webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 12 (Part 2)

Chapter ¹²

Keira POV

"Ate, pagod na ako." Napatingin ako kay Tyler.

"Magpahinga na muna tayo." Saad ko at napaupo at napasandal sa isang puno.

"Buti nalang ate, hindi tayo nahuli kanina."

"Sino ba ang mga iyon?" Tanong ko.

"Taga safe zone sila ate pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dito sa labas mukhang nasa mahirap silang sitwasyon ngayong base rin sa kanilang maruming kasuotan at mukhang pagod na pagod sila. Siguro naligaw din sila katulad natin at may kutob din ako ate na nanggaling rin sila sa kampo kung saan tayo dinala ng mga masasamang tao."

Napabuntong hininga ako.

"Buti nalang ate hindi mo tinuluyan yung lalaki kanina." Sambit nito pero nanatili akong tahimik. Paano nga ba kami napunta ni Tyler sa ganitong sitwasyon?

Flashback...

"Ate! Saan ka pupunta?!" Napapikit ako ng mariin bago nilingon ang nagsalita.

"Huwag mo akong sundan Tyler." Sabu ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ate sama ako!!"

"Huwag kang sumama Tyler at umuwi ka na. Malayo na yung narating mo sa kakasunod saakin." Mahinahon na sambit ko.

"Saan ka ba kasi pupunta ate?" Pagtatanong niya uli.

Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh basta ang alam ko kailangan kong makalayo sa kanila dahil alam kong panganib ang dala ko sa kanila kung mananatili pa ako sa lugar nila.

"Huwag ka nang sumama, mapapahamak ka lang." Saad ko at tumalikod.

"Ate naman eh!"

Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang hikbi niya.

"I-kaw nalang nga 'yung kaibigan ko at ate ko. I-iwan mo pa ako?"

Napakagat labi ako ng marinig ko ang iyak niya.

Bakit ako nakaramdam ng ganito? Ganito ba ako?

Hahakbang uli sana ako ng maramdaman kong may yumakap saakin.

"Ateee! Dito ka kang please? *huk* 'wag mo 'kong iwan! O kung ayaw mo ate, sasama nalang ako sayo!" Saad nito.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panganib, panganin na nakaamba sa aming dalawa ni Tyler.

I can sense something na paparating sa direksiyon namin.

Agad kong tinago sa likod ko si Tyler ng may biglang tumutok na baril saamin.

"Sumama kayo kung ayaw niyong pasabugin ko ang ulo mo babae."

Saad nito saakin. Tinapunan ko lang ito ng blankong tingin.

"Ate, natatakot ako."

Hinawakan ko ng mabuti sa Tyler.

" Pa'no kung ayaw ko? "

Sabi ko at agad na pinalipit ang kamay nito at pinaputok ang baril sa mga kasama nito.

"Tyler! Magtago ka!" Sigaw ko at patuloy na lumalaban.

Hindi sila namatay dahil ang pinuntirya ko ay ang mga kamay nila para hindi sila makaha

Iniwasan ko ang nakaambang suntok mula sa likuran kung kaya't ang naging resulta nasuntok nito ang kanyang kasama na nasa harapan ko. 

Agad kong sinunggaban ng suntok ang lalaking papalapit saakin at sinikmuraan ito. Parang nabuhayan ang katawan ko. Pinatunog ko ang kamao ko at walang humpay na pinagsusuntok ang mga kalabang papalapit saakin. 

Susugod na sana ako ngunit napadaing ako ng biglang sumakit ang ulo ko.

Hindi ko na kinayang sangain ang sipang tatama saakin dahil sa panghihina.

Nahagip ng mata ko si Tyler na bitbit na ng isang lalaki at nagpupumiglas na nakatingin saakin.

Naramdaman ko nalang na kinaladkad na nila ako.

End of flashback....

Ilang araw na ang pananatili namin sa lugar kung saan ginawa nila kaming utusan. May kung ano-anong pinapagawa at inuutos.

Nagawa lang naming makatakas dahil sa kaguluhan at pagkasunog ng kakahuyan. 

Napagpasyahan namin ni Tyler na magpahinga muna ngunit hindi namin inaasahan na hanggang dito ay nasundan kami.

Takbo lang kami ng takbo ni Tyler hanggang sa makapasok nanaman kami sa loob ng isang gubat.

