webnovel

TP: 8

Now playing: Closer - The Chainsmoker

Felicia POV

Hindi ko talaga akalain na gagawin 'yun sa akin ng matandang lalaki na iyon. Kung bakit naman kasi nilapitan ko pa siya.

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko noon dahil ang tatay ko ang naaalala ko sa kanya. Siguro namimiss ko lang ang tatay kaya ganoon.

Pero hindi ko naman akalain na babastusin niya ako. At pilit na isasakay sa kanyang sasakyan.

Hindi ko kasi alam kung bakit bigla na lang ding nawala si Kezia at Autumn. Sabi kasi nila sandali lamang nila akong iiiwan, pero hindi na sila nakabalik pa.

Mabuti na lang talaga at dumating si Skyler. Hindi ko rin mapigilan ang hindi maawa sa matanda noong tadyakan siya ni Skyler ng malakas sa kanyang dibdib.

Pero buti nga sa kanya! Hmp! Baka kung hindi dumating si SKyler, baka napano na ako.

Napahinga ako ng malalim at hindi man lang kumikibo hanggang sa makauwi kami ni Skyler. Hinatid lamang din ako nito sa loob aking kwarto. Halata kasing inis pa rin ito dahil sa nangyari.

Ayaw ko rin siyang kausapin dahil baka pati sa akin mainis siya at ako na naman ang tadyakan niya. Nakakatakot kaya kapag nagagalit siya!

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nawawala sa isipan ko 'yung sinabi sa akin ng mga guard na nakakatakot siyang galitin.

Kaya nung makaalis siya ay pumasok na rin ako sa banyo para makapaglinis na ng katawan. Tuwang-tuwa pa ako noong makita ko na meron nang balde at tabo na nakahanda sa banyo ko.

Ayaw ko muna kasing gumamit ng shower. Para akong malulunod at hindi makahinga. Mas sanay pa rin kasi ako sa tabo at balde lang.

Ewan ko ba. Gustong-gusto ko 'yung buhay ko ngayon, pero minsan, hinahanap ko pa rin 'yung mga bagay na nakasanayan ko na.

---

Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan ko ng dalawang maid na palagi kong kasama. Sila kasi 'yung pinagkakatiwalaan ni Skyler na mag-aasikaso sa akin palagi.

Sinabi ng mga ito na nakahanda na ang agahan. At dahil masasarap ang mga pagkain nila rito kaya naman kahit wala pang sipilyo at wala pa akong hilamos ay agad na sumama na ako sa kanila patungong kusina.

Ramdam na ramdam ko ang pagkinang ng mga mata ko noong sandaling makita ko ang maraming iba't ibang putahe na nakahain sa ibabaw ng pahabang lamesa. Parang piyesta talaga palagi rito sa mansyon nila Skyler. Ang sarap mabuhay kung araw-araw ganito palagi karami ang mga pagkain.

Pagtakbo na lumapit kaagad ako rito. Nadatnan ko naman si Skyler na nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa habang pangiti-ngiti at patawa-tawang nakatingin sa hawak niyang cellphone.

Parang kagabi lang inis pa siya. Tapos ngayon tumatawa na siya mag-isa. Napapakamot sa batok na tinitignan ko siya habang napapailing.

"Baliw na yata 'to." Bulong ko sa aking sarili bago napatitig sa hawak ni Skyler na cellphone.

Matagal ko na kasi gustong magkaroon ng ganun. Pero hindi ako nagkakaroon dahil hindi naman namin kayang bilhin ni tatay. Imbis na ipambibili namin ng cellphone, eh gagamitin na lang namin ang pera sa pang araw-araw naming kailangan at pagkain.

Kaya nakikinood na lang ako sa kaibigan kong si Beauty noon.

"Oh! Gising ka na pala, kulot. Good morning!" Malawak ang ngiti na pagbati sa akin ni Skyler noong mag-angat ito ng tingin.

Napalunok ako. Kasi parang may kakaiba sa itsura niya ngayon. Parang lalo pa siyang gumanda?

Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napayuko. Ramdam ko rin ang pang iinit ng magkabilaang tenga ko.

"M-Magandang---G-Good morning!" Ganting pagbati ko naman sa kanya bago napakagat sa aking labi.

"Naks naman! Umi-english ka na ngayon ha!" Panunukso nito sa akin kaya agad naman na tinignan ko siya ng masama.

