webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · 一般的
レビュー数が足りません
15 Chs

CHAPTER 9.

🄿🄰🄶🄴 9.

TRIX'S POV.

...

"Uy... Blow out naman dyan, One and only front vocalist of the band!" Hindi makabasag na pinggan na sabi ni Shyrene.

"Ts, Tigilan nyo nga ako, gabi na di'ba? Bakit narito ka pa? Umuwi ka na sa Apartment mo!" Pagtataboy ko sa kanila.

"Grabe ka naman makapagpauwi, tapat lang nito ang apartment ko eh! Gusto ko munang magkwento ka about sa kung paano ka nag Audition sa band ni Mr. Serious Guy!" Pangungulit pa niya.

"Hay.. Ano ba? Ilan beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi totoo yun?" Umiikot na ang aking mga mata dahil sa pagkabagot.

"Weh? Sinasabi mo bang sinungaling ang pinsan ko huh?" Baling sa'kin ni Cielo.

"Sa tingin nyo ba marunong akong kumanta?" Naiinis na ako.

"May boses ka naman!"-SHYRENE.

"Ni-hindi nga ako marunong maguitara!"

"Napag aaralan naman yun besty!"-CIELO.

"Pwedi ba talaga ako na mapabilang sa sikat na bandang yun?" Kunoo't noo ko.

"Deserve mo yun!"-SHYRENE.

"Hayssst... Wala akong lusutan sa inyo!" Nahiga na ako at nagtalukbong ng kumot.

Ngunit pilit nilang hinihila ang kamay ko pabalikwas.

"Ano ka ba naman Trix? Career na nga yung lumalapit sayo, ayaw mo pa?"-CIELO.

"It's your turn to be yourself and to let them realized that you're not such a useless and loser okay!"-SHYRENE.

Narinig nila yun kina Chelsea?

"And to proove that poor girl has a brilliant talent!"-CIELO.

Kaibigan ko ba talaga sila?

Ang taas ng expectations nila sa 0.1% na talent ko.

"At saka naghihirap na talaga tayo besty!" Bulong ni Cielo.

"Sorry girls kung delayed ang sweldo ni Ate sa abroad kaya wala pa syang padala sakin!" Palusot ni Shyrene.

"Mayayaman naman ang angkan nyo di'ba? Katulad mo Cielo, sabi mo pinsan mo ang ugok na Rom Villanueva na yun at ikaw naman Shyrene, Di'ba Professional English teacher ang Ate mo sa abroad kaya humingi na lang tayo ng tulong sa kanila!" Diin na sabi ko sa kanila ngunit sabay nila akong sinapok.

"Aray!! Ano ba? Ang sakit kaya!" Kamot ko sa aking ulo.

"Nang matauhan ka!"-CIELO.

"Ikaw! Di'ba step brother mo si Christian at Principal ng Senior High ang Biological  mother mo! Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanila huh?" Baling nila sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa sinabi nilang iyun.

"Okay fine! Alam ko naman kung anong ibig nyong sabihin!" Tuluyan na akong nahiga.

"Yes...!" Peace bombs nilang dalawa.

"Anyway Trixie! What if nanliligaw sa'kin ang step brother mo, Is it okay with you?"-SHYRENE.

Nagulat ako sa kanyang pagbabago ng usapan.

Pagkatapos nila akong utuin!

Change topic na agad?

"Ah.. huh? ano??" Nalilito kong tanong.

Kunwari hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi.

"Christian was starting to date me, and He also courting me!" Kinikilig ang tinig niya.

Namumula pa ang kanyang pisngi.

"Itulog mo na yan Shy!" Nawala ako sa mood na makipagkuwentuhan pa.

"I just wanna let you know lang naman! Kung hindi naman okay sayo..." Pinutol ko ang kanyang sasabihin.

"Shy! It's up to you, kung masaya ka sa kanya, okay lang!" Tapik ko sa balikat nya.

Ayoko naman hadlangan ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Christian ngunit bakit parang may mali yata sa nasabi ko.

"Sus... e di kayo na ang may lovelife!"-CIELO.

"Kunwari ka pa Cielo, balita ko nagdedate kayo ni Ace!" Pang aasar ko sa kanya.

