webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Teen
Not enough ratings
26 Chs

Kill #25

Sa buong maghapon ay napansin ni Watch ang pagiging tulala ni Eyz. Nag-aalala sila kung anong nangyari at natulala nang ganon si Eyz. Ang natatandaan niya ay nag-umpisang magkagan'yan si Eyz matapos nilang marinig ang isang recorded na pag-uusap.

Bigla tuloy siyang na-curious kung anong meron sa recorded conversation na 'yon at gano'n na lang ang reaksyon ni Eyz. Tinapik niya si Eyz at napatalon at gulat na napatingin sa kaniya si Eyz, ayan masyado kasing tulala.

"B-bakit?" Takang tanong ni Eyz.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Watch.

"Ha? Ah, oo. Bakit mo natanong?" Bigla namang nanibago si Watch sa pakikitungo ni Eyz. Kalmado ito magsalita, hindi siya sininghalan at higit sa lahat ay hindi pabalang ang sagot niya. May himala, at na kay Eyz 'yon.

"Kanina ka pa kasi tulala."

"Tulala? Gago sino? May iniisip lang ako." At napanatag naman si Watch, dahil ayos na si Eyz. Paano niya nalaman? Simple lang naman— dahil nagmura na ito. 'Yon ang Eyz na kilala niya, hindi 'yung katulad kanina na parang wala sa sarili dahil ang ayos sumagot. Nakakapanibago e.

"Ako ba 'yan?" Pang-aasar ni Watch.

"Siyempre..." Saglit na huminto si Eyz sa pagsasalita. Umasa naman si Watch nang slight, 'di naman masamang umasa kahit alam na niya ang sagot. "Hindi. Asa ka." At sumimangot si Eyz. Umasa, 'yan na lang talaga ang gagawin ni Watch for now. For now lang talaga dahil may balak siyang gawin kapag nakaalis na sila sa Eirlo University, para naman magkaroon ng progress ang relasyon nila ni Eyz.

Hindi naman pwede na hanggang self-proclaimed friend lang siya. Dapat may usad din, kung ang dating magkaaway nga ay nagiging magkarelasyon, sila pa kaya ni Eyz na hindi naman magkaaway.

Pero hindi din magkaibigan.

Basta, gagawin niya ang lahat para hindi siya manatiling self-proclaimed friend lang ni Eyz.

Habang si Watch ay abala sa pag-iisip nang dapat niyang gawin kung paano makakaalis bilang 'self-proclaimed friend' ni Eyz. Sa isang underground hideout naman na nasa kagubatan lang din ay nakatayo ang isang babae na nakatingin sa isang partikular na screen, kung saan ay ipinapakita nito ang kinaroroonan nang grupo nila Eyz.

Seryoso ang tingin nito, habang ang isang kasama niya naman ay nagtitipa sa computer. Inaalam nila kung saan nanggaling ang misteryosong mga recorded conversation na tanging sila Eyz lang ang nakarinig. Hindi din nakatakas sa kaniyang paningin ang reaksyon nang tatlo sa kasama ni Eyz at ang reaksyon din ni Eyz. Hindi niya alam kung bakit ginagawa 'yon nang ka-grupo ni Eyz, wala siyang ideya. At gagawin niya ang lahat para lang malaman ang rason nang taong 'yon, sana nga lang ay hindi ito mapahamak sa ginagawa nito.

Hindi 'siya' magandang kalaban kaya naman nakaramdam siya nang pag-aalala para sa taong 'yon. Tumigil na sa pagtitipa ang kasama nang babae, at napabuntong-hininga.

"Ma'am, i have an update."

"What is it?" Seryoso niyang tanong at hindi inaalis ang paningin sa grupo nila Eyz.

"He's a Rewor." Napatingin ang babae sa kasama.

Rewor?

Pamilyar sa kaniya ang apelyidong iyon, nangunot ang noo niya, pilit inaalala kung saan niya narinig ang apelyidong iyon. Nang maalala ay nabitawan niya ang hawak na wine glass.

"Son of Venus and Leo Rewor?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango ang kasama. "Yes, Ma'am." Napahinga siya nang malalim, pilit kinakalma ang sarili. Hindi niya alam na buhay pa ang anak nang yumaong kaibigan. At mas lalong hindi niya alam na nasa Eirlo University ito at nagpapit lang nang pangalan kaya naman hindi niya ito nakilala agad. Ang alam niya ay patay na ang pamilya Rewor, matapos itong ipapatay nang isang kaaway.

"Why the heck he's in that University?"

"For vengeance, I guess. We all know that 'she' killed Venus and Leo." Simpleng sagot nang kasama.

"Since when did he entered Eirlo?"

"First day of school."

Napayuko ang babae at kumuyom ang kamao. Hindi niya gusto ang nararamdamang kaba, pilit niyang kinakalma ang sarili. Alam niya sa sarili niya na kapag nagpatuloy ang ginagawa nang taong 'yon ay lahat sila ay mapapahamak.

"But… Who's his companion? I'm sure he has one." Bumuga nang marahas na hininga ang kasama.

"He's older brother." Muli ay nagtaka na naman siya. Ang pagkakaalam niya ay isa lang ang anak nang yumaong kaibigan. Paanong nangyari na may nakakatandang kapatid ito?

"How come?" Nagkibit-balikat ang kasama.

"I'm confused too."

"This is crazy." Ginulo nang babae ang buhok niya at umupo sa swivel chair. Madaming tanong ang tumatakbo sa kaniyang isip.

"Indeed." Sang-ayon nang kausap.

"This is getting messier, day by day."

"Hmm..."

"Can you dig deeper?" Pakiusap nang babae sa kasama.

"I'm not promising, but I'll try my best." Bumalik na ang kasama nang babae sa pagtitipa. Habang siya naman ay kinuha ang cellphone at tiningnan ang litrato niya kasama ang dalawang anak. Sayang nga lang at hindi kasama sa litratong 'yon ang ama nang dalawa niyang anak.

Ang grupo naman nila Eyz ay pumasok sa isang kweba, namahinga sila do'n nang ilang oras. Nakakapagod din kasi ang paglalakad nang walang katapusan, para silang nasa isang paglalakbay na wala namang patutunguhan. Tumayo si Eyz nang may mapansing nakaipit na papel sa pagitan ng dalawang bato malapit sa pwesto niya.

Kinuha niya iyon dahil sa kuryosidad, nakakapagtaka lang kasi na sa isang kweba ay may mag-iiwan nang isang papel sa pagitan nang dalawang bato. Maliban na lang siguro kung isa iyong paraan nang komunikasyon nang dalawang magkasintahan.

Binasa ni Eyz ang nakasulat sa papel, nangunot ang noo niya sa nabasa. Ang weird lang dahil hindi iyon isang liham nang pag-ibig o kaya naman ay liham nang pamamaalam. Kun'di isang liham tungkol sa isang pagbabanta sa buhay nang kung sino man.

"I will kill both of them. You can't stop me, even though you can I will not let you. Why don't you just sit on your chair, have a coffee and watch me how to kill them? That would be fun right? Oh! You're husband can also watch, also your other lover. I wish I can see your face right now. Goodbye for now."

***