@ International_Pen
" Look Jian! Bumabawi ang big Bro natin." si Shin, nang ipakita niya ang dyaryo. Ngunit inis naman na pinalipad yun ni Jian.
" Tss... Determinadong maging Family Head." irap nito sa kapatid niyang nakangiti sa ibinalita.
"Wag niyong sasabihin na magpapatalo kayo kay Jeff. Alam niyo namanng nakabuntot sa kanya ang kamalasan." ang stepmom ko.
" Ma, reason why he won right now. Heto pala yung alas na tinatago ni Big Bro! Ang galing niyang magtago ah!."
" Ma! Bakit di niyo alam na ganoon na pala ang takbo ng buhay ni Jeff!." galit na diin ni Jean.
" Susmeyo Jian." Kinuha nito ang tsaa... humigop at mahinang iginiit na.... " Nagulat rin kami ng malaman namin sa kanya ang tungkol sa pamilyang itinago niya sa loob ng limang taon."
" Tss... at bukas pa talaga niyang gusto ipakilala sa lahat at sa araw pa ng kasal niya! Ma, di ba kayo nagtataka?!" si Jian... na ikinaismid ko na rin.
" You're father will know right away kung kalokohan lang ito ni Jian. Napakaseryoso niya ng sabihin niya to sa amin, a week ago. Then, he already hired an investigator para alamin nga kung totoo itong sinasabi ni Jeff... but jeff stop giving some details. Kaya bukas natin malalaman kung sino ba ang babaing ito."
" Hahhaha... Idol ko na talaga si Kuya Jeff pagdating sa mga strategy niya."
" Don't call him Kuya!"
" Brother ko siya sa Father Side natural lang Kuya Jian na tawagin ko siyang Kuya, diba?" pang aasar lalo ni Shin sa kapatid niya.
" Tsk. He's bastard!"
" Jian! He is the real and legitimate son of this family..."
Pag aalo ng kanilang ina sa kanilang dalawa. " Bakit? Wala ka na bang chance na mahigitan pa si Jeff."
" Yah Brother Jian. Kayo lang namang dalawa ang naghahabol... ahahahaha... ako ayoko. Ang gulo niyo kasi at bagyo kapag nakisawsaw pa ako."
" Maghahanap ako ng butas!"
Hinigop ko ang Tsaa ng matapos ko ang Video.
Sure, Jian... let's play all along.
But I guess... this is my winning move.
" Walang problema sa side ng Half Brother mong si Shin. Malaki lang talaga kay Jian at sa Step Mother mo."
" Ano pa ba ang aasahan mo sa di mo naman kadugo. That two are so wicked! Karapatan ko naman talaga sumunod na maging Family Head."
" Base sa kamalasan mo at negosyo mo ngayon Sir Jeff... nagdadalawang isip sila sa maaring magawa mo sa Yaman ng angkan ninyo. Pero, gumana talaga yung plano mo."
" Habulin man ako ng kamalasan, matalino parin ako."
" At mayabang... Ahahaha. Sir Jeff, patay ka kapag nalaman ng Elder na pinapaikot mo sila sa ginagawa mong kasunangalingan na ito."
" Malalaman din nila ang katotohanan... pagkatapos maging akin ang titulo, wala na silang magagawa."
" Kailangan mo parin mag ingat dude."
Nang may kumatok. Sumenyas sa akin si Jay kung bubuksan ba niya. Napatango na lamang ako. Tumayo siya at yung Butler ng pamamahay na ito.
" Master Jeff, nasa labas si Sir Carlos."
" Patuluyin ninyo ."
At muling sinarhan ni Jay.
" Nga pala I am done with your assignment. Nakakuha na ako ng dalawang bata with same age... saka they are great na umarte... lalo na after sumailalim sila sa masusinh workshop at training sa Entertainment industry mo Jeff."
" Good to know."
" Eh yung magiging asawa mo. Ay mali, aarteng asawa mo?" pagtatama ni Jay sa sinabi niya.
May kumatok... ngunit pagkatapos bumukas ang pinto na di man lang hinintay na pagbuksan siya. Ang taong gumagawa lang naman ng ganyan ay si Carlos.
" Speaking of that matter, Carlos..."
" Nakahanda na ang lahat para bukas."
"... Tss.. I am asking about my bride."
" Your fake bride. Wala pang alam ang kapatid ko, pero nasisigurado ko na papayag siya."
" Kapatid mo talaga Carlos?" si Jay.
" Yes. May advantage din to dahil Once na inayos ang arrange marriage ng kapatid ko sa pamilya ninyo Jeff."
Ngumiti ako kay Carlos.
True... at hindi sa akin ang Arrangement na yun kundi kay Jian. Pero once yun... noong okey pa ang pamilya nila na nakikibaka din sa digmaan ng negosyo.
" True. At para kunti lang ang nakakaalam."
" Kilala mo ang kapatid niya?" tanong sa akin ni Jay.
" No. Pero kilala ko si Carlos."
" Wait. Maganda ba ang kapatid mo?." tanong bigla ni Jay kay Carlos. Na sumilay ang ngisi sa labi.
" Tss... What kind of question is that Jay. Kailangan talaga itanong... tss."
" Sabagay... gwapo ka... ibig lang sabihin maganda nga." si Jay.
" Saka she even a candidate for a wife of Jian. Di lang natuloy."
" Psshhh... Huwag nga ni.yong pinag uusapan ang kapatid ko. Wala siyang alam sa Marriage arrangement na yan."
" ... kaso protektado masyado ni Carlos." kumento ni Jay.
" Well, importante sa akin ngayon na plansyado ang lahat lalo na ang pag arte ng bawat isa. Ayoko may sumira sa plano ko. Kundi... patay talaga sa akin ang sino mang mangahas."
Saka taimtim ko na hinigop ang tsaa.
Oo, sarili kong pamilya ang kalaban ko sa larong ito.
@ International_Pen