"Ops! Sorry." Paghingi nito ng tawad. "Sige na, kumain ka na. Kumain ka ng marami ha?" Dagdag pa niya.

Napatango lamang ako at sinimulang lantakan ang mga pagkain na nasa aking harapan.

"Kakain talaga ako ng marami!" Sabi ko sa kanya.

Hindi na rin ako gumamit pa ng kutsara at tinidor. Pwede ko namang kamayin dahil malinis naman ang kamay ko!

Ipinatanong ko na rin ang paa ko sa upuan. Mas masarap kayang kumain kapag nakapatong ang kabilang paa sa upuan tapos nagkakamay.

"Ate? Wala ba kayong suka at sili d'yan. Sawsawan ko lang." Paghingi ko ng sawsawan para sa hotdog.

Ang sarap kayang isawsaw ng hotdog sa suka. Try n'yo! Hehehe.

"Kulot maghinay-hinay ka nga sa pagkain. Dalawa lang tayo ang kumakain dito. Hindi kita uubusan." Saway sa akin ni Skyler.

"Eh kasi baka masayang lang, Sky."

Ang dami kaya nito kaya kailangang ubusin, 'no?

"Ang sabi ng tatay, bawal magsayang ng pagka---"

"Kulot, hindi naman 'yan masasayang eh. Marami pang kakain niyan. Pagkatapos natin. And'yan 'yung mga guards. 'Yung mga maids." Paliwanang nito.

Napatango-tango naman ako habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Oo nga pala. Marami pang kakain. Hindi lang kami. Kawawa naman sila kung mauubusan lang.

Pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi kumain ng marami at mabilis. Ang sasarap kasi talaga ng pagkain.

Hindi pa ako tapos sa pagkain nung biglang kumulo 'yung t'yan ko.

Mabilis na napatayo ako habang may pagtataka naman sa itsura ni Skyler.

"Sky, wala bang malapit na kubeta rito sa kusina? Natatae na ako!" Tanong ko sa kanya habang namimilipit sa sakit ng t'yan. habang 'yung isang kamay ko naman ay nakahawak sa may pwet ko.

Agad naman na nilapitan ako ng isang maid at siya na ang nagturo sa akin ng CR.

"Pfffttt! Ang takaw mo kasi!" Rinig kong sigaw ni Skyler bago pa man ako makapasok sa loob.

Pagkatapos na pagkatapos kong ilabas 'to. Kakain ako ulit. Ang dami ko pang hindi natikman doon eh. Sabi ko sa aking sarili.

---

Gabi na nung nagpasyang lumabas si Skyler. Dumating din ang mga kaibigan nitong si Kezia at Autumn. Tapos may isa pa silang kasama na napakaganda rin. Gabby naman ang pangalan.

Grabe! Wala ba silang kaibigan na panget? Lahat yata silang magkakaibigan ang gaganda.

Sabi ng mga ito, sumama ako sa kanila. Mayroon daw kasing pupuntahan si Skyler. At dahil ayaw niya akong iwan rito mag-isa sa mansyon kaya isasama na lamang nila ako.

Si Kezia at Gabby na mismo ang nagpili ng damit na susuotin ko. Kaya hindi na ako nahirapan sa pagpili.

Mga model ba sila? Tanong ko sa aking sarili. 'Yung madalas makita sa TV? Kasi hindi ko mapigilang hindi matulala sa kanila lalo na kapag tumatawa at ngumingiti sila. Tapos ang puputi ng mga ngipin nila. Ba't sakin kulay dilaw? Hmp!

"Feli girl, ano bang gusto mong maging?" Tanong ni Kezia sa akin nung naglalakad na kami palabas ng mansyon.

Habang si Skyler, Autumn at Gabi naman ay nasa likuran namin.

"Gustong maging?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. Napatango siya.

"Yep! Your dream. Your--- I mean, anong pangarap mo? 'Yung gusto mong mangyari?" Paliwanag niya.

Bigla naman akong napangiti ng malawak. "Gusto ko lang naman maranansan 'yung sinasabi nilang la---"

"She wants to travel." Biglang higit ni Skyler sa braso ko kaya natigilan ako at agad na napatingin sa kanya.

Pinandidilatan niya rin ako ng mga mata. Nagtataka na tinignan ko lamang siya. Bakit niya ako nilalakihan ng mata? Problema niya?

Napabuntong hininga ito habang napapailing.

