Now playing: Mine - Bazzi
Skyler POV
At gano'n lamang kabilis lumipas ang mga araw. Dalawang araw na lamang muli ay babalik na ako sa school. But I don't think 'yung Skyler na kilala ko noong wala pa si Felicia ay magiging same pa rin ng Skyler ngayon.
Because lately, napapansin ko na para bang nag-iiba na ang takbo ng mindset ko. Sa sandaling panahon na nakasama ko pa lamang si Felicia, para bang may kung ano akong hindi maipaliwanag na unti-unting nagbabago sa sarili ko.
I hate it! Kapag merong bagay na nagbabago sa sarili ko dahil sa ibang tao. Pakiramdam ko kasi hindi ako nagiging totoo na sa sarili ko. Pero ngayon para bang... it feels so good?
Napailing na lamang ako sa aking sarili nang maisip iyon.
Kasabay ng pagbabalik ko sa Goldin Hills ay magsisimula na rin ang private tutor kay Felicia. Hindi ko tuloy mapigilan ang ma-excite para sa kanya. Alam ko kasing maraming bagay pa siyang matututunan at ito ay simula pa lamang ng tuluyang pagbabago sa buhay niya.
Lalong-lalo na ang pagsasalita ng english na gustong-gusto niya nang matutunan. Kung saan siya pinakamahina. At marami pang bagay na alam ko rin na ika-i-improve ng kanyang sarili.
I can't wait for the day when someone like Felicia will suddenly become a full-fledged fine lady.
Gosh! Hindi lamang siguro siya magiging hot lalo kundi magiging isa sa pinakamatalino rin. Nakikita ko kasi na marami siyang kakayanan na hindi pa niya nadi-discover mula sa kanyang sarili.
Bagay na hindi na ako makapaghintay pa para sa kanya. And I wanna witness that day. There's no impossible, right?
But I know in myself na sa pagbabalik eskwela ko dahil natapos na ang isang linggong pagsuspende sakin, ay sobrang mamimiss ko si Felicia.
Hindi ko na kasi ito makakasama madalas dahil sigurado akong magiging abala na ako ngayon sa pag-aaral.
At biglang naging interesado ka na ngayon sa pag-aaral? Tanong ko sa aking sarili bago napangisi.
Of course, I wanna be a good example and role model para kay Felicia. Gusto ko kasing magkaroong ng magandang impact sa kanya at hindi niya makilala ang isang Skyler na panay kalokohan lang ang alam.
Since I met Felicia, I suddenly had the inspiration and motivation to be a good person. I don't know what exactly is happening to me but I want to embrace it whatever change is happening to me.
I know the fact that I will miss her lalong-lalo na kapag nasa eskwela ako at siya ay maiiwan lamang dito sa mansyon, kaya naman, ako na mismo ang bumili at nagbigay ng cellphone sa kanya kahit na mahigpit na ipinagbabawal sa akin ni Dada na huwag ko muna siyang bibilhan ng kahit na anong gamit na pwede niyang kaadikan.
I mean, what should I do? Kaysa naman hindi ko mamonitor ang mga ganap sa kanya. I also put a tracker on her cellphone before I gave it to her. Para kahit na hindi kami magkasama, alam ko kung nasaan siya at mabilis ko siyang mapupuntahan kapag may nangyaring hindi maganda.
And the moment I gave her that thing, the happiness and joy in her face and eyes are so priceless! Grabe! Nagtatalon talaga siya sa saya at paulit-ulit akong niyayakap dahil matagal na pangarap na raw niya ang magkaroon ng cellphone.
Hindi ko naman mapigilan ang hindi maging proud sa sarili ko. Lalong-lalo na at naibigay ko sa kanya ang isa sa mga bagay na alam kong labis na nakapagpasaya sa kanya.
Mabilis matuto si Felicia, sandali lamang niyang natutunan paano gumamit ng smart phone at isang araw pa lamang ang nakalilipas para bang kabisado na nito ang lahat ng application kung paano gamitin.
Grabe! Ang bilis niyang mamulat sa mga bagay-bagay. Proud muli na sabi ko sa aking sarili.
Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang ibig sabihin ng langit o heaven? Tanong naman ng aking inner self.
Well, alam kong hindi niya malalaman ang ibig sabihin no'n unless naranasan na niya. Sagot ko naman.
