Chapter 1628: Second Audition
"Mmm… Mmm… Okay, kuha ko. Salamat, salamat talaga. Kakausapin ko si Ning Xi tungkol dito. Tatawagan kita agad!"
Tiningnan niya si Ning Xi pagkababa niya ng phone. "Mula sa crew. Handa na. 8 a.m. bukas ang second audition. Pumunta ka raw. Mas maaga sa inaasahan ko…"
Wala nang sinabi si Ling Zhizhi, at nagkaroon si Ning Xi ng oras para mag-isip.
Nakaupo si Ning Xi sa sofa at nakatitig sa kawalan. Pagkatapos ng ilang sandali, tiningnan niya si Ling Zhizhi. "Sis Zhizhi, pupunta ako. Pakisabi sa crew para sakin!"
"Okay." Hindi sigurado si Ling Zhizhi kung matutuwa ba siya o mag-aalala na baka masyadong pinipilit ni Ning Xi ang kanyang sarili.
Pero, dahil kilala niya si Ning Xi, alam niyang pinag-isipan niya ito nang mabuti.
"Sasamahan kita bukas." Nag-aalala pa rin si Ling Zhizhi.
"Salamat, Sis Zhizhi!"
…
Pagkatapos niya kausapin si Ling Zhizhi, bumalik agad si Ning Xi sa Peachwood.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください