webnovel

It Won’t Fall Into Someone Else’s Hands

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Chapter 1303: Hindi Yun Mapupunta Sa Kamay Ng Iba

Simula noong ipinahayag ng lolo niya ang kanyang will, sinusubukang agawin ng iba ang 10% share ni Ning Xi.

Dahil nasa kanya ang gusto nila, sinusuyo pa nila ito at sinusubukang bilhin kahit malaki ang presyo. Kung hindi niya ito ibibigay, siguradong gagamit sila ng mas mga mas malupit na mga pamamaraan.

Naisip ni Ning Xi, oras na ayusin lahat ng ito.

Pagkatapos ng commercial shoot ng Lu Corporation, gusto sana tawagan ni Ning Xi si Ni Qiutong. Pero, nauna tumawag si Ning Qiutong.

"Xiao Xi, libre ka ba?" sabi ng mahinhin na boses ni Ning Qiutong mula sa kabilang dulo ng telepono.

"Tita, sakto! Tatawagan pa lang kita! May gusto akong pag-usapan," sabi ni Ning Xi.

"Kung ganun, punta ka dito. Nasa Royal Jazz Hotel ballroom ako," hiling ni Ning Qiutong.

Naisip ni Ning Xi na baka busy si Ning Qiutong, kaya pumayag siya, "Okay."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください