webnovel

Chapter 1B- "The Wedding"

Mag-iisang buwan na mula ng tinakbuhan ni Liam ang naudlot naming kasal. Hindi na ako nakatanggap ni kahit isang text man lang mula sa kanya. Hindi ko narin siya mahagilap sa social media, palagay ko nag-deactivate siya ng account.

"You're a star!" Naibulalas ni Mj habang nakaharap sa laptop ko.

"Star? Star ba 'yong tinatawag na 'Fake Bride' huh, Mj?" Naiinis kong sabi. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kuarto ko, ilang araw narin akong hindi lumalabas ng bahay dahil nga sa nangyari.

"At least hindi mistress, ano?! Tiyaka hindi naman lahat nagagalit sa'yo...'Yong iba na-"

"Naaawa! Sa lahat ng ayaw ko 'yong kinakaawaan ako! B- Bakit kasi hindi nalang sila tumigil sa kakabalita sa'kin? Hindi pa ba sapat sa kanila 'yong paliwanag ng mga Montevilla?!!"

"Hey-- Heyy! Relax, ok?"

"Paano ako magri-relax eh ako na nga 'yong tinakbuhan ako pa 'yong nagmumukhang masama?!" Tuluyan na akong naglabas ng sama ng loob.

"Sandy, may rason kung bakit nangyari 'tong lahat, at dapat mo 'yong alamin hindi 'yong nagkukulong ka lang dito sa kuarto mo. I'm really tired of seeing you miserable! Naiintindihan mo ba ako ha? Hindi mo naman kailangan na isirado ang mundo mo dahil lang sa lalaking sumira ng buhay mo! So please stop being like this...please..." Napaluha ako, ilang araw na akong nagpapabaya sa sarili ko. Hindi kumakain ng maayos, lumalabas lang ng kuarto kapag pumupunta sa kusina, at minsan pa natutulog akong walang kahit anong laman ang tiyan.

"Alam kong hindi madali na kalimutan ang lahat ng panlolokong ginawa sa'yo ni Liam, pero sana naman isipin mo 'yong mga taong nagmamalasakit sa'yo. Nasasaktan rin kami lalong-lalo na si Tita Mara, alam mo bang nag-aalala siya ng husto sa'yo, ha? Gumawa ka naman ng paraan para ibangon 'yang sarili mo, Sandy..."

"P-Paano?" Garalgal ang boses na tanong ko. Bahagya kaming natigilan ng biglang tumunog ang cellphone ko, agad iyong inabot ni Mj mula sa maliit na mesa.

Isang unknown number ang bumulagta sa screen, nagkatinginan pa kami bago sinagot ang tawag. Agad namang ini-click ang loudspeaker.

"Hello" Isang baritonong boses ng lalaki ang nagmamay-ari ng numero. "Hello..."

Muli kaming nagkatinginan, hindi 'yon boses ni Liam.

"Sagutin mo na!" Bulong ni Mj

"Ano?!"

"Sige na!" Aniya habang pilit inilalapit ang cellphone sa teynga ko.

"Hello?" Muling sabi ng nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa mga sandaling 'yon. His voice really sounds familiar.

"H-Hello, sino p-po s-sila?" Utal-utal kong sabi.

"Is this Ms. Pagan?"

"Y-Yes, ako nga ito, bakit?"

"I want to talk to you in person, this is Achi Montevilla." Namilog ang mga mata kong napatitig kay Mj, pati rin ito ay halatang hindi makapaniwala sa narinig.

"Are you listening?" -Achi

"H-Ha? Ahh-o-Oo... N-Nakikinig ako, Ano nga 'yon?"

"I want you to come in my office, gusto kitang makausap."

"Ako pa talaga ang pupunta sa office mo?" Anas ko sa pagalit na tono.

"Oo, we have something to discuss at tungkol ito sa'yo kaya ikaw ang dapat pumunta rito sa office ko." Sarkastikong bulalas nito na dahilan para mainis ako. "Ipapasundo kita bukas ng umaga, we need to talk kaya kung ako sa'yo sumunod ka na lang."

"Hoy----!" Natigilan ako ng naputol na bigla ang linya. "Binabaan ako?! Akala ba niya isa akong tauhan na pag-uutos-utosan lang lalapit agad?! Ang bastos niya ah!"

"You must go!"

"What?!! Naririnig mo ba sarili mo?"

"Sandy, isang Montevilla ang makikipag-usap sa'yo, isn't that a big opportunity? Kung alam mo lang ang history ng bloodline nila surely mamamangha ka talaga."

"No way! No, no, no! Mainit ang dugo ko sa lalaking 'yon. I can still remember kung paano niya ako minura sa simbahan! Kaya hindi puede."

"My gosh, Sandy! Makikipag-usap ka lang naman sa kanya, hindi mo pa nga alam kung ano ang pag-uusapan niyo eh umaayaw ka na, tiyaka mag-uusap lang naman kayo, puwera nalang kung bet mo siya maiilang ka talaga." May bakas na panunudyo iyon.

"Bet?!! Never! Napaka hambog ng lalaking 'yon, there's no reason para magkagusto ako 'don"

"Huwag magsalita ng patapos."

"Tigilan mo ako, Mj ah..."

"What? I'm just reminding you, wala namang mawawala sa'yo kung makikipag-usap ka sa kanya and he is ACHI MONTEVILLA, he's known to be one of the goddess." Aniya na bahagyang idiniin ang pagkasabi ng pangalan nito. "If I were you kakausapin ko siya, o siya maiwan na muna kita, tutulong lang ako kay Tita Mara sa baba." Patuloy nito, hindi paman nagtagal ay lumabas na ito ng kuarto. Habang ako naiwan sa pag-iisip tungkol sa lalaking tumawag.