webnovel

Ang Katotohanan Para Kina Allen at Edward 1

Sa bato ay may mga nakaukit na para bang mensahe na hindi nila maintindihan. Hahawakan n asana ng dalawa ito ng biglang may malakass na tunog ang kumulog sa buong isla.

"ARIA, ALLEN!!! BUMALIK NA KAYO!!!" Sabi ng boses na nagmukahng nanggaling kay Mr. Rivamare na lumabas sa isang-daang mga speakers sa buong isla.

Iniwan na muna ang lugar at nag-pasyang babalik na lamang sa kinabukasan.

Nakabalik nadin ang dalawa sa wakas. Ang dalawang pamilya ay nag-decide na mag-barbeque.

Si Allen na pinagmamasdan kung gano kasaya ang lahat ngayon ay napapa-tanong. Mukha naman na masaya ang pamilya niya kaya, Bakit kaya nagawa ng papa niya na mag-babae ng iba.

Habang iniisip niya ito ay tila parang sumisikip ang dibdib niya. Si Aria naman ay naramdaman niya din ito.

{Allen?... Sa tingin ko…Magandang kausapin mo ang papa mo tungkol dito. Ang mga anak na nawi-witnesss na ganito ang mga magulang, hindi man nila sabihin at kahit anung edad pa amn nila ay may nararamdaman parin sila na lungkot tungkol dito.}Sabi ni Aria

{Haha…Oo nga…} Sabi ni Allen

{Kausapin mo ang papa mo. Hindi ako sasama pero nandito lamang ako parati para sa iyo.} Sabi ni Aria.

Tumayo si Allen mula sa kaniyang puwesto at pumunta sa kaniyang ama upang kausapin ito.

"Papa, May gusto sana kitang maka-usap. Punta sana tayo sa Chess room." Sabi ni Allen.

Ngayon ay nagtungo ang dalawa sa Chess room. Si Edward naman ay palihim na sumunod sa kanilang dalawa.

(Sa may chess room)

Ang dalawa ay naglalaro ngayon ng chess. May mga alak sa tabi. Meroong vermouth na paborito nilang tatlong mag-ama. Si Edward naman ay nagtatago sa likod ng pintuaan at naghihintay upang marinig ang gusto nilang pag-usapan

Sapagkat ay inakala nito na sinusubukang kumbinsihin ni Allen na siya nalang ang maging fiancé ni

Aria.

"Papa… Why do you have a mistress?"