Aira POV
"San kayo nanggaling?" Tanong ng isang baritonong boses na kaharap namin ngayon. Hindi naman siya nakakatakot pero ang kanyang tindig ang nakakapangilabot at ang kanyang mga titig saamin na animoy nagpapahiwatig na kami ang mga lapastangan na tumapak sa kanyang pagmamay-aring lupa.
"Sa tiyan ng nanay namin." Narinig kong bulong ni Mia kaya kaagad ko siyang siniko.
"Sa gubat kami nanggaling." Seryosong banggit ni Kyler.
Hindi naman kumibo ang lalaking sa harap namin at tiningnan kami isa isa. Mukhang nangingilatis.
"Kalagan ang mga 'yan." Utos nito.
"Subukan niyong tumakas at merong sasabog na utak dito." Sabi nitong kumakalag saakin.
"Tingnan ang mga batang 'yan kung may ibubuga."
Anong ibig niyang sabihin?
Kinaladkad uli kami ng mga lalaking ito at this time patungo na kami sa mga kumpol ng tao kanina. Meron pa nga kaming nadaanang lalaking puno ng pasa sa buong katawan at taong walang buhay habang binubuhat. .
Shocks, anong lugar ba 'tong pinasok namin?
Maingay parin sa buong lugar. Hindi ako nagkakamaling may laban na nagaganap sa lugar na ito. Puro hiyawan ang maririnig.
Teka? Hindi ba sila sinasalakay ng mga infected dito dahil sa ingay nilang 'yan?!
Napabaling ang tingin ko sa lalaking nagdala saamin dito na ngayon ay may kausap. Nakita kong sinulyapan niya kami at may ibinulong sa isa pang lalaki.
Napapatingin din saamin ang ibang naroon.
Napakunot ang noo ko nang mabasa sa kanilang mukha ang awa? Pagkadismaya at mga panghusga? Anyare?
"Naku! Siguradong mamatay lang ang mga iyan dito."
"Tingnan mo nga sila! Mga mahihina."
"Hay naku, kaawa-awang mga bata."
"Pst, may mga bagong salta."
Narinig naming sabi ng iilan.
"Ano bang problema nila?" Tanong ng katabi ko.
"Malay."
Lumapit saamin ang lalaking binulungan at inutusang pumasok sa loob ng para bang arena nila?
"Bakit naman kami papasok aber?!"
Mataray na tanong ni Mia.
"Dahil iniutos ko!" Sabi nito at inihila ang buhok naming dalawa papasok sa lugar.
"Aray! Ano ba!" Sigaw ko.
"Bitawan niyo nga kami!" Sigaw din ng mga kasama namin at napagtanto ko na nasa loob na pala kami. Naka lock na ang pinto at pinalilibutan kami ng mga tao. Napadako ang tingin ko sa pitong taong kaharap namin ngayon na naka ngisi. Psh. Mga adik. Unfair naman ata! Dalawang babae ang meron sa kanila at limang lalaki tapos kami apat na babae at tatlong lalaki?! Wow ha!
"Booo!"
"Weak!!"
"Hahahaha.!"
"Talunin niyo ang mga batang 'yan!"
Sigaw ng mga naroon. Napakuyom nalang ako ng kamao ko.
Ayaw ko sa lahat na tinatawag akong mahina.
"Mukhang mapapadali lang naman ang laban natin ngayon, hahahaha.!
"Sinabi mo pa, mga mukhang walang laban eh. Pwee!"
Sabi ng kabilang grupo.
Tiningnan ko sila ng masama.
"Ang taas naman yata ang tingin mo sa sarili mo." Tanong ko.
"Aba, matapang, gusto ko 'yan." Sabi ng nasa gitna nila sabay ngisi.
Ewww. Parang asong ulol!
Mga gwapo sana kaso mukhang adik, pati nadin ang dalawang babae mukhang mga pok²!
"Tama na ang satsat!" Biglang sigaw ni Kyler.
"Oh, bata masyado ka namang mainit." Sabi ng isa.
"Fighy! Fight Fight Fight!"
Narinig kong sigaw ng mga tao.
Laban pala ah.
Third Person's POV
Naunang sumugod ang kabilang grupo. Tig-isa sila ng kanilang makakalaban.
"Pag natalo ka, akin ka." Sabi ng kalaban ni Mia.
"Yuck! Mukha mo!" Sabi nito at sinapak ng ubod ng lakas ang lalaki dahilan upang mapatabingi ang ulo nito. Gumanti naman ng suntok ang lalaki ngunit naunahan siya ng sipa ni Mia sa kanyang Tiyan.
