"MARAMING salamat sa impormasyong na iyong binigay, masaya ako sa malasakit sa pinapakita mo sa aming pamilya. Ipagpatuloy mo ang pagkalap ng balita at sisiguraduhin ko sa iyong hindi ka magsisisi sa magiging kapalit."
Tumalikod na ang kausap ni Joselito kaya naglakad na rin siya papunta sa silid-aklatan ng Don. Naabutan niyang abala itong nakatutok sa logbook na karugtong na yata ng buhay nito. Magkadikit ang mga kilay nitong tinititigan ang mga nakasulat, sa kamay ay may hawak na lapis. "Ama, paumanhin kung naaabala ko ang iyong gawain ngunit may kailangan kang malaman at sa tingin ko ay hindi ninyo magugustuhan," sumbong ng lalaki saoras na nakapasok siya ng silid.
"Ano ang bagay na iyan na mas hahalaga pa sa hinaharap kong pagbagsak ng ani ng manga, Joselito?" usal nito na hindi nag-aksaya ng panahon para igalaw ang mga mata.
"Si Alessandra at ang panganay ng mga Velez ay may relasyon."
Marahas ang nagawang paglingon ni Don Pablo sa nakatayong lalaki, ang strikto ngunit kalma nitong aura ay napalitan ng matinding galit.
"Juan Diego..." namnam nito sa pangalan kalakip ang pagtiim ng bagang.
"Mukhang lihim na nagtatagpo ang dalawa sa lupain ng mga Velez, ama."
"Nasisiguro mo ba ang pinagsasasabi mo, Joselito? Kung natuklasan kong walang basehan iyang balitang binibigay mo ay pagsisisihan mo na tumuntong ka sa aking pamamahay." Mukhang ilang sandali ay mapuputol na ang lapis sa higpit ng pagkakahawak nito.
"Naiintindihan ko, hayaan mong patunayan ko sa iyo ng aking natuklasan, ama," saad niya at iniwan ang amain na nagpupuyos sa galit.
A smile of content twitched on Joselito's lips. Don Pablo's horrified reaction was reassuring. Mukhang magiging madali ang mga susunod na mangyayari.
"Joselito," napalingon ang lalaki sa tawag ng ina na nasa labas lang pala ng kuwarto. "Totoo ba ang sinasabi mo kay Pablo?"
"Totoo, mama," sagot niya na sinimulang lumayo sa study.
"Anak, bakit mo hinayaang makarating sa pandinig ng ama mo ang bagay na iyan? Maaari mo namang kausapin si Alessandra na tigilan na ang pakikipagkita sa lalaking iyon. Siguradong magkakagulo na naman sa lugar natin kapag nasindihan ang apoy sa dalawang pamilya."
"Si Alessandra at ang lalaking iyon ang naglalaro ng apoy, Mama, pasisilabin ko lang ang sinimulan nila."
Doña Claudia grabbed her son's arm and pulled him in one of the guest rooms. "Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito, Joselito?"
"Kapag napatunayan ko ang relasyon nila ay siguradong walang katumbas ang poot ni ama. Dahil doon ay posible niyang itakwil si Alessandra bilang anak. Mangyayari na ang matagal ko nang inaasam, mapapasa-atin ang lahat ng ari-arian ng mga Monserrat at mamumuhay tayo nang masagana kahit hindi umaasa sa iba."
"Pero, Joselito, kontento na ako sa buhay natin ngayon. Nabibili natin ang ating mga gusto, nakakakain ng masagana. Bakit kailangan humantong sa ganito?"
"Mama, pangalawang asawa ka lang at isa lang akong bastardo. Walang mararating ang dalawang sampid kung titihaya lang tayo at maghihintay ng rasyon mula sa pamilyang ito. Nagsikap akong palaguin ang hacienda, kaakibat ng matanda sa lahat ng kailangan sa pagpapatakbo ng lupain, hindi ko hahayaang mahulog lang sa kamay ng isang chiflado ang lahat nang pinaghirapan ko! Hindi ko hahayaan na pagkatapos niyang magpakasarap sa Amerika ay uuwi siya dito para sakupin ang pinaglalanan ko ng pawis at dugo." Napahinga nang malalim ang lalaki pagkatapos ng mahabang litanya saka ngumiti sa ina. "No te preocupes, Mama, ang lahat ay aayon sa aking kagustuhan."
