webnovel

Chapter 3B

"Hey watch out!" Anas ng isang baritonong boses, nabangga ako sa malalapad na dibdib ng isang binata dahilan para matigil ako sa kakatakbo.

"Naku naman!" Anas ko.

"Are you okay?" Nag-aalala ang boses nito.

"O-Oo, okay lang ako, pasensya na."

"You look familiar!" Napadukwang naman ako para tingnan ang mukha ng nabangga ko.

"You're the girl at the New Cathedral!"

"Ha-??? ehh...---"

"Teyka anong ginagawa mo sa penthouse ni Kuya?"

"Ha? Naku wala! Sige aalis na ako!" At walang lingon-likod akong umalis sa lugar na 'yon.

"Hey, Kuya what happened?" Anas ng binatilyo na kakapasok lang sa loob ng penthouse.

"That woman! She's a bullshit!"

"Whoa! Ano ba kasing nangyari at ganyan nalang kainit ang ulo mo?"

"She kicked me!"

"In what part?" Anito na tiningnan ang nakatatandang kapatid mula ulo hanggang paa. Napansin nitong paika-ika maglakad ang kapatid. "Hey, don't tell me---!"

"Ughh! Shut up, Blue!"

Isang malakas na halakhak ang nabitawan nito. Tatlong taon lang ang agwat nilang dalawa at mas mataas si Blue keysa sa kuya niya ng kaonti kaya hindi halatang hindi sila magka-edad.

"Kailan ka pa naging punching bag ng estrangherang babae kuya? Pang-aasar ni Blue na pabagsak na naupo sa malambot na sofa.

"Shit! Will you please stop teasing me? Wala ako sa mood, okay?"

"Okay... Okay! Nakakatawa lang kasing isipin."

"Ang alin?"

"Baka 'yang fake bride mo magiging bride mo na forever!" Muli itong natawa.

"Never! She's not my type! And she don't even know what to wear properly!"

"Kuya, a girl like her is actually unique! Badoy nga pero kapag naayusan, naku! Baka maglaway ka!"

"Wala akong pakialam! ...Teyka ano bang ginagawa mo rito ha? Working hours ngayon ah!"

"Yes, and I'm here for work!"

"What? What do you mean?"

"Dito ako for one week, pag-aaralan ko ang mga putahe ni Master Pau." Tukoy nito sa isang sikat na chef at kasalukuyang nagtatrabaho sa kanilang resort.

"Para saan?"

"Balak ko kasi magtayo ng bagong branch sa Davao, eh hindi pa ako nakakakita ng mapagkakatiwalaan kong maging master kaya ako na muna."

"Alam na ba 'yan ni Papa?"

"Oo, nga pala kuya, wala ka bang mga staff na puwede kong maging kasamahan sa bar and restaurant na ipapatayo ko?"

"Maraming magagaling na staff na under ni Chef Pau, you can pick there basta be sure na magiging maganda ang trato mo sa kanila dahil kung hindi mapipilitan akong pabalikin sila dito sa resort."

"Good to hear, kuya! Makakaasa ka."

"Sabayan mo nalang ako bukas ng umaga, kakausapin ko nalang din muna si Chef Pau para maipaalam rin nya sa ibang staff."

"Okay!"

"Hoy babae! Talaga bang enjoy na enjoy ka na diyan kaya hindi mo na kami naisipang tawagan, ha?" Anas ni Mj sa kabilang linya.

"Hindi! Gusto ko na ngang umalis rito!"

"Bakit? May nangyari ba?"

"W-Wala! Hindi ko lang masikmura ang ugali ng Achi Montevilla na 'yon!"

"Hay naku, Sandy! Ang mabuti pa'y umuwi ka na rito kasi may problema kanina sa bahay."

"Ha? Anong nangyari?!!"

"Eh kasi may pumunta ritong mga taga agency raw, at pinapaalis na kayo rito sa bahay. Nagtaka si Tita Mara kung bakit naibenta itong bahay at lupa wala naman siyang maalala na pinirmahang kontrata."

"Oh sige uuwi na ako! Diyan ka na muna ha, may kakausapin lang ako!" Hindi ko na hinintay ang tugon nito at nagmamadali akong bumalik sa hotel.

"Five... Four... Three.. Two... One! Bang!"