Kaya hindi ko mapigilan ang matawa sa aking sarili ngunit agad na natigilan at napatikhim na rin dahil baka may guard na makakita sa akin, akalain nilang nababaliw na ako. Naglalakad kasi ako ngayon patungong pool area dahil kanina ko pa hinahanap si Felicia sa buong mansyon, hindi ko makita.
Mabuti na lang at naalala kong favorite spot niya ang pool kaya alam kong nandoon siya.
At 'wag kang assuming d'yan, bodyguard ka lang niya. Hindi mo siya makukuha katulad ng iba. Biglang paalala sa akin ng aking isipan dahilan para mapabuntong hininga ako.
Tss! Andoon na naman sa dibdib ko ang labis na pag-aalinlangan dahil sa rules na ibinigay ni Dada Billy sa akin.
Sino naman kasing hindi mahuhumaling sa katulad ni Felicia? Gosh! Halos nasa kanya na ang lahat except sa pagiging isip bata niya. Pero cute pa rin naman ah. At bagay sa kanya ang personality na meron siya. Hmp!
Awtomatikong natigilan ako sa aking paghakbang at agad na sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi noong maabutan ko si Felicia na nakaupo sa may gilid ng pool.
Nakatulala ito sa kawalan at halatang may malalim na iniisip habang nakalublob ang parehong mga paa nito sa tubig.
Hindi naman ako nagdalawang isip na agad na lapitan siya. Bago ako dahan-dahan na tumabi sa kanya. Tinanggal ko ang sapatos at medyas ko at katulad nito ay inilublob ko rin ang aking dalawang paa sa tubig.
Ngunit para bang hangin lamang ako sa paningin niya na hindi niya nakikita at ganoon pa rin ang kanyang posisyon at itsura.
Napakunot ang noo ko habang tinititigan siya ng maigi sa kanyang mukha. Marahil naaalala na naman niya ang pagkawala ng kanyang ama.
"Sky, anong pakiramdam na mayroong dalawang nanay?" Biglang tanong nito sa akin.
At inaamin ko, hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang bagay na iyon.
Malungkot na napangiti ito bago tuluyang nagbaling ng tingin sa akin. Habang ako naman ay hindi ko maiwasang hindi bawiin ang aking mga mata mula sa mukha niya. Ang lungkot kasi ng mga mata niya. This is the first time na nakita ko ang ganitong side niya.
"Hindi ko kasi naranasan na...m-magkaroon ng isang ina. Ang sabi kasi ni tatay, n-namatay ang nanay sa panganganak sa akin noon. Kaya hindi ko na siya naabutan. K-Kahit nga litrato niya wala eh. Hindi ko alam kung anong itsura niya." Dagdag pa na kwento niya.
I don't know, pero sa mga sandaling ito, hindi ko mapigilan ang hindi malungkot at maawa para sa kanya. If only she knew the truth about her life. Sana nga alam na lang niya ang totoo... na hindi ang kinagisnan niyang ama ang tunay niyang tatay.
I don't know what will happen, pero alam ko rin na balang araw, ang katotohanan na mismo ang lalapit sa kanya. Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.
Pilit na binigyan ko siya ng ngiti bago ginulo ang buhok niya. Trying to cheer her up at hindi na siya malungkot pa.
"Awee! Hindi ko alam marunong ka rin palang mag-drama, kulot?" Tuyo ko sa kanya. Dahil doon ay agad naman na napangiti na siya. Thank God!
"Wag kang mag-alala, pwede mo namang maging ina ang mga magulang ko eh." Wika ko sabay taas baba ng kilay ko sa kanya. "Gusto ba 'yun? Tawaging Dada at Mimi ang parents ko?" Tanong ko pa na mayroong ibang ibig sabihin. Kahit na alam kong hindi naman niya ma-ge-gets ang point ko.
Awtomatiko naman na lumiwanag ang mukha niya. "T-Talaga, Sky?" Para bang biglang na-excite na tanong nito sa akin. Napatango ako habang nakangiting nakatitig sa maganda niyang mukha.
Haaaayyy! Ang ganda-ganda niya talaga. Ang simple lang pero sobrang ganda. Kaya bago pa man ako tuluyang malunod sa taglay nitong kagandahan ay ako na mismo ang unang tumayo at agad na inilahad ang aking kamay sa kanya.
"Halika na, lumalalim na ang gabi. Kailangan mo nang magpahinga." Pag-aya ko sa kanya. napatango rin naman ito bago tinanggap ang kamay ko para alalayan siya sa pagtayo.
