webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 14 (Part 2)

Chapter ¹⁴

Mia POV

Walang katapusang paglalakad.  -___-

Naglakad kahapon, naglakad kanina at naglalakad ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pasimple kong tiningnan si Kiera na walang imik.

Sa katunayan lahat kami ay walang imik.

Kru~~ kru~

"Uy! Kanino yun? Hahahaha!" Biglang pagbasag sa katahimkan ni Lee.

Nagkatinginan kaming lahat at napatingin kay Tyler.

"Hehehe. Akin po 'yun. Nagugutom na kasi ako eh." Sabi nito at ngumiwi.

"Baka malapit naman na yung siyudad dito. May mga kunting bahay na doon oh!" Biglang singit ni Christine sa Usapan. Buhay pa pala to? Hahaha. Joke lang!

"At guys, kelangan na nating magpalit ng damit. Ilang araw na tayong di naligo at nagbihis amoy zombie na tayo!" Suhestiyon ni Abe.

"Ayaw niyo pa 'nun? Para 'di tayo atakihin ng zombie? Hahaha." Napafacepalm nalang kami dahil sa kabalastugan ni Vans.

"Hindi man tayo mamamatay sa zombies! Mamatay naman kami sa Amoy Mo!" Pagdidiin ni Christine. Napailing nalang ako. Mukhang alam ba kung saan pupunta 'to tsk.

"Wow, hiyang-hiya! Nahiya naman yung amoy ko sa amoy mo!"

"Aba't! Asdfghjkll"

Binaling ko nalang ang atensiyon ko kay Keira at sinabayan siya sa paglalakad.

"Hmm. Keira salamat uli kanina." Saad ko.  Matagal pa bago siya magsalita.

"Walang anuman."

Bahagya akong napatigil ng marinig ko ang kanyang boses. Kunot noo akong napailing at iwinaksi nalang ito sa aking isipan.

"Imposible." Bulong ko at hinabol sila sa paglalakad.

"May God! Mall nanaman?! Jusko!"

"Muling ibalik ang~~"

"Shut up guys." Walang gana 'kong pagpapatigil sa kanila.

"Parang back to basic nanaman tayo mga dre."

"Anong magagawa natin eh ito na yung kapalaran natin. Hahaha."

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Tahimik naming minatyagan ang buong lugar at nakahanda sa nakaambang panganib. 

Hindi naman humiwalay samin si Keira. Katunayan nga napag-usapan namin kanina na pwede silang sumabay saamin kasi napakadelikado para sa kanila lalo pa na dalawa lang sila at bata pa ang isa. Haist.

"Guys madilim sa loob." Bulong ni Lee ng nasa entrance na kami ng Mall.

"Malamang madilim, eh anong inaasahan mo? Maliwanag diyan sa loob?" Bara sa kanya ni Ace.

"Buti nga tsk"

Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at agad na pumasok doon.

"Guys hindi pa ba expired ang mga pagkain dito?"

"Hindi pa naman siguro, may mga pagkain namang ilang taon pa ang expiration date eh."

"Kung sa bagay, okay lang naman mamatay dahil sa lason huwag lang mamatay at maging zombie."

"Ate salamat pala ha." Napatingin ako kay Tyler.

"Para saan naman?" Saad ko at binaling muli ang mga mata ko sa harapan.

"Dahil sinama niyo kami. Hehe."

"Sus yun lang pala. Wala namang problema eh." Saad ko at ginulo na lamang ang buhok niya. Ngumiti naman ito at pumunta kay Kiera.

Tiningnan ko lang ito saglit at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinakailangan naming talasan ang pandinig namin dahil masyadong madilim ngayon dito.

Mabahong amoy kaagad ang sumalubong saamin ngunit walang  nagsalita. Immune na siguro kami hahaha.

"Okay, kung gusto niyong maghiwalay bahala kayo, kaya niyo naman yung sarili  niyo. But make sure walang tatagal. Dito sa spot na'to tayo magkita." Saad ni Kyler.

"Yezzz zer!"

"Geh! Ingat guys."

Hindi ako sumama sa kanila at napagpasyahan nalang na sundan si Kiera.