***
Hindi mapasidlan ang nararamdaman ni Alexa, magkahalong galak at kaba sa pagkikipagharap sa pamilyang Velez. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong maging opisyal ang relasyon nila ni Diego. Walang ni-katiting na pagsisisi sa dibdib niya sa ginawang deklarasyon dahil walang ibang ginawa ang lalaki kundi ang ipadama sa kanya ang lubos na pagmamahal. She just found out that he has been nurturing a feeling for her even when they were little. Lihim lang umano itong nakatingin sa kanya sa malayo sa tuwing magku-krus ang landas nila sa labas ng kanilang lupain at dream come true raw ang makasama siya.
"Bienvenida, Señorita. Ito ang kanlurang bahagi ng hacienda El Sueño." Sakay ang kabayo ay nilakbay nila ni Diego ang lupain patungo sa mansyon. Malawak ang nakikita niyang pag-aari ng mga ito. Sa bahagi na tinahak nila ay ang niyogan at taniman ng mga suha at mangga. Namilog ang mga mata ni Alexa sa sariwang pananim na nakita. Sagana ang mga iyon at maayos na pinangangalagaan ng mga tauhan.
"El Sueño? Ano'ng ibig sabihin niyon?"
"Panaginip."
"Bakit panaginip?"
"Dahil sabi ng ama, noong bata pa siya ay nanaginip siya na magkakaroon siya ng isang hacienda na sagana sa prutas at gulay at napapalibutan ng mga tauhang bitbit ang masasayang ngiti. Simula noon ay iyon na ang naging pangarap niya at natupad nga dahil sa kanyang pagsisikap." Bakas sa mata ni Diego ang paghanga at respeto sa ama habang nagkukwento ito. "Nagsimula ang ama ko sa pagiging isang ordinaryong negosyante, Alessandra. May lupain kami noon ngunit hindi gaanong malawak. Nagsumikap siya hanggang sa natamo niya ang kung anong mayroon ang pamilya namin ngayon. Kasabay ng paglago ng pag-aari niya ay marami siyang natutulungang mga mamayan dito sa Isla Alabat. Lalo niyang pinagbuti ang pamamahala sa hacienda dahil kung hindi niya gagawin iyon ay maraming mawawalan ng hanap-buhay. Hindi lamang ang aming pamilya. Kaya ngayon, na ako na ang umako sa mga gawain niya, kailangan kong panatilihin at proteksyonan ang kapakanan ng buong hacienda."
Mas lalong nadagdagan ang paghanga ni Alexa sa lalaki. Hindi bast-basta ang nakaakibat na responsibilidad sa balikat nito kaya hindi siya magtataka kung magiging mahigpit ito pagdating sa usapin ng hacienda.
"Mas lalo lang akong nai-in love sa iyo niyan, e." Halakhak ng lalaki ang nagpa-vibrate sa likod niya at naramdaman niya ang pagdaiti ng mga labi nito sa kanyang buhok.
"Magandang hapon po, Señor," bati ng isang matandang lalaki kay Diego.
"Magandang hapon po. Kumusta na po ang paglalagay ng pataba sa mga suha natin manong?"
"Mainam naman po, wala kaming nagiging problema. Maganda ang kalidad ng pataba kaya maganda din ang tubo ng mga halaman."
Bumaling ang paningin ng matanda kay Alexa at nagtagpo ang mga kilay nito. "May bisita po pala kayo, Señor. Magandang hapon po, Señorita."
Kahit na nakitaan ng pagdududa sa mga mata matanda sumagot naman si Alexa bilang respeto, "Magandang hapon din po."
"Siya si Alessandra Monserrat, manong Reman. Simula ngayon ay mapapadalas na ang pagpunta niya sa lupain natin. Tutuloy na kami, mag-iingat kayo sainyong ginagawa."
"Mag-iingat din po kayo sa paglakbay," anang matanda na bahagyang yumuko.
Kalahating oras lang ang lumipas ay narating na nila ang masyon ng mga Velez. Yari ang dalawang palapag na gusali sa bato, makintab na brown ang dominant color, gawa sa capiz shells ang malalaking bintana. Mas simple ang dekorasyon kumpara sa kanila. Maging ang loob ay simple lang ngunit makikita pa rin ang rangya sa mga kalidad ng gamit.
