webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Dead 13 (Part 2)

Chapter ¹³

Mia POV

Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar.

We have no choice kaya ginamit na namin ang aming baril para maprotektahan ang sarili sa isang batalyong zombie na papalapit saamin.

"Naku naman, kumalat nanaman ang virus oh!"

Yes, ang mga zombie ngayon ay ang mga tao sa lugar na pinanggalingan namin. Nakagat sila ng mga zombie na nakawala.

"Kung hindi naman sila baliw at nag-alaga ng mga zombie. Jusko!"

Takbo lang kami ng takbo at hihinto  para umasinta.

Inasinta ko ang huling zombie na papalapit saakin.

"Sapol!" Sigaw ko.

"Tara na guy--" Napahinto ako sa pagsasalita ng hindi sila gumalaw sa kanilang kinatatayuan.

"My God!"

"Takbo!!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng napagtanto ko kung ano ang   nasa harapan namin. Naramdaman ko nalang ang biglaang paghila nila sa kamay ko.

There was-there was a group of huge zombie-no it was a MONSTER!

Zombie rin silang maihahalintulad ngunit doble ito sa laki. Malalaki ang mga braso at sa tingin ko kaya ka nilang pagpipirasuhin. Gosh! We didn't expect na magkakaroon nito!

Napasigaw nalang kaming lahat ng bigla silang tumakbo.

Putcha! Agad kong kinasa ang baril  at pinagbabaril sila.

"Hindi sila matablan ng bala!"

Jeez! Kailangan ko na talagang gawin 'to.

Kinuha 'ko ang katana na nakasabit sa likod ko. Napapikit ako at hinanda ko ang sarili kong umatake.

"Mia!!" Narinig kong pagtawag sila saakin.

Itinagilid ko ang buo kong katawan ng  akma nito akong sakmalin. Hinawakan ko ng mahigpit ang katana ko at agad siyang sinaksak sa tiyan but it was no use. Napaatras ako ng bahagya ng matabig ako nito.

Bahagya ko namang nakita ang mga kasamahan ko na inaatake din ng halimaw na'to.

Isang napakabilis na pangyayari. Bigla ko nalang naramdaman ang malakas na pagtilapon ko at ang pagsadsad ko sa lupa.

Napadaing nalang ako dahil sa hapdi na naramdaman ko.

Itinukod ko ang kamay ko sa lupa at dahan dahang tumayo.

"Mia! Tulungan mo 'ko dito!"

Peste talagang lalaking 'to. Arggh!

Agad kong kinuha ang tumilapon kong katana at nagmadali sa pag-atake sa halimaw na kaharap ko kanina na ngayon ay nilalabanan din ni Lee.

"Langya! Ang tibay ng isang 'to!"

Naiinis na talaga ako ha!

"Lee yuko!" Sigaw ko at bumwelo sa pagtakbo inapakan ko ang likod ni Lee at pilit kong tumalon ng mataas upang maabot ko ang ulo ng halimaw.

Agad namang tumalsik ang dugo nito ng maitarak ko ang katana sa ulo nito.

Bahagya naman akong napatalon ng maramdaman ko na babagsak na ito.

"Takte Mia! Ang sakit ng likod ko!"

Reklamo nito.

"Kasalanan ko bang hindi maayos pagkakayuko mo?!"

"Hindi mo naman kasi sinabi na sasampa ka sa likod ko!"

Napa roll eyes nalang ako. Tsk.

"Ano pa bang magagawa mo eh nangyari na!" Saad ko.

"Hoy kayong dalawa! Mamaya na yang bangayan niyo! Tumulong naman kayo dito!" Singhal ni Vans.

"Tsk"

Nakasimangot na pinuntahan ko sila at inatake ang isa sa mga halimaw.

"Puntiryahin niyo nga ang ulo! Jusmiyo!" Naiirita kong saad.

Kanina pa nila kinakalaban ito pero hindi manlang napatumba.

Hinanap ng mata ko si Kyler at aba nakatambay nanaman ito sa itaas ng puno at nakita ko nalang na napatumba na niya ang isa. Tsk. Ibang klase. 