Umakyat siya sa Second Floor kaya doon din ako pumunta. Hindi ako nagpahalata sa pagsunod sa kanya. Malayo naman ako sa kanya at wala akong ingay na ginagawa pero nagkakamali ata ako.

"Ba't di ka sumama sa kanila?" Tanong nito at nagpatuloy parin sa paglalakad. Mahina lang ang boses niya mgunit sakto lang ito para marinig ko.

"Ang talas pala ng pandama mo. Nice." Pag-iiba ko ng usapan. 

Wala parin siyang imik hanggang dumating kami sa bilihan ng mga damit.

Oo nga noh? Kailangan din naming magpalit.

"Bakit nga pala may takip 'yang mukha mo?" Tanong ko.

"Ba't mo natanong?" Malamig na tugon nito.

"Di ka ba nahihirapan?"

"Hindi."

"Ah, kung ganun kailangan mo na sigurong palitan 'yan." Saad ko sabay kuha ng itim na tela na pwede niyang ipalit doon.

"Eto oh." Saad ko at agad na hinagis sa kanya at mabilid naman niya itong nasalo . Sinipat niya muna ito at tumingin saakin.

"Thanks"

Saad niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napagpasyahan ko nalang na tumingin sa mga damit at pumili ng aking maisusuot.

Naging alerto naman ako ako dahil sa isang malakas na kalabog kung saan pumunta si Kiera. Nagmadali akong tumungo doon.

"Keira!" Sigaw ko ng madatnan ko siyang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

"Oh my God! Keira! What happened!" Natataranta kong sambit.

Anong nangyayari sa kanya?! Namimilipit ito sa sahig habang hawak hawak ang kanyang ulo.

Hindi ko maiwasang mataranta. Kukunin ko na sana ang takip sa kanyang mukha ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"H-huwag." Hinang-hina niyang tugon. Ilang minuto na ang lumipas ng siya ay huminahon.

"Ano?! O-okay ka na ba?" Tanong ko.

Napabuntong hininga naman ito at tumango.

"Gosh! Kinabahan ako sayo ah! Para ka nang malalagutan ng hininga!" Saad ko.

"Tara na, baka naghihintay na sila." Saad nito na para bang walang nangyari sa kanya at nagderetso nalang sa paglalakad. Ibang klase tsk.

Sumunod naman ako sa kanya ngunit napatigil ako ng may maramdaman akong kakaiba.

Binalewala ko nalang ito ngunit naka alerto naman ako sa kung ano man ang panganib na kakaharapin naming lahat ngunit sa kabila nito wala akong maramdamang kaba, takot at pangamba. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ay nakaramdam ako ng panatag.

"Ayan na pala si Mia!" Baling saakin ng mga kasamahan ko.

"Kumpleto na ba lahat?" Pagtatanong ni Kyler.

"Kumpleto na!" Masayang wika ni Lee.

Kinuha na namin ang aming mga gamit. 

"Pumunta na tayo ng Parking lot. Baka may sasakyan pa doon na

pwede pa nating magamit. "

Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Kyler. Tahimik kaming naglalakad papuntang ground floor  nitong mall na ito.  Napatigil kami dahil kung madlim sa itaas mas madilim pa dito.

"G-guys, may flash light ba kayo diyan?"

"Saan na kayo?"

"Gosh! Parang nakapikit na ako " 

Halos mapaigtad naman ako sa kagagawan nitong si Vans.  Ilagay ba naman yunh flashlight sa muka!

"Aray naman! Masakit yun ah!" Daing naman nito ng batukan ko siya.

"Sige ulitin mo pa 'yan at hindi lang 'yan ang aabutin mo!" Singhal ko sa kanya. 

Binigyan naman kami nito ng tig isang flashlight ng may mapansin akong kulang.

"Where's Kiera?" Napabaling ang tingin namin kay Christine.

"Si Tyler din." Saad naman ni Lee.

"Nandito lang sila kanina habang papasok tayo eh." Sabi ko

Ngunit napatigil kaming lahat dahil sa isang malakas na sigaw na nag-eecho sa buong parking lot.

"Tyler." Sabay sabay naming banggit.

Done