"Oh, gusto mong mag-travel. At saang country mo naman gustong---"

Pero hindi ko na narinig pa ang kasunod na tanong ni Kezia dahil bigla na lang akong hinila ni Skyler at mabilis ang mga hakbang na dinala sa mismong harap ng kotse niya.

"Sky! Ang bastos mo talaga. Kinakausap pa 'yung tao eh!" Rinig kong reklamo ni Kezia. Ngunit hindi siya pinansin ni Skyler.

"Kulot naman! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapag may nagtanong tungkol sa pangarap mo, 'wag naman langit o heaven ang isasagot mo." Paalala nito sa akin.

Dahil doon ay hindi ko mapigilang mapangiti habang napapakamot sa batok ko.

Oo nga pala. Pinaalalahanan na niya ako noon.

"P-Pasensya ka na. Nakalimutan ko." Paghingi ko ng paumanhin.

"Sa susunod ha?" Wika niya bago ako pinagbuksan ng pintuan. Napatango naman ako bilang pagsang-ayon at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Pansin ko na ibang kulay na naman ang kotse niya ngayon. Parang araw-araw iba-iba ang sasakyan na ginagamit niya.

"Sky, ilang sasakyan ba ang meron ka? Bakit parang iba na naman---"

"Marami." Tipid na sagot nito noong makasakay na rin siya sa loob at agad na binuhay ang makina. "Kaya kong magpalit ng sasakyan oras-oras kung gugustuhin ko." Dagdag pa niya.

"Astiiiig!!" Tuwang-tuwa naman na komento ko dahil sa sinabi niya.

Ibig ba niyang sabihin, ganoon kadami ang sasakyan niya? Wow!

---

"Wag kang aalis sa tabi ko ha? Sakin ka kang sasama at ako lang ang susundan mo. Hindi mo ako pwedeng alisin sa paningin mo. Okay?" Paalala ni Skyler noong makababa na kami ng kanyang sasakyan.

Napatango lamang ako habang iginagala ang aking paningin sa paligid. Napakadaming tao at karamihan ay kabataan. Malakas na hiyawan ang maririnig sa buong paligid.

Ano kayang meron dito? Tanong ko sa aking sarili.

Tapos ang gagara pa ng mga sasakya. Hindi ko mapigilan ang mapatalon-talon habang pumapalakpak pa. Sa ganda ng mga sasakyan nagmumukha na silang laruan.

Awtomatikong napayuko ako sa kamay ko nung bigla itong hinawakan ni Skyler. At pagkatapos ay basta na lamang ako nitong hinila patungo sa mas marami pang tao. Habang nakasunod naman sa aming likuran ang kanyang mga kaibigan.

Hindi ko alam pero may kung anong kiliti akong nararamdaman sa aking t'yan. Habang may tipid na ngiti rin sa aking labi.

"Uh, kulot. Sandali lang ha? May kakausapin lang ako." Paalam nito sa akin bago ako inihabilin muli sa kanyang mga kaibigan.

Parang bigla naman akong nalungkot noong sandaling binitiwan niya ang kamay ko at agad na lumapit siya sa matangkad na lalaki na medyo maitim para kausapin ito.

Hindi ko magawang alisin si Skyler sa mga mata ko katulad ng bilin niya sa akin. Hanggang sa may isang mabangong lalaki ang tumabi sa akin at agad na inakbayan ako. Dahilan din para maalis ang aking paningin kay Skyler.

Mabilis na nag-angat ako ng aking mga mata sa lalaki. At gayon na lamang ang laking gulat ko noong makita kung gaano ito kagwapo.

Grabe! Kamukha niya si Cardo Dalisay! Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mga mata na medyo singkit. Ang puti rin ng mga ngipin niya tapos medyo kulot ang buhok. Tapos ang bango-bango pa niya.

Kahit na mas mabango pa rin si Skyler sa kanya. Sabi ko sa aking sarili.

"Bago ka rito ha. Bagong chikabae ka ba ni Sky?" Tanong nito sa akin.

Agad naman na napakunot ang aking noo. Bago napatingin sa likuran ko. Nakita ko naman na abala na sina Kezia sa kanilang mga kausap na hindi ko rin mga kilala.

"Chikababe?" Tanong ko sa lalaki. Napatango ito.

"Oo." Sagot niya bago inilapit ang kanyang labi sa aking tenga. "Yung babaeng dinadala niya gabi-gabi sa langit."

