webnovel

8 | Oliphius

The god of fate.

Elise Montenegro

Pinauwi ako ni Sir kahit ayaw ko pa sanang umuwi. Pero gabi na at baka dumating na si Mama sa bahay, hindi naman ako nakapagpaalam sa kanya kanina na lalabas ako. Pwede ko naman siyang i-text pero hindi si Mama madalas mag-check ng phone kaya kailangan ko ng umuwi.

Mas lalo lang nadagdagan ang iniisip ko ngayon kaysa makahinga ng maluwag sa mga nalaman kong sagot.

"Kamusta ka anak?" Tanong sa 'kin ni Mama habang kumakain kami ng hapunan.

Matagal bago ako nakasagot. Ayaw ko sanang magsinungaling sa kanya pero ayaw ko rin muna magkwento kaya—"Okay lang po."

"Saang university mo balak pumasok?"

Sa totoo lang wala pa 'kong alam na school na pwedeng pasukan kasi wala pa rin naman akong course na gustong kunin. Wala naman kasi akong bagay na gustong gawin bukod sa kumain at matulog. Kung pwedeng propesyon 'yon baka marami ng mayaman sa mundo.

Hobbies? Noon mahilig akong magsulat ng kwento. Pero nawalan na ako ng gana. Nag-d-drawing din ako dati pero tuwing nakikita ko 'yung drawing ng iba nawawalan ako ng gana. Meron din yatang panahon na gusto kong maging architect kasi feeling ko ang cool pakinggan kaso nalaman ko hindi rin pala madali 'yon.

Alam ko namang walang madaling makuha sa mundo pero masama bang isipin na sana madali na lang lahat? At saka bakit kailangan ko pa mag pakahirap kung ayaw kong mahirapan 'di ba?

Ayaw na ayaw kong nag-iisip at ng komplikasyon.

Kabaliktaran ng lahat ng nangyayari nitong mga nakaraang araw.

"Wala pa po, baka sumabay na lang ako sa mga kaklase kong mag-inquire next month."

Tumango na lang si Mama at hindi nagsalita.

Buti na lang din talaga hindi mahigpit si Mama sa 'kin. Kahit busy siya hindi naman niya ako pine-pressure na kailangan kong magkaroon ng mataas na grades o makasama sa honor list. Kahit sila Lola hinahayaan lang ako kung hanggang saan ang kaya ko. Sabi rin ni Lolo sa 'kin noon, gawin ko lang kung anong gusto ko kaya hindi ko na naisip 'yung long term plans na gusto ko.

Sobrang komportable ko na sa buhay ko kaya hindi ko naramdaman 'yung pressure at anxiety ng mga pwedeng mangyari sa future.

Pero ngayon? Ramdam na ramdam ko na bigla.

Buhay pa ang soulmate ko pero mukhang hindi naman kami magiging masaya dahil sinumpa siya ng diyos ng tadhana. Tapos kahit naman maging magkasama kami, hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa 'kin.

Ngayon lang tumama lahat ng realization na kailangan ko pala ng plano.

Siguro dahil din sa konsepto ng soulmate mark kaya naging palagay ako na magiging masaya ako. Akala ko magiging perpekto rin ang buhay ko tulad ng kina Lola. Masaya, payapa, walang masyadong problema. Hindi ko naisip na pwede akong maiwan mag-isa tulad ni Mama, pwede akong matulad kay Sir na isumpa mismo ng isang diyos o kahit 'yung ma-brokenheart dahil sa isang tao kasi kahit isang beses wala pa naman akong nagustuhang tao.

Bakit ngayon ko lang naisip lahat ng 'yon?

Pagkatapos namin kumain ni Mama, itinulak niya na ako papasok ng kwarto para makapagpahinga. Namumutla raw kasi ako.

"Parang magkakasakit ka yata." Sinalat niya pa ang noo ko. "Kapag sumama ang pakiramdam mo, tawagin mo na lang ako mamaya. O kung bukas magising kang nilalagnat uminom ka kaagad ng gamot."

"Okay po."

Itinulog ko na lang lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko.

---

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang natitigan ng matagal ang sarili ko sa salamin.

Wala rin kasi akong pakialam sa itsura ko simula dati pa. Basta naliligo at nagt-toothbrush ako ayos na sa 'kin. Wala naman kasi akong gustong ma-impress. Hindi ko naranasan 'yung phase na gusto kong mag-pulbo at magsuklay kapag biglang dumaan sa classroom si crush kasi wala naman akong naging crush.

Hindi naman pala ako sobrang panget. Unat naman ang buhok ko at walang masyadong split-ends. Wala rin akong pimples kaya maswerte ako lalo sa parteng 'yon, naalala ko laging pinupuna ni Ella ang mukha ko at tinatanong kung anong gamit kong sabon, hindi naman ako masyadong nagkukuskos ng sabon sa mukha kasi natutuyo 'yung balat ko kaya madalas tubig lang talaga ang gamit ko.