Si Abe naman ay kasalukuyang tumatakbo at hinahabol naman ito ng babaeng kalaban niya.
"Hoy! Tumigil ka na at pagod na ako!" Sigaw ng babaeng kalaban ni Abe.
"Ay pagod ka na? Sige habulin mo pa ako!" Saad ni Abegail at tumakbo. Isa itong stratehiya ni Abegail upang mapagod ang kanyang kalaban habang siya naman ay nagpaplano kung anong klaseng suntok ang igagawad niya sa babaeng ito.
"You b1tch!" Sigaw ng kalaban ni Christine habang silang dalawa ay nagsasabunutan. Dakilang war freak itong si Christine sa dati niyang paaralan kaya kering keri niya ang mga ganitong cat fight at idagdag mo pa ang mga bagong stratehiyang itinuro sa kanila ni Michelle.
"Yeah! I'm a b1tch!" Sigaw ni Christine at nagkaroon siya ng tyempong tadyakan ito sa sikmura at tuhurin ito sa kanyang mukha.
"Kaya pa pre?" Saad ni Vans habang pinauulanan ng suntok ang kanyang kalaban, ngunit nakabawi ang kanyang kalaban at siya naman ngayon ang pinagsusuntok kaya pareho na silang bugbog sarado.
Sipa doon, tadyak dito, sapak doon at suntok dito. Ilan lang 'yan ang ginagawa ng dalawang magkakaibigan na sina Lee at Kyler. Sanay na ang mga ito sa pakikipaglaban dahil isa si Kyler sa tinaguriang Bad boy sa kanilang dating paaralan at siya rin ay sikat sa kanyang paaralan na basagulero. Bukod sa addict sa computer si Lee partner in crime rin silang dalawa ni Kyler, ibig sabihin kung nakikipag-away si Kyler siyempre hindi rin mawawala iyang si Lee. Kaya hindi sila mededehado sa kanilang kalaban.
"Oh ano? Kaya pa babae?" Nakangising tanong ng lalaki kay Aira. May pasa si Aira sa mukha pero gayundin din ang lalaki. Inaamin ni Aira na mukhang madedehado siya dito dahil bukod sa malaki ang katawan, magaling din ito sa pakikipaglaban at isa pa, isa itong lalaki.
Tiningnan na lamang ito ni Aira.
"Ang hina mo naman." Sabat ng lalaki na nag painit ng ulo kay Aira.
Nagulat na lamang ang lalaki ng nasa harapan na nito si Aira at sinalubong siya ng napakalas na suntok na nakapagpadugo sa kanyang bibig.
Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit hindi na ito natuloy dahil sa round kick na binigay ni Aira dahilan upang mapahiga ang lalaki. Tatadyak sana si Aira ngunit nahuli ng lalaki ang kanyang paa at siya ay napahiga.
Inangkla ng lalaki ang kanyang malalaking braso sa leeg ni Aira dahilan upang mahirapan itong huminga. Pilit na kumakawala ni Aira ngunit napakalakas ng lalaki.
Natapos na ang pakikipaglaban ng kanyang ibang kaibigan ngunit siya ay patuloy parin sa pakikipaglaban.
"Kakayanin ba 'yan ni Aira?" Nag-aalalang tanong ni Abe.
Nakakuyom din ang kamao ng isa sa kanilang kasama dahil gusto nitong tulungan si Aira ngunit pinagbawalan sila.
Kaninang maingay na paligid ngayon ay napakatahimik na at iniisip ang susunod na mangyayari sa labanan. Hindi sila masisi dahil ang kalaban ngayon ni Aira ay isa sa pinakamalakas sa buong lugar. Laking gulat nga nila ng mapabagsak nito ang kanyang grupo ng mga pipityugin at baguhang mga bata.
Sinabuyan ni Aira ng lupa ang lalaki dahilan upang lumuwang ang pagkakasakal sa kanya ng lalaki. Siniko ni Aira ang dibdib nito dahilan upang mapaubo ito. Ngunit hinablot nito ang buhok na Aira na naging dahilan upang mapapikit siya sa sobrang sakit. Umikot si Aira upang pilipitin ang kamay ng lalaki dahilan upang mabitawan nito ang buhok ni Aira at mapaluhod sa lupa. Hindi na nag aksaya ng panahon si Aira at tinuhod ito sa mukha kasabay non ang paghampas nito sa batok dahilan upang mapasubsob ito sa lupa na walang malay.
Napaupo rin si Aira dahil sa pagod na kanyang naramdaman. Agad naman siyang dinaluhan ng kasama niyang babae at iginaya palabas ng Fighting Arena nila kung tawagin.