Mahigpit na napahawak si Alexa sa kamay ni Diego sa oras na pumasok sila sa malaking pintuan sa harap ng bahay. Nawala na ang galak na dibdib niya, napalitan na iyon ng pangamba sa maaaring kahinatnan ng pagkikitang iyon. Baka kung ano ang sasapitin niya sa teriyoryo ng mortal na kaaway ng kanyang pamilya.
Ano kaya ang magiging pagtanggap ng mga magulang nito sa kanya? Maiintindihan niya kung magalang ang mga tauhan pero ibang usapan na kapag pamilya.
Napatingala siya sa lalaki nanag maramdaman ang pagpisil nito sa kamay niya. Nakangiti na pala itong nakatungo at ang ngiting iyon ay iyong tipo na nagbibigay ng assurance.
"Isabel, si Mama at Papa?" tanong ni Diego sa matandang babae na nagpupunas ng center table.
"Nasa kusina, Señor. Magandang hapon po, Señorita," ngiting bati nito na sinuklian din ni Alexa ng kaparehas.
"Kilala kaya nila ako?"
"Siyempre, mahal ko. Inaasahan nila ang pagdating mo." Pigil ni Alexa ang mapangiti sa endearment na ginamit ng lalaki.
Kumaliwa sila ng ikot at saka bumaba sa dalawang baitang na hagdan bago narating ang kusina. Katamtaman lamang ang sukat niyon kumpara sa malawak na kusina ng Monserrat. Sa gitna ay ang rectangle na lamesa kung saan magkatabing magkaupo ang may katandaang pareha. Sa hinuha ni Alexa ay magkalapit lang ng edad si Don Pablo at ang mga ito.
"Mama, Papa, narito na ang matagal na ninyong hinihintay."
"Alessandra, hija! Bienvenida e nues casa." Mahigpit na yakap ang sinalubong ng ginang. Nakangiti namang bumati ang lalaki na katabi nito. "Ang aking pangalan ay Socorro at ang katabi ko naman ay ang aking asawa, si Ricardo." Socorro had a Latina features dahil sa kayumanggi nitong balat at matangos na ilong however she looked smaller than those foreigner beauties. Bagay sa maliit nitong mukha ang bob cut na buhok. She's emitting an ideal wife and mother vibe in her mint green terno skirt.
"Magandang hapon po, kumusta po kayo?" Hindi makapaniwala si Alexa sa pagtanggap ng mga Velez sa kanya. Namasa tuloy ang mga mata niya sa overwhelming na ginhawa mula sa kabang dinanas niya kanina.
"Masaya kami at nakarating ka rito nang maayos, hija," ang ginoo. Ricardo felt more daddy-like kung ikumpara kay Don Pablo. Nakababa ang mga kilay nito at softer ang features. Matangkad, nakasuot ito ng longsleeves white polo shirt at pinaresan ng grey trousers. Ngayon ay masasabi niyang minana ni Diego ang halos perpekto nitong hitsura sa mag-asawa.
"Hali kayo at mag-merienda, nabanggit ni Diego na paborito mo ang mga ito, nagluto ulit ako ng suman at gumawa ako ng tsokolate."
"Naku, nag-abala pa po kayo, ma'am."
Nasupresa ang ginang sa sinabi niya at saka ngumiti. "Mama."
"Huh?" natigilan si Alexa sa pagtatama nito. Nagtatanong ang mga tinging lumingon kay Diego.
"Alam namin na wagas na pagmamahalan ninyo ng anak namin, Alessandra. At ipinangako namin sa kanya na kung sinuman ang ihaharap niya sa amin ay ituturing na naming anak." Muli ay nag-init nang lubos ang mukha ni Alessandra. Sa hiya ay kinurot niya ang tagiliran ni Diego na ikinangisi naman nang huli.
Sa maikling panahon na pagbisita ni Alexa sa bahay ng mga Velez ay naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito. Hindi niya ramdam ang matinding hidwaan ng dalawang pamilya, hindi rin nabanggit iyon sa gitna ng pag-uusap nila.
"Hija." Ginagap ni Socorro ang kamay niya at kagaya ng anak nito ay ramdam din niya ang init ng mga palad ng babae. "Naniniwala ako sa pag-iibigan ninyo ni Diego. Pinapanalangin naming mag-asawa ang matiwasay ninyong pagsasama. Tienes nuestra bendicion." Tahimik lang na nakikinig si Agusto katabi ang asawa.
"Salamat, po."
"Salamat, Mama," bigkas din ni Diego.
"Mag-iingat kayo sa biyahe, Diego."