webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · General
Not enough ratings
15 Chs

CHAPTER 8.

🄿🄰🄶🄴 8.

TRIX'S POV.

...

"Aray! Ang sakit ng ulo ko! Bakit ba ang liwanag ng kwarto? Cielo! Nakakainis talaga itong babaeng toh, Sinabi ko nang magiinom ako kaya dapat patay ang ilaw! Cielo!!!" Mumukat mukat ko pang maktol.

Kanina ko pa tinatawag si Cielo ngunit hindi nya yata ako naririnig.

Ts, Kailangan kong mahimasmasan. May hang over yata ako.

8:30 AM na pala ako nagising.

Late na ako pero kailangan ko na pumasok tutal tapos na ang suspension ko.

Nakakapagtaka dahil bumaba ako ng hagdan ngunit wala naman hagdan sa Apartment ni Cielo.

Anong amoy yun?

"Oh gising ka na pala!" Lumabas si Christian mula sa kusina.

"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo sa...." Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil napamasid ako sa paligid.

Oh... No!

"Nasaan ako?" Agad kong tanong sa kanya.

"Alam mo bang nilawayan mo ang mamahalin kong Polo Shirt dahil sa kalasingan mo!" Sumbat nya sa'kin.

May naaalala naman ako na nangyari nga iyun pero akala ko ay panaginip lang.

Ganun pala kalakas ang epekto ng iba't ibang klase ng Wine Collection ni Ivan.

Oo..

Ininom ko ang lahat ng klase ng Wine Collection ni Ivan nu'ng sinubukan kong balikan ang bahay nya.

Pinaka nalasing yata ako dun sa favorite niyang Wine.

1942's Alfonso's Red Wine.

Grabeh.. For the first time kong uminom.

Anyways.

"Bakit mo ako dito dinala! Hrr.. Kainis ka naman!" Reklamo ko.

"Ang stupida mo talagang babae ka! Hindi mo na talaga ako binigyan ng kahihiyan! Nasuspended ka na nga, nagawa mo pang mag inom! Walang hiya!!" Salubong sa'kin ni Lorena sa living Area.

Saglit ko lang siyang tiningnan at nilampasan ko na lang siya.

"Hoy! Kinakausap pa kita!" Paghila niya sa aking braso.

"Bitawan mo nga ako! Wala kang karapatan na hawakan ang anuman parti ng katawan ko!" Sabi ko sa kanya.

Sinampal nya ako.

"Salamat naman dahil medyo nabuhayan ang pag iisip ko na talagang walang kwenta ang kausap ko!" Usal ko pa.

"Wala ka na talagang respeto sa'kin!" Sasampalin nya ulit ako.

Napapikit naman ang aking mga mata ngunit wala akong naramdaman na dumampi ang sampal niya sa aking mukha.

"Kung gusto mong i respeto ka niya ay umpisahan mong i respeto ang bahay ko! Lasing sya dahil may pinagdadaanan sya at kung talagang concerned ka sa kanya dapat ipakita mo ang pagiging ina mo sa kanya! Stop being paranoid just because of her simple mistake!" Pinigilan pala ni Christian ang naka-ambang na sampal nito sa'kin.

Balak ko na ang umalis ngunit pinigilan pa niya ako.

"Don't go!" Saad niya.

"Hindi ko ipagpapasalamat na ipinagtanggol mo ako at dinala mo ako sa bahay na ito!" Singhal ko sa kanya.

"Okay fine Trix! I've given up on your freaking attitude! Just stay!" Baling niya sa akin.

"Uuwi na ako!" Diin ko sa kanya.

"Hindi mo ba man lang titikman ang niluto ko para sayo?" Nangongonsensya pa yata siya.

Bakit naman nya ako ipinagluto?

Anong nakain nito at napapansin ko yata na nagpapakabait na syang tao this few months ago.

"Busog ako!" Kahit gutom na.

Umalis na ako at hindi nya ako napigilan pa.

THE NEXT DAYS.

...

Bact to Senior High na ako dahil wala naman akong choice.

Kung umalis ako sa School na ito saan ako magtra transfer?

And it's too late.

Kung wala sina Cielo at Shyrene baka patay gutom na ako ngayon.

Malaki na ang utang ko sa kanila kaya heto depressed na talaga ako.

2 AM natutulog ang utak ko at magigising na lang ako ng 3-4:30 AM.

Malnourished na ang katawan ko tinatamaan pa ako ng depression at kung minsan insomnia pa ang umaatake sa'kin.

