webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #26

"I will kill both of them. You can't stop me, even though you can I will not let you. Why don't you just sit on your chair, have a coffee and watch me how to kill them? That would be fun right? Oh! You're husband can also watch, also your other lover. I wish I can see your face right now. Goodbye for now."

Agad na itinapon ni Eyz ang hawak na papel, hindi niya gusto ang pakiramdam niya sa nabasang sulat. Alam niya na wala itong kinalaman sa kaniya, pero hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Nababaliw na siguro siya, kinakabahan siya nang walang matinong dahilan.

Tumabi siya nang upo kay Watch at nag-isip. Weird pero may kung ano sa isang bahagi nang isip niya na nagsasabing kailangan niyang protektahan ang dalawang taong tinutukoy sa sulat. May hindi siya maipaliwanag na dahilan kung bakit may isang bahagi nang utak niya na nagsasabing protektahan niya ang dalawa.

Ginulo niya ang buhok at napabuga nang marahas na hininga sa sobrang frustration na nararamdaman. Parang biglang gusto niya na lang iuntog ang ulo niya sa pader sa dami nang tumatakbo sa isip niya. Pinagsisihan niya din na nagpakain siya sa kuryosidad na naramdaman, at ngayon ay nababaliw na siya sa kaiisip. May problema na nga siya kanina, may dumagdag pa na isang problema.

"Eyz ayos ka lang ba?" Tanong nang nag-aalalang si Watch kay Eyz na parang malapit nang mabaliw.

"Ano sa tingin mo?" Asik ni Eyz. Mainit ang ulo niya at 'di man sinasadya ay si Watch ang napagbuntunan nang frustration niya.

"Oo…?" 'Di siguradong tanong ni Watch.

"Manahimik ka na lang d'yan." Pagpapatahimik ni Eyz sa maingay na tagahanga. Hindi niya gustong madamay ito sa galit niya na hindi niya alam ang dahilan. Gusto niya na nga lang sapakin ang sarili niya sa sobrang ka-wirdohan nang iniisip niya.

Sarili niya nga ay hirap siyang protektahan, tapos magdadagdag pa siya? Para naman siyang kumuha nang batong ipupukpok sa ulo niya. At para na rin siyang nag-suicide.

Kinalma niya na lang ang isip at inalis sa isipan ang nabasa. Mababaliw lang siya kung patuloy niya lang itong iisipin, at ayaw niyang mangyari 'yon. Sayang naman ang ganda niya kung sa mental lang din siya mapupunta.

At paniguradong malulungkot din si Watch kapag nangyari 'yon kay Eyz, mawawala na ang nag-iisa niyang crush.

Blangko ang mukha at nanatili lang na nakatingin si Kevin sa hawak na aso, pilit hinahanap ang 'di pagkakapareho. Pero kahit anong gawin niya ay sadyang ang asong hawak niya ay kamuha nang asong pagma-may-ari nang taong 'yon. Hindi niya alam kung paano ito napunta kay Eyz, hindi naman pwedeng pinabayaan na nang taong iyon si Arie. Napaka-imposible ng bagay na 'yon.

Alam niya na mahal na mahal nito ang asong si Arie, dahil ayon sa taong iyon ay bigay nang minamahal nito si Arie. At 'yon na lang din daw ang huling ala-alang naiwan sa kaniya simula nang iwan siya nito.

Nagulat si Kevin nang biglang may kumuha kay Arie mula sa kaniya. Pagtingin niya ay masamang tingin ni Eyz ang sumalubong sa kaniya. Palagi na lang masama ang tingin aa kaniya nang dalaga, nagsasawa na rin siya. Kailan ba ito titingin sa kaniya nang walang halong galit? Hindi ba ito marunong mag move on?

Samantalang siya ay naka-move on na sa naging away nila— kung away niya itong matatawag. Alam naman ni Kevin na mahirap ang process ng moving on, pero wala naman silang naging relasyon kaya naman dapat ay madali lang para dito ang mag move on.

