webnovel

9 | Two Faced

That person who you don't want to associate yourself with.

Elise Montenegro

Anong gagawin mo kapag biglang umamin sa'yo ang kaibigan mo na isa siyang diyos?

a.) Tumawa dahil imposible 'yon.

b.) Tumawag ng ambulansiya dahil may sira na yata ang ulo niya.

c.) Sampalin siya dahil nananaginip lang siya.

d.) All of the above

Number one ang ginawa ko dahil malamang pinagtitripan niya lang ako. Pero paano niya nalamang sinumpa si Sir? Siguro narinig niya ang usapan namin kagabi. At saka kung isa nga siyang diyos bakit kailangan niyang gumamit ng isang mortal?

"Seryoso ako."

Tumigil ako sa pagtawa at tinignan siya na parang nagsasabing, 'Oh talaga?'

Mukhang naintindihan niya naman 'yon kaya bigla siyang lumutang sa ere at nag magical girl transformation, complete with smoke and glitters. Nang mawala ang smoke effect ng transformation ni Kyle o Oliphius ay saka ko lang nakita ang bagong niyang anyo.

"Seryoso nga ako." Ulit niya, pero imbes na mababa ang boses tulad ni Kyle ay medyo matinis 'yon at tunog bata.

Si Oliphius ay isang five years old na nakasuot ng sailor uniform. Napalingon ako sa paligid para hanapin si Kyle pero mukhang totoo nga ang lahat, napakurot pa ako sa balat ng braso ko pero wala, gising na gising ako at totoong nakita ko ang lahat.

"Ano masaya ka na ba?" Tanong niya sa akin bago humalukipkip.

Kung hindi siya siguro nagtanong no'n at hindi ko alam na isa siyang diyos ay baka talagang naniwala na akong isa siyang cute na bata.

Pumitik siya at bumalik na sa harapan ko ang katawan ni Kyle. "Hindi talaga ako gano'n. Nahihirapan lang ako bumalik sa dati kong form kasi nga wala ng—" tumigl siya sa pagsasalita at tumikhim.

"Wala ng naniniwala sa'yo?" Tapos ko sa sasabihin niya.

Mukhang alam naman na niyang alam ko 'yon dahil matagal na rin siya rito sa mundo. Pero bakit kailangan niyang sabihin sa'kin 'to? Hindi ko naman siya problema? Dahil ba kay Sir? Dahil nagkita kami?

Hindi ba siya naman ang nag-suggest no'n?

"Oo." Malungkot na sagot niya. "Pero bago ang lahat, gusto kong mag-sorry."

Kunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Bakit ka nagsosorry sa akin? Hindi ba dapat kay Sir ka nagsosorry?" Pigil ang pagtaas ko ng boses dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Ang dami kong tanong na gustong itanong sa kanya pero mas gusto ko siyang sampalin ngayon.

"Pero sorry pa rin, dahil ngayon kailangan mo ng madamay sa problema ko."

Nakuyom ko ang kanang kamay ko sa galit. At talagang idinamay niya pa ako? Siya ang nagsimula ng lahat pagkatapos parang gusto niya pa kaming hilahin kasama niya.

"Teka bakit kailangan ako ang madamay?" Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Kaya pala una palang nakakapagtaka na bigla na lang siyang nakikipag-close sa 'kin, pero wala naman akong problema ro'n dahil akala ko matino siya–I mean matino naman siya bilang Kyle. Pero ngayong alam ko na ang tunay niyang agenda, hindi ko alam kung dapat ko pa siyang pagkatiwalaan.

At bakit kailangan kong tulungan ang isang diyos? Isa lang naman akong mortal.

"Hindi mo gugustuhing malaman kung bakit ikaw."

Mapakla akong natawa. "Inamin mo na ngang diyos ka pero hindi ko pwedeng malaman 'yung dahilan kung bakit ako ang kailangang tumulong sa 'yo?"

"Isipin mo na lang na soulmate mo si Xerxes at kailangan ka niya. Kailangan niya ng tulong ngayon."

Matagal akong tumingin sa kanya. Nagbabakasakaling makikita ko kung tunay ba ang sinasabi niya.

Maraming dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng mga mortal. Noon hindi ko maintindihan kung bakit, pero ngayon mukhang naiintindihan ko na. Kung ganito nga ang diyos ng tadhana, baka nga mas mabuti pang wala na lang siya o palitan na lang ng iba.

"Bakit mo naman siya tutulungan?"

Napabuntong-hininga siya. "Ayaw ko siyang mamatay." Paliwanag niya.

"Imortal siya 'di ba? Bakit siya mamamatay? Alam mo 'yon dahil ikaw ang nagsumpa sa kanya."

"Pero akala ko–ganito kasi Elise." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Akala ko wala ng epektus 'yung sumpa kasi matagal na 'yon at matagal ko ng binawi 'yon. Kaya nga kita pinilit makipagkita sa kanya kasi akala ko..." Nag-iwas siya sa akin sandali ng tingin bago tumingin uli. Parang may itinatago na naman siya.

"Akala mo?"

"Akala ko 'yon ang sagot para matapos na ang paghihirap niya. Kapag nalaman mo at nahawakan ka niya magiging ayos na siya. Pero–" Bumitaw siya sa akin at napasabunot sa buhok niya. "Elise kailangan niyang mabuhay."

Akala ko noon, walang emosyon ang mga diyos. Lalo na si Oliphius. Sabi ni Lola kahit na bigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng kapangyarihan galing sa isang diyos hindi niya 'yon tatanggapin dahil ayaw niyang mahawa sa kalungkutang dala ng pagiging imortal nila.

Na maswerte tayong mga mortal. Kahit nagkakasala tayo, may katapusan pa rin ang lahat sa atin. Kahit na ma-reincarnate tayo uli hindi naman natin maaalala ang nakaraan nating buhay.

At silang mga diyos na nabubuhay ng walang hanggan ay habang-buhay lang tayong panonooring maging miserable at mamatay. Kaya siguro minahal ni Lola ang diyos ng kamatayan, mas nagpapasalamat siya na nandyan si Kamatayan para kuhanin tayo kaysa sa diyos ng tag-sibol na nagbibigay sa'tin ng kinakain natin at ng mga bulaklak.

Isa rin sa mga akala ko na ang diyos ng kamatayan lang ang nagpapakita sa mga mortal. Pero ngayon nasa harap ko na ang diyos ng tadhana.

At umiiyak siya sa harap ko na parang nagsisisi nga siya sa lahat ng ginawa niya.