"Teka? Sino naman kaya yung pinagkakaguluhan sa loob ng Room namin? Yun ba yung bagong transfer dito?" Pagtanaw ko sa gate pa lang at nang lumapit na ako.

"Anong meron dito Shy?" Tanong ko kay Shyrene na parang may bulate sa puwet kung makatili.

"May Audition para sa mga marurunong kumanta! Humahanap kase yung boyband Vocalist na si Rom Villanueva ng papalit sa pwesto nya!" Paliwanag niya.

"Ano? Mayroon palang boyband dito sa Senior High? Bakit hindi ko yata alam yun?" Pagtataka ko pa.

"Paano mo nga naman malalaman?Masyado ka kaseng outcast dito kaya hindi mo na napapansin na umuunlad na ang Senior High sa Music, Arts and etc.!" Baling nya sa'kin.

Malala na ng sistema ng school na ito.

"Ikaw naman kase masyado kang abala sa pagsusulat ng kung ano ano sa Diaries mo! O kaya kapag nasa Room ka, nakaheadset ka naman kapag sa Canteen nagtutulog tulugan, kapag nasa field may kaaway ka! Trix why don't you try to talk someone instead of being invisible to us!" Dugtong pa nya.

"Gagaya pa ako sa inyo!" Inirapan ko sila.

Naalala ko yung Diaries ni Ivan. Pagtingin ko sa bag ko, wala sya dun.

Nawawala ang Diaries ni Ivan!!

Hindi pwedi ito.

"Are you okay?" Tanong ni Shyrene dahil hindi na ako mapakanali.

"Nawawala ang Diary ni... Hrr... Saan ba yun nagpunta? Bakit hindi man lang nagpaalam!" Maktol ko.

ROM'S POV.

...

"Wala bang mas okay na boses kaysa sa mga Auditioners na yan?" Naiiritang sabi ni Ace.

One of the boyband. The Drummer.

"Bakit kase dito pa? Pwede naman sa Club na lang tayo maghanap!" Reklamo naman ni Jin.

The electric Guitarist.

"Ano ba kayo? Sinabi ko naman sa inyo na ako lang ang karapat dapat sa vocalist position na hinahanap nyo!" Singit ni Christian.

Outsider of the band.

Na for sure ang pagbagsak ng career ng banda kapag nakasama sya sa group namin.

Wala syang kahit na anong talent pero gusto nyang maging isa sa amin.

"Assistant! Okay ka na? Or if you want taga buhat ng instruments namin kapag may rocket kami!" Alok ko sa kanya.

"Hoy! Rom Villanueva! Iniinsulto mo ba ang talent ko?" Duro nya sa'kin.

"Ts, Kahit mamaos ka sa kakahiyaw mo, wala kang talent okay!" Pag susuplado ko sa kanya.

"Sumosobra ka na ha! Hindi mo ba ako kilala? Ako si Christian Kyle Santos, The rich man's son! Tall and handsome at nagiisang may ari ng school na ito, Gusto mo bang ipa kick out ko kayong tatlo dito?" Pagbabanta nya sa'kin.

One of the cheap Reasons niya para lang makuha kung ano man ang gusto niya.

"Ingatan mo ang yaman mo baka kase kapag naubos yan.. Nakakaawa ka!" Tapik ko sa balikat nya bago ko sila iwan doon.

Nonsense ang Audition ta's ang makakausap mo, saksakan pa ng Yabang.

Actually may nakaagaw pansin sa'kin kaya lumabas ako ng Room.

Yung kausap ni Shyrene na iritable yata dahil may hinahanap siya sa kanyang bag habang papunta sa Library ang kanyang dereksyon.

If i'm not wrong baka sa kanya ang Diaries na ito.

Full Series ang Loves Story nila ni Ivan na parang isang Drama Movie.

Medyo boring pero mas intrisado ako sa mga sinulat nya sa Next Page.

Sa tingin ko ay sya ang sagot sa problema ko.

Sya ang hinahanap ko.

...

Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang kanyang boses.

"Hrrr... Nasaan na ba yun? Sigurado ako na dito lang yun nalaglag sakin. Hayssst. Yun na nga lang ang iniwan sa'kin ni Ivan naiwala ko pa! Nakakainis! Lumabas ka na Diaries ko please! Magagalit kase si Ivan eh!" Usal niya.

Pinagmamasdan ko naman siya habang nakapamulsa ako.

"Nasa a... huh! Ay multo!" Gulantang niya.

Nagulat ko yata sya.

Pinagpapawisan na sya dahil sa paghahanap. Nakalaylay pa ang buhok nya sa una.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Binibigay ko yung notebook nya.