"Langit?" Mabilis na tanong ko sa kanya at nagniningning pa ang mga mata na napatitig sa mukha niya.

Agad naman ako nitong tinignan sa aking kabuohan. Hinapit din ako nito sa aking beywang dahilan para magdikit ang katawan naming dalawa.

"Mukhang nag-e-enjoy sa'yo si Skyler ah. What's your name?" Tanong nito.

What your name... ibig niyang sabihin kung anong pangalan ko? Tama ba ako?

"I'm Trevor." Pagpapakilala niya.

"T-Trevor?"

"Yup! And you are?" Napakamot ako sa batok ko. Ano bang pinagsasabi niyang you are?

Bakit kasi ang hilig mag-ingles ng mga tao rito?

"Ano kasi---"

"Take your hands off of her." Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Agad naman na bumungad ang seryosong mukha ni Skyler habang may pamatay na tingin sa lalaking katabi ko na ang pangalan ay Trevor.

"O manghihiram ka ng mukha sa aso." Dagdag pa ni Skyler.

Agad naman na napataas ang dalawang kamay ng lalaki.

"Relax." Wika nito at binigyan ng ngiti si Sky. Bago kumindat pa.

"Bye, babe!" Paalam nito sa akin habang napapakagat sa kanyang labi nung tinapunan ako ng huling tingin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Skyler at agad na sinipat ang buong katawan ko kung nasaktan ba ako.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa aking sarili na makitang sobra siya kung mag-alala sa akin. Ewan ko rin ba at kung bakit ako napapangiti ng palihim.

"Sky, s-sino ba 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Wag na 'wag kang lalapit ulit sa gagong 'yun ha?" Biglang singhal nito sa akin. Napatango na lamang ako.

Nagagalit na naman ba siya?

"Eh ano kasi---Sky, sabi niya, dinadala mo raw 'yung mga babae gabi-gabi sa langit? Totoo ba 'yun?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng malawak. Mabilis naman na napaiwas ng tingin mula sa akin si Skyler bago napaubo.

"H-Hindi, 'no?" Utal sa sagot nito. Muli akong napakamot sa batok ko.

So, sinungaling pala 'yung lalaking 'yun.

"Sky, nakakita ka na ba ng langit?" Bigla na lang nitong naibuga ang kanyang iniinom na alak na ang tawag nila ay beer.

"Of course, hindi pa! Hindi pa ako namamatay, 'no?" Sagot nito bago natawa.

"Kailangan pala mamatay muna bago matikman 'yung langit?" Dagdag na tanong ko pa.

"Oo! Mamatay sa sarap." Bulong nito sa kanyang sarili pero hindi ko naman narinig.

"A-Ano?" Napailing ito.

"Pfft!! Kulot, 'wag mo nang alamin. Tsaka na, kapag gets mo na ang ibig sabihin ng bagay na tinatanong mo sa akin." Napabuntong hininga na lamang ako.

Ano ba kasi 'yung langit na 'yun? Nalulungkot na tanong ko sa aking sarili.

Kanina pa ako tulala at parang hindi mapakali. Hindi ko kasi maintindihan ang aking sarili. Paano ko ba kasi matitikman 'yung langit na sinasabi? 'Yun lang naman ang nagtatanging bagay na gusto kong matupad ko para sa aking sarili.

Napasulyap ako kay Kezia, Gabby at Autumn na ngayon ay mayroong iniinom na makulay na inumin. Mukhang masarap siya kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok bago lumapit sa kanilang tatlo.

"G-Gabby, masarap ba 'yan?" Tanong ko agad noong makarating sa tapat nila.

"Yes, you wanna try? I mean, gusto mong tikman?" Tanong nito sa akin.

Napatango ako at agad naman na inabot niya sa akin ang hawak nitong baso.

"No! Hindi 'yan pwede sa'yo." Biglang pigil ni Skyler sa akin. At bumulong na... "Kapag ininom mo 'yan hindi ko ituturo sa'yo paano mo matitikman ang langit---"

Hindi pa man tapos si Skyler sa kanyang sinasabi noong mabilis na ibinalik ko ang aking hawak kay Gabby.

"Good." Sabi ni Skyler habang napapangiti. Bago nito ginulo ang buhok ko.

Maraming salamat sa matiyagang paghihintay ninyooo!!! Hehe

Jennexcreators' thoughts