webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · 音楽·バンド
レビュー数が足りません
31 Chs

CHAPTER 27

💎Chapter 27: Say Yes💎

---

[A Few Months Later]

[Seokjin's POV]

Ilang buwan na ang nakalipas simula noong nangyari ang kidnap-an at barilan at mas nagiging okay na ako ngayon. Nakatira na ako sa bahay na binili ni daddy sa Seoul kasama ang bunso naming kapatid at si Soobin. Naghahanda kami ngayon para sa surprise birthday party ni Soobin. Mag-eeight years old na si Soobin at gusto 'kong paghandaan ng mabuti ang kanyang birthday. Nasa school pa sya at susunduin sya mamaya ni Daddy. Andito rin si Taehyung at Jungkook. Si Jimin ay ginigising parin siguro ang asawa nya para maghanda at pumunta dito.

*Knock knock*

"Sila Jimin hyung na ata 'yun. Ako na magbubukas ng pinto." Pag-vvolunteer ni Taehyung at tumakbo papunta sa pintuan na parang bata.

Tumingin ako ay kay Jungkook na nakatitig kay Taehyung at naka-ngiti habang pinapanood si Taehyung.

"Masyado naman halata, Jungkook." Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano ang magagawa ko? Eh sobra akong in-love sa kapatid mo eh." He admitted.

"Nako, Jungkook. Hindi pokret kinasal na kayo ng kapatid ko ay nasayo na lahat ng tiwala ko ha." Pag-bababala ko sa kanya.

"Don't worry, hyung. Hindi ko sya sasaktan."

"Good. Don't let him get hurt like what i experienced." I said looking back at the past.

A tear escaped from my eye and i quickly wipe it.

"Hyung, may flower delivery ka!"

"Huh? Galing saan? Hindi naman ako nag-order."

Binaba ko ang hawak 'kong lobo at pumunta sa pintuan para tignan ang sinasabing flower delivery ni Taehyung pero pagdating ko sa pintuan ay nakatayo si Namjoon sa harap ng pintuan habang may hawak na boquet ng yellow roses habang si Taehyung naman ay naka-ngisi na parang dem*nyo(charout) sa aming dalawa.

"Maiwan ko muna kayong dalawa."

"Namjoon? Anong ginagawa mo dito?"

"Today is 'our' son's birthday. So i have to be here for him, right?" Namjoon fllashed a smile and show his dimples that he knows it makes me weak.

"R-Right. You're right." I stuttered.

"Flowers nga pala para sayo." Inabot nya sa akin ang hawak nyang boquet ng yellow roses

"Yellow roses? For friendship?"

"No. It means fal--"

"Hyung, nasundo na daw ni dad si Soobin. On their way na daw sila." Sabi ni Taehyung dahilan para hindi matuloy ang sasabihin ni Namjoon.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Namjoon dahil alam 'kong sobrang pula na ng mukha ko. Bumalik ako sa pwesto ko at nilapag ang bulaklak sa lamesa at si Namjoon naman ay nakatayo sa tabi ko habang tumutulong sa amin na mag-decorate.

"We're here!" Narinig namin si Jimin.

"Sa wakas at nandito na kayong mag-asawa. Tumulong nga kayo dito. Malapit na daw sila Soobin." Sabi ko.

"Oo na po."

---

"Bilis! Andyan na yung kotse ni dad!" Sabi ni Taehyung at tumakbo sa tabi ko sa likod ng sofa para magtago.

Naramdaman 'kong nag-init nanaman ang mukha ko nang nakita 'kong tumabi sa akin si Namjoon. Hindi ko nalang pinansin 'yun at tumingin ng deretso sa pintuan ng nakita namin na bumukas ito. Nang nakita namin si dad kasama si Taejoon at Soobin ay lumabas kami sa pinagtataguan namin.

"Happy birthday Soobin!" Sigaw namin.

Tumakbo sya sa amin habang nakangiti at hinipan ang kandila sa cake na hawak ko.

"Daddy Joon!" Masayang sigaw ni Soobin at binuhat sya ni Namjoon.

"Happy birthday, baby." Naka-ngiting sabi ni Namjoon at lumabas ang dimples nya at nang-hina nanaman ako.

"Ano po ang ginagawa nyo dito? Nagkabalikan na po ulit kayo ni daddy Jin?"

Tumingin sa akin si Namjoon at naghintay kung ano ang sasabihin ko. Tumingin naman ako kina Taehyung na naka-ngisi habang pinapanood kami.

"Umm..."

"Bakit? Bawal ba akong pumunta sa birthday party ng baby boy ko?" Tanong ni Namjoon.

"Pwedeng pwede po!" Masayang sagot naman ni Soobin.

"Uh... Kumain na tayo."

[Time Skip]

"Bye!" Kumaway ako kina Taehyung at Jungkook.

"Bye hyung."

Kumaway silang dalawa sa akin bago pumasok sa kotse nila at nag-drive pauwi sa bahay nila.

"uh... Jin, can we talk?" Lumingon ako kay Namjoon na nakasandal sa may pintuan.

Umupo naman ako sa duyan at tumango ako. Umupo naman si Namjoon sa kabilang duyan.

"Ilang buwan na pala ang nakalipas simula nung nangyari ang lahat. Time flies so fast, right?" Sabi nya habang naka-tingin sa langit.

"You're right. Naka-usap mo na si Jinwee? How is she?"

"She's fine. Nasa Canada na sya ngayon. Taking a break from everything that happened. Ikaw? Kamusta ka na?" Tumingin sya sa akin.

"Better than ever. Mas nakaka-recover na din ako sa trauma ko." Sagot ko.

"That's great. Eh yung mga pasa mo? Masakit parin ba?" Bumaba sya ng tingin sa mga pasa ko sa braso.

Gumagaling na ang mga pasa at sugat ko.

"Gumagaling na yung mga sugat ko pero ito." Tinuro ko ang dibdib ko "Hindi na siguro ito gagaling." I fake a smile.

"Jin, i'm sorry. I'm so sorry." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Diba ang sabi ko ay matagal na kitang pinatawad? Tama na yung pagbabalik ng nakaraan. Nasa present tayo, wala sa past."

"Okay. Pero last na toh. Naalala mo noong sinabi ko sayo na hindi na kita mahal?" Dhan-dahan akong tumango. "I gave you those yellow roses because it has another meaning. It means 'falling in love' i'm falling for you again, Jin. I know this sounds stupid, but you make me crazy that i want you back. I want to see you every morning again. i want to feel your touch again. I want to feel your lips against mine again. i want your hugs again. I want to see your beautiful smile again. I want us to get back to what we are before with Soobin. Let's be a family again." Sabi nya at palapit ng palapit ang kanyang mukha hanggang sa nagka-dikit ang ilong namin dalawa.

"Pero Namjoon... Hindi madali ang mag-panggap na nakalimutan na ang nakaraan." Marahan ko syang tinulak palayo.

"Pero diba kakasabi mo palang kanina ay 'Nasa present tayo, wala sa past' just say yes. Trust me again, Jin. I promise you that i will never hurt you again and Soobin. Just trust on me again." He intertwine our fingers with each other and his other hand is on my cheek.

Ano ang sasabihin ko? Kapag um-oo ba ako ay  hindi na ulit ako masasaktan? Mapag-kakatiwalaan ko na ba sya ulit?