Nanlaki ang mga mata nya at kaagad nyang kinuha yun sa'kin. Niyakap pa nya ito at hinalikhalikan pa ang cover nito.

Napapangiti na lang ako.

"Paano napunta sayo ang notebook na ito huh?" Naniningkit ang tingin nya sakin.

Ts, I remember her.

"It's you!" Turo ko sa kanya.

"Anong ako?" Takang tanong nya.

Sya yung girl na nakakita sa'min ni Jillian. Sya rin yung sinasabi ni Christian na exclusive girlfriend ni Ivan bago ito mamatay.

Ta's ngayon naman ay sya ang may ari ng Diaries na yun.

Coincidence ba ang lahat ng ito?

Well ito talaga ang gusto kong malaman nya.

"Bw*sit!" Balak na niya ang umalis kaya pinigilan ko agad siya.

"Kung iniisip mong magpapasalamat ako sayo dahil....!"

Naputol ang sasabihin nya kase itinuon ko na agad ang hintuturo ko sa kanyang labi.

Hindi ko ineexpect ang kadaldalan nya.

Bakit ba hindi ko yun nabasa sa Diaries nya?

"Ano ba?" Tinampi nya ang daliri ko.

"Gusto ko ang mga naisulat mong kanta mo!" Sabi ko.

"Huh?, A---nong naisulat kong kanta ang sinasabi mo dyan?" Nalilitong tanong nya.

"Amh! I'm sorry but i didn't mean to read your Diaries about you and the weirdo man na si Ivan flores and all of those songs you've written in that notebook!" Paglilinaw ko pa.

Bakit parang wala syang alam sa mga sinasabi ko.

"Ah.. Lyrics ba yung nakita mo?, Sorry pero hindi ako sumusulat ng kanta, Diaries ko lang itoh!" Taliwas na sabi nya.

Kung ganun, wala syang kaalam alam na marunong syang sumulat ng kanta, Ano ba namang klaseng katwiran yun.

"Pasensya na pero hindi ako Song writer!" Aalis na ulit sya.

"i know!" Hinarangan ko siya sa kanyang dadaanan.

"Alam mo pala! So tabi dyan sa dadaanan ko!" Pagtataray nya.

"Ikaw lang ang nakakaalam ng talent mo! Pwede kitang tulungan! If you want, you can join to my band!" Pag aalok ko pa.

Tumaas ang kilay niya.

"You can write a song and for sure you can sing!" Dagdag ko pa pero hindi ko yata sya makukumbinsi.

"Sisikat ka dito sa school at sa Music Industry! Baka nga magkaroon ka pa ng magandang career sa Music!" Diin ko pa sa kanya.

This is not my style.

"Sa tingin mo ba gusto kong sumikat at pagkaguluhan katulad mo? Hindi ako intrisado sa mga sinasabi mo okay kaya tigilan mo ako!" Deretsang sabi nya.

"Malaki na ang utang mo sa mga kaibigan mo! Gusto mong makapagtrabaho para makaipon ka at magkaroon ka ng sarili mong bahay, This is your chance!" Baling ko pa sa kanya.

"Grabeh... Kalalaki mong tao, Pakealamera ka ng gamit na hindi sayo and so what's your point?" Nakataas na naman ang kilay nya.

"Open ang band namin para sa gustong maging vocalist namin, Yung hinanahanap ko para sa isang front Vocalist ay nakita ko sayo kahit hindi ka nag Audition! May potential ka sa pagsulat ng kanta kahit hindi mo alam yun, Kung problema mo ang boses mo don't worry, tuturuan ka namin na i-handle ng maayos ang boses mo, Hindi ka namin pipilitin sa matataas na tone ng nota! Kung hanggang saan lang ang kaya mo, okay na yun samin. Handang mag adjust ang band para sa katulad mo, Please be one of my band!" Nakikipagkamay ako sa kanya ngunit hindi nya yata ako naintindihan kaya basta na lang syang umalis na parang walang narinig.

"Grabe... Nag aksaya lang ako ng laway sa kanya!" Maktol ko.

tlTsk.... Paano ko kaya sya makukumbinsi?

CHRISTIAN'S POV.

...

Naubos lang ang oras ko sa mga walang kwentang Auditioners na yun.

Biglang sumulpot sa harapan ko si Trix na kaagad umub ub sa Canteen's table.

Ano na naman kaya ang problema nito?

"Hey!" Hampas ko sa kanya ng basahan.

"Wag kang magulo, Matutulog ako!" Sabi nya habang nakaub ub pa rin.

"Kelan pa naging tulugan itong canteen huh babae?" Tinusok ko sya ng tinidor.