Kung may magtatanong kung anong insecurity ko sa katawan? Baka 'yung braso kong manipis. Ayos lang din naman 'yung tangkad ko para sa 'kin, hindi ako sobrang liit at hindi rin sobrang tangkad at saka 'yung—'Ding!'

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lababo at kinuha 'yon.

Malamang si Kyle na naman ang nag-message. Hindi naman ako masyadong kinakausap ni Ella online pati ni Juliano kasi malamang silang dalawa ang magkausap. Puro group chat lang din per subject ang meron ako sa chat kaya lahat 'yon naka-mute.

Kyle Kendipot

| Baka naman pwedeng magkwento yarn.

| Yiie?

| Bakit pala bigla kang umuwi?

Me

| Gabi na

| Wala naman kaming napagusapan masyado

Kyle Kendipot

| Natanong mo yong tungkol sa soulmat mong dedz?

| Peyk news lang ng mama mo yon diba?

Hindi ko pa nasasabi kay Mama na pwedeng hindi pa patay ang soulmate ng faded soulmate mark pero anong magagawa no'n para sa kanya? Nakita niyang mamatay ang soulmates niya.

Ang gusto kong malaman kung may sakit ba si Sir o side effect ng pag-uusap namin ang pag-ubo niya ng dugo kahapon. Siguro may alam si Kyle kung may sakit na ba dati si Sir.

Me

| Oo, may ganto raw talaga.

| May itatanong pala ako

Kyle Kendipot

| Shoot

Me

| May sakit ba si Sir?

Kyle Kendipot

| Sakit? Like cancer?

| Wala naman yata?

| Bakit?

Me

| Kasi kahapon umubo siya ng dugo

Kyle Kendipot

| Hala

| Weh????

| Kaya pala lagi siyang pumupuntang ospital

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nabasa ko.

Pwedeng hindi nga si Sir patay pero pwedeng ibig sabihin ng faded mark ay mamamatay siya. Pero sabi niya naman imortal siya?

Ibig sabihin hindi siya pwedeng mamatay.

Unless, may ginawa na naman si Oliphius. Napipikon na ako lalo sa diyos ng tadhana pero anong laban ng inis ko sa isang diyos? Isa lang akong mortal. Matagal na kaming hindi bumibisita ng templo ni Mama kaya hindi ko alam kung pakikinggan pa ba ni Oliphius ang dasal namin.

Unti-unti na rin kasing nababawasan ang naniniwala sa kanya dahil maraming may ayaw sa kanya.

At sabi nga ni Lola, walang halaga at kapangyarihan ang diyos na walang sumasamba.

Kyle Kendipot

| Pero soulmates kayo diba?

| Confirmed?

Me

| Oo.

Pinatay ko ang cellphone ko at lumabas na ng banyo. Parang tinatamad na akong pumasok bukas kahit gusto kong malaman kung ayos lang ba si Sir. Anong mangyayari kung bigla na lang siyang patayin ni Oliphius dahil nag-usap kami kanina—hinawakan niya pa ang kamay ko.

Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya hindi ba?

---

"ELISE!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Kyle na nasa labas ng bahay. Napasilip muna ako sa bintana para malaman kung siya nga 'yon o imagination ko lang 'yon.

Pero mukhang totoo ngang nasa labas si Kyle at bihis na siya ng uniform namin.

Nagbihis na ako agad at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Mama na nakaabang sa harap ng kwarto ko. "Elise sino 'yon? Kaklase mo ba 'yon?"

Tumango ako bago dumiretso sa banyo.

"Sige papasukin ko na siya, mauna na ako sa 'yo ha?"

Mabilis akong nag-toothbrush at lumabas ng banyo. Pupunta na sana akong kusina para maghanda ng baon nang hilahin ako ni Kyle papuntang sala.

"Elise may kailangan kang malaman!"

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "Mamaya na 'yan, late na tayo."

"Mas mahalaga pa 'to sa penalty natin." Tarantang sabi niya.

"Okay, ano ba 'yan?"

"Promise mo muna hindi ka magagalit sa 'kin." Itinaas niya pa ang hinliliit niya. "Please?"

Naguguluhan man, itinaas ko na rin ang pinky ko at ikinawit sa kanya. "Okay, promise."

Nakahinga naman siya ng maluwag.

Ano na naman kayang chika niya at parang kabadong-kabado yata siya?

"Pwede mo ba akong tulungan?"

"Tulungan saan?"

"Kay Sir Xerxes."

"Anong meron kay Sir?"

'May nangyari ba sa kanyang masama?'

Sana ang gusto kong itanong pero parang masyadong tunog concern. Sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa lahat ng nalaman ko kahapon tungkol sa kanya.

"Hindi ko na ma-reverse 'yung sumpa ko!"

"Ano—" Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mag-sink-in ang sinabi niya. Sumpa niya?

Ibig sabihin—"Ikaw?" Tumuro pa ako sa kanya.

Tumango-tango siya. "Oo ako."

"Ikaw si Oliphius?!" Hiyaw ko.