webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Dead 20 (Part 1)

Mia POV

"Mia! Gumising ka na please! Nilalamok na kami dito!"

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng paligid at lapastangang yumuyogyog saakin.

"Ano ba!" Singhal ko sa kanya at nagpatuloy sa pagtulog ko! Grrr. Inaantok pa ako!

"Mia!!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon at masamang tiningnan ang mga tao dito. Teka?

"Ba't nasa Gubat tayo?!" Tanong ko.

Ano ba ang nangyari?

Inisip ko kung ano ang nangyari.

O_O

Yung truck!

Yung pagsabog!

Hala!

"Patay na ba ako!!????"

"Gaga! Tumahimik ka nga diyan!" Sermon saakin ni Christine. Nang mapagtanto ko na buhay pa ako....

"OWEMG! Ligtas kayo!!!!!" Sigaw ko at yinakap sina Abe.

"Waaa! Ate! Di ako makahinga!"

Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin kay Aira sa gilid. Seryosong seryoso ito at nakatingin sa malayo.

"Teka nga, paano kayo nakaligtas don sa pagsabog at paano niyo kami nakuha sa kanila?" Takang tanong ko.

"Ganito 'yun ate. Noong umalis kayo tsaka naman lumabas sina Kyler. Kinalagan kami and then poof bago pa man ang pagsabog nakapagtago na kami sa training ground!" Pag kukwento saakin ni Abe.

"Owkay, kung gayon asan ang iba? Sina Tita Chelle?"

"Ayun nag paiwan kasama ang apat na boys dahil meron silang aasikasuhin"

"Apat?"

"Oo, sina Ace, Xander, Wendel at Rico." Pagpapaliwanag niya.

"Ah kaya pala."

Kaya pala wala sila dito.

"Magmadali kayo at hanapin niyo sila.!"

"Let's go Guys, we need to move." Sabi ni Kyler.

Nagmadali kami sa pagtakbo at baka mahuli kami. Takbo doon, iwas sa mga puno at kung ano-ano pang pagtalon ang ginawa namin buti nalang maliwanag ang sinag ng buwan pero nakakatakot pari---

"Ahhhhh!"sigaw namin ng biglang umangat ang katawan ko.

"Shit! May trap!" Nakita ko sina Abe. Nasa loob ng isang net at nakabitin sa taas.

Si Aira naman ag  katabi kong  nakabitin patiwarik!•﹏•

Feeling ko lahat ng dugo ko ay bumaba sa ulo ko!

"Arrrghhhh!"

Ang mga lalaki naman ay nakadapa dahil sa ugat na nakatali sa kanila.

"Tsk, tsk, tsk. Pag sinuswerte ka nga naman oh." Napabaling ang atensiyon namin sa isang grupong palapit saamin.

"Sino kayo! Pakawalan niyo kami!" Sigaw ko.

"Tumahimik ka babae."

Sabi ng isa sa kanila.

Ang creepy nila! May mga baril at palakol silang lahat. OMG!!

"Aira! Na wrong turn tayo!!!!" Tili niya.

"Tumahimik ka nga Aira!!" Sigaw ni ko sa kanya kung ano-anong mga kalokohan ang naiisip nito. Baliktad na talaga ang utak neto eh.

"Anong kailangan niyo?" Seryosong tanong ni Kyler.

"Wala naman, akala namin mga halimaw na ang nahuli naman. Hindi pala. Tsk."

"Oh yun naman pala eh! Pakawalan niyo na kami!" Sigaw ni Aira.

"Mia! Baka repin tayo." Biglang bulong ni Aira. Gaga ba 'to! Yuck!

Nanlaki mata namin ng biglang hinagisan kami ng palakol ng isa!

"Ahhhhhh!!!!"

Napadaing nalang kami ng bigla kaming nahulog sa lupa!

Napalunok nalang ako ng unti-unting lumalapit ang isang kasamahan nito saamin.

"Wag kang lalapit!" Sigaw ni Aira.

"Wag kang lalapit sa kanila!!!" Sigaw nina Lee.

"Wow! Hahaha. Nagmamatapa---arghh." Daing nito ng sipain siya ni Aira sa Tuhod.

Tangene! Mukhang mga ex convict ang mga 'to.

