webnovel

Chapter 7

Chapter 7

"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.

Nalampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito.

"Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.

Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi.

"Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."

Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo."

"Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."

Niyakap siya nito ng napakahigpit. Lihim siyang napahikbi at napaiyak dahil sa sinabi nito. "Mahal na mahal ko rin ho kayo ni Itay, Inay."

Kumawala siya sa yakap nito saka siya nagpalinga-linga sa paligid. Saan ang Itay Ronulos niya?

"Nay? Si Itay saan? Bakit wala pa ho siya?"

Hinawakan ng kaniyang Inay Victoria ang kulubot niyang kamay saka pinisil nito iyon.

"May pinuntahan lang ang Itay mo, anak. Huwag kang mag-alala. Babalik rin siya, sa ngayon maghanda na tayo ng kakainin nating hapunan. Para pagdating niya kakain na tayo, halika na."

Tumayo naman na siya sa kaniyang kinauupuan saka sumunod sa kaniyang Ina na nauna nang tumungo sa kanilang kusina. Hindi niya mapigilang ngumiti at magpasalamat sa Diyos na nasa taas.

Maraming salamat po at binigyan niyo ako ng napakabait na Ina at Ama. Maraming salamat.

"ODDY! ODDY! Oddy!" Rinig na rinig niya ang boses ni Olcea at Adeva na tumatawag sa kaniya.

Nasa kabilang hallway ang mga ito habang may bitbit na mga libro. Napalunok siya ng kaniyang laway nang mapatingin siya sa hindi kalayuan. Kitang-kita niya kung paano siya pagmasdan ni Connor at ng mga kasamahan nito.

Bigla na namang sumilakbo ang kaba sa kaniyang dibdib kung kaya't umiwas siya sa direksyon nila Olcea at Adeva. Bumalik siya sa kaniyang pinaggalingan kanina at umiba na ng direksyon.

Hanggang maari iwasan niya na simula ngayon si Olcea. Ayaw niyang madamay ito sa masamang palno ni Connor kapag lumapit pa siya rito.

Kakayanin niya kahit napakahirap at napakasakit, basta para lamang kay Olcea sa kaligtasan at kapakanan nito. Kahit kapalit 'nun ay ang kaligayahan niya at pag-ibig rito.

Bakit ba kasi siya ang pinupunterya ni Connor eh, sa tutuusin wala siyang kalaban-laban rito pagdating kay Olcea. Hindi hamak na mas siya ang gugustuhin ni Olcea kesa sa kaniya.

"Oddyseus! Sandali lang!"

Mas binilisan niya ang kaniyang paglalakad nang marinig niyang muli ang pagtawag sa kaniya ni Olcea. Pakiramdam niya may humahabol sa kaniyang daga dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang dibdib.

Wala naman siyang ginagawang kasalanan kina Olcea at Adeva pero bakit ganoon na lamang ang kakaiwas niya sa mga ito? Hindi narin niya naiintindihan sarili niya kung bakit siya sumusunod sa usapan nila ni Connor.

Lumiko siya sa isang corridor para maiwasan sina Olcea at Adeva na sumusunod parin sa kaniyang likuran mula sa kabilang hallway.

"Oddy! Sandali lang! Oddy! Ano ba!" sigaw ulit ni Olcea na mukhang malapit na sa kaniyang likuran.

Lumingon siya at tanaw niya ang dalawang mag-pinsan na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Agad siyang napatingin ulit sa pwesto ni Connor at doon parin ito. Nanatiling nakamasid sa kaniya.

Nilunok niya ang sariling laway at lakas loob na tumalikod kina Olcea at Adeva. Hangga't kung kaya niya pa iwasan si Olcea gagawin niya. Huwag lang ito mapahamak dahil sa kaniya.

Liliko na sana siya sa isang koridor nang bigla siyang hablutin ni Olcea sa kaniyang braso at dagli siyang pinaharap.

Taranta siyang umiwas rito ng paningin saka nangingijig ang kaniyang buong katawan. Lagot! Naabutan siya ng dalawa. Anong gagawin niya ngayon? Anong gagawin niya para makawala sa mga ito.

"Bakit mo kami iniiwasan, Oddy? May problema ba? Sabihin mo lang para aware naman kami ng pinsan 'kong si Adeva.."

Yumuko siya saka tumingin siya sa ibaba. Binawi niya ang kaniyang kamay na mahigpit na hawak-hawak ni Olcea.

"Sorry, Olcea. Pero hindi niyo na ako magiging kaibigan pa. Layuan niyo na ako," malungkot niyang wika sa mga ito na siyang ikinagulat naman ng kaniyang kaharap.

Takang-taka siyang nilapitan ni Olcea pero agad siyang lumayo mula rito. "Pero, Oddy —"

"Mas mabuti na ang hindi natin kilala ang isa't isa, Olcea. Kesa magkilala tayo na marami namang humahadlang... Ikinagagalak kitang makilala, Olcea. At ang iyong pinsan na si Adeva. Ngunit hanggang dito na lamang, paalam."

Nanginginig ang buo niyang katawan. Isang patak ng luha ang lumabas sa kaniyang mga mata. Matapos talikuran ang babaeng mahal na mahal niya at kaniyang pinaka-iibig.