Dalawa nalang ang natita at worsg yung pinaka malaki pa.

Shit! Nakaramdam na ako ng pagod.

Palagi nalang akong nalaramdam ng pagod kung sobra na ang lakas na pinapalabas ko. Kung dati ay hindi ako tinatablan, iba na ngayon. Simula noong nangyari dalawang taon na ang nakalipas ganito na ako. Mahina na ang katawan ko.

"Mia look out!"

Napabalik nalang ako sa wisyo ngunit huli na.

Hawak hawak na ako ng halimaw na ito.

"Gago ka! Bitawan mo ako!" Sigaw ko. Habang nilalambitin niya ako patiwarik. Jusko po! Katapusan ko na ata. Waaaaaa!!!!

Makikita ko na si Aira!!!

Napapikit na lang ako.

"Hintayin mo 'ko diyan Aira"

*bang*

*bang*

Bigla akong napamulat ng mata at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa lupa at ang pagsakit ng buo kong katawan. Agad naman akong gumulong pakanan ng akma akong dadaganan nito.

Unti-unti kong minulat ang aking mata at may naaninag akong bulto ng isang tao. Napapikit ako ng mariin upang makilala kung sino ito.

Isang babaeng may tabing ang mukha habang hawak hawak ang malaking shot gun.

"Tha't Girl."

"Mia! Okay ka lang!"

Tanong ni Abe at naramdaman ko nalang ang pagpapatayo nila saakin.

"Yeah." Sagot ko nalang at hinarap ang babae.

"Auh, thanks!" Sabi ko at tumango nalang ito.

"Kuya Kyler!"

Napatingin kaming lahat sa isang bata na kasama nitong babaeng 'to.

Yinakap nito si Kyler.

"Kasama mo pala sila Kuya?" Tanong nung bata.

Ngumiti naman si Kyler at ginulo ang bata.

"Oo, mga kaibigan ko sila." Sagot naman nito at isa-isa kaming pinakilala at sinabi naman ni Kyler kung pano sila nagkakilala ni Tyler. Sila pala yung tinutulungan ni Kyler sa labas ng safe zone. Mahirap naman kasing magpapasok ng mga survivors sa safe zone lalo pa na matagal na sila sa labas.

"Nga pala mga ate at kuya, ayun pala si Ate Kiera." Turo nito sa babae kanina na nakaupo malayo saamin.

"Ganun ba talaga 'yun Tyler? Tahimik?" Curious na tanong ni Lee.

"Ah opo, misan lang si Ate Keira magsalita eh."

"Tsaka bakit may takip yung mukha niya?" Tanong naman ni Abe.

Oo nga no. Ni hindi niya manlang tinanggal.

"Sa pagkaala-la ko, may malaki siyang peklat sa kanang bahagi ng mukha kaya ganyan." Saas nalang ito.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Keira. I felt something strange towards her and I don't know why I'm feeling like this. Iwinaksi ko nalang ito sa aking isipan at bumaling nalang sa bata.

"Matanong ko nga Tyler, bakit kayo nandito? Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa katunayan nga po naliligawa din kami eh." Sagot nito sabay kamot sa ulo.

"Teka nga, san ba kayo galing at anong ginagawa niyo dito?" Biglang tanong ni Kyler.

"Eh, sumama po kasi ako kay Ate Keira kahit na ayaw niya po akong sumama kasi delikado daw tapos ayun po nahuli po kami ng mga masasamang tao at dinala sa kampo nila at ginawang construction worker pero nakatakas po kami dahil sa gulong nangyari sa kagubatan." Mahabang paliwanag niya.

"Kaya ayun po, hindi na namin alam ang pabalik pauwi." Dugtong nito.

"So ibigsabihin pareho lang tayo?" Tanong ni  Ace.

"Parang ganun na nga po."

"Jusmiyo!"

"Akala namin alam niyo ang daan pabalik hahaha."

"Pareho lang pala tayong nawawala eh."

Segunda naman ng mga kasama ko.

Tsk. Mukhang matagal tagal din ang lalakbayin namin ah. Good luck nalang. Haist!

Done