. Ngumiti siya sa lahat. "Ang sabi nila, po-protektahan daw nila ako. Kaya naisip ko na imbes na umurong sa exam, mas maganda kung ibibigay ko rin ang best ko katulad ng ginawa nila. Ayokong maging pabigat. Sila ang naging lakas ko para makapasa sa test."

Sa naging sagot ni Tammy sa kanila, kaagad na nagbago ang tingin ng mga kaklase niya sa kanya. Nawala na ang lamig at pagdududa sa mga mata ng mga lalaki. Napalitan iyon ng paghanga.

"T-Tammy..." sambit ni Cami na mukhang maiiyak sa sagot niya.

Nilapitan si Tammy ng mga kaklase niyang lalaki. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Tammy! Y-You're the best! Congrats!"

"Hindi man kami nakasali sa tournament, susuportahan ka parin namin!"

"Tama 'yon! Susuportahan ka naming lahat!"

"Itayo mo ang bandila ng class 1-A!"

"M-masaya kami dahil nakapasok ka."

"Kahit medyo masakit sa loob namin, okay lang 'yon!"

"Galingan mo sa tournament, Tammy!"

"Kung may maitutulong kami sa'yo, magsabi ka lang!"

"Tama 'yon! Kahit ano, tutulungan ka namin!"

"Maraming salamat sa inyo. Gagalingan ko para sa inyong lahat!" ang nakangiting sagot ni Tammy.

Tahimik na nakamasid si Helga sa mga nangyayari. Hindi parin siya sigurado sa naiisip niya, pero malakas ang kanyang kutob. Alam na niya kung ano ang sikreto ni Tammy. Ito rin kaya ang ibig sabihin ni Hanna Song?

Naalala niya ang sinabi nito noong huli silang nag-usap.

'With her sweet smile and innocent eyes, she can get away with everything.'

***

Nang matapos ang klase ni Tammy, kaagad siyang pumunta sa infirmary. Nangingiti siya habang naglalakad papunta roon. Sa mga ganitong oras pumupunta si Reo doon ayon sa kanyang nakuhang impormasyon.

Nang makauwi sa bahay si Tammy noong Sabado, naisip niyang kalimutan nalang ang ginawa ni Reo. Pero kahit na ano'ng gawin niya ay hindi niya iyon magawa. Hindi niya gusto ang mapait na lasa sa kanyang bibig sa tuwing naiisip kung paano siya napag-laruan ni Reo. Hindi rin niya gusto na iparamdam kay Reo na nanalo ito sa laro.

Hindi niya alam kung kanino niya namana ang ugali niya ngayon. Ayaw na ayaw niyang natatalo sa kahit na ano pang laro. So, she decided to play and beat him at his own game. She was bored at may natitira pang araw bago ang tournament. Hindi naman masama kung gagawin niya ito minsan.

"Hello!" masayang bati ni Tammy nang pumasok sa infirmary.

Nakaupo sa office chair nito ang nurse at may binabasang document. Nilingon siya nito at ngumiti.

"Ms Pendleton, I'm glad to see you're doing okay."

"Salamat po sa inyo," sabi ni Tammy saka lumapit dito.

Napansin niya si Reo na nakaupo sa isa sa mga kama. Nakabukas ang kurtina na kadalasang tumatakip doon. Hawak nito ang cellphone at nakakunot ang noo. Halatang nakikinig ito sa kanila.

"Nandito po ako para ibigay sa inyo ito." Ipinakita ni Tammy ang blue na paperbag. "Cookies."

"Ah, hindi ka na sana nag-abala," sabi ng nurse.

"Simpleng pasasalamat lang naman po 'yan kaya tanggapin ninyo na," sabi ni Tammy na hindi maalis ang ngiti sa labi. "Naalala ko rin po kasi si kuya Angelo sa inyo. Halos mag-kasing edad lang po siguro kayong dalawa. Nag-aaral po siya ng Law. Madalas po siyang busy sa pag-aaral kaya dinadalahan po namin siya ni Mama ng pagkain minsan."

Tinanggap ng nurse ang inaabot niyang paperbag.

"Salamat dito," sagot nito.

"Ah! Yung lip balm!" turo ni Tammy sa lip balm na nasa lamesa.

Napalingon doon ang nurse at naramdaman ni Tammy na tumingin sa kanya si Reo.

"Ang ganda po ng lip balm ninyo. Bigay po ba 'yan ng girlfriend ninyo?" tanong ni Tammy.

Nag-alangan na sumagot ang nurse. Napatingin pa ito saglit sa direksyon ni Reo.

"P-parang ganon na nga..." bulong ng lalaking nurse na may alangan na ngiti sa labi.

Matamis na ngumiti si Tammy. "Sabi ko na nga ba. Mukha po kasing babae ang pumili ng lip balm ninyo. Ang ganda po ng design. Ah. Ngayon ko lang napansin." Tumingin si Tammy kay Reo. "Reo, diba ganito rin yung binili mo noong magkasama tayo?"