"He got my number on my own phone without my permission tapos itetext nya ako at tatawagan para magpaalam sakin na kinuha nya ang phone number ko!, baliw yata yun eh!" Pagmamaktol niya.

"Dito na ako tutulog! Weekends na bukas!" Sabi ni Shyrene at nahiga sya sa tabi ko habang nasa kabilang tabi ko naman si Cielo.

Sardines style na ako pa yung nasa gitna pero masaya. Ang gaan sa loob na kahit mapuyat kami sa kwentuhan at tawanan ay pagbibigyan ko na.

Ngayon lang ito nangyari sa buhay ko at magtitiis na ako basta magkakasama kaming tatlo.

.

.

.

.

.

Mahimbing na ang tulog nila nang matapos kong sulatin ang nangyari sa High School Life ko this day.

Inaantok na rin ako.

Good Night Ivan.

KINABUKASAN.

ROM'S POV.

...

Maaga ang Rehearsal ng Band ngayon dahil ngayon ko na rin sasabihin kay Ace and Jin na si Ms. Diary ang bagong front vocalist ng band.

Ngunit bago yun ay sinundo ko muna sya sa Apartment ni Cielo.

"Ang aga mo naman Rom talaga bang isa na si Besty sa inyo?"-CIELO.

I just Nod.

"Okay! Pakihintay na lang sya, naliligo pa kase!" Hinayinan nya ako ng black coffee.

"Hindi na ako nagkakape!" Isasantabi ko sana ang kape na inihayin nya kaya lang kinuha ito ni Trixie.

"Tara na!" Sabay yakag nya.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at pagharap ko sa kinaroroonan niya ay nagtapat ang chin ko at ang kanyang noo.

"Uyyy!!!" Kinikilig na sambit ni Cielo.

Tsikk! Mga babae talaga.

***

"Mag seat belt ka!" Utos ko sa kanya nang nasa loob na kami ng sasakyan ko.

"Ha...? Amh! Paano ba toh?" Hindi nya malaman kung saan huhugutin ang seat belt.

"Tsikk! Seat belt na nga lang hindi pa marunong!" Bulong ko.

Hinila ko ang seat belt sa tabi nya kahit halos mahalikan na nya ang pisngi ko.

Ang Awkward, lalo na kung ganito ang eksena.

Hindi ko alam kung pagkakataon nga lang ba pero sabay kaming nagsuot ng Headset sa mga tainga namin at parehas rin kami ng Song na pinili sa Mp3 namin.

Medyo luma na nga lang yung Mp3 niya, isang old unit ng Walkman Mp3 dahil halatang napag iiwanan na ng panahon.

Christian is right, Seryoso din sya tulad ko.

Pagkarating namin sa RECORDING STUDIO.

"Pumasok ka na sa loob, kukunin ko lang ang guitara ko sa kotse!" Taboy ko sa kanya.

Ilan minuto lang lumipas at nakuha ko ang gamit ko, Pagkapasok ko sa loob ay may naririnig na ako.

May nagkakagulo yata.

"Ah...aray naman! Hoy! Bitawan mo nga ako!" Boses ni Ace.

"Ms.. Bitawan mo na sya! Hindi naman nya sinasadya yun eh!" Pagpigil na tinig naman ni Jin.

"Ano bang ginagawa mo Trix? Pumunta ka ba dito dahil gusto mong manakit ng lalaki?" Narito rin si Christian.

Pagtapat ko sa pintuan, nakita kong nakapilipit ang braso ni Ace sa likuran nya habang hawak iyun ni Trixie.

Bakit hindi sinabi sa'kin ni Christian na ganito pala ang babaeng ito.

Sa bagay, hindi naman ako nagtanong.

"What's going on here?" Tanong ko agad.

"Grabeh... Ito ba yung bandmates mo?" Taas kilay nya.

"Hoy! Sasapakin na talaga kita!" Susugurin sya ni Ace.

"Hindi ba boring ang buhay mo at pati ako papatulan mo!" Singhal ni Trix sa kaniya.

"Sino ka ba sa akala mo?"-ACE.