"Anong ginagawa mo kay Eyxciel?" Mapanghusga na tanong ni Eyz kay Kevin. Hindi niya gusto na makitang hawak ni Kevin si Eyxciel. Pakiramdam niya ay naagawan na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Mas lalo tuloy niyang naisip na baka nababaliw na talaga siya.

Wala pa namang inaagaw sa kaniya si Kevin kaya naman bakit niya mararamdaman 'yon?

"Eyxciel?" Nakakunot nuong tanong ni Kevin. Masyadong kakaiba ang pangalan na ibinigay ni Eyz kay Arie.

"Oo, Eyxciel. Bakit may angal ka?" Pinandilatan ni Eyz nang mata si Kevin.

"Wala naman. Maganda lang talaga ang pangalan na ibinigay mo." Pagsisinungaling ni Kevin. Ngumisi si Eyz sa narinig.

"Hah! Siyempre maganda ako kaya dapat maganda din ang pangalan ni Eyxciel." Pagyayabang nito. Nananalansa na naman ang bagyong Eyz. Ngumiwi na lang si Kevin sa kayabangan ni Eyz at hindi na sumagot pa. Hindi niya gustong patulan ang pagiging mahangin ni Eyz.

Hindi niya alam kung saan ito nakakakuha nang confidence nito, masyado kasing mataas. Sa sobrang taas, minsan ay nakakainis na.

"'Di ka nakasagot dahil totoo 'no?" Maangas na tanong ni Eyz. Tumango na lang si Kevin, kahit ang totoo ay hindi niya lang gustong humaba pa ang usapan nila ni Eyz. Nakakasawa na din kasi na araw-araw marinig ang papuri ni Eyz sa sarili. Hindi ito marunong maging humble.

Iniwan na ni Eyz si Kevin at umupo sa tabi ni Watch habang kinakausap na naman si Eyxciel. Sana lang talaga ay 'wag sumagot si Eyxciel dahil sa ginagawa ni Eyz.

Nahinto si Eyz sa pagsasalita nang kalabitin siya ni Watch. "Eyz." Nakanguso ito nang lumingon siya.

Napakunot naman ang noo ni Eyz.

Ano na naman kaya ang problema nang tagahanga niya?

Para itong nabasted ng nililigawan.

"Ano?" Ipinatong ni Eyz si Eyxciel sa lap niya.

"May crush ka ba kay…" Hindi na natuloy ni Watch ang sinasabi at mas lalong napanguso. Sa isip ni Eyz ay nababaliw na naman si Watch dahil sa pinaggagawa nito

"Crush? Kanino?" Hindi 'ata na-inform si Eyz na may crush na pala siya. Bakit hindi niya alam 'yon?

"Kay…" Ininguso ni Watch si Kevin na blangko lang ang ekspresyon na nakatingin sa kanila. Hindi na-gets ni Eyz ang ibig-sabihin ni Watch kaya naman nainis lang siya. Masyadong maraming paligoy-ligoy si Watch. Sapakin niya na lang kaya ito? Baka sakaling tumino.

"Umayos ka nga d'yan." Inis na saaway ni Eyz. "Sasapakin kita kapag nainis ako sa'yo." Pagbabanta pa nito kay Watch.

Mas lalong napanguso si Watch. "Sabi ko kung c-crush mo ba si Kevin?"

Umirap si Eyz, 'yon lang pala ang itatanong sa kaniya ang dami pang paligoy-ligoy.

"Wala." Diretsong sagot ni Eyz. Hindi man lang pinag-isipan ang tanong ni Watch. "Bakit mo na tanong?"

Lumiwanag ang mukha ni Watch, nakahinga nang maluwag. "Wala." Ngiting-ngiti niyong sagot.

"Baliw." Hindi na pinansin ni Eyz si Watch at nilaro na lang si Eyxciel.

Makalipas ang ilang minuto ay nagyaya na si Watch na umalis na sila. Nagulat ang lahat at 'di nakagalaw sa kinatatayuan nang may makitang may isang lalaki na nakatayo sa bukana nang kweba. May salamin ito, at bagsak ang itim nitong buhok. Nakasuot ito nang itim na t-shirt na pinaresan ng ripped jeans.

"Israfel."

***