Natatawang pinapanood ni Achi Montevilla ang dalagang si Sandy sa CCTV camera. Nasa harap na ito ng penthouse at paulit-ulit ang pagpindot ng doorbell. " Sinasabi ko na nga ba't babalik ka! Humanda ka sa'kin!" May kung anong pinindot ito dahilan para bumukas ang pinto ng penthouse, agad naman niyang tinungo ang sala.

"Well..well...look who's here?"

"Okay, I admit nagkamali ako. Sorry..."

"Naiba yata ang ihip ng hangin?"

"I need your help! Papayag na akong maging parti ng imbestigasyon basta ipangako mo lang na hinding-hindi matutuloy ang pagkuha nila sa lupa at bahay ng tiyahin ko."

"Talaga? Sigurado ka?"

"Oo..." Tiningnan pa ako nito ng mataman bago nagsalita ulit.

"Okay, pero sa isang kondisyon!"

"A-Ano?"

"Magri-resign ka sa fast food company na pinagtatrabahuan mo, para mapagtauunan ng pansin ang paghahanap sa lalaking tumangay ng fiancee ko. Kailangan natin silang mahanap as soon as possible. Don't worry we can give you a very comfortable position in our company."

"Ano??? Gusto mo akong umalis sa kompanya na pinaghirapan ko? Hindi naman gano'n kadali 'yang kondisyon mo."

"Practicality, Ms. Pagan. Kahit magbibigay sila ng extension may posibilidad parin na paalisin kayo kaagad sa tinitirhan niyo dahil naibenta na 'yon sa kanila. They have now the right at wala na sa inyo. Isipin mo nalang ang pinaghirapan ng pamilya mo."

Bahagya akong natigilan... He's right...

"O-Okay, s-sige payag na ako."

"Okay sige, pauuwiin na kita para makagawa ka kaagad ng resignation letter. Tatawagan ko lang si Mang Harold na sunduin ka na."

Matapos niyang kausapin sa cellphone ang ginoo ay agad niya akong binalingan ng pansin.

"I love my fiancee, I need to get her back as soon as possible. Kahit arranged marriage lang ang dahilan para magkatagpo kami, hindi ko pinagsisihan 'yon." Hindi lang bibig ang nakikiusap pati narin ang mga mata nito.

"N-Naiintindihan ko" Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dahil sa wakas kinausap niya ako ng matino o maiinis dahil handa siyang gawin lahat maibalik lang 'yong taong minamahal niya habang ako... I was already forgotten...

"Nga pala, sa lobby mo na lang hintayin si Mang Harold."

"Sige , alis na ako!"

Pagkasabi niyon ay tuluyan na akong tumalikod.

Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay Tita Mara.

"Kumusta naman ang naging lakad mo ron ha?" Aniya daladala ang isang basong may laman na juice.

"Naku, Tita! Siguradong nag-enjoy 'yan doon eh ang tagal nakabalik eh!" Sabad ni Mj na ngumunguya ng chicheria. "Aray!" Bulalas nito ng bigla kong kurutin.

"Ikaw ha, tumigil ka kung ayaw mong masipa palabas ng bahay."

"Eto naman! Nagbibiro lang eh."

"Hmmp! Loka ka ah!..."

"Tama na 'yan, balik tayo sa tanong ko, nak? Ano na?"

Bahagya akong napalunok, ilang sandali pa'y ikinuwento ko na ang nalaman ko tungkol kay Liam.

"Eh kapal naman pala talaga ng mukha ng lalaking 'yon! Nakuuu..." -Mj

"Paano ba 'yan, nak? Anong gagawin natin?"

"Huwag kang mag-alala, Tang... Aayusin ko to, tutulungan naman ako ng mga Montevilla. Babawiin natin ang dapat ay sa'tin."

"Sana nga, nak...pero sigurado ka na ba talagang magri-resign ka sa trabaho mo?"

"Hmm..gano'on na nga Titang...para mas madali nating mabawi ang lahat-lahat na pinagbenta ni Liam kailangan kong kumilos kaagad."

"Oh siya... Kung yan ang makabubuti para sa'tin. Basta ba ipangako mo lang na hinding-hindi malalagay sa alanganin 'yang buhay mo."

"Oo naman po Titang, ano?!!" Agad akong napayakap rito.

"Hindi ba ako kasali?" Sabad ni Mj, sabay kaming napatawa ni Tita Mara at pagkuwan ay niyakap narin ito.