"Arrgghhhhh. Peste kang babae k--." Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya ng sinapak siya ni Aira. Kasabay 'nun ang pagsuntok nito sa kanyang mukha. Ngunit nakabawi ang lalaki at sinikmuraan nito si Aira. Napangiwi ako.

"Aira!" Akma akong tutulong sa kanya ngunit may hunawak sa balikat ko.

"Wag kang makiala--." Hindi nito natuloy ang kanyang sasabihin ng sikuhan ko ito sa mukha. Napahawak naman ito sa dumudugong ilong niya.

"Bwiset ka!" Hahampasin sana niya ako ng kahoy pero napigilan ko ang kanyang kamay. Saktong pagtingin ko sa kinaroroonan ni Aira ay ang paghampas nito sa kanya ng kahoy dahilan upang bumagsak ito sa lupa.

Hindi rin natuloy ang pagsigaw ko ng may maramdaman akong malakas na bagay na humampas sa likuran ko.

"Aira!/Mia!"

Kasabay nun ang unti-unti kong pagbagsak sa lupa.

Pesteng mga hinayupak.

                           ✖✖✖✖

Kanina pa ako gising at nakabusangot ang mukha ko habang nakaharap sa mga kasama ko habang nakagapos ang mga kamay namin.

Ganun na ba sila katakot saamin at itinali pa kami?!

"So, san naman tayo napadpad ngayon?!" Mataray na tanong ko.

Inilibot ko ang paningin ko. Andito kaming lahat sa isang puno at nakagapos. Tig dalawa kaming nakagapos sa isang puno at si Lee pa ang kasama ko. -___-.

Hindi namin alam kung nasaan kami pero sigurado akong nasa gitna kami ng gubat kasama ang mga ex convict na 'yon!

Nakarinig naman kami ng mga ingay sa di kalayuan. Parang may sabong eh?

"Guys, mukhang may nangyayaring labanan doon, tara puntahan natin!"

Ang sarap talagang tadyakan 'tong lalaking 'to!

"Tanga ka ba? Sige pumunta ka doon dalhin mo ang puno!" Sigaw ko sa kanya.

"Aray naman, nakakahurt ka na ah!" Sigaw nito at umaarteng umiiyak.

"Bakla!" Singhal ko sa kanya.

"Halikan kita diyan eh!" Banat naman neto. -___-

"Subukan mo at itong kamao ko ang matitikman mo!"

"Brutal!"

"Psh."

"Dalhin ang mga 'yan kay boss." Sabi ng isa sa mga parating.

"San niyo kami dadalhin!" Sigaw ng asungot sa likod ko.

"Sa boss nga diba?!" Sigaw ko.

Kinalagan nito kami at kinaladkad papunta sa isang lugar.

"Aray naman! Wag mo namang kaming kaldkarin!" Reklamo ni Abe.

Hindi ba sila naawa sa maliit na nilalang na iyan? Psh.

"Ano bang kailangan niyo saamin?!" Sigaw ni Aira. Nabebeastmode na ata siya.

"Tumahimik ka diyan at sumunod ka nalang." Sabi nito. Aira just gave him  death glare. Kung may nakakamatay  lang itong mga tiitig ni  Aira kanina pa naka bulagta ang mga lalaking 'to.

Feeling naman nila ang gwapo gwapo eh mukha ngang mga nakahithit na kwago eh. *rolled eyes*

Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa nila saamin kanina! Lalong lalo na itong likod ko at hanggang ngayon ay sumasakit parin. Pag ako nakawala dito. Lalaslasin ko mga leeg nila at ipapakain sa mga zombie na mga kamag-anak nila o di kaya naman ay ako na mismo ang cho-chop chop sa kanila at ilalaga at iseserve sa  mga kasamahan nila.

"Anong binubulong mo diyan?!" Tanong ng lalaking hawak hawak ako.

"Wala! Hindi ako nainform na chismoso ka pala!"

Hindi na niya ako pinansin. Buti naman.

Patungo kami ngayon sa mga taong nagsisigawan ngunit lumihis kami ng direksiyon, tsk sayang!

"Hala sige pasok!" Sabi nito at tinapon kami sa loob ng isang tent.

"Boss, ito na ang mga bagong salta."

Bagong salta? Halerr?! Tadyakan ko kayo eh.