"Ako lang naman ang tatapos sa buhay mo kapag nalaman kong pinagtri tripan mo lang ang bestfriend ko!"-TRIX.

"Ah.. Ganun? Alam mo pumapatol talaga ako sa babae!" Umiikom na ang kamao ni Ace.

"Hey! Hey! bro Relax!" Pumagitna si Jin.

"Step sister ko yan!" Usal ni Christian.

Tapos yung sumunod na mga eksena ay tuluyan na silang nagkagulo. Umaawat si Christian kay Trixie dahil ayaw nitong magpatalo at ganoon rin si Jin na humaharang sa posibleng gawin ni Ace.

Haysssst sumasakit ang ulo ko sa kanila.

"Tumigil na nga kayo!!!!!!!!" Malakas kong sigaw at saka ko hinampas ang drums na nasa tabi ko.

Tumigil naman sila at nagulat yata sa aking ginawa.

"Ano bang akala nyo sa lugar na ito huh?" Naiinis kong tanong sa kanila ngunit tahimik lang sila.

"Don't tell me Rom, Sya yung sinasabi mong si Ms. Diary?" Paglapit ni Ace sa akin.

"You're right!" Tugon ko.

"Bakit naman sya pa? Baguhan na nga ang Bayolente pa!" Singhal pa niya dito.

"Ano ba kaseng ginagawa natin dito!?" Reklamo naman sa'kin ni Trix.

"Kailangan mong matutunan kung paano humawak ng instruments!" Paglilinaw ko sa kanya.

"Akala ko ba kakanta lang ako O ituturo ko lang sa inyo yung ibigsabihin ng Lyrics at ikaw na ang bahala sa Rhythm, tone at melody?, bakit kailangan kong humawak ng instruments?" Nalilitong tanong nya.

"Wala nga talaga syang alam sa Music!" Singit ni Christian.

"Trabaho mo ang lahat ng trabaho namin! kung pano mo ipararating sa Audience ang meaning ng kanta at style mo sa paghawak ng guitara! Front Vocalist ka, hindi composer! Sa ngayon mahirap talagang pag aralan ito pero dapat sanayin mo ang sarili mo sa ganitong sitwasyon!" Masalimuot kong paliwanag sa kaniya.

Wala yata sa vocabulary niya ang makinig sa anuman paliwanag ng isang taong intiresado sa isang katulad niya kung kaya kinuha ko yung Diary nya at ibinigay ko agad kay Jin.

"Jin! Pag isipan mo kung paano lalagyan ng timing at perfect tone ang sinulat nya, Next page!" utos ko dito.

"Okay sige! Ako na muna ang mag iingat ng diary mo Ms." Buntong hininga ni Jin.

"Pero....!" Utal pa ni Trix.

"Don't you worry! Ibabalik din namin yun sayo! Anyway ano bang gusto mong simulan pag aralan! Pick your instrument!" Hayag ko sa kanya ng anuman instruments na gustuhin niyang hawakan.

"May Piano dito! Electric Guitar at Violin, Just incase na may hilig ka rin dito!" Dagdag ko pang paliwanag at namulsa naman ako.

"Tuturuan ko na lang sya na mag guitara!" Presentableng anas ni Christian.

"Tsiikk ako na lang!" Sabi ko.

"Trix!!!!" Sabay namin hawak sa kamay ni Trixie.

Sya sa kaliwa at ako naman sa kanan.

"Bi...bitawan nyo nga ako!" Piglas ni Trix.

"Ako na nga lang puro kayo pa-cute sa kanya!" Paghila ni Ace kay Trix paupo sa Couch.

"Teka akala ko ba magkagalit kayo?" Kunoo't noo ni Christian sa kanilang dalawa.

"Ahm! Baka mas okay kung sya na lang ang magturo sa'kin! Okay lang ba Ace?" Nagbago ang tono ng boses ni Trix.

Mas lalong tumataas ang curiousity ko pagdating sa kanya. Nababago niya ang kanyang mood depende sa sitwasyon kung nasaan siya.

"Okay..!"-ACE.

Biglang nag iba yata ang ihip ng hangin at umiiwas agad sya samin ni Christian.

Napatingin ako sa phone ko at 30× missed call from Jillian.

Tsikk..