webnovel

Chapter 2-A

CHAPTER 2

Sinag ng araw at katok ng pinto ang dahilan para mapamulat ako, nakalimutan ko palang maisarado ang bintana ng kuarto ko.

"Sandy, anak... Bumangon ka na diyan, may bisita ka hinihintay ka sa baba." Agad akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa cellphone ko, mag-aalas nuwebe na pala ng umaga.

"Sandy... Sandy! Nak?" Ani Tita Mara na patuloy parin ang pagkatok sa pinto.

"Sandali lang ho, Tang" Tumayo na ako at tinungo ang pinto pagkuwan ay binuksan iyon.

"May naghihintay sa'yo sa sala."

"S-Sino raw ho?"

"Tauhan raw ni Mr. Montevilla, aalis ka ba ha?"

"P-Po?" Nawala na ng tuluyan ang antok ko ng marinig ang sinabi ni Tita Mara.

*"Tinotoo talaga ng kumag na 'yon, naku paano ba 'to?" Anas sa isip.

"Sandy?"

"Po?"

"Sabi ko kung aalis ka magbihis ka na, kasi kanina ka pa inaantay ng bisita mo."

"Pero, Tang hindi naman po--"

"Ano?"

"Sige ho, sabihin niyo sa kanya maghintay lang sandali."

"Okay sige, dalian mo ha?"

"Opo." Pagkuwan ay isinarado ko na ang pinto, isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tinungo ang banyo para maligo.

Habang pababa ako ng hagdan ay hindi ko mapigilan ang kabahan, lalo na ng makilala ang mukha ng naghihintay sa'kin, walang iba kundi ang lalaking sumundo sa'kin sa hotel patungong simbahan.

"Magandang umaga, Ma'am Sandy!"

Bati ng ginoong may katandaan narin.

"Magandang araw din sa'yo Mr.--?"

"Harold Piñez, ang pangalan ko ma'am, tawagin niyo nalang akong Mang Harold."

"Mang Harold, ikaw 'yong sumundo sa'kin sa hotel di'ba?"

"Ako nga..."

"S-Saan ba ang office ni Mr. Achi Montevilla?"

"Sa isang Kopiat Island po, siya ang namamahala sa isang hotel and resort doon."

"K-Kopiat Island? You mean pupunta tayo sa isang isla?"

"Opo, hindi po ba 'yon nasabi sa'yo ni Sir Achi?"

"Hindi, binabaan pa nga ako ng cellphone kahapon eh."

"Pasensya ka na Hija, napag-utusan lang rin ako. Kung nagdadalawang isip ka maiintindihan ko naman kung ayaw mong sumama."

"Hindi, sasama ako." Napabaling ang tingin ko sa kinatatayuan ni Tita Mara na halatang nag-aalala. "Tita may pag-uusapan lang kami, babalik rin ako kaagad."

"Oh siya sige, basta mag-iingat ka ron ha? Tawagan mo ako kapag nakarating ka na 'ron."

"Opo, papakiusapan ko nalang rin si Mj na samahan ka rito."

"Oh sige."

"Tayo na po, Mang Harold."

"Mag-iingat ka'yo, Sandy ha?"

"Opo."

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa sinasabi nilang isla ay hindi

ko mapigilan ang sariling mapaisip. Matagal-tagal rin akong hindi lumabas ng bahay at ngayon na nakalabas na ako isang malayong lugar pa ang pupuntahan ko.

"Yes, Sir...papunta na kami diyan" Anas ng ginoong nagmamaneho may kung anong earphone lang ang nakalagay sa teynga nito kaya patuloy lang ito sa pagmamaneho. "Opo, sige ho."

"Si Mr. Montevilla ba 'yon?" Anas ko na nasa backseat.

"Yes Ma'am."

"Ahh Mang Harold puwede ho ba Sandy nalang ang itawag niyo sa'kin? Parang hindi lang po kasi ako komportableng tinatawag na may kasamang 'maam' eh."

"Kasama kasi yon sa trabaho ko pero kung yan ang gusto mo eh, Sandy nalang itatawag ko sa'yo."

"Salamat po"

"Walang anuman, Sandy."

"Ahh... Puwede ho bang magtanong tungkol sa mga Montevilla? Kahit kaonting detalye lang ho."

"Hmm..oo naman, ano bang gusto mong malaman?"

"Kahit ano lang ho o di kaya tungkol nalang sa magkakapatid."

" Ahh..'yon ba.. Naku kayhabang istorya pero kaonting detalye lang ang ibibigay ko ha?"

"Sige po."

"Filipino-Korean si Mr. Alexander Lee-Montevilla, Pure Korean ang Mama niya habang dugong Pilipino naman ang Papa niya at siya lang ang kaisa-isang anak na lalaki kaya siya ang sumunod sa tradisyon nila roon sa ibang bansa. Bata pa lang ay naipagkasundo na siyang magpakasal sa tatlong babae na kagaya rin niya na may dugong Korean kaya naman halos magkasing-edad lang ang sampung magkakapatid 'yon nga lang hindi magkasundo ang tatlong asawa niya kaya't lumaki ang magkakapatid na magkakahiwalay."

"Gano'n po ba 'yon?"