May katahimikan na dumaan sa loob ng silid. Gulat na nakatingin si Reo kay Tammy. Hindi nito iyon inaasahan.

"Ahh... T-talaga?" sabi ng nurse. "Hindi ko alam na close pala kayong dalawa. Mabuti 'yan."

Nalipat ang tingin ni Reo sa nurse. Gustong matawa ni Tammy sa expression na nasa mukha ni Reo.

"Hmm." Tumango si Tammy. Tumingin siya sa kanyang relo. "Kailangan ko na po palang umalis. Kainin nyo po yung cookies. Masarap po 'yan! Bye!"

Matapos iyon ay mabilis na lumabas si Tammy sa infirmary. Ang kanyang ngiti ay mabilis na napalitan ng ngisi. Siguradong magdadalawang isip na si Reo na makipaglaro ulit sa kanya.

"You look happy, Princess."

Nagulat si Tammy nang may sumabay sa kanyang paglalakad. Nabura ang ngisi niya. Kaagad siyang napatingin sa lalaking katabi.

It was Nix. One of Pendleton High's royal guards. Ito ang pinaka-batang myembro ng security team. She met him when she was still in elementary school. He's nineteen years old. Nix used to work for her Father a few years back. At dito niya nakuha ang impormasyon na kailangan niya kanina.

Napahinga nang maluwag si Tammy.

"Yeah, thanks to you."

"No problemo. Talk to you later," anito saka biglang lumiko ng daan.

Nagtaka si Tammy ngunit naintindihan rin niya kaagad kung bakit ito biglang umalis.

"Tammy!"

Narinig ni Tammy ang papalapit na yabag mula sa kanyang likuran. Hinabol siya ni Reo at hinarangan ang kanyang daan. Tinignan niya ito saka siya ngumiti.

"May kailangan ka?" tanong niya.

"What the hell was that?" inis na tanong nito sa kanya.

"Uh. Ang alin?"

"Dammit! Alam mo kung ano ang sinasabi ko."

"Kung alam ko edi sana di ko na tinatanong sa'yo ngayon." Inosenteng tinignan ni Tammy si Reo.

Halatang mas nainis si Reo sa kanya. "Yung lip balm—"

"Ahh. Nahalata mo pala. Akala ko naitago ko nang mabuti, hindi pala." Humakbang ng isa si Tammy palapit kay Reo. "Sorry. Hindi ko sinasadya na isipin na may relasyon kayong dalawa. How stupid of me na isipin 'yon dahil lang sa isang lip balm. Pero imposible naman diba? Hindi dahil sa pareho kayong lalaki."

"At paano kung posible?" seryoso nitong tanong.

"Then I'll fire him," mabilis na sagot ni Tammy.

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi inalis ni Tammy ang tingin sa mga mata ng kausap niya.

Natigilan si Reo. "You... don't have the authority to do that."

"Oh, my bad. Kahit na isa akong Pendleton, oo nga pala hindi ako ang may-ari. Pero pwede ko naman sabihin kay Lolo. He'll fire him for sure. Ah, the scandal. Siguradong masisira ang career niya kapag nalagay ito sa record niya. Tsk tsk."

Nakangiting pinanood ni Tammy ang reaksyon ni Reo. Hindi ito nakasagot at nawala ang kulay sa mukha nito. Nawalan ito ng lakas at tila isang bata sa harap niya.

"But like I said, imposible. Hindi naman siguro niya lalabagin ang school rules na bawal ang student teacher relationship. At kahit naman hindi siya instructor dito, isa parin 'yon sa mga nakasaad sa contract niya." Huminga nang malalim si Tammy. "Hmm. But maybe just to make sure, I'll have him investigated. Lahat ng instructors na rin para sigurado. Ano sa tingin mo Reo?"

Tinignan siyang mabuti ni Reo nang ilang segundo. Pumikit ito nang mariin at bumuntong hininga.

"Do whatever you want," pagod nitong sabi saka tumalikod at naglakad paalis. Bagsak ang mga balikat nito.

Nawala ang ngiti ni Tammy. Naglakad na siya pauwi. Nakonsensya siya sa mga sinabi niya. Ayaw niya nang natatalo pero hindi rin niya gusto na umasta nang ganoon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Uhaw siya para sa isang bagay na hindi niya alam kung ano. Kaya naman nakikipaglaro siya sa mga taong naghahamon. Pero sa tuwing matatapos ang laro, saglit lang ang saya na nararamdaman niya sa pagkapanalo niya.

"The game ended pretty quickly. How boring."

But there's one thing Tammy didn't realize, may isang taong nakikinig sa usapan nila ni Reo. At dito mag-uumpisa ang isang panibagong laro. Isang laro sa pagitan nilang dalawa ni Helga.

il est temps de dire halte à cette conversation - It is time to call a stop to this conversation.

AlesanaMariecreators' thoughts