Hindi pa rin sya nakakamove on. Broken hearted pa rin sya kay Ivan.

"Ano ba toh ha?" Kinuha ko yung notebook na hawak nya kung kaya't bumalikwas siya sa kanyang kinapupuwestuhan.

Tumayo naman ako at pilit na inilalayo ko ito sa kanya.

"Ano ba Christian akin na nga yan!!" Pilit nyang inaabot.

Itinaas ko ang notebook at binabasa ko yun habang nakatingala ako.

"Christian naman eh!" Halos magpantay na ang mukha namin dalawa.

"To my Dearest Love! Abah tingnan mo nga naman, naiinlove pala ang isang mataray na katulad mo?" Pang aasar ko pa sa kanya.

Hinila nya ang colar ng uniform ko kaya pumantay na talaga ang mukha nya sa'kin.

Nasisinghap ko na nga ang mabangong hininga nya at nag-untugan pa ang ilong namin dalawa pero wala syang pakealam sa aming kinatatayuan.

Maduduling yata ako sa pagtitig sa kanya, lalo na't half inch. na lang ang pagitan sa labi namin ay mahahalikan ko na sya.

"Ibigay mo na yan sa'kin!!!" Sigaw nya.

"Aray... Ang sakit sa tenga ng boses mo!" Umiwas na ako.

Dumating sina Cielo at Shyrene at sa wakas kasama na nila si Rom.

"Hi.. Christian!!" Lumapit sa'kin si Shyrene kaya inayos ko na ang uniform ko na para bang balewala lang yung asaran namin ni Trix.

Nakuha nya na yung Dairy nya kaya back to tulog tulugan nanaman sya sa Canteen's table.

"Saan ka ba nagpunta huh Rom? Kanina pa kita hinahanap ah!" Agad kong tanong kay Rom.

"Galing sya sa Library, naging tambayan na yata nya ang tahimik na lugar na yun, ts.. parehas kayo ni Trix eh!" Sabi ni Cielo.

"Wag nyo nga akong idamay sa kalokohan nyo!" Naka ub ub na ulit sya.

Wala ba syang balak kilalanin ang Transferee ng SENIOR HIGH?

Kung sa bagay wala naman silang pakealam sa kahit na sino dito.

"May nahanap na akong bagong Vocalist ng band!" Bulalas ni Rom.

Sa wakas naman at napagtanto na nya na karapat dapat ako sa banda nya.

YES!!!

"Thank you sa tiwalang ibinigay mo sa'kin! Don't worry hinding hindi ko sisirain ang chance na binigay nyo sa'kin!" Sabi ko at agad ko syang kinamayan.

"Ano bang sinasabi mo?" Hinila nya ang kanyang kamay mula sa pakikipag kamay ko sa kanya.

"Sya ang sinasabi ko!" Pagturo nya kay Trix habang natutulog naman ito.

"Ano?" Gulantang ko.

"Si Trixie ang napili mo? Teka lang kailan sya nag Audition? Bakit hindi ko nakita ang name nya sa Name List ng mga Auditioners?" Sunod sunod kong tanong.

"Totoo ba yun pinsan?" Pagkagulat rin ni Cielo.

"Hindi totoo yun!" Paglilinaw ni Trix.

Akala ko ba tulo na ang laway nya sa paghilik?

"Ah, Sorry.. Akala ko kase hindi ka talaga intrisado, So payag ka na pala na maging Vocalist namin!?"-ROM.

"Di'ba sabi ko..." Naputol ang sasabihin nya.

"Wala syang talent sa Music, Rom! Baka naman na-missed heard ka lang! Pumayag ka ba talaga Trix?" Tanong ko sa kanya.

"To All Seniors students are here, I have an announcement that this girl , Ah... What's your name again?" Tanong pa nya kay Trix.

"Trixie Natividad!" Paglilinaw ni Cielo.

"Trixie Natividad is now officially part of my band, One and only front vocalist of the band!" Sabi nya kasabay nang pag-akbay niya dito.

"Teka.. ano??" Sabay namin tanong ni Trix.

"You heard it right!" As he wink.

Nagsipalakpakan naman ang lahat pero yung iba parang mga insecure kay Trix.

Bakit ganon?

Unfair yata.

Nag Audition din naman ako di'ba?

Dapat ba akong maging masaya dahil open na si Trix na makihalobilo sa lahat lalo na kay Rom.

Eh, Parehas silang seryoso sa mga buhay nila.

"Hrrr.... Nakakainis!!" Maktol ni Trix sabay Walk out as she always doing.