"Oo, hija... Kaya pinipilit ni Mr. Alexander ang maitipon ang mga anak niya once a week kahit 'yong iba ay labas-pasok ng bansa ay kailangan talagang umuwi para hindi malayo ang loob ng magkakapatid."

"Naku! Komplikado naman pala ang istorya ng pamilya nila, ano ho? Biruin mo sampung magkakapatid ang hirap kaya no'ng pagkasunduin."

"Totoo 'yan hija, isa lang naman ang dahilan para magkaisa sila 'yon ay iba si Mr. Alexander kapag naggalit."

"Hmm...eh si Achi ho? Kaninong anak po ba siya?

"Sa pangalawang asawa, kay Ma'am Veronica Robles-Montevilla. Si Achi ang panganay sa anak nila Sir Alexander at Ma'am Veron."

"Ahh..."

"Ou, malalaman mo pa ang ibang detalye kapag tumagal ka sa puder nila."

Patango-tango nalang ako sa iba pang impormasyong napag-alaman ko hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

"Sandy, hija? Gumising ka na... Sandy?" Boses iyon ni Mang Harold habang pinupukaw ang mahimbing na natutulog.

"Naku! Nakatulog pala ako, pasensya na ho."

"Ayos lang Sandy, tatawid pa tayo sa kabilang isla."

May kung anong pinindot ito at kusang bumukas ang pinto ng sasakyan, senyales iyon para umibis na ako ng sasakyan.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang isla lalo na ang matataas na gusali na nakatayo roon.

"Speed boat ang sasakyan natin patungo ro'n." Anas ng Ginoo ng makababa ito mula sa sasakyan.

"Dencio, ikaw na ang bahalang mag-park nitong sasakyan sa main site, pakiingatan lang ha?"

"Oho Tiyong, sino po ba 'yang kasama niyo?" Tanong ng binatang nasa early twenties pa ang edad.

"Ahh..Si Sandy, bisita ni Achi."

"Ahh...magandang umaga Ma'am Sandy!" Isang napakamaaliwalas na ngiti ang iginawad nito.

"Magandang umaga rin---?"

"Dencio, Dencio ho ang pangalan ko" Anitong iniabot ang kamay.

"Hay naku! Ikaw talagang bata ka napaka-babaero mo!" Saway ni Mang Harold. Natatawa nalang akong inabot ang kamay ng binatilyo.

"Tiyong naman, huwag namang ganyan!" Angal ni Dencio.

"Ewan ko sa'yo, Dencio ang mabuti pa'y gawin mo na ang iniutos ko at aalis narin kami."

"Okay, Tiyong! Miss Sandy mag-enjoy ka ro'n, ingat!" Anito na binitawan na ang kamay ko at binuksan na nito ang pinto sa driver's seat.

"Sige salamat."

"Hali ka na hija, hinihintay ka na ro'n."

"Okay ho."

Sa dulong bahagi ng daungan ng barko ay nakita ko ang sinasabi nitong speed boat may ro'ng dalawang lalaki ang nakasakay room na halatang tauhan ng resort dahil sa uniporme ng mga ito. Inilalayan naman ako ng isang makasakay sa speed boat matapos nitong ibinigay ang life jacket. Ilang sandali pa'y umandar na ang sasakyang-pandagat dahilan para mas lalo akong kabahan. Nang nasa may gitna na kami ay napadungaw ako sa baba, namangha ako sa iba't ibang coral reefs na nakikita ko sa ilalim. Napaka linaw kasi ng tubig-dagat kaya't kitang-kita ko ang ilalim no'n.

"Wow! Ang ganda..." Anas ko sinubukan ko pang damhin ang malamig na tubig, na para bang batang naglalaro sa ilog. Sa sobrang pagkamangha ko sa tubig-dagat hindi ko na namalayan na malapit na pala kami sa isla. Ilang sandali pa'y dahan-dahang tumabi ang speed boat sa may yate. Naunang bumaba si Mang Harold pagkuwan ay inilalayan ako nitong makababa sa speed boat, sumunod rin naman agad ang dalawang lalaking naka uniporme.

"Wowww!!!" Muli kong naibulalalas ng bumungad sa'kin ang napakagandang isla, sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang entrance ng resort pati ang iilan sa mga cottages.

"Nasa unahan pa ang hotel ng Montevilla Resort, kaya kailangan pa nating sumakay patungo ro'n."

Mula sa entrance ay may nakaparada ng sasakyan, iginiya ako ng ginoo pagkuwan ay sumakay narin siya. May ipinakita lang siyang card sa guwardiya na wari ko ay gate pass pagkuwan ay bumukas na ang malaking gate. Mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita ko ang mga nakaunipormeng trabahante ng resort, 'yong iba ay naglilinis pa at 'yong iba naman ay nakikipag-usap sa mga turista, may nakita rin akong isang souvenir shop.

Matapos ang ilang minuto ay nasa harap na ako ng maganda at napaka-eleganteng gusali. Habang sumusunod ako kay Mang Harold ay hindi maiwasan ang mapalingon sa nagkalambitang chandelier, malalaking flower vase, paintings na halatang mamahalin pati narin ang mga taong nakakasalamuha ko.

"They're not ordinary people." Naibulong ko sa sarili, napatigil lang ako ng pumasok na kami sa elevator.