Pagdating namin sa loob ng kanyang kwarto, pinahiga ko lamang din si Felicia sa kanyang higaan, kinumutan at pinatay na rin ang ilaw bago tuluyang tumalikod na mula sa kanya.
"Good night, Kulot." Wika ko at bubuksan ko na sana ang pintuan nang tawagin niya ang pangalan ko.
"S-Sky..."
"Hmmm?" Muli akong napaharap sa kanya kahit na hindi ko na masyadong maanig ang mukha niya dahil madilim na ang paligid.
"P-Pwede bang samahan mo muna ako ngayong gabi rito?" Parang bata na tanong nito sa akin dahil natatakot sa loob ng kanyang kwarto.
Awtomatikong napalunok ako ng mariin nang isipin na matutulog kami sa iisang kwarto. Parang bigla rin akong pinagpawisan ng malamig sa noo. Knowing na ang seducing palagi ng mga nigties na suot niya.
I mean, dude baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magapang ko talaga siya ng disoras.
"Kulot..." Napakamot ako sa batok ko habang pigil na pigil sa sarili ko. "H-Hindi pwede kasi---"
"Bakit naman hindi?" Mabilis na putol nito sa akin na parang bata at malapit nang magtampo. "Parehas naman tayong babae ah."Dagdag pa niya.
Dahil sa huling sinabi nito ay napapikit na ako ng mariin.
Hasyt! Felicia, kung alam mo lang. Babae rin man akong tulad mo pero ang mga tulad mo rin ang tipo ko. Pagrereklamo ko sa aking isipan.
Kahit naman akong pagtanggi ko, wala akong magagawa dahil mas makulit sa akin si Felicia. Kaya naman wala na rin akong choice pa kundi ang samahan siya sa loob ng kwarto niya.
Nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama, habang ako naman ay pinili kong mahiga at matulog sa sofa. Mabuti na lamang din at kapwa kami nakatulog na kaagad. Pinilit ko talaga ang aking sarili na makatulog kaagad dahil baka kung anong mga imahinasyon pa ang maisip ko at makalimutan kong hindi ko pwedeng tabihan si Felicia.
Ngunit gayon na lamang ang laking gulat ko nang magising ako kinabukasan na katabi ko na si Felicia, habang nakasiksik ito sa aking katawan at gayon din ang kanyang mukha sa leeg ko.
Putol-putol ang ginawa kong paghinga at hirap na napalunok noong napasulyap sa lantad niyang cleavage na sobrang lapit sa mukha ko.
What the fuck? Anong ginagawa niya sa tabi ko?! Nagtataka at naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.
Gumalaw sandali si Felicia kaya mabilis na ipinikit kong muli ang aking mga mata. Baka kasi magising ko ito at makita niya kung saang parte ng katawan niya ako nakatingin.
Hayst! Ang lawak ng higaan niya bakit naman dito siya sumisiksik sa akin?! Muling reklamo ko dahil nararamdaman ko na ang unti-unting pag init ng katawan ko.
And when I opened my eyes again, a pair of brown eyes were also staring at me as if they were just waiting for my eyes to open. Then a sweet smile slowly formed on her lips before she greeted me with a sweet good morning.
Hindi ko mapigilan ang hindi matulala sa kanyang mukha dahilan para mawala sa aking isipan na batiin din siya pabalik. Gosh! Nakakatulala ang ganda at mga ngiti niya. Hanggang sa muli itong magsalita.
"Ang lambot pala ng dibdib mo, Sky." Napapahikap na wika niya. "Mas masarap ka palang katabi matulog kaysa sa mga unan. Tapos ang bango-bango mo paaaaa. Hehehe." Komento nito habang nag-iinat, na siyang dahilan din para mangamatis ang buong itsura ko.
W-What did she say?! My... whaaaat?!
At dahil doon ay basta na lamang akong napabangon ng mabilis. Naging dahilan iyon para bumagsak siya sa sahig. Pero hindi ko na ito tinulungan pa at dire-diretso na akong lumabas ng kanyang kwarto.
Baka kasi hindi na ako makapagtimpi pa, bigla ko na lang din siyang mahubaran kaya mas okay nang lumabas na ako agad ng kanyang kwarto.
Pakiramdam ko kasi nahalay ako ni kulot sa magdamag nang hindi ko namalayan. What the fuck?!
Hahahaha! 'Yung ikaw ang may lihim na pagnanasa pero ikaw itong pahina-hina.