webnovel

Chapter 2A

Bago pa man ako pumasok sa loob ng office ni Achi Montevilla isang napakalakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mula sa kinatatayuan ko ay tumambad sa akin ang napakamaaliwalas na opisina, mamahalin at makikintab ang mga kagamitan ro'n halatang nilinis ng maayos.

Napatigil sa pag-uusap ang dalawang lalaki ng nilapitan ito ni Mang Harold, sumenyas lang sa akin ang ginoo na lalabas na siya habang ako nanatiling nakatayo malapit sa sofa.

"Hey! It's nice to see you again, Ms. Pagan!." Maligayang bati ng isang lalaking nakita na niya sa simbahan.

"A-Ahh..M-Magandang umaga po, Sir!" Anas ko na na napayuko sa sobrang hiya.

"I'm Paris Montevilla, by the way." Anito na walang pag-aalinlangan na iniabot ang kamay, agad ko namang inabot 'yon para makipagkamayan. "Ahmm... I guess kilala mo na itong katabi ko."

Nabaling ang tingin ko sa isang binatilyo, ni kahit isang bakas ng ngiti ay hindi mo makikita rito. Kabaliktaran sa isang kumakausap sa'kin.

"Take a seat!" -Paris

Naupo narin ang dalawa.

"Kumusta ka na, Miss Pagan? Nabalitaan namin na masyado kang naging apektado sa nangyari?" Dire-diretsong tanong ni Paris Montevilla.

*"Ganito ba ka ma-impluwensya ang mga taong ito na pinapakialaman na pati buhay ng ibang tao?"* Nanggigigil na tanong ko sa isipan.

"Miss Pagan?" Untag ni Paris.

"A-Ahh...H-Ha?"

"Are you okay? Para yatang kinakabahan ka?" Patuloy nito.

"A-Ahh hindi ah o-oo ayos lang naman ako." Napakagat-labi ako dahil pati yata mga labi ko nahihirapang magsalita.

"About what happened, we're really sorry, uhmm., anyway may pag-uusapan tayo tungkol sa'yo, this is the only thing that we can do in-order to help you."

"H-Help? Para saan?" Pagtataka kong tanong. May kung anong papelis na inilapag si Achi Montevilla sa maliit na mesa na nakapagitna sa kinauupuan naming tatlo.

"Paano ka naging manager ng isang fast food company kung basta-basta ka nalang pumipirma ng kontrata?" Ani Achi Montevilla dahilan para umigting ang teynga ko.

"A-Anong sabi mo?" Naniningkit ang mga matang naibulalas ko.

"At bingi pa..." Patuloy nito dahilan para mas lalong uminit ang ulo ko. Agad namang tumikhim ang isang binata para putulin ang mainit na usapan.

"I think you should both calm down, this is not the time para magbangayan kayo." Kumalma naman ako at inayos ang pagkakaupo.

"Wala ka bang naaalala na pinapirma ka ng ex-fiance mo few days before ang kasal?" Bahagya yatang may kung anong kirot ang naramdaman ko ng banggitin ni Paris ang ex-fiance. Napaisip ako at pilit inaalala ang mga nangyari.

*"Dy, kailangan mong pirmahan 'to para sa process ng wedding natin. ASAP, ha?! Para maibigay ko agad sa wedding planner" Anas ni Liam ng isang beses na kumain kami sa isang restaurant. Dahil nga sa pinapadali ako pumirma naman ako ng hindi lang man binasa kahit sa front page basta pirma lang ako ng pirma. Hinalikan pa ako nito sa noo bago umalis.*

"Bad for you, Miss Pagan, it was a scam."

"Ano?!! Scam? Bakit? P-Paanong nangyari 'yon?"

"He let you signed a contract na naglalaman ng mga ari-arian mo at ng tiyahin mo pati narin ang benefits na nakukuha mo sa fast food na pinagtatrabahuan mo." -Achi

"At bakit ko naman paniniwalaan 'yang mga sinasabi ninyo?"

"Dahil minsan ka na niyang niloko..."

"What do you mean? Bakit ba ang dami niyong alam?"

"We have a lot of sources sa loob at labas ng bansa." May idinagdag sa mesa ang binatang si Paris, isang brown envelope. "I am part of a special investigatory agency dito sa Pilipinas, please keep it as a secret. There are pictures na nakapaloob niyan, pictures ng mga babaeng na-scam ni William Perez III sa ibang bansa. Hindi nga lang siya nagtatagal sa kulungan dahil may may mga taong nakasuporta sa kanya na katulad niya ay masamang intensyon rin sa ibang tao." Paliwanag nito dahilan para tila mawalan ako ng lakas, nagulat ako sa mga nalaman ko, lalo na ng makita ko ang mga litrato. Totoo lahat ng mga sinabi ng mga ito, nabiktima nga ako.

"Niloko ka ng taong pinagkakatiwalaan mo ng husto, we need your cooperation para magkaroon kami ng lead sa kinaroroonan nila ng fiancee ko, we're confident na hindi pa sila nakakalabas ng bansa. Since malapit ka sa family niya, malaking tulong 'yon." - Achi

"G-Gagamitin niyo ako sa imbestigasyon niyo?"

"Don't get us wrong, Ms. Pagan ginagawa rin namin ito para sa'yo at sa iba pa niyang nabiktima. He's a criminal, a scammer and he even victimized you kaya walang rason na hindi siya makulong." Pangungumbinsi ni Paris Montevilla.Napahawak ako sa aking sentido, gulung-gulo ang isipan ko sa mga oras na'yon. I want to shout, gusto ko ng umiyak, parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa mga nalaman ko.

"Few days or weeks from now, sigurado akong may magpapaalis na sa inyo sa bahay na tinitirhan niyo. Kaya kung ako sa'yo tumulong ka nalang, isipin mo ang pamilya mo." -Achi

"But don't worry, we will try our best para ma-extend pa ang palugit na ibibigay sa inyo ng company na pinagbilhan ng ex-fiance mo.". -Paris

"I need to save my fiancee at ikaw para sa tiyahin mo, let's have a deal." Napatingin ako sa mukha ng huling nagsalita, punong-puno iyon ng galit na para bang agresibo itong makuha kung ano ang pagmamay-ari nito.

"P-Pag-iisipan ko." At may kung anong tunog na lumabas mula sa sikmura ko, namula ako sa hiya naramdaman ko ang bahagyang pag-init ng mga pisngi ko.

"Oh! You're stomach needs food." Putol ni Paris sa katahimikang namutawi sa aming tatlo, bahagya pa itong napatawa.

"Let's take a lunch!" Anito na tumayo.

"A-Ahh..E-Ehh huwag na, sa bahay nalang ako kakain." Muli na namang umangal ang tiyan ko.

"I think you should eat now." At walang sabi-sabi nitong hinila ang kanang kamay ko. Hindi ko na nakita ang reaksyon ng isang binata dahil naiilang rin akong tingnan ito ng diretso.