"Tyler mauna ka na! Susunod ako. Hahanapin kita. Dumeretso ka lang. Hahanapin kita Tyler. Naiintindihan mo? Hanggat maari mag-iwan ka ng bakas." Saad ko  habang hawak hawak ko siya sa mukha.

Tango lang ang ibinigay niya saakin at nagmadali sa pagtakbo.

Agad akong tumakbo sa kabilang direksiyon ng makita ko ang mga kalalakihang nakasunod saamin.

I simply dodge ang palakol na tatama sana saakin.

Papatayin na talaga nila ako ah. 

"Bumalik ka dito!"

"Ano ako tanga para bumalik?"

Saad ko sa aking isipan at kinuha ang palakol na nakabaon at hinagis  sa lalaking palapit saakin kaya ayun nasapol sa mukha.

Pasalamat siya at hindi yung matulis na bahagi ang tumama sa kanya.

Takbo ako ng takbo at habol ng habok naman ang isang 'to. Tsk.

Huminto ako at hinarap ang lalaking na ngayon ay hingal na hingal na.

"Pinahirapan mo akong babae ka!" Saad nito at bigla akong sinugod.

Sinangga ko ang kamao nito at pinalipit sa likod niya dahilan para sumigaw siya sa sakit. Sinipa ko ito sa sikmura ng hindi parin siya binibitawan.

Napatigil naman ako saglit ng may maramdamang preseniya sa malapit. Nilingon ko ang bahagi na iyon ng kakahuyan at hindi nga ako nagkamali. Bago pa man lumabas ang taong iyon ay agad kong tinapos ang aking laban at nagmadali sa pag-alis.

Tinahak ko muli ang daanan kung saan kaming huling dumaan ni Tyler.

Tuwid na tinahak ko ang daanan at nakalabas na ako ng kakahuyan.

Nagmasid ako sa paligid at may naaninag akong bulto ng tao sa may gasoline station sa di kalayuan. Napagtanto ko na si Tyler ito ng lumundag ito at kumaway ng kumaway. Napangiti na lang ako at tinakbo ang lugar.

"Ate! Pasok tayo sa loob baka may mapakinabangan tayo!" Bungad niya saakin ng makalapit ako sa kanya. Pumasok kami sa convinience store at naghanap ng mapapakinabangan namin.

Napasilip ako sa maliit na siwang ng bintana ng makarinig ako ng ingay sa labas.

"May paparating." Bulong ko.

"Ano yun ate?"

"Magtago ka muna Kyler." Saad ko at hindi naman siya nagtanong na sinunod ang utos ko.

Nagtago ako sa isang shelf dito at minatyagan sila.

"Oh, ano na? Maghanap na kayo ng makakain niyo! Kung may makita pa kayo!"

"Pwede naman siguro kahit expired diba?"

"Tangek ka kahit talaga lee!"

"Sige subukan mong kumain! Tsk!"

Napalipat ako ng pwesto ng papunta sa direksiyon ko ang isang lalaki. Kinuha ko kaagad ang patalim na nakita ko at sinunggaban ang lalaking ito.

"W-wait!" Saad nito habang nag pupumiglas.

"Shit! Bitawan mo siya!" Sigaw ng kanyang kasama.

"Who are you?" Malamig na tugon ko sa kanila.

"Kami ang dapat mag tanong niyan sayo Miss." Kalmadong sambit ng lalaki habang nakatutok ang baril saakin.

Napasingkit ako ng mata ng iba ang nararamdaman ko sa mga taong 'to.

"Put your weapons down and I let your friend go." Walang emosyon kong tugon.

Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sa mga 'to?

Niluwagan ko ang pagkakasaka sa lalaki dahil unti unti na rin nilang binababa ang kanilang armas.

Naalerto naman ako ng may biglang kumalabog sa likuran ko.

"Ate Keira tara na!"

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nagmadali sa pagtakas.

"Ate, anlalim naman ng iniisip mo."

Tipid na ngiti lang ang iginanti ko.

Kinuha ko ang shot gun na nasa tabi ko at pinunasan ito dahil sa alikabok na nakabalot dito.

"Ito lang ba ang nakuha mo Tyler?"

"Oo ate, tsaka yung mga pagkain doon expired na baka sunakit pa tiyan natin eh."

Napatango na lang ako.

Napantig naman ang tenga ko sa sunod sunod na pagputok ng baril 'di kalayuan sa pwesto namin.

"Ate! Ano yun?!"

Done